webnovel

Musmos [BL]

Si Jeremy Alvarez ay may kaibigang matalik na tinuring siyang nakababatang kapatid na lalake na nagngangalang Dexter Chua ngunit kahit minsan ay hindi pa niya ito nakikita. Matagal niyang inasam ang pagkakataong sila'y magkita ngunit nanatiling hanggang sa pagiging textmates lang ang kanilang pagkakaibigan at kapatirang turingan. Sa kanyang pagnanasang makilalang personal ang kanyang misteryosong kaibigan ay kinailangan niya rin pagdaanan ang lahat ng hirap ng buhay at ang katotohanan sa kanyang sarili na hindi niya unang akalain. Tunghayan kung ano ang pagdaraanan ng isang adik sa paglalaro ng computer at kung paano niya tatanggapin ang mga bagay sa kanyang buhay.

wizlovezchiz · LGBT+
Not enough ratings
23 Chs

Musmos - Chapter 05

Napuno nang ligaya ang aking umaga kahit namamaga nang sobra ang aking mga mata. Akala ko ay magpapatuloy pa rin ang buong araw kong kahapon na puno ng pananaghoy. Agad akong naghanda ng sarili para lumuwas upang tangapin ang anyaya ni Dexter na sa akin ay makipagkita na.

Binaybay ko ang kalsada mula sa amin hanggang sa sakayan ng jeep na nalapit kila Kevin na tila nagmamadali at ang mga yapak ko ay tila hindi na dumadapo pa sa sahig sa naramdamang ligaya. Nagsunglasses ako para maitago ang maga kong mga mata. Sa aking paglalakad, tinext ko si Dexter para malaman niyang makikipagkita ako sa kanya sa takda niyang lugar.

"Kuya, ppnta n po ako s skyn ppntng Alabang d2 s amin. Hndi n ko mkpghnty s pgkktaong s wks ay mkkta n rn kta! Alm m b kuya? Sobrng nsktan me s hndi m gnwang pgsipot s akn khpn s Lyceum. Hnintay kta hnggng 930 kgbi. Iniisp ko n lng ay bk may imprtnt kng inasikaso khpon kya di mo ko npnthn. I love you kuya Dexter!." habang nakangiting tinapos ang mensahe para sa kanya.

Nakasakay na ako ng jeep at nasa biyahe nang papuntang Alabang. Halos makarating na ako sa Metropolis kung saan nagbababa ng pasahero ang jeep ngunit wala akong natanggap na reply mula sa kanya. Dumako na ako sa bandang palengke ng Alabang upang makasakay ng jeep papuntang SM South Mall. Natraffic ako ng kaunti ngunit natural na iyon sa lugar na iyon. Lagpas pa lang ng Alabang Town Center ay mabagal na ang daloy ng trapiko.

Hindi nagtagal ay nakarating din ako sa SM South Mall at nagmamaladaling pununtahan ito. Sa main entrance ng mall ay kita mo na agad sa bandang kaliwa ang Yoshinoya. Hindi muna ako agad pumasok doon sa halip ay nagtext agad ako kay Dexter.

"Kuya, and2 n po ako s Yoshinoya sa SM South Mall.Excited n akng makita k!! Ang bilis ng kabog ng dibdib ko ngyn." at nakadama na agad ako ng matinding pagkainip sa kanyang pagdating. Tumayo lang ako sa tapat ng Yoshinoya habang minamasdan ang mga mukha ng mga lalaking nalabas-pasok sa mall. Hindi ko mapigilang ngumiti sa excitement na makilala na siya.

Lumipas ang isang oras at napagisipan ko nang pumasok muna. Nagorder na ako ng kaunting meryenda para maibsan ang sobrang gutom na nadarama habang naghihintay pa rin sa kanya. Nakalimutan kong magalmusal sa sobrang galak na makikita ko na si Dexter. Pumwesto ako paharap sa entrance ng restaurant. Naubos ko na ang aking kinakain ngunit wala pa rin siya. Lumipas pa ang dalawang oras na ako ay naghihintay sa kanya subalit ni mensahe mula sa kanya ay walang dumating kahit isa.

Nagsumlang bumalik ang aking poot na nadarama. Hindi ko na mapigilang maluha sa akalang inindyan niya ako. Hindi niya ako sinipot sa aming pagkikitang siya mismo ang nagyaya. Buti na lang kakaunti lang ang tao sa Yoshinoya noon. Bukod sa crew, may dalawang magasawang matanda malapit sa counter na kumakain. Hinayaan ko na muna ang aking sarili na umiyak sa sakit ng nadarama. Buti na lang nakasunglasses ako kaya punas-punas lang walang takip-takip ng mukha.

