webnovel

My Beast Boss

They unexpectedly meet each other in an unexpected way. Their world suddenly turns into a hundred millions of beats when they path crossed--making them to throw back the memories from the past. Marsha Sandoval Who had a simple life. Her smile creates happiness, and brings a positive outlook to her surroundings. But the fact that she had a past life with a man who captured her heart - her whirlpool life suddenly turns into a tragic incident which makes her world turn to forget her past -- because of having an amnesia. But unexpectedly, he suddenly met a person. Making her life change and help her to recall her past, to recall their memories that they'd made. Logan Figueroa who owns a company of Empire State Corporation (ESC). Known as a Billionaire, tyrannical, arrogant, selfish - what girls are looking for in a man is what he has and his bad side is not the case. Logan is known for being a Beast boss--but suddenly his hard-hearted man also turns into a melting ice when he found the girl whom he was actually looking for so long--yes, it was her treasure. His longing heart aroused again, pounding many times because of loving the girl so much. And his heart was filled again. His beasty way became soft-hearted. Everything has changed. He doesn't want to lose that girl anymore and wants to be with her forever. Steven Montefalco. Who also owns a company. Prominent man who's the same with Logan for being a rich man. But there's suddenly came another man in Her life, which makes her to choose over that two men who leave a trace on her past. Make her to choose which who she should love, and where her heart belongs for.

Maiden_pinkish · Fantasy
Not enough ratings
79 Chs

13. The Box

Wala pang isang oras at naka-lapag na kami ng Cebu. Siguro, medyo hindi pa ako sanay na bumyahe sa mga ganitong byahe dahil hindi ako naging komportable kanina.

Nasa unahan ko si Logan habang nag-lalakad, at nasa likuran niya naman ako. Hindi manlang ako sinabayan sa paglakad. Paano ba naman kasi, sinabi ko lang naman na magpapa-albularyo ako dahil parang kakaiba ang pakiramdam ko at lalo na yung sikmura ko.

Tinanong niya ako kung bakit daw gusto ko magpa-albularyo, ayoko mang sabihin pero imbes na isekreto ko nalang ay nasabi ko sa kanya yung dahilan. Nagmumukhang halimaw na naman kasi yung aura ng mukha niya kaya medyo nadulas ako, at nagalit pa sa akin ng sinabi ko 'yon sa kanya. Ang sama! Sa ganda kong 'to, pinagalitan pa ako?

Gusto kong lapitan si Logan para humingi ng paumanhin. Tutal mabait naman ako, saka kasalanan ko naman e. Napaka-palpak ko talaga.

Huminga ako ng malalim at nagmadali akong naglakad papunta sa kanya. "Sir.." Hindi muna siya lumingon, pero nang tawagin ko ulit siya ay lumingon na siya. Bumungad na naman sakin yung masungit niyang mukha.

"If you will just talk to me nonsense, don't talk to me." masungit niyang sabi. Sabay tumalikod siya at humakbang patungo dun sa kotse na nakapa-park at nag-hihintay sa'min.

Aba't ang sama talaga nang ugali nung halimaw na 'yon! Hindi pa nga ako tapos sa sasabihin ko, bumira kagad.

Humugot uli ako ng hininga. Pumasok muna kami sa loob ng sasakyan habang yung ibang bagahe na dala-dala namin ay nakita kong bitbit-bitbit na kanina nang mga tauhan niya.

Pagka-upo ko sa loob ng sasakyan, naka-upo siya siya sa tabi ko at medyo malayo ang agwat namin. Napansin kong abala siya ngayon sa kausap niya sa cp niya nang lingunin ko siya sandali.

Agad kong iniwas muna ang tingin ko sa kanya at tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Natanaw ko ang ganda ng Cebu nang magsimula nang umanda ang sinasakyan ko. Hindi ako makapaniwalang nandito na ako sa Cebu. Matagal ko nang gustong pumunta dito kasama si Dwayne kasama sila mama at papa. Pero malabo nang nangyari 'yon, dahil wala na sila.

"Marsha.." Narinig ko na parang may tumatawag sakin. Si Logan ba 'yon? Malamang kami lang magkatabi. At malabo na yung driver yung tumawag sa akin.

Dahan-dahan akong lumingon sa likod at nakatanaw lang sa'kin si Logan. Blangko ang mukha.

Diba galit siya sa'kin? Ano kayang nakain ng halimaw na 'to at mukhang gusto niya akong kausapin?

"A while ago.." parang nagbago ang timpla ng boses niya. Hindi ko na hinintay yung sasabihin niya ng nagsalita kaagad ako.

"I-i'm sorry sir about kanina. Ayoko man sabihin na ikaw talaga yung-"

Pinutol niya yung sasabihin ko ng nagsalita siya.

"It's okay. The important is we should have to do well our job. Just forgot about it. I know that I have fault also.." pagkasabi niya 'yon. Para akong nabuhayan.

