webnovel

Do Your Homework

Lalong umingay ang social media ng mabasa ang post ni Eunice.

Napaka arogante naman ng batang yan!"

"Hindi talaga sya dapat maging best Entrepreneur of the year ngayon o kahit kailan!"

"Ang yabang yabang, naku naku naku! Ano ba ang ipinagmamalaki nya?"

Pati ang buong committee ng nasabing organization na humahawak sa awarding na ito, nadismaya sa post ni Eunice.

"Hindi ako makapaniwala, pinagmumukha nya sa atin na wala tayong kwenta!"

"Masyado nya tayong minamaliit!"

Dahil naramdaman nilang niyurakan sila, nagsalita na rin ang organization.

"Ang Young Entrepreneur Leadership Organization ay nabuo upang parangalan ang mga natatanging indibidwal na sa batang gulang pa lang ay nakitaan ng husay at galing sa pagiging isang mahusay na entrepreneur.

Maaring sa iba ay hindi mahalaga ang aming ginagawa dahil isinilang sya sa buhay na marangya, ngunit hindi LAHAT ay nabibiyayaan ng ganitong kaswerteng pinagmulan.

Pero dahil sa intensyon naming makatulong hindi na namin inisip kung ano ang pinagmulan ng isang tao."

~ Young Entrepreneur Leadership Org.

"Masyado naman mild ang sinabi mo, diniretsa mo na lang sana!"

"Tama! Masyado syang arogante, akala mo naman may ipinagmamalaki!"

"Ayan Jason, anong masasabi mo sa nominee mo?"

Si Jason kasi ang nagbigay ng pangalan ni Eunice sa listahan.

Hindi nakapagsalita si Jason, maging sya ay nadismaya din sa post ni Eunice pero sa tingin nya hindi dapat sinagot ng committee ng ganun si Eunice.

Para kasing inamin ng organization na totoo ang sinabi ni Eunice na walang tiwala sa kanya ang mga organizer.

"Ngayon tingnan ko lang kung anong gagawin ng Eunice Perdigoñez na yan!"

"If she think that she don't need us, we don't need her too!"

Nabasa ni Earl ang post ng organization at natawa na lang sya.

"Sir Earl bakit po kayo natatawa sa post ng organizer?"

Tanong ng secretary nya.

"Kasi, ang pinalalabas nila na binubully sila ni Ms. E, but the truth is, sila talaga ang bully!

Masyado nilang minamaliit si Ms. E dahil sa pagkakasama ng name nya sa list ng Best Entrepreneur of the year kaya nya ipinitatanggal ang name nya!

Tapos ngayon sila pa ang may ganang magalit? If they do their homework well, they'll find out how good she is!"

Hindi ito matanggap ni Earl.

'Anong karapatan nilang ibully ang Ate ko?'

Kaya hindi na nagpaalam si Earl, sumagot ito.

To the Young Entrepreneur Leadership Organization.

Gaya nga ng sabi nyo, "dahil isinilang sya sa buhay na marangya" kaya hindi kayo naniniwala sa kakayahan nya!

So, sa tingin nyo ba gugustuhin pa ng isang tao na mapasama sa list kung alam nyang minamaliit na sya?

And just for the record, you are the one who's bullying her! So why don't you do your homework fist and stop this bullsh*t that she is the one who's bullying you!"

~ Earl Perdigoñez.

Nagulat ang organizer sa matapang na sagot ni Earl.

At si Eunice .... wala na naman syang malay na nagkakaroon ng tensyon dahil sa kanya.

Masyado syang busy dahil malapit na ang party sa Hacienda Remedios at kailangan nyang maiayos ang lahat bago sya umalis.

*****

Nakakainis na sya ha!"

"Bakit hindi na lang sya manahimik!"

BLAG!

Nagulat ang lahat ng biglang bumukas ng malakas ang pinto.

"Ipaliwanag nyo sa akin, sino ang nagsimula nito?"

Singahal ng bagong dating.

Sya ang kasalukuyang presidente ng Young Entrepreneur Leadership Organization.

Si Debbie Alonso.