Sa di inaasahang pagkakataon, dumating si Kevin at si Ron na masayang naguusap papasok ng Yoshinoya. Nakita ako si Ron at tinuro ako ni Kevin sa kanya.

"Tol! andito ka pala!...." ang bati ni Kevin nang makita niya ako ngunit nagtaka siya sa aking lagay. Nakashades, namumula ang ilong at labi, mamasa-masa ang mga pisngi.Kinausap niya si Ron bigla sa kanyang kinatatayuan at wari ko ay sinabihan niya si Ron na magorder na ng makakain nila dahil habang naguusap sila ay may tinuturo turo si Kevin kay Ron sa menu at si Ron naman ay tinuturo din ang naituro ni Kevin at tumatango si Kevin sa kanya. Matapos noon ay agad siyang lumapit sa akin. Ang ganda ng porma niya noon.

Nakapurple na t-shirt siya at faded jeans lang. Yung chucks na suot niya parehong design pero magkaiba ang kulay. Pareho kaming ganong magsapatos at ako ang nagturo sa kanya na ganon ang gawin. Kakaiba kasi at cute.

"Jeremy! mukhang may problema ka ah. Bakit ka nagiisa dito at.." bigla niyang itinaas ang aking sunglasses para makumpirma kung ako nga ba ay umiiyak. di naman siya nabigo dahil nakita niya ang luhaan kong mga mata.

"Tol, okay lang yan. Kung gusto mo, usap tayo ngayon na para mawala nasama ng loob mo." ang pagaalala na lang niya sa akin. Pilit na ngiti lang ang aking isinagot sa kanya.

"Sige na please... bakit ka umiiyak?", ang kanyang pangungulit.

"Wala to... Diba ano... basta... nga pala.. kailangan ko na umalis kasi may gagawin pa ako sa bahay." ang nasabi ko na lang na palusot upang maiwasan na mapagusapan pa si Dexter at ang ginawa niya sa akin."Isa pa, ayaw kong sirain ang date niyo ni Ron." sabay bitiw ng pilit na ngiti at umalis na nang hindi man lang pinakikinggan ang susunod na sasabihin ni Kevin. Sinaksak ko na sa aking tenga ang aking earphones at pinatugtog ang kanta ng Cueshe na "Bakit"..

Lutang na ako habang nakikinig ng tugtuging iyon. Halos wala na akong maramdaman sa sobrang sakit at ganon din ang isip ko parang wala nang tumatakbong logic.

Mabagal akong naglakad patungo sa kabilang kalsada na kaharap ng mall. Hindi ko alam kung bakit ako pupunta sa kung saan ang direksiyon ng mga sasakyan ay papuntang Parañaque. Nang makarating na ako sa bandang iyon. Naglakad lang akong patungong Parañaque, hindi alam kung saan tutungo. Matagal tagal rin na paglalakad ang aking ginawa kahit inabot na ako ng tanghaling tapat sa paglalakad ay di ko pansin ang init na tumatama sa aking balat.

Sumakay ako sa isang tricycle at sinabihan ang manong na dalhin ako sa Venice street. Tulala ako at hinayaan na lang ang sarili na magpunta don. Desidido mga paa kong makita siya kahit ang damdamin ko ay pinakawalan na siya.

Maya-maya lang ay tumigil na ang tricycle at sabi ng driver ay andon na daw kami. maliit lang ang Venice street. Nang mabayaran ko na ang driver ng aking pasahe ay inikot-ikot ko lang ang buong Venice. Pabalik-balik. Gustong katukin ang bawat tahanang nakahilera sa Venice Street. Natauhan lang ako sa aking ginagawa ng muntik akong mabangga ng isang kotseng napandaan sa kalsadang iyon.

"Nako! Makauwi na nga... letcheng buhay to!!!!" sigaw ko sa aking sarili. Nilabas ko ang aking telepono at nilabas ang sim card nito. Tinitigan ko itong mabuti at biglang tinupi sa dalawa na halos ito ay mababali na. Sa mismong katapat kong bahay ng mga oras na iyon at itinapon ko ang sinira kong sim card. Tinunton ko nang bumalik sa Alabang at bumili ng bagong sim card at matapos noon ay umuwi na ako ng Cavite.