Akalain mo, isang halimaw nagpapaumanhin rin? Of course. dapat siyang magsorry, ginasgasan niya yung maganda kong mukha ko sa mga kasungitan niya 'no!

Lumapit ako sa kanya ng onti, at tumingin ako sa kanya ng diretso. "So, okay na tayo sir?" naka-ngiti kong sabi.

Umiwas siya ng tingin. "You have a lot to do regarding to our contract. Just mind it and if don't, then it will be a barrier."

So okay na talaga kami? Ngumiti ako ng malapad. Mabait rin pala 'tong halimaw na 'to. Di pa sabihin na 'oo, okay na tayo, sorry din'. Pa-arte epek pa. Well, okay lang naman. Basta nagkaka-intindihan na kami.

"And by the way, don't you call me sir, just in my name. I don't want somebody will hear that thing. It will be a big issue if they will know that we're just not in a real relationship. Do you understand?" madiin niyang sabi.

"Copy sir. Este. Logan. " sabay tumawa ako ng marahan.

After thirty minutes ay naka-rating na rin kami sa tutuluyan namin. Medyo naka-tulog ako sa biyahe saglit at nagising ako nang sikuhin ako ni Logan. Hindi ko namalayan na naka-tulog pala ako sa balikat niya. Biglang ang sama ng tingin niya sa'kin dahil sa ginawa ko nang tumingin ako sa kanya. Suddenly, Parang may kumikiliti na naman tuloy sa tiyan ko. Baka gutom lang siguro ako. Ayaw ko nang sisihin si Logan, baka sa susunod sumapi pa sa'kin yung pagka-halimaw niya.

Pinag-buksan ako ng pinto ng kotse nung isang guard. Hanggang sa nakalabas ako.

Naamoy ko na ang simoy ng hangin, nilibot ko ang paningin ko sa labas at may mga puno na ilang paligid. Natanaw ko naman ang malaking building na parang hotel. Bale ang parking kasi ng mga kotse ay medyo nasa labas banda and medyo open area.

Magkasabay kaming naglalakad ngayon ni Logan papasok sa loob ng hotel para magpa-book. Ngayon lang ako naka-punta sa mga ganitong hotel, at mukhang ang ganda pang tumira dito. I laughed a bit.

Tinulak namin ang glass door hanggang sa maka-pasok na kami sa loob.

Hinintay ko lang na magpa-book si Logan. Napansin kong nagpapa-pansin yung babaeng attendant habang nag-uusap sila sandali, parang nainis ako. Well, maganda rin naman siya dahil may make-up, pero syempre mas maganda pa rin ako 'no.

Huminga ako nang malalim. Bibigyan ko nang isang libo 'tong babaeng attendant kapag pinatulan siya ni Logan. Tignan lang natin.

Nagulat ako nang hinawakan ako ni Logan sa kamay. Para akong nakuryente na ewan. Biglang tumibok ang bandang dibdib ko.

Anong nangyayari sa'kin? Jusko! ayoko pang mamatay! Sayang ang ganda ko!

Natanaw ko yung babaeng attendant at parang ang sama ng tingin sakin. Bebelatan ko sana dahil hindi siya nagwagi. Smirk. Akala naman niya papatulan siya ni Logan. Saka sa totoo lang, wala naman talaga akong isang-libo. Haha.

Sandali naman akong napa-isip. Parang ang sama tuloy ng mga iniisip ko. Hays.

Tumungo kami sa isang room ng ituro naman samin yung isang tauhan na lalaki nitong hotel. Binuksan niya yung pinto at pagdaka'y pumasok na kami sa loob. Pag-pasok namin ay, binitawan niya kaagad yung kamay ko. Napa-tingin ako 'don at isinuksok niya ang kanyang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya.

Mukhang may sasabihin ata sakin si Logan, pero hindi ko muna siya pinansin. Agad ko munang nilibot ang buong kuwarto. Ang lawak at simple lang yung mga design dito. Sakto lang yung laki ng kitchen at kompleto pa sa gamit, ganun rin sa sala at sa ibang silid.

Sumilip ako sa bintana nang pumasok ako sa loob nang kwarto. Natatanaw ko dito yung ganda ng view ng labas. Binuksan ko nang bahagya yung windowpane at naamoy ko ang sariwang hangin.

I was so happy at parang gusto kong libutin ang buong Cebu. Pinag-masdan ko muna ang mga tanawin sa labas sandali.

Suddenly, naalala ko si Dwayne kung kamusta na siya dun habang mag-isa siya? Siguro kung kasama ko 'yon dito. Mas masaya pa sa'kin yon ngayon dito. Hays. Sana okay lang siya 'don.

Tinapos ko na ang pag-dungaw ko sa labas ng bintana at sinipat ko naman yung kama. Ibinagsak ko ang katawan ko dito at sobrang lambot. Parang ayoko nang bumangon. Ang laki kasi nang kama at mukhang tamang-tama lang na gumulong-gulong ako mag-isa dito. I smiled.

