Nagmamadaling bumalik si AJ sa restaurant, nagaalalang baka lalong sumama ang loob ni Eunice kapag hindi agad sya nakabalik.
Pagdating ni AJ ng resto, sa likod ito dumaan. Hindi muna ito umakyat, dumiretso ito sa kitchen para kunin ang blueberry cheesecake sa ref na ginawa nya kagabi para kay Eunice.
"Sir AJ, ano pong ginagawa nyo dito sa kitchen? Kanina pa po kayo hinahanap nila Ms. Eunice!"
Tanong ni Dexter ng makita sya.
"Shhh... huwag ka ngang maingay dyan! May kinuha lang ako, ibibigay ko kay Coffee ko!
Nasa taas ba sya?"
Sabi ni AJ.
"Haaay, si Sir AJ ang super sweet talaga! Opo Sir nasa taas pa po silang tatlo hinihintay po kayo! Mukhang may mahalaga kayong pagusapan, kaya bilisan nyo na pong umakyat!"
Sagot nito kay AJ.
"Si Coffee ko, galit ba?"
Muling tanong ni AJ habang inaayos ang blueberry cheesecake sa tray, naglagay pa ng vase na may tulip.
"Ay Sir, naku, naku! Kung alam nyo lang po ang nangyari kanina! Haynakupo, grabe ang pagtitimpi ni Ms. Eunice! Sa tingin ko nga po galit yun, nagpipigil lang"
Kinabahan si AJ ng madinig ang sinabi ni Dexter. Nagmadali tuloy itong umakyat dala ang tray na may blueberry cheesecake at vase na may tulip. Akala nya kasi sa kanya galit si Eunice.
"Ehem!"
Napatingin sila Mel, Kate at Eunice sa may pinto.
"Buti naman at bumalik ka na AJ! Marami kang dapat ipaliwanag!"
Sabi ni Kate sa kanya.
"Tama si Kate MyLabs ko! Bakit ba kausap ka lang namin tapos malalaman namin nasa presinto ka na pala!"
Dugtong ni Mel.
Nangingiti naman si Eunice sa mag jowa.
"Pasensya na po, may inasikaso lang na need ng immediate attention ko!
Coffee ko, here, para sa'yo! Blueberry cheesecake, huwag ka ng magalit sa akin, please!"
Panunuyo ni AJ kay Eunice.
"Teka sandali lang! Bakit si Eunie lang ang meron, eh tatlo kaming iniwan mo dito ah?!"
Nakakunot ang noo na tanong ni Kate.
"Sissy, mukhang masarap yan! Pahingi naman, please!"
Natatakam na sabi ni Mel.
"Ayoko nga! Bigay 'to sa akin ni Milky ko!"
At inakap pa nito ang blueberry cheesecake saka inilayo sa kanila, wala talagang planong mamigay.
Natuwa naman si AJ sa ginawang pagtanggi ni Eunice.
"Ibig bang sabihin nyan, Coffee, hindi ka na galit?"
Hindi naintindihan ni Eunice kung bakit iniisip ni AJ na galit sya sa kanya pero sinakyan na lang nya ito.
Tumango sya.
Baka kasi bawiin pa ni AJ ang blueberry cheesecake nya.
Nahimasmasan naman si AJ na kanina pa kinakabahan. Kinuha nito ang kutsarita at kumuha ng kaunti sa blueberry cheesecake saka isinubo kay Eunice.
"Hoy magsitigil nga kayong dalawa dyan! Daig nyo pa ang mag jowa kung umasta! Bakit kayo na ba, ha at nang iinggit kayo dyan?"
Protesta ni Kate.
"Oonga! Saka mamigay naman kayo! Ano ba? Pinatatakam nyo lang kami, naglalaway na ako dito!"
Reklamo naman ni Mel.
Natawa sila AJ at Eunice sa dalawa.
"Huwag kayong magalala, meron pa naman sa baba! Ipapakukuha ko na lang kay Dexter!"