4:00 PM na ako nakarating sa aming bahay. Dumeretso ako sa aking siid at kinuha ang isang box ng sapatos kung saan ko itinatago ang mga ibinigay sa akin ni Dexter. Nang makulekta ko na ang lahat ng mga ito ay dali-dali akong nagpunta sa harapan ng aming bahay at lahat ng ito ay aking sinunog. Habang unti-untiang kinakain ng apoy ang mga bagay na kumakatawan kay Dexter sa buhay ko hindi ko na napigilang umiyak ng umiyak. Wala na akong minamahal, walang umuunawa sa akin, walang may gustong kumalinga at magmahal sa akin, wala nang kuya, wala nang masasabihan pa ng lahat ng tungkol sa aking buhay.

Nang maging abo na lang ang mga ito ay iniwanan ko na lang liparin ang mga ito ng hangin. Tinignan ko ang aking telepono at inisa-isa ang mga numerong nakatago doon. Sa phone ko kasi nagsave ang phonebook entries ko hindi dun sa simcard na tinapon ko sa Venice Street. Nang makita ko ang number ni Dexter, tinitigan ko ito ng matagal. Pilit inaalala ang mga ala-ala ng aming pag-uusap. Napakasakit ng aking saloobin ng unti-unting bumalik ang masasayang kwento sa akin ni Dexter sa kanyang buhay at ang mga pagkakataon na ako naman ay nagkukuwento ng mga bagay bagay sa aking buhay. Hindi na sana ako humantong sa ganitong pangungulila kung hindi ko na siya pinansin noon pa. Habang buhay kong dadalin ang galit ko sa kanya sa kanyang ginawa sa aking napakasakit. He made me care so much for him and yet he never showed he cared for me at the moment that I needed him. Hindi na bilang kapatid, hindi na naging nobyo pa, kung hindi isang taksil na nilaro ako ng matagal na panahon.

Bumalik ako sa aking silid at nagmunimuni. Naisipan kong magpatugtog ng musika habang ako ay nakahilata sa aking kama. Saktong nakashuffle ang aking playlist sa akin computer at kung pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana minsan ay mismong ang Diyos ang gagawa ng paraan para sa iyo sa pagkakataong pakiramdam mo ay nag-iisa ka. Para akong kinausap ng kanta ni Mariah Carey na "Can't Take That Away'" na parang nagpalakas ng aking loob.

Habang tumutugtog ang kanyang kanta humagulgol naman ako sa pait ng aking nadarama. Sobrang sakit na. Ayoko na.

Nakapagdesisyon na akong kalimutan ang lahat sa aking nakaraan sa pagkakataong iyon. Pinuntahan ko ang aking magulang at nagsabi sa kanilang gusto kong lumipat sa mas malapit na unibersidad malayo sa maynila. Unang nirekomenda naman ni mama na sa La Salle Dasmarinas na lang ako. Kahit masakit sa tenga ang pangalan ng school, no choice ako kaya pumayag na ako sa alok ni mama.

Wala na ang sim card, wala na na ako sa school kung saan nagiwan ako ng sakit at nagkaroon ng mga kaaway, at sa school kung saan ako natukso sa kamunduhan na nagpabago sa aking buhay, na nagpatunay sa aking itinangging pagkatao. Panahon na para ibangon ang aking sarili. Alam kong mahirap at ngayon ko lang ito susuungin.

Bumangon na ako sa aking pagkakahiga at nakapagdecide na magpahangin lang sa labas. Nagikot-ikot ako walang pakay na pupuntahan. Hindi ko na namalayan na dinala na ako ng aking paa malapit sa kanto ng bahay nila Kevin.

Alam kong wala siya sa kanila ngayon dahil nakita ko sila kanina ni Ron sa SM South Mall sa Yoshinoya. Sa bandang iyon ay nakaharap sa pababang kalsada gawa ng mabundok sa lugar namin. Maraming puno ng manga sa lugar na kung saan ako natigil sa paglalakad. Napakapresko na ng hangin ngayon sa kanila. Umupo na lang ako sa guter ng kalsadang kung saan din ako naghihintay ng sasakyang paluwas ng lugar namin. Halos wala nang liwanang ng araw nang mga oras na iyon. Madalang na rin ang dumadaang sasakyan dahil sa alam ng mga bumabyahe sa amin na wala silang makukuhang pasahero sa banda ng kaslada namin sa ganoong oras kaya doon sila sa town proper ng nayon namin nagdadaan.

Dahil sa medyo mataas na ang lugar namin sa Carmona, kita sa di kalayuan ang isa-isang nagsisindihang mga ilaw sa mga bahay, building, at kalsada na kitang kita sa aking kinauupuan. Mula sa Southwoods hangang Laguna De Bay ay kitang kita ko. Pati ang malaking slide ng Splash Island ay medyo aninag din. Pinagmasdan ko lang maigi ang tanawing iyon habang kumakagad na ang dilim. Napakatahimik at napakaganda ng tanawin.

