webnovel

MULAT (Tagalog Story)

kmarieabella28 · Teen
Not enough ratings
18 Chs

Chapter 7

Chapter 7

'Pwede ba kita ligawan?'

Paulit-ulit ko naririnig sa utak ko ang tanong na 'yan. Hindi talaga ako makapaniwala na may gusto nga sa'kin si Francis. Akala ko imposible mangyari 'yon pero ngayon, heto siya sa harap ko at tinatanong ako kung pwede niya ako ligawan.

Antagal ko pa nag-isip ng isasagot ko. Papayag ba ako ba o hindi?. Pero wala naman kasing masama kung papayagan ko siya.

Kung ako naman ang tatanungin kung gusto ko rin ba siya, siguro bilang kaibigan pa lang muna sa ngayon. Pero alam ko sa sarili ko na hindi imposibleng magkagusto rin ako sa kaniya. Mabait naman siya eh.

"Sa ayaw mo at sa hindi, liligawan pa rin kita." nagulat ako sa sunod niyang sinabi. Pagtingin ko sa kaniya, nakita kong nakangiti siya sa'kin. Kaya agad rin akong napaiwas ng tingin.

Hindi na ako nakapagsalita. Sobrang speechless na ako sa mga oras na'to. Hindi ako makagalaw at hindi ko na rin alam ang sasabihin ko.

"Tara na. Malapit na mag 11. Hatid na kita" tumayo na siya sa swing kaya naman napatingala ako sa kaniya. Ilang segundo pa akong nakatingin sa kaniya bago magsink in sa utak ko na uuwi na kami.

"Ay. Oo sige." tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo at sabay na kaming naglakad papunta sa gilid ng park kung saan niya ipinarada ang motor niya kanina.

Sumakay na siya at binuhay iyon. Umaangkas na ako sa likod niya pagkatapos ay pinaandar na niya ang motor.

Habang nasa daan, walang umiimik sa amin. Siguro naiilang na rin siya.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate namin. Bumaba na ako sa motor at kahit nahihiya, nagpasalamat pa rin ako sa kaniya sa paghatid sa'kin. Mas nakakahiya naman kung basta na lang akong papasok nang hindi man lang nagpapasalamat sa kaniya.

"Salamat. Pati sa treat. Yaan mo next time ako naman ang magtitreat." kinakabahan man pero pinilit ko pa ring ngumiti sa kaniya.

"Maliit na bagay lang 'yon. Kulang pa nga eh. Sige, mauna na ako."

"Ingat!" tumango lang siya saka pinaharurot ang motor niya paalis.

Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang lakas ng kabog. Medyo nanginginig din ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Siguro kailangan ko na paghandaan. Dahil alam kong pagdadaanan at pagdadaanan ko talaga 'to.

"Pag-ibig ang nagbibigay kasiyahan sa tao. Ngunit pag-ibig din ang magdadala sa'yo sa sakit at kalungkutan balang araw. Dahil sakit ang kakambal ng pagmamahal."

Napalingon ako sa likod ko kung saan nanggaling ang boses. Pero laking gulat ko nang makita ko yung matandang nagbigay kilabot sa akin noong birthday ko.

"L-lola.?"

Gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Tanghaling tapat tapos tinatakot niya ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko sanang intindihin ang sinabi niya pero pinangungunahan ako ng takot.

"Oh, huwag ka matakot. Hindi ako multo." nabawasan yung nararamdaman kong takot nang bigla siyang ngumiti. Pero hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Jestine!"

Napalingon ako sa loob ng gate namin nang marinig ko ang pagtawag ni Mama. Nakabukas naman ng konti yung gate kaya natanaw ko siya mula dito sa labas na nakatingin sa'kin habang nakatayo sa terrace namin.

"Ano pang ginagawa mo diyan? Pumasok kana dito!" tinanguan ko lang siya saka ibinalik ang tingin ko kay Lola na nasa harap ko pa rin.

"A-ah, s-sige po L-lola. Pasok na po a-ako."

Bahagya lang siyang tumango kaya pumasok na ako sa loob at mabilis kong isinara ang gate.

