webnovel

My Air to breathe

Pareho lang kayo Yra! Kung ikaw ay nagising sa kama ng iba, siya naman ay nagising na may kasamang iba!

Anne_ter17 · Urban
Not enough ratings
101 Chs

Chapter 36 Move on

Jion's POV

Nagkakasiyan silang magkakaibigan lumapit si Caroline sa grupo nila at makisalo sa inuman. Since hindi naman ito ibang tao ay pinayagan nila iyon, masaya nilang binalikan ang magagandang alaala ng nakaraan, nang makarami sila ng ininom ay naghiwa hiwalay na silang apat, papasok na sana siya sa magiging kwarto nila ni Yra ng tawagin siya ni Caroline.

"How's your girlfriend?" tanong nito sa kanya.

"She's fine!" sagot naman niya rito.

"She's so lucky! by just one look, and I know that youre so inlove with her!" namumungay ang mga matang sabi nito sa kanya.

"No! that's not true, Im the one whose lucky!" naiiling niyang sabi dito, " because she fell inlove with the man like me!"

"Dati rati iniiyakan mo pa ako nung nalaman mong may boyfriend na ako! pero ngayun, ikaw na ang iniiyakan ng mga kababaihan!" natatawang sabi nito. "Alam mo kung alam ko lang na lalaki kang ganyan kagwapo sana iniintay nalang kita, baka sakali pang naging masaya ako!" biglang naging malungkot ang tinig nito.

"Why? hindi kaba masaya sa boyfriend mo ngayun?" tanong niya rito, may kutob siyang iyon ang dahilan kaya ito bumalik sa Pilipinas.

"I just found out that he's having an affair to his secretary, and when i confronted him he beats me that's why I lost the baby in my tummy." unti- unting naglaglagan ang mga luha nito. "I decided to come back para makabawi sa emotional trauma na dinulot sakin ng pagkawala ng anak ko."

Speechless si Jion, hindi niya naisip na ganon kalala ang pinagdaanan ni Caroline sa boyfriend nito habang nasa America pa ito.

"Wag ka ng malungkot" niyakap niya ang babae para icomfort ito "andito kaming lahat para sayo."

"Salamat Jion, isa kang mabuting kaibigan." tumingkayad ito at hinalikan siya diretso sa mga labi.

"Anong ginagawa nyo?" nagulat si Jion ng biglang magsalita si Yra, kaya naitulak niya palayo si caroline.

"Yra, let me explain!" nilapitan kaagad niya ito.

"Ipaliwanag ang alin? Ang pakikipaghalikan mo sa ibang babae habang nalingat lang ako sandali?" maanghang na sagot nito.

Wala siyang ibang nasabi kundi "Im sorry"

"Tigilan mo na ang pagsosorry Jion dahil hindi matatanggal ng sorry mo ang sakit na nararamdaman ko." Bago ito pumasok sa kanilang kwarto.

Sinundan naman niya ito doon, kaya ibinuhos sa kanya ni Yra ang galit nito. Hinayaan nya lamang na batuhin siya nito dahil baka maiibsan ang galit na nararamdaman nito, kahit ng batuhin siya nito ng cellphone at tinamaan sa mukha ay binalewala niya.

"Bakit mo nagawa sa akin to Jion? bakit?" pinanood niya ang nobyang gumulong sa sahig.

Wala na siyang magawa kundi ang lumuhod sa harapan nito at humingi ng tawad dahil hindi naman niya kayang ipaliwanag ang nangyari.

"Wala na tayong dapat pagusapan pa at dahil hindi rin naman kita kayang patawarin sa ginawa mo, mas mabuti pang maghiwalay nalang tayo." parang gumuho ang mundo ni Jion ng marinig niya ang sinabi ng nobya.

"Wag mong gawin sakin to mahal ko!" gusto sana niya itong yakapin pero itinulak sya nito palayo.

"Sana naisip mo yan bago ka nakipaghalikan sa babaeng yon!"

Hindi niya alam kung pipigilan ba niya ito o hindi dahil alam niyang lalo lamang itong magagalit. Sinundan niya ito paglabas ng silid ng sinalubong ito ni Caroline.

"Hindi niya ako hinalikan Yra. I kissed him, I took the initiative to kiss him. He didn't kissed me back." Paliwanag nito.

Tiningnan lamang ito ni Yra ng masama, "I dont care Who kiss who! kung hinalikan mo siya at hindi ka niya pinigilan ibig sabihin ginusto nya rin iyon, kaya wag ka ng magpaliwanag." tinabig ni Yra si caroline kaya bumagsak ito sa sahig. "Wag niyo na akong subukang pigilan kung ayaw ninyong masaktan." pinigil niya ang sariling itayo si Caroline kung hindi ay baka magwala na si Yra.

Pagbaba nito sa hagdan ay nakasalubong nito si Minjy, "Hey what happened?"

"Minjy, ipapadala ko sayo bukas ang resignation letter ko. Papirmahan mo sa boss mo."

Gusto niyang habulin ang nobya pero alam niyang hindi ito paawat, at isa pang dahilan ay nasa labas lamang ng bahay na iyon ang cottages ng mga empleyado at hindi magiging maganda kung makikita sila ng mga itong nag aaway, kaya inutusan niya si Minjy na ihatid ito saan man nais magpunta ng dalaga.

Yra's POV

Mula ng gabing inihatid siya ni Minjy sa apartment niya ay hindi pa lumalabas ng bahay si Yra, hindi siya kumakain at bumabangon lang siya sa kama pag umiinom ng tubig o kaya ay maliligo. Ilang araw na syang gano? ah, hindi nya na mabilang.

Hindi mawala ang sakit na nararamdaman ni Yra kahit gaano kadaming luha ang ilabas ng kanyang mga mata, pero kailangan niyang kumilos dahil may pamilya siyang kailangan suportahan at isa pay hindi titigil sa katutunog ang doorbell ng pinto niya kung hindi nya iyon bubuksan.

Ng makita niya sa peephole na si Heshi ang nasa labas ay binuksan niya ang pinto.

"Hindi ka pa ba tapos magluksa?" bungad nito sa kanya pero nagbago ang itsura nito ng makita ang mukha niya. "Jusmiyo kambal!" kaagad siyang inalalayan nitong makaupo sa sala.

Halos hindi na sya makatayo ng tuwid at wala ng lakas ang kanyang katawan.

Dali dali nitong iniinit ang dalang sopas pagkatapos ay pinilit siyang pakainin.

"Pambihira ka, saglit ka lang nawala sa paningin ko ganyan na agad ang nangyari sayo!" pinagalitan siya ng kaibigan. "Kung hindi pa kita pinuntahan baka tumarak na ang mga mata mo dito."

Nginitian lamang niya ang kaibigan, nagpapasalamat sya kase dumating ito maski paano gumaan ang pakiramdam niya.

"Anung Plano mo?" tanong nito sa kanya ng makapamahinga siya at nalinis na ang pinagkainan niya.

" Kailangan ko ng maghanap ng trabaho," wala sa loob na sagot niya rito.

"Sige dating gawi, sabay uli tayung mag apply ng trabaho. Ilang buwan na rin akong nagpapart time sa bar ni Juno, kailangan ko na rin ng tunay na trabaho." sang ayon nito sa kanya.

No matter what kailangan niya mag move on. Hindi lang para sa kanya kundi para sa mga kapatid niyang nagaaral pa, alam niyang hindi naman titigil ang mundo para sa kanya.