Maya-maya lamang ay may dumaang jeep at tumigil sa aking harapan. Naistorbo ako sa aking moment mag-isa. May bumaba pala ng jeep. Sa bintana ng jeep ay kita ko ang nakatalikod sa akin na pasahero ay biglang tumayo at naglakad palabas ng jeep ng nakayuko. Suot niya at purple na t-shirt. Si Kevin.

Nang siya ay makababa bigla niya akong napansin na nakatingin sa kanya.

"Oy, tol! ano ginagawa mo jan? bigla ka na lang sumusulpot ngayong araw na 'to ha. Sinusundan mo ba ako? o hinihintay mo ba ako?" sabay bitiw ng matamis, nakakaloko at nakakatunaw na mga ngiti.

"Hindi ah! huwag ka ngang feeling jan. Di porke't alam mo na na ganito ako at gwapo ka ay magkakagusto na ako sa iyo no. Isa pa nasugatan na ang puso ko ng dalawang beses nitong nakaraang dalawang araw. Hindi pa ako nakakarecover para magmahal muli. Isa pa, kung okay ako ngayon hindi pa rin pwede dahil meron ka na." Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga iyon sa kanya. Derechong lumabas lahat ng mga iyon sa kanya nang walang preno. Sinuklian nanaman niya ako ng nakakalokong mga ngiti at sinabing "eh pano kung single ako ngayon?"

"Letche! it has been a roller coaster ride for me na no... Please lang Vin..." ang natatawang remark ko na lang sa kanyang nasabi. Pero napaisip ako bigla kung pano nga kung single siya?... "Hindi rin pwede eh.. hanggang kaibigan lang siya".. pilit kong sinabi sa aking sarili.

"Ma-iba tayo, babalik ka pa ba sa school?" ang tanong niya.

"Hindi na... natapos ko na lahat ng lakarin ko kahapon..." at bigla kong naalala.. " nga pala next school year lilipat na ako sa La Salle Dasma. Nakiusap ako kila mama, masyadong magulo na mundo ko don a di ko yata kakayaning makapag-aral ng maayos kung may mga complications sa paligid. Isa pa, nakakapagod na biyahe natin araw-araw."

Bigla siyang nalungkot. Bakas sa kanyang mga mata ang panghihinayang. Nakatingin na siya sa sahig.

"Eh pano na yan?... hindi tayo magkakasabay pumunta ng Manila niyan..." may bahid ng lungkot ang kanyang boses.

"Hindi naman ako lilipat bahay eh!.. school lang.." sabay bitiw ng ngiti sa kanya.

"Naku... ngayon pang lalo tayong naging close ka parang napalayo. alam mo naman ikaw lang ang barkada ko dito sa atin." ika ni Kevin.

Hindi ko alam kung bakit niya ako mas madalas na gustong makasama. Ngayon pang medyo complicated na buhay namin di tulad nung highschool pa lang kami. Naawa naman ako sa kanya dahil sa kagustuhan niyang maging malapit kami.

Biglang nabago ang kanyang mukha na parang may naalala."Oo nga pala, bakit ka nga pala nasa Yoshinoya kanina? at bakit dun ka pa umiiyak? Ayos din venue mo no?" sabay tawa ng malakas.

"Sira ulo ka talaga. Hindi ako pumunta don para magmoment, okay? Nandon ako kasi..." bigla akong napatigil sa susunod ko sanang sasabihin. Parang may bumara sa aking bibig at nawala ako sa aking sasabihin.

"Kasi ano? naiiyak ka sa sarap ng kinain mo kanina?" ang pabirong banat niya sa akin.

"Timang, hindi! ano ba?!? sasabihin ko na nga sa iyo eh saglit lang! nawala ako sa sasabihn ko eh!" ang pawang napipikon na bata kong sagot sa kanya.

"O sige, alalahanin mo muna yang sasabihin mo since mukhang mabigat yan punta muna tayo sa sari-sari store dun sa may tabi bili tayo ng beer pero sagot mo ha? ikaw naman ang taya." ang yaya sa akin ni Kevin.

Tumango na lang ako at tinungo namin sng tindahan. Siya na ang bumili at ako na ang nagbayad. Gulat na gulat kong inabot sa tindera yung dami ng beer na binili niya. Dalawang case ng grande!

Binuhat niya ang dalawang case ng grande at tinulungan ko siya dun sa isa. Nang makalayo kami sa tindahan..

"Dalawang case ng beer?!?! magpapakamatay ba tayo??? sira ulo ka talaga!!" ang natatawa at may halong pigil na gigil kong sinabi sa kanya.