Pagdating ko sa loob ng bahay, nakita kong papunta si Mama sa kusina kaya sumunod ako sa kaniya. Hindi pa ako nakakalapit pero naamoy ko na kagaad ang niluluto niyang sinigang.

"Mga kaibigan mo ba yung kausap mo kanina sa labas? Bakit hindi mo man lang pinapasok. Dito mo na sana sila pinakain ng tanghalian." sabi ni Mama habang tinitikman ang niluluto niya.

"Hindi Ma. May matanda kasi na kumausap sa'kin. Hindi ko naman kilala. Baka kapitbahay lang natin." kumuha na ako ng mga plato at kutsara pagkatapos ay inilagay ko ito sa mesa. Kumuha na rin ako ng isang malaking plato at sinandukan ito ng kanin saka inilapag sa mesa.

"Ano namang sabi sa'yo?" tanong niya nang hindi lumilingon sa'kin.

"Ewan ko. Hindi ko naintindihan. Nakakatakot kasi eh." napalingon sa'kin si Mama nang may pagtataka.

"Bakit naman nakakakot? Naku ikaw ha! Matanda yun tapos ginaganyan mo?" ibinalik na ni Mama ang tingin niya sa niluluto niya.

"Eh, nakakatakot talaga eh. Creepy niya kasi magsalita." nakasimangot kong sagot.

"Sinong nakakatakot?" tanong ni Kuya sabay hila sa isang upuan at umupo dito.

"Wala." lumabas muna ako ng kusina at dumiretso sa kwarto para magbihis. Hindi na rin naman na kasi sumagot si Mama.

Kukuha na sana ako ng damit pampalit nang tumunog ang cellphone ko. Hinalwat ko iyon sa bag ko at nang makuha ko ay nakita ko agad ang isang text galing kay Francis.

From: Francis

'I'm home :)'

Hindi ko namalayan na kusa na palang ngumiti ang labi ko. Mula nang mag18 ako, lagi siya nagtetext kapag nakauwi na siya sa kanila kahit hindi ko naman sinasabi na gawin niya yun. Siguro seryoso talaga siya sa sinabi niyang liligawan niya ako.

Hahayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Wala namang masama kung susubukan ko at bigyan siya ng chance.

★★★

Kinabukasan.

Maaga akong naligo dahil gusto maggala-gala muna dito sa lugar namin. Minsan gusto ko talagang mamasyal nang ako lang mag-isa. Me time kumbaga.

Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Kuya salas na nanunuod ng t.v.

Kaaalis lang ni Papa papunta sa Barangay. Sumama naman si Mama dahil naiinip daw siya dito sa bahay. Wala rin kasi siyang pasok dahil sembreak na rin ng mga estudyante niya.

"Saan ka?" tanong ni Kuya nang makita niya akong lumabas sa kwarto ko na nakabihis pang-alis.

"Diyan lang. Maglilibot." lumabas na ako ng bahay at naglakad-lakad sa tabing kalsada.

Ngayon ko narealize na ang laki na ng pinagbago ng lugar namin. Ang dating maliit na carenderia, isa na ngayong restaurant. Si Aling Beth na dati naglalako lang ng pandesal tuwing umaga, ngayon may sarili na siyang bakery shop. Yung dating naglalako ng taho tuwing umaga, may sarili na ring pwesto ngayon pero hindi na taho ang itinitinda niya kundi milk tea.

Bigla tuloy akong nalungkot. Kung dati ang sarap gumising sa umaga para abangan ang naglalako ng pandesal o kaya naman ay yung naglalako ng taho. At pagkatapos naman kumain ng agahan, kakaripas ng takbo palabas ng bahay para maghanap ng kalaro.

Hanggang tanghali kahit kainitan ay tuloy pa rin ang laro. Habulan, taguan, langit lupa, bahay-bahayan, patentero, luksong tinik, luksong baka, sikyo, tamaan bata at kung ano-ano pang mga laro na nagbibigay ngiti sa mga kabataan na ngayon kung tawagin ay millennial.

