webnovel

My Air to breathe

Pareho lang kayo Yra! Kung ikaw ay nagising sa kama ng iba, siya naman ay nagising na may kasamang iba!

Anne_ter17 · Urban
Not enough ratings
101 Chs

Chapter 66 My little one

Jion's POV

"Akala ko hindi kana darating?" salubong sa kanya ng Kuya Juno niya pagbaba palang niya sa kotse nya, sa simbahan na sya dumiretso pagkagaling niya sa airport. Pinilit talaga niyang makauwi para sa kasal ng kapatid kahit alam niyang magkikita silang muli ng pinakamamahal niyang si Yra.

Simula ng makipaghiwalay siya dito ay sinikap niyang huwag makibalita ng kahit ano tungkol dito, ibinuhos niya lahat ng atensyon sa trabaho at negosyo.

"Matitiis ba kita!?" niyakap niya ang kapatid.

"Ako ba talaga?" tudyo ng kuya niya.

"Syempre hindi! wala paba sya?" iginala niya ang mata sa loob ng simbahan.

"She's with Heshi, parating na sila any moment kaya chill ka lang jan." anito habang inaayos ang coat niya.

"Magsipila na po kayo aayusin na po natin ang entourage kase malapit na pong dumating ang bride." sigaw ng isang coordinator na naroroon. Isa-isa nitong inayos lahat ng nakasulat na pangalan sa papel na hawak.

Nauna sya sa pila kasunod ang groom na kasabay ang magulang nila. His heart is pounding na para bang sya ang ikakasal, alam niyang sa dulo ng pilang iyon ay masisilayan niyang muli si Yra.

"She's here!" bulong sa kanya ng kuya niya. Umayos siya ng pagkakatayo at nagpokus sa babaeng naglalakad palapit sa kanya, she is so damn beautiful! walang pagbabago, walang kupas!

"Mama!" pumailanlang ang boses ng isang cute na bata doon, "mama!" kitang kita niya kung pano nagpalinga linga si Yra para hanapin ang tumatawag sa kanya. Sinundan niya ng tingin kung saan papunta ang flying kiss ni Yra at naglanding iyon sa isang napakcute na batang lalaki na kalong ng mama ni Yra!

Nagkatinginan silang magkapatid at kumibit balikat lang ang kuya niya. Muli niyang ibinalik ang mga mata sa babaeng palapit sa kanila, pero hindi man lang siya tiningnan nito at sa halip ay nginitian nito Kuya niya bago pumunta sa pwesto niya.

"Did you saw the child?" tanong niya kay Vince at Minjy na karatig nya sa upuan.

"Alin? yung maliit na version mo?" sagot ni Vince, "Ang cute nya no?"

"Just give me a couple of minutes para makasigurado tayo!" ani Minjy na nagsimulang magtype sa cellphone nito.

Kahit gusto niyang magpokus sa sinasabi ng pari ay wala syang maintindihan dahil palagi syang napapatingin sa direksyon ni Yra at ng batang naglalaro malapit dito. Ng maglakad ang bata palapit sa bride at groom ay pinagmasdan niya itong mabuti, He really looks like him! kahit saang anggulo niya tingnan, His big doe eyes, his cute nose na parang mount everest sa tangos and his bunny smile! its exactly the same.

Nang maibigay nito ang maliit na pusong unan na pinaglalagyan ng singsing sa bride at groom ay patakbo itong lumapit kay Yra habang proud na proud naman itong niyakap ng babae at pinaghahalikan.

"Xymon Ezickiel Brijino, two years old anak sa pagkadalaga ng Ex girlfriend mo!" saad ni Minjy habang habang nagmamaneho ito papuntang reception area.

"No doubt! hindi ka baog bro! Congratulations!" tinapik tapik pa sya sa balikat ni Vince.

Abot langit ang pasasalamat niya sa Dyos! "He is my little one!" halos mahalit ang pisngi niya sa pagkakangiti.

"So anu ng plano mo ngayun? maghihintay ka pabang magbente uno yung bata bago ka kumilos?" ani Vince.

"I'll do everything para mapasaakin lang ang mag ina! kahit isumpa pa ako ng mga magulang niya, wala akong pakialam, pinagbigyan kona sila noon. This time hindi na nila ako mapipigilan."

Ilang beses niyang sinubukang lapitan si Yra sa reception ng kasal pero hindi sya magtagumpay, palagi itong umiiwas. Isang hakbang niya palapit tatlong hakbang nito palayo! She's really ignoring him. Nang makakita sya ng pagkakataon ay sinundan niya si Yra palabas habang karga nito ang bata.

"Do you need help?" Tanong niya rito dahil parang nangangawit na ito sa paghehele sa bata.

"No thanks!" sagot nito sa kanya saka iniiwas palayo sa kanya ang bata.

"How are you?"

"Okey naman ako!"

"Hindi mo ba ako kakamustahin man lang?" tanong niya rito.

"Why would I do that? kilala ba kita?" Angil sa kanya ni Yra.

Ng tinawag ng emcee lahat ng dalaga roon para sa traditional bouquet throwing ng bride ay nagkapagasa si Jion, binulungan kaagad niya ang kapatid na wag ng ihagis ang garter pag sa Yra ang nakasambot ng bouquet.

Para naman siyang pinagbigyan ng tadhana ng maglanding sa ulo nito ang bulaklak, Yes! I got you there! pinipigilan niyang mapangiti ng iabot sa kanya ng kuya nya ang garter.

Kitang kita niya how she's trying to act like its not a big deal for her, lalo na ng paupuin ito ng emcee paharap sa kanya. Mahaba ang suot nitong silk gown halos hindi kita ang paa niyo. Hinubad niya ang sapatos nito at dahandahang isinuot ang garter sa paa nito.

Ramdam na ramdam niya ang paninigas ng katawan nito sa bawat pagsayad ng daliri niya sa balat nito, lalo niyang binagalan ang pagkilos, "Open your legs wider." sabi niya rito.

"Stop it or ill kick you here!" banta nito sa kanya,. itutuloy pa sana niya pataas ng hita nito pero pinatigil na siya ng emcee dahil hindi na daw kumportable si Yra.

Sisimulan na sana silang picturan ng marinig nila ang pagtawag ng bata sa kanyang ina, "Mama pichul!" sigaw ng bata. Dali dali namang sinalubong ni Yra ang bata sa hagdan at kinarga ito.

Hindi mapigil ni Jion ang pagngiti sa bawat kislap ng mga camera roon, hes really happy dahil nakasama nya ang magina lalo na ng sabihin ng emcee na mahahalikan niya ang bata, he feels like he's over the moon! kaya ng magbilang ang emcee ay kaagad niyang hinapit palapit sa kanya si Yra at hinalikan sa pisngi ang bata.

Pakiramdam ni Jion ay ayaw nya ng bitawan ang mag ina. Pero mabilis si Yra inilayo kaagad nito ang anak, napatigil lang ito sa pagbaba sa stage para balikan sana ang sapatos nito. Dinampot kaagad niya ang sapatos at isinuot sa paa nito.

"Thank you!" anito.

He wave goodbye at the little boy who keep on staring at him. "Son!" he mouthed.