webnovel

Ang gagamiting Pain

Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa rin nagpaparamdam si AJ.

"Hoy, matandang hukluban, pwede ba ibalik mo na kami sa bahay namin! Sinabi ko naman sa 'yong wala kang mahihita sa amin!"

Singhal ni Lola Inday kay Lemuel.

Dinala sya ni Lemuel sa isang bahay na inupahan nya malayo sa Maynila.

Tatlong araw na sila Lola Inday at ang kasambahay nyang si Brenda at tatlong araw na rin nyang sinisinghalan si Lemuel na pauwiin sya dahil kahit anong gawin nito, hindi nya sya tutulungan na mahanap si AJ.

'Lintek na matandang ito, nakakarindi na!'

"At sinong tinatawag mong matandang hukluban dyan?"

"Eh, sino pa eh, di IKAW! Ikaw lang naman ang matandang mukhang hukluban dito at saka hmpfff! Ang panghe mo, maligo ka naman!"

"Aba't .... "

'Nakuuuuu, mauubos ang buhok ko dito sa bwisit na matandang 'to!'

"Hoy tanda hangga't hindi dumarating si AJ, dito ka lang! Wala akong pakialam sa'yo ang gusto ko lang lumabas sa lungga nya si AJ!"

"Ang kulit mo naman eh, sinabi ko ng hindi ko alam kung nasaan ang APO kong si AJ! At saka uulitin ko, hindi mo sya APO! Hmp!"

Sabay irap ni Lola Inday.

Gigil na gigil na si Lemuel.

"Bwisit kang matanda ka, pagdi ka tumigil sisiguraduhin kong hindi mo na makikita si AJ!"

Banta ni Lemuel.

"Hoy, matandang hukluban, hindi ako natatakot sa'yo, kaya mabuti pang palabasin mo na kami dito!"

Singhal ni Lola Inday.

"Sir, mawalang galang na po, pero mauubos na po kasi ang mga gamot na pang maintenance ni Lola Inday, kaya pakiusap, pakawalan nyo na po kami! Pangako hindi po kami magsusumbong sa mga pulis!"

Sabat ni Brenda.

"Brenda, huwag ka ngang makiusap sa matandang hukluban na yan! Kung gusto nya na tayong mamatay, hindi ako natatakot! Mas mainam nga iyon ng wala na syang kakasangkapanin para mauto ang apo kong si AJ!"

Singhal ulit ni Lola Inday.

"At sinong may sabi sa'yo na ikaw ang gagamitin ko para mapalabas si AJ?"

Napangisi si Lemuel

"Hehehehe!"

Kinilabutan si Lola Inday sa tawa ni Lemuel, halatang may masama itong balak.

At isa lang ang nasa sumagi sa isip nya .....

'Si Eunice .... !'

Tama, hindi talaga si Lola ang target nya kung hindi si Eunice.

Masyado maraming bantay na bodyguard si Eunice kaya mahirap syang dukutin. Kaya gagamitin nya si Lola Inday para makuha si ito.

Kaso, 3 days na hindi pa nagpapakita si Eunice.

Umuwi kasi ito ng Little Manor dahil nagagalit na ang Mommy nya at isang buwan na rin ng huli silang magkita ng ina.

'Ang kailangan lang, si Eunice ang mismong lumapit sa akin ng hindi nalalaman ng mga bodyguards nya!'

Kaya si Lola Inday ang gagamitin nya para makuha si Eunice.

"....at pag nalaman ni AJ na nasa akin ang lola nya at ang girlfriend nya .... tingan ko lang kung hindi ka lumabas sa lungga, magaling kong apo! Hehehehe!"

*****

Samantala.

Paalis na si Eunice ng NicEd bldg ng makatanggap ng message kay Lola Inday.

[Apo, pakibili nga ako ng mga gamot kong pang maintenance at mauubos na!]

[Wala kasi si AJ kaya wala akong mautusan] Insert reseta.

~Lola Inday

Natuwa si Eunice sa message ni Lola Inday kaya sa halip na sumagot, tinawagan na lang nya ito.

Mas gusto nyang madinig ang boses ng matanda, pero nagtataka sya bakit dinecline ang tawag nya.

Inulit nya ulit.

Ganun pa rin.

Kinakabahan na sya.

'Baka may nangyari kay lola!'

Batid ni Lemuel na baka magisip ng hindi maganda si Eunice dahil sa pagdecline ng tawag kaya nag message na lang ito ulit.

Kailangan hindi magduda si Eunice na hindi si Lola Inday ang kausap nya.

[Pasensya na apo, hindi ko masagot ang tawag mo kasi sobrang masakit ang ulo ko at kailangan ko ng magpahinga]

[Sana makapunta ka dito ngayon sa bahay. Aantayin kita]

~Lola Inday.

[Sige po Lola magpahinga na po kayo at pupunta po ako agad dyan matapos kong bilhin ang mga gamot nyo]

~Eunice

Pero si Geraldine, may alam na sa mga masasamang ginagawa ng ama.

Ilang araw na nyang pinapasundan ang amang si Lemuel, hindi kasi ito umuuwi lately sa bahay nya pero tumatawag naman.

Natutuwa syang dumating sa buhay nya ang ama, pero hindi tamang maupo na lang sya at magsa walang kibo habang pakiramdam syang hindi maganda.

At ng matuklasan nya, hindi sya makapaniwala. Ang masakit pa nun, pera nya ang ginagamit ng ama.

'Bakit nya ginagawa ito?

'Anong dahilan at kailangan nyang gawin ito?'

Labag sa batas ang ginagawa nya, paano kung madamay ako dahil pera ko ang ginagamit nya?

'Juskolord ano pong gagawin ko? Ayaw kong mawala ang lahat ng pinaghirapan ko!'

Pero hindi nya kayang isuplong ang ama lalo't nalaman nya si AJ ang dahilan kaya ginawa nya ito.

'Marahil ay ipinagdadamot ng lola na yun si AJ kaya ito umalis!'

Naalala nya na minsan nabanggit ni Lemuel sa kanya na hindi sya matanggap ni AJ kaya naisip ni Geraldine na baka hinahadlangan ni Lola Inday ang pag tanggap ni AJ sa ama.

Kailangan kong mahanap at makita si AJ, para makausap sya!'

'Baka pag nagkausap kami ni AJ, magawa kong mapagbago ang isip ni AJ at matanggap na sya nito bilang lolo nya!"