Pagkatapos naman ng tanghalian, kaniya-kaniya ng takasan ang mga bata para makapaglaro sa labas dahil tiyak na patutulugin sila ng mga magulang nila. Malas lang kapag nahuli ka at napagalitan dahil wala kang magagawa kundi ang matulog kahit na ayaw mo. Kadalasan umiiyak na lang ang mga bata kapag ganun ang nangyayari dahil dalawang dahilan lang naman kung bakit ayaw matulog ng mga bata sa tanghali.

Una gustong maglaro at pangalawa ay hindi naman makatulog. Kaya hihiga na lang at kunwaring matutulog para hindi mapagalitan... Naalala ko pa nung mga bata kami ni Kuya at pilit kaming pinapatulog ni Papa. Hihiga lang kami at kapag umalis na si Papa, magkukwentuhan na lang kami. Bigla namang pipikit kapag naramdaman naming may taong papasok sa kwarto. Kung hindi si Papa, si Mama naman.

Ang dating kalsada na puno ng ingay dahil sa tawanan at asaran ng mga bata ay napaltan ng mga tsismosang kapitbahay.

Wala na ang mga batang nagbibigay saya sa bawat kalyeng madadaanan mo araw-araw. Malalaki na sila/kami at may mga sarili na ring pinagkakaabalahan sa buhay. Ang ilan ay may pamilya na, ang ilan naman ay patuloy pa ring nag-aaral at nagsusumikap makatapos ng pag-aaral katulad ko.

Nakakalungkot lang na ang mga bata ngayon tutok na sa mga gadgets. Nasa loob lang ng bahay. Sabi nga nila 'wala kayong childhood'. Nakakadurog ng puso isipin na hindi nila nararanasan ang mga naranasan namin noong mga bata pa kami. Kahit gabi na tapos brownout, tuloy pa rin ang laro ng mga bata sa kalsada. Mga panahong wala pang gadgets at social media.

Karamihan sa kanila ay hindi na mararanasang madapa sa kagitnaan ng laro at umiyak habang tinitigan ang sugat na dumudugo.

Hindi nila mararansan kung paano iilagan ang bolang ibabato ng kalaban kapag naglalaro ng tamaan bata. Ang bahay-bahayan na nagsisilbing ikalawa at sarili mong bahay. Ang mga dahong pinitas mula sa halaman ng kapitbahay para gawing pera. Mga tex at pogs na inipon, mga paper doll na binihisan at itinuring na anak, mga jolens na binili at napanalunan, mga sipa na gawa mula sa takip ng bote ng softdrinks, mga goma na pang chinese garter, mga kawawang gagamba na ikinukulong sa lalagyan ng posporo para ipanlaban sa kapwa gagamba at ang mabilis na pag-ikot ng trumpo sa lupa. Lahat ng 'yan ay unti-unti nang naglalaho kasabay ng paglaho ng mga batang minsang nagbigay kulay sa isang Barangay.

Mahirap nang balikan ang mga ala-ala ng nakaraan dahil ang lahat ng iyon ay nakalipas na at mananatiling ala-ala na lamang dahil sa paglipas ng panahon at pagbabago ng mga kinagawian at hilig ng mga tao.

Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano dahil may biglang tumigil na motor sa harap ko. Nagulat ako nang makita ko si Kinley habang nakaangkas sa likod niya si Elle. Saan naman kaya galing ang dalawang 'to.

"Jestine, sama ka sa'min." yaya ni Kinley.

"Saan?" nakakunot noo kong tanong.

"Kila Alvin. Tara!" umangkas na ako sa likod ni Elle saka pinaandar ni Kinley ang motor niya.

Malayo pa lang kami sa bahay nila Alvin, tanaw na agad namin siya na nakatayo sa labas ng bahay nila. Nang makalapit kami, itinigil na ni Kinley ang motor niya sa harap ni Alvin pero kaming dalawa lang ni Elle yung bumaba.

"Iparada mo na lang diyan sa gilid 'yang motor mo. Hindi naman mawawala 'yan." sabi ni Alvin kay Kinley.