Nangingiting sabi ni AJ.
At tinawagan na nito si Dexter para iakyat ang natitira pang blueberry cheesecake.
"Aysus pag si Eunice special delivery! Ganun?"
"Kate MyLabs, huwag ka ng mag react dyan baka magbago pa isip ni AJ Dude, bawiin pa nya! Hindi pa tayo makatikim! Mukha pa naman masarap yun!"
Pagdating ng Dexter dala ang blueberry cheesecake, tuwang tuwa ang mag jowa dahil tigiisa sila.
Pinagkwentuhan nila ang mga nangyari kanina pati ang nangyari sa presinto.
"Milky, may itatanong ako sa'yo. Bakit hindi mo sinabi sa akin ang ginawa ni Jeremy bago ka umaksyon?"
"Kasi, Coffee ko, wala ka naman talagang kinalalaman sa nangyari kaya hindi na kita inabala. Saka responsibilidad ko ang restaurant na ito kaya ako umaksyon agad! Naisip ko kasi, kung kay Jeremy lang matataranta na ako, paano pa kaya kapag may dumating sa restaurant na ito na mas matinding problema?"
Nangiti si Eunice.
'He's learning! Tama ang sabi ni Daddy, one day Milky will be a great businessman!'
*****
"Mukhang nangungulit na sila!"
Usal ni AJ kay Eunice habang nagdadrive.
Pauwi na sila at sya ang maghahatid kay Eunice dahil coding ito.
Pag si AJ naman ang coding si Eunice naman ang naghahatid sa kanya.
"Ano kaya Coffee kung sabihin na natin sa kanila?"
Dugtong pa nito.
"Ang alin?"
Naguguluhang tanong ni Eunice.
"Na malapit mo na akong sagutin!"
Sabay tingin nitong nakangiti kay Eunice na kitang kita pa ang dimple nyang malalim.
Napanganga si Eunice sa sinabi ni AJ.
'Anong pinagsasabi ng taong ito?'
'Paano nya nalaman na malapit ko na syang sagutin?'
Namula si Eunice pati tenga namumula.
Anim na buwan na syang sinusuyo ni AJ at aminado na syang mahal nya na rin ito.
Katunayan, gusto na si Edmund ng buong family pati ng friends nya at maraming nagaakalang SILA NA!
'Pero paano nya nalaman?!'
Sigaw ng isip ni Eunice.
'Ganun na ba ako ka transparent?'
Na conscious bigla si Eunice natataranta sya.
Nangiti si AJ habang pinagmamasdan ang nakakaaliw na reaction nito.
Hindi nya tuloy napigilan ang sarili, ipinara ang sasakyan sa tabi at saka biglang binigyan ng kiss si Eunice .... sa lips!
Namilog ang mga mata ni Eunice sa shock habang hinahalikan sya ni AJ, pero hindi nya pinigilan ang ginawa nito.
'Jusko ... '
Pinakikiramdaman ni AJ kung magagalit si Eunice pero hindi sya galit. Parangang lalo itong nahiya sa ginawa nyang pag halik.
Banayad lang ang halik na yun pero parang nakaramdam sya na kuryente sa buo nyang katawan. Hindi naman sya natakot bagkus ay parang hinahanap nya ito ng matapos.
'Kainis, nakakabitin!'
Hindi umalis sa pwesto nya si AJ pagkatapos halikan si Eunice.
Magkadikit pa rin ang mga mukha nila habang pinagmamasdan nito ang mga mata ni coffee nya.
"Mahal kita Coffee!
Hindi naman sa naiinip ako, pero ..."
"... hindi na ata ako marunong mabuhay na wala ka!"
Hindi maintindihan ni Eunice ang mararamdaman pero hindi na nya namalayan ng muling magdikit ang mga labi nila.
Kung sino ang nauna, hindi na mahalaga dahil sa pagkakataong ito pareho na nilang ninamnam ang bawat isa.