"Madam President, nagkamali po kasi kami naisama ang name ni Eunice Perdigoñez!"

"Una pa lang dapat hindi na namin sya naisama!"

"Pero bakit umabot sa ganito? Two days na lang awarding na, naisip nyo ba ang nangyayari?"

Tanong ni Madam Debbie.

Naintindihan nila ang ibig sabihin ni Madam Debbie.

Two days na lang awarding na at nakapili na ang panel of judges na kinuha nila ng mga winner.

Ready na ang lahat pero paano kung si Eunice pala ang napili nila, hindi kaya sila magmukhang katawa tawa?

Tyak pag si Eunice ang manalo iisipin ng mga tao na may daya ang award.

At sa simula pa lamang ito na ang ikinatatakot nila dahil malaki ang possibility na manalo si Eunice.

Pero si Madam Debbie alam na nya ang results at si Eunice nga ang nanalo, kaya ganito na lang ang galit nya sa mga nangyayari.

Anong gagawin nya, alangan naman palitan nya ang results?

Ano man ang gawin nila para maayos ito, masisira at masisira pa rin ang organization sa mga tao.

Natahimik ang lahat.

"Anong nangyari bakit para kayong nalugi?"

Napalingon ang lahat at sabay sabay silang napatayo ng makita kung sino ang dumating.

Si Doña Isabel Saavedra ang founder ng Young Entrepreneur Leadership Organization na ito.

"Magandang araw po Doña Isabel!"

Sabay sabay na bati nila.

"Magandang araw din sa inyo! Bumalik na kayo sa pwesto nyo!"

"Doña Isabel duon po tayo sa office!"

Aya ni Madam Debbie.

"Huwag na Debbie, mas gusto ko dito! Gusto kong makausap ang lahat!"

Kinabahan si Madam Debbie.

'Mukhang may alam na sya kaya sya nagpunta dito!'

"Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ako naparito!"

"Eh, Doña Isabel, paumanhin po, mukhang hindi ko napamunuan ng tama ang organization!"

Sabi ni Madam Debbie.

"Huwag mong isipin yan, hindi ako naparito para husgahan ka at hindi ko rin binuo itong organization na ito para mang husga ng tao!"

Nagkatinginan sa isa't isa ang lahat, nakakaramdam sila ng hiya.

"Mukhang ako ang nagkamali dahil hindi ko naipakita sa inyo ang dahilan ko kung bakit ko binuo ang organization na ito!"

Sabi ni Issay.

"Huwag nyo pong sabihin yan Doña Isabel! Kung nag imbestiga sana kami ng mas maayos .... "

Sabi ni Madam Debbie.

"Sino ba ang nag nominee sa kanya?"

Tanong ni Issay.

"Sya po!"

"Sabay turo ng lahat kay Jason na parang sinasabi nilang sya ang may kasalanan ng lahat.

Nakaramdam tuloy ito ng hiya si Jason ng makitang nakaturo ang lahat sa kanya.

Si Issay o si Doña Isabel ay kinikilala nyang mentor, hinahangaan nya ito ng sobra.

"Jason, ikaw pala ang dahilan kaya napasama ang pangalan ni Eunice sa list. Pwede ko bang malaman kung ano ang dahilan kaya mo sya isinama?"

Mahinahong tanong ni Issay.

Feeling nya tuloy kinakausap sya ng nanay nya.

"Eh, Doña Isabel, kasi po pumasa naman po sya sa categories."

Sagot ni Jason.

"Yes, i know! Lahat naman sila pumasa sa categories pero ano ang reason bakit sya napasama sa top 10 list?"

"Dahil po sa 500 Million na net worth nya!"

"Nope 1.5!"

"Po?"

"1.5 Billion ang net worth ni Eunice Perdigoñez as of yesterday morning!"

Sagot ni Issay.

"HUH???!!!"

"Totoo ba 'to?"

"Kung ganun .... "

Hindi nila masabi pero tyak na nila ang panalo ni Eunice.

Nangiti si Issay ng makita ang hindi maipaliwanag na itsura nila.