"Hindi naman ako papasok. May pupuntahan pa ako eh. Hinatid ko lang 'yang dalawa." tumango lang si Alvin tapos nagpaalam na rin si Kinley sa'min at umalis na.

"Pasok kayo" nauna nang pumasok si Alvin kaya naman sumunod na rin kami ni Elle.

"Ano nga pala gagawin natin dito?" bulong ko kay Elle. "Wala. Makikitambay lang. Haha" nasa salas na kami nang magpaalam si Alvin na kukuha lang ng makakain. Umupo naman na kami ni Elle sa sofa.

"Tatambay? Ikaw lang mag-isa?" tanong ko pa. Bahagya siyang umiling. "Actually kasama dapat si Julie kaya lang busy ata siya. May pupuntahan daw." napatango-tango ako.

Nagtaka ako nung biglang manlaki ang mata niya sabay takip sa bibig niya na animo'y may naalala.

"Kamusta kayo ni Francis? Yung manliligaw mo?" agad niyang tanong pagkatapos niyang ibaba ang dalawang kamay niya.

Kitang-kita ko ang mga tingin niyang nang-eechos. Mana rin 'to kay Christian eh. Haha

Magsasalita na sana ako kaso nakabalik na si Alvin galing sa kusina nila dala ang isang pitsel ng juice at dalawang balot ng tinapay. "Sinong nanliligaw?" takang tanong ni Alvin. Narinig niya pala. Waaaah

"Wal---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil inunahan na ako ni Elle.

"Si Francis nililigawan na siya." nanlaki ang mga mata ni Alvin sa sinabi ni Elle. Katulad ni Elle kanina, napatakip din si Alvin ng bibig niya.

"Wait nga lang! Kukunin ko muna yung baso tapos kwentuhan niyo ako sa mga ganap niyo sa buhay". pumunta ulit si Alvin sa kusina at wala pang isang minuto, nakabalik na siya dala ang tatlong baso.

Dali-dali siyang umupo sa kabilang sofa saka excited na nagpakwento. "Kwento na dali!"

Hindi ko alam kung anong uunahin kong sabihin kaya hinayaan ko na lamang na si Elle ang magkwento.

"Pinakiusapan kasi kami ni Francis kahapon na dalhin namin sa mall itong si Jestine dahil i-dedate niya raw! Omygash! May loveteam na sa barkada."

"Oh tapos nanliligaw na?" kitang kita ko kung gaano kainteresado si Alvin habang nakatingin sa'kin. Marahan akong tumango sa kaniya at nagitla ako nang bigla siyang tumili. Inaasahan ko na talaga 'to pero hindi ko akalaing magugulat pa pa rin ako.

"Nagsembreak lang, hindi na ako updated sa mga buhay niyo! Ikaw naman Elle, bakit kasama mo si Kinley? Ang alam ko si Julie lang dapat kasama mo." tanong niya kay Elle pagkatapos niyang tumili.

"Nagpahatid lang. May pupuntahan diba siya? So, sumabay na ako. Tsaka nagkataong busy si Julie kaya ako na lang mag-isa." kumuha siya ng isang piraso ng tinapay at kinain iyon. Nagsalin na rin siya ng juice sa baso. "Kakain ako ha, wag kayong magulo."

Hindi na siya pinansin ni Alvin at ibinalik na lang ang tingin sa'kin. "Support kita gurl. Masaya ako para sa inyo ni Francis. Alam mo, matagal ko na rin napapansin na parang gusto ka niya. At hindi nga ako nagkamali." napangiti naman ako sa sinabi niya.

Nakakatuwa lang na may mga kaibigan akong supportive. Kapag may problema ako, achievements or kung ano mang bagay na gusto ko na nakukuha ko, lagi silang nandiyan.

"Bakit ba lagi kang nakakulong dito sa bahay mo? Pwede namang maggala-gala ka rin paminsan para naman hindi ka mabulok dito." tugon ni Elle habang kumakain pa rin ng tinapay.