"Pre, may problema ka, kailangan mo to..." ang rekumenda sa akin na animo'y doktor lang ang nagsasalita.

"Aminin mo na lang na lasinggero ka na!" ang sagot ko sa kanya na nakataas pa ang isang kilay habang hinihila pataas ng kanang kamay ko ang isang hawakan ng case na sa kabila at bitbit din ni Kevin bukod pa sa isang case na hawak niya sa kabilang kamay niya. Nahihirapan kasi ako dahil mas matangkad siya hindi namin mapagpantay ang pagbitbit ng mga ito kaya panay ang tama nito sa aming mga hita habang naglalakad. Buti na lang malapit lang ang tindahan kina Kevin.

Nang makarating kami sa gate ay ibinaba na namin ang mga case. Binuksan niya ang gate at..

"Tol akyat ko na itong isa muna bantayan mo muna jan yun isa. Akyat natin yan pagbalik ko." ang utos niya sa akin. Nang makabalik at magkatulong naming binuhat ang naiwang case ng beer. Habang paakyat ng hagdan ay...

"Vin, may tatanong lang ako sa iyo. okay lang?" ang paalam ko sa kanya.

"Kahit ano! Fire!" ang kanyang sagot sa akin na handa niyang sagutin ang kahit anong ibabato kong tanong.

"Gano na kayo katagal ni Ron?"

"Ah.. mula nung isang araw pa lang.. nung araw na nag-inuman tayo nung mga umaga yon non sa school. Classmate ko siya sa isang subject at siya yung lumapit sa akin." ang kuwento sa akin ni Kevin. Bigla naman akong napaisip na kung napaaga lang ako ng konti siguro may pag-asa pa ako sa kanya. Desperado na yata ako magkajowa.

Ibinaba namin ang ikalawang kaha ng beer na binili namin sa roof deck katabi ng nanang dinala ni Kevin. Bumaba ulit kami upang kukuha sana ng pitsel, baso, at yelo ngunit nakita kami ni tita Mel na nasa sala na nanonood ng tv.

"Kevin, kumain ka na may hapunan na sa mesa... ay Jeremy andyan ka pala jiho.. kumain ka na rin dito ng hapunan sabay na kayo ni Kevin..." ang sabi ni tita sa amin tapos balik sa panonood ng tv. Tumango lang ako sa kanya at tinignan ang kanyang pinapanood. Teleserye pala yun na sinusubaybayan ng nakakarami ngayon na hindi ko gustong panoorin. Tumungo kami ng kusina at sa halip na kunin ni Kevin ang mga dahilan kung bakit kami tumungo ng kusina ay kumukha siya ng dalawang plato at dalawang pares ng kubyertos para kumain muna kami.

"Magtatampo yang si mama pag di muna tayo kumain." sabay ngiti sa akin si Kevin."Tara kain na tayo!"

Tumango lang ako sa kanya at umupo na sa isang banda ng lamesa kung saan niya inihanda ang plato at kubyertos na magkabilang banda ng kahabaan ng kanilang hapagkainan.

Medyo naparami ang kanyang nailagay na servings sa akin kaya ako'y napatingin na lang sa kanya at ako naman ay sinuklian lang niya ng isang kindat.

"Gusto mo ba iluwa ko mamaya kasama ng beer ganyan karami?" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Tama na satsat. Kain na tayo para makainom na tayo." sabay ngiti siya sa akin at mukhang nagmamadaling matapos sa pagkain.

Nang matapos, tinabi na lang namin sa lababo ang aming pinagkainan dahil hindi pa yata kumakain ang kapatid niya. Para sabay-sabay na ang hugas.

Kumuha siya ng pitsel, maraming tube ice na nasa coleman na chest type, at isang basong hindi babasagin at hinila na ako paakyat sa roof deck.

Tulad ng dati naming puwesto magkatabi kami sa upuan. Nilagyan niya ang baso ng yelo at pinuno ito ng beer habang ako naman ay parang nahihiyang bata lang na pinapanood ang kanyang ginagawa. Iniwan lang niya ang baso sa ibabaw ng mesa. Humarap siya sa akin at nagkatitigan ang aming mga mata. Parang nangungusap ang kanyang mga tingin na nakakatunaw. Nagulat ako nang bigla niyang haplusin ang aking kaliwang pisngi ng kanyang kanang kamay at pinisil pisil ito.

"Sa gabing ito. Mawawala ang problema mo.." ang seryoso niyang sambit sa akin habang nakatitig ng malalim sa aking mga mata.."ang cute mo pala pag nagmumukhang eng-eng!! nkakagigil!! " ang bigla niyang hagikgik na nakakainis habang kinukurot-kurot na ng kanyang dalawang kamay ang magkabila kong pisngi.

