webnovel

My Air to breathe

Pareho lang kayo Yra! Kung ikaw ay nagising sa kama ng iba, siya naman ay nagising na may kasamang iba!

Anne_ter17 · Urban
Not enough ratings
101 Chs

Chapter 78 Memories

Ilang araw ng nakalabas sa hospital si Jion pero hindi pa ito nakikita uli ni Yra dahil hindi na niya ito binisita mula noon dahil sa sobrang kahihiyan, matapos syang halikan nito ay bigla nalang syang itinulak palayo ng walang sabi-sabi! kaya nagmamadali syang umalis at hindi na bumalik pa.

Kahit araw araw nyang tinitigan ang telepono at inaabangan kung makakatanggap ba sya ng text o tawag mula dito ay hindi sya nangangahas na manguna sa pagkontak dito, Nagkakasya nalang sya sa pakikibalita mula kay Heshi at sa magulang nito.

Lalo lang syang nakakaramdam ng lungkot sa twing makikita ang anak kahit hindi pa ito nagsasalita ng ayos ay alam niyang hinahanap nito ang amang saglit palang nitong nakakasama. Hayys! ano bang gagawin nya?

Is she really my woman? mataman pinagmasdan ni Jion si Yra habang nakasakay sya ng kotse ni Minjy sa labas ng opisina ng babae, may kinse minutos ng nakatigil ang sasakyan nya sa tapat ng establishment na yon. Mula ng halikan nya ito sa ospital ay may kung anong bahagi ng utak niya ang nagsasabing gusto nya itong makita. kaya eto sya ngayun, parang stalker na nakaabang doon at nakukuntento nalang sa lihim na panonood niya sa babae.

Pilit nililibang ni Yra ang sarili sa trabaho para hindi niya maalala si Jion kaya lang kahit anung gawin niya ay paulit ulit itong pumapasok sa isip nya. Kaya nagulat sya ng biglang mag ring ang telepono niya at pangalan nito ang lumabas sa screen niyon.

"H-hello!" atubili nyang sagot doon.

"I have some question to ask, do you have time?" anito sa kabilang linya.

"Tu-" she paused "tungkol saan?"

"About you! about the child you were saying." he continued watching her as her face brightened by the topic.

"S-sure! when are we going to meet?"

"Today, I'll pick you up!"

"Ah! pero hindi ako pwede ngayun" she looked at her watch, "hindi ako makakaalis sa opisina ko ngayun dahil wala ang kapatid ko, can we do it tomorrow?"

"Im afraid not. I'll going to start my work tomorrow so its not possible." He saw her face became restless.

Do something Yra! pagkakataon mo na to, interasado na syang malaman ang tungkol sa inyo ni Xymon! Pero pano? may hinihintay syang kliyente sa mga oras na ito! napakagat labi si Yra, "I'll go in your place tomorrow night after your work!" yun nalang ang tanging solusyon na naiisip niya.

"Okey." His victorious smile went visible as soon as he turn off his phone and start his engine. "See you tomorrow amore!"

Hindi rumerehistro sa utak ni Jion ang sinasabi ni Minjy sa kanya tungkol sa report na natanggap nito mula sa department of finance, masyadong ukupado ang utak niya para sa magaganap na 'Paguusap' nila mamayang gabi ng babaeng yon!

"Jion are you listening to me?" napukaw ang atensyon nya tanuning siya ni Minjy.

"I- I'm sorry, anu nga uli yon?"

"Seems like busy ang utak mo sa ngayon!" anito "anu bang iniisip mo?"

"I've been thinking of her." sumandal sya sa swivel chair nya para saka tumingin sa labas. "I don't know but I want to remember everything about her!"

"Wag mong masyadong pilitin ang sarili mo, maalala mo din yang lahat sa tamang panahon!" inemphasize pa ni Minjy ang huling dalawang salita.

"There's a part of me na nagsasabing totoo lahat ng sinasabi niya, kaya lang hindi ko talaga maalala." naihilamos niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha.

"Look Jion, Yra is the most wonderful thing na nangyari sa buhay mo, lalong lalo na ang anak nyo! napakarami nyong pinagdaanang dalawa at saksi kaming lahat doon." ani Minjy, "Kaya kung ako sayo focus on work muna tayo dahil malaking halaga ang nawawala sa kumpanya natin dahil sa kung sinong poncio pilatong nandurugas sa atin At yung tungkol kay Yra, wag mo ng alalahanin dahil totoo ang lahat ng sinasabi nya." nauubusan na ata ng pasensya ang lalaking kaharap kaya kinalimutan na muna niya ang tungkol sa babaeng yon.

Hindi alam ni Yra kung tama ba ang ginagawa niya, nakatayo sya sa labas ng opisina ni Jion at naghihintay na bumukas ang pinto niyon matapos siyang kumatok ng tatlong ulit. Sinadya niyang agahan ang pagpunta roon para mas mahaba ang oras ng paguusap nila. wala si Minjy sa pwesto nito kaya dumiretso na sya opisina nito.

Nang bumukas ang pinto ay iniluwa noon ang isang Medyo may edad na lalaking pulang pula ang mukha at halatang galit na galit, tumabi ng bahagya si Yra para hayaang makalampas ito sa kanya.

"Bat nakatayo kapa jan?" Ani Jion na nakatingin sa kanya mula sa table nito.

Alanganin syang pumasok sa loob dahil mukhang kagagaling lang nito sa matinding pag uusap nila ng lalaking lumabas doon. "Hello, good afternoon!" bati niya rito.

"Yra!" napakislot siya ng akbayan sya ni Minjy sa harapan ni Jion. "Pakalmahin mo ang isang yan bago gumuho itong building sa init ng ulo nyan!"

Nginitian nya lamang si Minjy dahil baka kung ano ano na naman ang ibintang sa kanya ni Jion kung makikipagkwentuhan pa siya rito.

"At lalong iinit ang ulo ko kung hindi mo pa tatanggalin ang kamay mo sa balikat niya at kung hindi ka pa lalabas ng opisina ko ngayun na!" lalong nadagdagan ang kunot sa noo nito habang nakatingin sa kanila ni Minjy.

Itinaas naman ni Minjy ang dalawang kamay tanda ng pagsunod nito sa amo niya. "Paglabas ko ba dito, ilalock ko na rin ang pinto?" tudyo nito sa kanila.

"Do whatever you want just don't let anybody get in." kasabay ng pagtaboy nito sa secretaryo.

Humakbang si Yra palapit sa sofang nasa tapat ng mesa ni Jion, she remembered how he pinned her down on that sofa before. Hindi nya maitago ang pamumula ng pisngi kaya pinili nyang tumalikod dito ng bahagya, subalit hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Jion.

"Mukhang may naaalala ka sa sofang yan!?" napalingon si Yra sa lalaki, "Do we have a lot of memories here in my office?" tanong nito.

Binasa ni Yra ang natutuyo nyang labi gamit ang dila nya bago sya napalunok ng laway. "We have!"

Creation is hard, cheer me up!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Anne_ter17creators' thoughts