"Eh. Ayoko ng atmosphere diyan sa labas. Alam niyo na, galit ang community kaya mas bet kong ditey na lang aketch sa haws."

"Awww. It's okay sissy. Don't worry dahil darating din ang araw na matatanggap din kayo ng lipunan. At marerealize nila na may halaga rin kayo bilang tao. Kakailanganin din kayo ng community. Remember that!" nakita kong kinindatan pa ni Elle si Alvin pagkatapos niyang sabihin ang mga 'yon.

Napangiti na lang ako nung ngumiti si Alvin. Alam kong lumakas ang loob niya dahil sa sinabi ni Elle. Sa lahat ng oras, si Elle lang talaga ang may kayang magpalakas ng loob niya.

Ang mga katulad ni Alvin na miyembro ng LGBT ay kadalasang uhaw sa respeto ng lipunan. Laging sinasabi ng tao na kasalanan ang pagkakaron ng ikatlong kasarian. Pero para sa sa akin, hindi yun kasalanan dahil kusa nila iyon nararamdaman sa sarili nila at alam kong hindi nila ginusto na maging ganun sila.

Marami pa rin ang kapwa nila na tinatago ang totoong sila para makaiwas sa mga mapanghusgang bibig at mata. Laging sinasabi ng lipunan na dapat magpakatotoo sa sarili pero kapag nagpakatotoo naman na, katakot takot na masasakit na salita ang ibabato nila.

★★★

"Dito na ako. Bye. Ingat ka!" nakangiting kumaway si Elle, ganun din ako sa kaniya saka siya lumiko pakanan samantalang sa sa kaliwa naman ako. Kakatapos lang ng kwentuhan session namin kasama si Alvin. Halos tatlong oras din kaming nakatambay sa kanila kaya naman napagdesisyunan na namin ni Elle na umuwi.

Habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada, naramdaman kong may sumusunod sa'kin. Hindi ko yun pinansin dahil baka parehas lang ang direksyon na pupuntahan namin.

'Psst'

Nakaramdam ako ng takot nang sitsitan niya ako kaya hindi na ako nakatiis at nilingon ko na siya. Akala ko kung sino pero natawa na lang ako nang makita ko si Kian.

"Hindi mo man lang ako pinapansin." sinabayan niya ako sa paglalakad habang nakasimangot.

"Malay ko bang ikaw yung kanina pa sunod nang sunod. Stalker ka ata eh. Hahaha" tinawanan ko lang siya.

Sinabayan niya ako sa paglalakad sabay umakbay sa'kin. "Eh bakit mag-isa ka lang tsaka san ka galing. Siguro galing ka sa date. Yiiiieee. Hahaha sumbong kita sa Kuya mo."

"Hoy Kian! Baka ikaw ang galing sa date. Hahaha wala nga akong boyfriend eh." tiningnan niya lang ako na parang hindi naniniwala.

"Hahaha! Hindi ako naniniwala kasi alam ko kung sino yun. Tsaka bakit ba hindi mo ako kinukuya, alam mo nakakatampo ka." sumimangot na naman siya.

"Si Neil din naman ah hindi ko tinatawag na Kuya. Diba tropa tayo, edi wag ko na kayo ikuya. Hahaha"

"Si Neil okay lang naman na wag mo na tawaging Kuya. Kasi mas bagay sa kaniya yung tatay." tapos tumawa siya ng malakas na parang pinakahavey na joke na sa buong mundo yung sinabi niya.

"At sayo lolo? Hahahaha" ako naman ang tumawa ng malakas. Napapatingin tuloy sa'min yung mga taong nadadaanan namin kaya pinigilan ko na lang yung tawa ko. Baka mapagkamalan pa kaming mga baliw na nakatakas sa mental.

Bigla siyang tumigil sa pagtawa at tumingin sa'kin. "Lolo ka diyan. Ikaw Francis ka!"

Nanlaki ang mata ko saka ko siya

tiningnan ng masama. "Hoooooy! Anong Francis ka diyan? Alam mo sasabihin ko kay Kuya na ifriendship over kana niya."

"Defensive? HAHAHA" hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin.