Tinaboy ko ang kanyang mga kamay bakas ang inirita sa aking mukha. Kinuha ko ang unang tagay ni Kevin at inubos ang lahat ng laman nito na hanggang sa yelo na lang ang makikita at konting magkahalong latak at bula na lang.

"Huy! hinay-hinay lang! baka hindi mo na sa akin makuwento ang kukuwento mong problema nanaman niyan. mahaba ang gabi at wala na rin akong lalakarin sa Mapua kaya marami pa tayong panahon ngayon." ang sabi niya sa akin habang natatawang nakatingin sa akin. Tumagilid kami pareho at nang maramdaman niyang sa lamesa na ako nakaharap ay ipinatong niya ang kanyang mga braso sa aking likod at ako ay kanyang inakbayan na. Pinisil-pisil niya ang balikat kong naabot ng kanyang kamay.

"Simulan mo sa pinaka tuktok ang kuwento mo ha? para malinaw" ang kanyang sabi na parang gusto niya talagang malaman lahat ng detalye.

Habang nagiinuman na kami, ikinuwento ko sa kanya ang lahat lahat habang bumubuhos ang aking mga luha, mula sa pagkakakilala ko kay Dexter, sa nagyari sa amin ni Alex, sa nangyari sa amin ni Camille at Alex sa SM Manila, sa nangyari sa akin nang magkaharap harap kami nila Alex, Chris, at Camille sa McDonalds sa Intramuros. Ang paghihintay ko kay Dexter sa Intramuros.... ang tangkang di pakikipagkita kay Dexter sa Yoshinoya kung saan naabutan na nila akong nagiiiyak... ang aking pagpunta sa Venice street nang iwanan ko sila ni Ron sa Yoshinoya.

Napatingin ako kay Kevin habang patuloy ang aking pagsabi sa kanya ng lahat ng mga naganap. Nakaramdam kasi ako ng pag-gaang ng aking loob ngunit napansin kong biglang kumunot ang kanyang mga noo at namungay ang kanyang mga singkiting mga mata nang marinig niya ang ang pagsira ko sa luma kong sim card.. at pagsunog ng lahat ng mga bagay na pinadala sa akin ni Dexter.

Napansin ko rin na medyo namumula na ang gilid ng mga mata niya at may mga namumuong luha dito kahit medyo madilim dahil sa kakaunting ilaw lang ang mayroon sa roof deck nila at madilim na gawa ng gabi na. Lubos akong nabigla at natigil sa pagsabi sa kanya ng aking nadarama sa mga nangyaring iyon sa akin. Siguro lasing na ako at ganun din siya.

"Huy!!... Kevin Alvarez!!! ano nagyari sa iyo? bakit nagkaganyan ka na? nagkukuwento lang ako!! okay na ako ngayon na nailabas ko nang lahat ng ito." Ang pagputol ko sa gloomy moment na nagawa ko. Nadama yata niya ang lungkot ko.

Tatagay na sana ulit ako ngunit hinawakan niya ng mahigpit ang kamay kong aabot kumuha sana ng baso. Napakabilis ng mga pangyayari. Bigla niyang hinawakan ang panga ko at ihinarap ang aking mukha sa kanya at sabay banat ng maigting at nag-aalab na halik.

"ummphh!!" hindi na ako makapagsalita. Nanlaki na lang ang aking mga mata sa kanyang ginawa. Nang mahimasmasan ako ay sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin ngunit biglang bumalot ang mga bisig niya sa aking mga balikat na tila lock at hindi na ako makagalaw pa. Isang minuto rin yata yun na sinipsip ng magagandang labi niya ang mga labi ko. Lasang beer ngunit matamis ito. Kakaiba ang tamis ng kanyang halik. Mas masarap sa halik ni Alex. Nang matapos ay idinikit na lang niya ang kanyang noo sa aking noo at tinitigan ako ng nagaalab niyang mga tingin.

"I am so sorry for everything that had happened to you, Jeremy" ang marahan at malaman niyang mga sinabi sa akin na tila tinitimbang ang bawat salitang kanyang sasabihin. Pero dahil ang-ingles na siya, naisip kong baka nagiinit lang ito or medyo emosyonal na dahil sa alak. Kinikilig na talaga ako sa kaganapang iyon ngunit hindi ko maisang tabi na ang katotohanang may kasintahan na siyang iba. Sadyang kahit yun lang ay naging matindi ang kirot na naramdaman dahil nakaramdam na ako ng paghanga sa kanya.

