Nauwi sa inuman ang hindi inaasahang pagtatagpo ng dalawa. Siguro dahil sa pareho sila naghahanap ng kaibigang makakausap.
Nawalan na ng ganang umalis si Jaime dahil sa flight nyang nadelay at hindi naman makauwi si Carl dahil hindi nya alam paano haharapin ang pamilya.
"Pareng Carl, kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang malaman ang nangyari dyan sa paa mo?"
Tanong ni Jaime na kanina pa curious sa paa nya.
Sumeryoso si Carl, tapos ay makikita mo ang magkahalong emosyon sa mukha nya. Galit, inis pagkaawa sa sarili at takot ng maalala ang paa nyang kanina pa nya sinusubukan kalimutan kahit na kumikirot ito.
"Okey lang Pre kung ayaw mong pagusapan! Inuman na lang tayo! Hehe!"
Hindi pa rin nagbago ang itsura ni Carl hanggang sa ..... magsalita ito.
"Hindi ko rin alam kung anong nangyari Pare!"
"Huh?"
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Carl dahil biglang kumirot ang sugat nya! Oras na siguro ng paginom nya ng gamot, bigla kasing kumirot ng matindi!
"Pasensya na Pare kung na offend kita, hindi ko sinasadya!"
Paliwanag ni Jaime sa pagaakalang naiinis ito sa kakulitan nya.
"Hindi ako na offend Pare, kumikirot kasi eh!"
"Baka kailangan mo ng uminom ng gamot!"
"Baka nga!"
Kita sa mukha ni Jaime ang pagka curious nito sa paa nya.
'Wala naman sigurong masama kung ikwento ko!'
"Pare, hindi ko talaga alam kung bakit nila pinutol ang paa ko!"
"HAAA???!"
"Pinutol nila ang paa mo ng hindi nila sinabi sayo?!"
Tinungga ni Carl ang beer na nasa kamay nya na bagong bukas hanggang mauubos ito bago muling nagsalita.
"Na injured ako sa site! Natapilok ako at namaga ang bukong bukong ko! Hindi ako nakapasok kinabukasan dahil sa sobrang pamamaga!"
Nalaman ng boss kong arabo at pinatawag ako tapos ay pinadala ako sa ospital!
Pagdating sa ospital kinunan ako ng maraming test tapos may nagpuntang duktor, may pinapipirma sa akin, sulat arabo hindi ko maintindihan!
Pero sabi ng assistant ng boss ko na sumama sa akin, kailangan ko daw pirmahan, kaya pinirmahan ko! Pagkapirma, binigyan na ako ng injection at nakatulog ako, paggising ko putol na ang paa ko!"
"Tapos .... anong sabi ng boss mo?"
"Yun nga e, pagkagising ko sinabi kaagad sa akin na hindi na ako pwedeng magtrabaho dahil sa kalagayan ko at kailangan ko ng umuwi! Binilhan na agad ako ng tiket at dito na lang daw ako magpagaling sa Pilipinas!"
"Hindi ko matanggap ang nangyari, sa isang iglap naglaho lahat! Pero sabi ng mga kasamahan kong pinoy, maswerte pa nga daw ako at paa ko lang ang nawala hindi ang buhay ko!"
Hindi makapaniwala si Jaime sa sinapit ng bagong kaibigan nyang ito. Tila nawala ang kalasingan nya ng madinig ang masakit na sinapit nito.
Kumuha sya ng isang beer, binuksan at iniabot kay Carl na tinanggap naman ng huli. Tapos ay kumuha din sya ng para sa kanya.
"Alam na ba ng pamilya mo ang nangyari sa'yo?"
"Hindi! Nasa bakasyon sila at walang tao sa bahay namin ngayon, inaya ng mga kaibigan! Kaya hindi pa nila alam na andito na ako sa pinas! Hindi ko din alam kung papaano ipapaalam sa kanila ang nangyari sa akin!"
At nalungkot na ito at napahagulgol.
"Paano na ang pamilya ko ngayon? Paano ko sila bubuhayin? Hindi ko alam kung papaano ako magsisimula ulit!
Pakiramdam ko ng putulin nila ang mga paa ko parang pinutol na rin nila ang buhay ko at mga pangarap ko para sa pamilya ko! Huhuhu!"
Awang awa si Jaime sa kaibigan. Nilapitan nya ito at tinapik tapik ang balikat.
Hinayaan nya ito hanggang sa matapos mapagod umiyak.
"Pare, huwag kang mawalan ng pagasa, magiging maayos din ang lahat!"
"Kung may maitutulong ako, sabihin mo lang!"
"Salamat Pare! Ikaw, kamusta ang pamilya mo? Hindi ba sila nalulungkot kapag nadedestino ka?"
Hindi sinabi ni Jaime na sa isang misyon sya pupunta. Sikreto kasi ang misyong, ito sya lang, ang mga team mates nya at si Col. Reyes ang nakakaalam.
Nagpatuloy si Carl sa pagkukuwento. Masaya ito pag kinukwento ang pamilya nya, makikita mong proud na proud sya.
"Naaalala ko tuloy ang mga mukha ng pamilya ko nang ihatid nila ako, lahat sila nalulungkot at pinipigil ang pag iyak! Siguro ganun din ang pamilya mo sayo!"
Si Jaime naman ang nagsimulang malungkot ng maalala ang pamilya nya.
At sya naman ang nagsimulang magkuwento.
"Mahal ko ang asawa ko at ang mga anak ko pero naging ambisyoso ako kaya hindi ko namamalayan, lumayo na pala ang loob nila sa akin! Hindi ko ngayon alam kung paano magsisimula, gusto kong maibalik ang loob nila sa akin.
Kaya tinanggap ko ang madestino sa malayo para makapagisip pero aminado akong hindi buo ang loob ko na umalis! Buntis kasi ang asawa ko at nalaman kong delikado ang pagbubuntis nya ngayon!"
"Ha? Buntis ang asawa mo? Congrats! Diba good news yan, pangilan?"
"Pangatlo!"
"Pareho tayo, tatlo din ang anak ko 2 lalaki at isang babae at mahal na mahal ko sila! Hindi ko sila ipagpapalit sa kahit ano! Para sa kanila gagawin ko ang lahat makita ko lang ang mga ngiti nila!"
Tila nabuhayan si Jaime ng madinig ang sinabi ni Carl. Bigla nyang na miss ang pamilya nya.
Agad nyang kinuha ang cellphone nya at binuksan. Madaling araw na yun pero nakaramdam sya na gusto nyang kamustahin ang pamilya nya.
Hindi pa umaabot ang isang minuto nag ring na ito.
"Hello, Jaime?!"
"Papa, bakit po?"
"Bakit? Hindi mo pa ba alam ang nangyari sa anak mong si Kate? Muntik ng mabaril! Asan ka ba?"