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka diyan." pumasok na ako sa loob ng gate at iniwan ko siya sa labas. Naramdaman ko namang nakasunod siya pero hindi ko na lang pinansin.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, naabutan kong kalalabas lang ni Kuya mula sa kwarto niya kaya nakita niya agad si Kian na nakatayo sa may pinto.

"Hoy, ginagawa mo dito?!" medyo pasigaw na tanong ni Kuya.

"Patambay lang. Hehe" tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bahay at diretsong umupo sa sofa.

"Tatambay ka tapos wala ka man lang dalang pagkain." nilapitan siya ni Kuya sabay batok ng malakas sa kaibigan bago umupo sa sofa.

Minsan sadista talaga 'tong si Kuya Jelo eh. Buti na lang hindi ako nagmana sa kaniya. Kaya madalas siyang pinagagalitan ni Mama eh. Ang harsh kasi.

"Ako yung bisita, dapat ako ang papameryendahin mo." sagot naman ni Kian habang nakaturo sa sarili niya.

"Ulol!" babatukan sana ulit ni Kuya si Kian pero agad nahawakan ni Kian yung kamay niya.

Napailing na lang ako at pupunta na sana sa kwarto ko pero napatigil ako sa paglalakad nang magsalita si Kian.

"Teka lang pre. Nabalitaan mo na ba yung lalaking natokhang diyan sa kabilang street niyo?"

At dahil dun napalingon ulit ako sa kanilang dalawa para pakinggan yung usapan nila.

"Hindi pa eh. Anong nangyari?"

"Narinig ko usapan ng mga kapitbahay naming tsismosa. May lalaki raw na pinatay. Ka-ando yung tawag nila dun eh. Kinapkapan ng mga pulis tapos nakitaan ng dalawang sachet ng shabu sa bulsa ng bag. Siguro nabigla yung si ka-ando kaya ayun, tumakbo tapos dun na pinaulanan ng putok ng baril. Nakita sa CCTV yung nangyari. Sabi nila drug user daw. Pero sabi naman nung iba frame-up lang ang nangyari." panimula ni Kian.

"Bakit? Paano naging frame-up?" tanong naman ni Kuya. Mukhang interesadong interesadong siya. Well, interesado rin naman ako. Kaya nga hindi pa ako pumunta sa kwarto ko dahil gusto ko marinig yung balita. Haha

"Eh kasi napag-alamang malaki raw ang galit nung pulis na bumaril dun sa pamilya ni ka-ando. Dahil ata sa lupa. Yung lupa kasi na kinatitirikan ng bahay nila, matagal na gustong bilhin nung pulis kaya lang sa pamilya ni ka-ando binenta ng may-ari tapos binibili naman sa kanila nung pulis pero hindi sila pumayag. Kaya siguro nagalit. Hindi naniniwala yung mga kapitbahay nila na user yun dahil sobrang bait na tao raw ni ka-ando. Kaya malabong mangyari na totoong gumagamit si ka-ando. Tsaka hindi pa naman napapatunayan eh. Ipapagdrug test pa raw."

Pagkatapos ko marinig iyon, doon ko narealize na tama nga si Papa. Hindi lahat ng nasa tungkulin ay totoong nagsisilbi sa bayan. Ang iba ginagamit lang ang kapangyarihan para sa personal na interes at kadalasan naman ay para sa pera. Nakaramdam ako ng awa para dun sa biktima tsaka sa pamilya niya. Namatay siya nang walang kasalanan.

Aalis na sana ako nang marinig kong pumalakpak si Kuya kaya napalingon ulit ako sa direksyon nila.

"Isa kang dakilang tsismoso!" sabay batok ulit ni Kuya kay Kian.

At dahil dun, gumanti na ng batok si Kian kay Kuya. "Edi sana hindi kana nakinig sa tsismis ko, tsismoso ka rin eh!"

Napailing na lang ako, hindi ko alam kung matatawa ako dahil sa mga kalokohan nila.