"Kevin umayos ka nga!" biniritan ko na lang siya para magising-gising na siya sa pinaggagawa niya at marealize niyang may boyfriend na siya.

"Sorry po! Nadala lang ako sa kuwento mo." Sabay dahan-dahang bumitiw sa pagyakap sa akin. Bigla siyang tumayo at nagunat. "Saglit lang ha? May kukunin lang ako.". Tumango lang ako at bumaba na siya ng roof deck. Ilang sandali lang ay bumalik siyang may dalang TV na 13 inch yata yun. Inayos niya ito paharap sa aming upuan at nang matapos ay nagpaalam ulit siyang may babalikan lang siya daw siya at nagmamadaling bumama. Nagulat ako sa paglagay pa lang ng TV niya... "ano gagawin namin dito? manonood pa ng tv?!?" ang tanong ko na lang sa aking sarili. Pagbalik ni Kevin ay may bitbit siyang player at microphone at mga kable na kinakabit sa likod ng tv, at clear book na parang songlist ang laman. Dun ko na narealize na magvivideoke kami na pareho naming hilig gawin paminsan-minsan noong kami ay highschool pa.

Mahilig kami pareho kumanta ni Kevin at sa katunayan palagi kaming sumasali sa mga singing contest noon bast may mag-alok lang sa amin.

Maaga pa naman ang gabi kaya okay lang pero nasa ibabaw kasi kami ng bahay niya kaya siguradong rinig ng mga kapitbahay ang ingay namin.

"Teka teka teka!! baka may mambato na lang sa atin mula sa labas!" ang takot kong sabi kay Kevin dahil malapit lang ang bakuran nila. Wala pang isang diba ang layo ng bakod nila na mababa sa roof deck.

"Pagnarinig nila boses natin tignan nila kung may magalit sa kanila." ang mayabang na banta ni Kevin sa mga magagalit nga naman sa amin.

Nang maikabit na niya ang aparato at binuksan na ang mga ito ay agad niyang binuklat ang songbook. Saglit na inisa-isa ang kanta at nang makita na niya ang kanyang hinahanap agad siyang napipindot sa aparato at tumugtog ang pamilyar na tugtugin... ang "Back To Me" ng Cueshe...(at eto ang video ng mismong kanta na kanyang kinanta...)

Parang rakista ang boses ni Kevin. Mas magadna kung tutuusin sa boses ng orihinal na kumanta ng tugtuging iyon.

Habang patuloy si Kevin sa pag-awit ay nakatitig siya sa akin ng may ibig sabihin. Ang maaamo niyang mga mata ay nakakatunaw na tumitig. Dama ko ang bawat linya ng kanta na inaawit niya ay kasama ang kanyang damdamin. Naramdaman kong tumitibok na ang puso ko para sa kanya sa ginagawa niyang iyon. Ngunit bigla kong napansin ang kanyang boses ay may hawig kay Dexter ngunit pilit ko itong itinanggi sa aking sarili. HIndi ko pa narinig kumanta si Kevin na jazzy ang istilo. Mala trumpeta ang gasgas boses ni Dexter at ang kanya naman ay parang violin. Hindi ko na maiwasang mabalot ng pagdududa ngunit naisantabi ko na lang ito. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-inom ng beer.

Nang matapos sa pag-awit si Kevin ay ako naman ay kinikilig pa rin na namili ng aking aawitin. Ewan ko ba pero "Say That You Love Me" ni Martin Nievera ang napili ko. Lumalandi na ako. Sumusuray-suray pa habang kumakanta na nawawala na rin sa tono sa kalasinan..

Matapos ang aking kanta ay sunod sunod nang umawit si Kevin. Nakalimutan ko na lang lahat ng aking problema. Nawala man sila kahit si Dexter ay masaya naman akong may kaibigan pala akong di ko inaasahang sa panahong ito ay magiging mas malapit kong kaibigan. Naiinlove na rin ako sa kanya pero pilit kong pinioigilan ang aking sarili dahil may Ron na siya. Sa pagkakataong iyon ay naisip ko na lang na ienjoy ang lahat sa amin... bilang mabuting magkainbigan.

Lasing na lasing na kami pareho ni Kevin, iniwan na namin na nakabukas ang aparato. Masaya kaming dalawa at naghaharutan, nagbibiruan, kahit parehas nang tutumba-tumba. Nang malapit na akong bumaba sa hagdan nagulat ako nang ako nang bigla niyang tusukin dulo ng kanyang magkabilang hintuturo ang magkabila kong tagiliran at bigla niyang buhatin na mistulang bagong kasal na papasok lang sa kanilang bahay. Para akong batang nasa bisig ng kanyang kuya na nakatatanda.