Pero sandali ay may pumasok sa isip ko.

Magkahiwalay ba kami ng kuwarto ni Logan?

"Tss. Stubborn. Nandito ka lang pala. I called you many times and you don't answering me." naiinis niyang sabi. nang bigla siyang pumasok sa loob ng kwarto habang nakapa-mulsa.

Malay ko bang kanina pa niya ako tinatawag. Hay nako, magtatalo na naman ba kami? Mag-asawa lang? joke lang syempre.

"Ok fine. I understand. Just prepare yourself because the event will happen this night, at seven o'clock. Take your snacks and I have to go somewhere. I'll be back immediately. Okay?" aniya.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Bumilis ang takbo ng puso ko at parang excited ako na hindi ko maipaliwanag.

Mamaya na ba talaga? Kailangan ko na atang mag-ready.

"Okay.." tipid kong sabi. Ayoko namang tanungin siya kung saan siya pumunta. Okay lang naman sakin kahit bukas na siya uuwi, kahit wag na siya bumalik. Joke lang. Gusto ko lang masolo yung kwarto na 'to. I smiled.

Napa-kunot naman siya sa reaksyon ko. Inalis ko kaagad ang ngiti ko sa labi.

"Well, I have to go. There's a lot of food inside the fridge. And before I get back here, I hope you're already prepared. You understand?"

Tumango nalang ako. Tumingin muna siya sandali at pagdaka'y lumabas na siya at umalis.

Sinilip ko sa labas ng kwarto kung naka-labas na talaga siya. Nang napansin kong wala na siya ay, bumaba muna ako kaagad ng kwarto at mabilis kong tinungo ang kusina.

Nang naka-tungo na ako sa ref ay binuksan ko ito at ang dami ngang pagkaing naka-stock sa loob. Ang taray ha! Paano kaya nagkaroon kaagad ng pagkain dito? Hmm.

Nakaramdam na ako ng gutom at humilab na rin ang tiyan ko kanina. Nagniningning yung mga mata ko sa mga pagkaing nakikita ko.

Masarap kaya 'to?

Kinuha ko yung kakaibang tinapay at iba pang pagkain sa ref. Inilagay ko 'yon sa plato at inilagay ko sa ibabaw ng lamesa. I prayed muna at madali kong nilantakan ang mga pagkain.

Ang sasarap ng pagkain at hindi ko alam kung ano yung ibang pagkain na kinakain ko ngayon. Baka dito galing 'yan sa Cebu. Well, basta masarap.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na yung mga plato. Naligo muna ako saglit. pagkatapos ay nagbihis. Napa-tingin ako sa orasan at napansin kong six thirty na.

Sabi sakin ni Logan kanina ay magsisimula 'yon ng seven. Sinilip ko siya kung dumating na ba siya. Pero wala pa siya.

Nasaan na kaya 'yon?

Binuksan ko ang pinto ng kwarto para silipin siya saglit sa labas. Pero wala pa talaga siya.

Naghanda nalang ako sa sarili ko. Habang naglalakad ako pabalik ng kwarto ay biglang may pumasok sa isip ko.

Nasaan pala susuotin ko?

Mabilis akong naka-rating sa loob ng kwarto. Hinanap ko sa lagayan ng mga damit at wala akong nakita.

Patay! ano ngayon ang susuotin ko?

Narinig kong may nag-doorbell at kaagad kong tinungo yung pinto.

Pagbukas ko ay bumangad sakin ang isang lalaki na naka-pang uniform ng hotel. "Good evening ma'am. Pinapa-bigay po galing kay sir Logan.."

"Thank you". Pagdaka'y sinara ko na ang pinto.

Inilapag ko muna sa couch yung box at tinignan ko muna ito, at naka-wrapped siya ng ribbon. Pagdaka'y binuksan ko kaagad yung box at kinuha ko yung naka-lagay sa loob. Napa-nganga ako sa nakita ko.

Red dress na abot hanggang paa. May hiwa yung gilid at medyo revealing yung gitna. Ang ganda pa niya tignan dahil parang kumikislap pa siya na parang mga bituin.

Napansin ko yung maliit na puting papel na naka-lagay sa box.

"Jak will fetch you there now before seven. I hope you're ready now. Remember, don't break the contract Marsha - Logan"

Nagmadali na akong nag-bihis. Patay talaga ako kapag dumating na yung susundo sakin.

Pero nasaan ba 'yong Logan na 'yon? Bigla kong naalala. iiwan-iwan niya ako dito ngayon pagkatapos papa-sundo niya nalang ako. Bakit siya nagsabi kanina na babalik siya kaagad? tss. Bahala nga siya sa buhay niya.

Binitbit ko na yung dress na susuotin ko at agad ko nang tinungo yung kwarto para mag-bihis.

I'm backkkk!!!!

Hope you like this chapter!!!

Rate

Gifts

Comment!!!

❤️

Maiden_pinkishcreators' thoughts