"Kaya ikaw, wag ka mag-aadik diyan. Baka ikaw naman yung matokhang. Hahaha! Tingnan mo yang kapatid mo. Adik na."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Kian. Bakit nadamay ako?

"Adik kay Francis?! Hahahahaha" at nagtawanan silang dalawa na parang wala ng bukas.

"Ewan ko sa inyo!" inirapan ko na lang sila saka dumiretso na sa kwarto ko. Pero bago pa ako tuluyang makapasok sa loob, narinig ko pa ang mga asaran nila.

"Francis! Francis! Francis!"

Grrr. Ayoko na marinig mga pinagsasabi nila. Hinayaan ko na lang sila at nagkulong na lang ako sa kwarto ko.

Binuksan ko ang drawer ko para kumuha ng damit na pampalit nang biglang magring ang cellphone ko. Mabilis ko 'yong dinukot sa bulsa ko at nakita ko agad sa screen nito ang pangalan ni Francis. Sinagot ko yun saka idinikit sa tenga ko.

"Hello?"

[Hi. Kamusta?]

Nung una hindi ko pa alam kung anong irereact at isasagot ko. Pero narealize ko na dalawa lang naman ang pwede isagot sa tanong na 'kamusta'. 'Okay lang' at 'hindi okay'.

"Okay lang naman. Ikaw?"

[Katatapos ko lang maglinis ng bahay.] narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya. Natawa rin tuloy ako kahit wala namang nakakatawa.

"Masipag kunwari? Haha"

[Syempre. Kailangan na eh. Sa future, bahay na natin ang lilinisin ko.]

Automatic na bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko. Naramdaman ko rin na uminit ang pisngi ko. Feeling ko nagbublush na ako. Hindi ko na tuloy alam kung ano ng isasagot ko.

[Hello?]

Nagulat ako nung magsalita siya.

"Ah hahaha matagal pa yun noh." kunwari natawa talaga ako para hindi awkward. Hehe

[I know. Haha! By the way, sama ka mamaya ha! Punta tayo sa perya. Kasama natin sila Christian.]

"S-sige. Magpapaalam ako kila Mama."

[Sige. Kumain kana ba?]

Hindi ako nakapagsalita agad. Hindi ko pa rin maiwasan na hindi mailang kapag may sinasabi siyang ganyan. Yung sasabihin niya talaga sa'kin kapag nakauwi na siya, kapag tatanungin niya ako kung kamusta ako or kumain na ako. Ang sweet lang. Hehe

"Hindi pa eh. Kakain pa lang. Wala pa namang 12 eh."

[Okay. Bye na muna. Text na lang kita mamaya kapag susunduin na kita. Maglunch ka ha. Bye.]

"Bye" pinatay na niya ang tawag. Napangiti na lang ako. Eto na talaga yun. Nililigawan na niya ako.

Sana lang ay magampanan ko ng ayos kung paano maging girlfriend kung sakaling maging kami nga talaga. Dahil alam kong papasok ako sa isang commitment na dapat mapanindigan ko ng tama. Dahil alam kong hindi dapat ginagawang joke ang isang relasyon.

Marami na kasing kabataan ngayon na basta na lang nanliligaw at sinasagot ang manliligaw dahil lang nagandahan or nagwapuhan, dahil mayaman ganito ganyan. Nawawala na ang totoong meaning ng love. Karamihan dinadaan na lang sa social media. Nakachat lang, mahal na agad kahit wala pa namang isang araw na magkausap.

Kung sabagay, ibang iba na ang panahon ngayon. Kung dati kailangan pa mangharana at magpadala ng liham ng lalaki sa nililigawan nito, ngayon isang wave na lang sa messenger may lovelife kana. Sounds funny.

*★*★*★*★*★*★*★*★*★*★*

Ps; Hindi ko po intensyon na siraan ang image ng mga Police. Pero may mga pulis talaga na hindi deserving maging pulis. Hindi ko po sila nilalahat :)

Ps; May Kuya po akong Police.

Ps; Dinadakila ko ang mga mabubuting Police na tapat na nagsisilbi sa bayan. Give them around of applause.ðŸ'