Binuhat niya ako patungo sa kuwarto niya at hindi namin pansin kung magigising ba namin ang ibang tao sa bahay sa aming ingay. Ibinagsak lang niya ako sa kama at sumama siyang natumba at napadapa sa aking ibaba habang ako naman ay nakatihaya sa kama nang ako ay kanyang ibinagsak dito. Nagdikit muli ang aming mga mukha na halos maghahalikan na. Dama kong nagkiskisan ang aming mga ilong. Bigla niya akong binitiwan ng matamis at malambing na mga ngiti at tumayo sa mula sa kanyang postura.

Tinungo niya ang kanyang aparador at nagbihis ng pambahay. Yon ang unang pagkakataon na masilayan ko ang mala-swimmer niyang katawan. Di rin niya pansin kung nasa tabi lang niya ako habang nagtatanggal siya ng brief at nagsuot lang ng boxers at wala nang iba.

Habang tinutupi niya ang kanyang mga pinaghubaran bago niya ito ihagis sa lalagyan niya ng mga maruruming damit ay may nakapa akong matigas na bagay sa aking tagiliran. Cellphone pala ni Kevin yon. Bago ko ito inabot kay Kevin ay natignan ko ang screen nito at may sampung mensaheng hindi pa niya binubuksan. Hindi ko ito binasa. Nang mahawakan ni Kevin ang kanyang telepono pinindot-pindot niya ito at suminghal-singhal na lang habang nagbabasa. Parang deadma lang siya sa mga nababasa niya kung ano man ang mga sinasabi nito sa kanya.

Nang matapos siya sa pagkalikot ng kanyang phone ay lumapit siya sa akin at pinauso ako para ako ay kanyang tabihan. Pareho kaming nakatagilid at magkaharap habang nakahiga. Nakatitig sa mga mata ng bawat isa. Nakangiti at parang nababasa ng bawat isa ang kanilang mga puso at isipan. Biglang tumingin si Kevin sa aking katawan at nagsabing "Ayaw mo ba muna maghilamos or kahit magpantulog man lang?"

"Oo nga pala no? Sige alisin ko na lang t-shirt ko." ang pagsangayon na ko na lang sa gusto niya. Mula sa pagkakahiga ay naupo ako at inalis ang akng t-shit at bumalik na rin sa pagkakahiga. Nagtitigan na lang ulit kami nang nakangiti. Hindi naguusap pero parehong masaya.

Sa pagkakataong iyon ay magkahalong pagnanasa at pagmamahal na ang nadarama ko para kay Kevin ngunit takot ako sa kanya at baka masira pa ang aming pagkakaibigan. Bukod dito alam kong lasing lang siya. Nasabi ko na lang sa kanya bigla ay.. "tulog na tayo pre".

Tumango lang siya at tumagilid naman ako sa kabilang banda ng kama para tumalikod sa kanya. Hindi ko mapigilang ngumiti sa saya na aking nadarama. Dala nang kalasingan nakatulog na lang ako ng hindi ko namamalayan. Maya-maya ay nagising ako sa lakas ng hilik ni Kevin. Napagod yata sa buong araw niyang lakad. Napansin ko naman bigla na parang matigas ang aking inuunanan at nang kapain ko ay napagalaman kong nakapatong pala ang ulo ko sa ibabaw ng dibdib ni Kevin sa may bandang kanang balikat. nararamdaman ko rin ang mainit-init at namimintog niyang sandata sa aking tagiliran na panay ang kislot. Sinandya ba talaga niyang iganon ako sa kanya? hindi naman kasi ako malikot matulog. Nang subukin kon umayos sa paghiga ay biglang natigil si Kevin sa paghilik at ang kaliwang braso ni Kevin ay biglang pumatong sa akin at ako'y niyakap ng mahigpit. Hindi ako gumalaw muli. Mayamaya ay bumalik si Kevin sa paghilik.

Nang akalain kong siya ay tulog na ay biglang ang grogy na boses ang aking narining "...tulog ka pa bunso. ...mahal... na... mahal..... ka.... ni.... kuya.." at balik ulit sa paghihilik. Nanlumo, nanlamig, at naawa ulit ako sa aking sarili... bakit ganoon na lang ang sinabi ni Kevin sa akin sa kanyang pagtulog? siya ba si Dexter? o gusto niyang pumalit kay Dexter sa buhay ko bilang kuya sa kabila ng mayroon na siyang Ron? May isang nagmamahalan nanaman ba akong sisirain? o talagang masyadong nadala si Kevin sa aking kuwento sa kanya kanina at puro awa lang ang binibigay niya sa akin?