webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 54

Kinagabihan,

Nakaluhod yung apat nila Kian sa munggo at si Kelly naman nakaluhod sa unan at may hawak na libro sa dalawa niyang kamay habang naka-upo naman si Jacob sa isang gilid ng sofa sa sala "Ano? Magtatanda na kayo? O baka naman gusto niyong lumuhod rin sa asin?" Ang sabi ni Keilla na wari'y galit na galit.

Pag talikod ni Keilla pabulong bulong si Keith kay Kevin "Ang daya bakit sa unan naman nakaluhod si Kelly?"

Kevin: Shhh...baka marinig ka alam mo namang fav.ni mama si Kelly.

Keila: SINABI KO BANG MAG KWENTUHAN KAYO????

Kelly: Ma, sorry na po promise di na namin uulitin baka matakot rin yung bata oh.

Keilla: Heh! Para alam niya kung paano ko kayo dinidisiplina hindi porket matatanda na kayo at kaya niyo na ang mga buto niyo di ko na kayo parurusahan.

Kelly: O---opo.

Kian: Pero Ma, kahit papasukin niyo na muna si Jacob sa kwarto ko nakakahiya.

Keilla: Ohhh...ngayon nahihiya ka sa anak mo? IKAW PA NAMAN ANG PANGANAY TAPOS KINUKUNSINTI MO ANG MGA KAPATID MO? Tumigil kayo! Walang tatayo hangga't di ko sinasabi nakakausap niyo ko sa phone tapos wala akong kaalam alam na may nangyayare na pala sa bahay ko ng di ko nalalaman?

Keith: Pero Ma, inaayos pa po kasi namin ang lahat kasi inaalala po namin ang kapakanan niyo malayo kayo samin baka bigla kayong mapano sa Canada.

Kevin: Opo Ma, kaya nag decide kami na wag muna sabihin.

Kim: Opo tsaka idinamay lang naman po namin si Kelly kaya wag niyo na po siyang parusahan kami nalang.

Kian: Opo Ma, ako po talaga ang may kasalanan kaya ako nalang parusahan niyo wag na sila.

Keilla: TAHIMEK!!!

Kelly: Ma...

Keilla: Hindi ko kayo pinaparusahan dahil gusto ko kung hindi dahil nag sinungaling kayo sakin hindi ba't ayaw na ayaw namin ng daddy niyo na nagsisinungaling? Pero ano? Ginawa niyo kong tanga! Alam na ng lahat tapos ako hindi pa?

Lumapit at lumuhod rin si Jacob sa harapan ni Keilla "Jacob!" Anila maliban kay Keilla na nagulat.

Jacob: Ayos lang po ako gusto ko rin pong harapin ang kaparusahan ni Mamsie.

Keilla: Mam—Mamsie?

Jacob: Sorry po, sabi po kasi ni tita Kelly itawag ko raw po sa lolo ko ay Papsie kaya siguro po Mamsie naman ang itatawag ko sa inyo.

Kian: Baby boy, hindi mo kailangang lumuhod tumayo ka diyan.

Kelly: Oo baby hayaan mong kami nalang.

Jacob: Ayoko po! Kanina pa po kayo nakaluhod diyan at di pa rin kayo pinapatawad ni Mamsie kaya gagawin ko rin po ang ginagawa niyo para mapatawad na po kayong lahat.

Keilla: Sigh...Halika nga your name is Jacob right?

Tinulungan ni Keilla tumayo si Jacob "Mukhang malusog kang bata." Dagdag pa nya.

Jacob: Ahm...opo si mommy po kasi ang sarap magluto kaso ngayon umalis na po siya ng Pinas kaya baka mamayat na po ako.

Keilla: Wag kang mag-alala alam mo bang masarap ring magluto si Mamsie?

Nagkatinginan yung magkakapatid at napangiti "Talaga po? Kaya niyo rin pong magluto ng kare-kareng walang mani?" Tugon ni Jacob.

Keilla: Sandali lang walang mani?

Jacob: Opo eh allergy po kasi ako sa mani.

"IKAW RIN?" Ang pagulat na tugon ng magkakapatid.

Keilla: Mukhang di ipagkakailang anak ka nga ni Kian.

Jacob: Po?

Keilla: Halika, may uwi akong chocolate sayo lahat yun.

Kelly: Ha? Ma!

Jacob: Pero gusto ko rin po sanang bigyan sila tita at tito at syempre si Daddy.

Keilla: Mukhang tinuruan ka ng nanay mo ng magandang asal...Kian!

Kian: Ma?

Keilla: Si Rica ba yung nanay niyang matagal mong naging girlfriend?

Jacob: Opo Mamsie siya po ang nanay ko kilala niyo po?

Keilla: Ahh...oo halika sumama ka buksan natin ang bagahe ko.

Jacob: Ayoko po.

Keilla: Pero...bakit?

Jacob: Kasi po gutom na ako at sigurado din pong gutom na sila daddy kaya please...

Lumuhod uli si Jacob "Mamsie, patayuin niyo na po sila sure naman po akong di na nila uuliting magsinungaling di ba po?"

"Oo...Promise!" Anila.

Keilla: Tsss...pasalamat kayo may cute at matalino na akong apo. Sige na! Tumayo na kayo diyan.

"Yes...Thanks Ma." Anila.

Tumayo at niyakap ni Jacob si Keilla "Salamat po Mamsie." Aniya.

Niyakap rin naman ito ni Keilla at napangiti at sinabing "Salamat apo."

Sa bahay nila Lola Nena,

Tahimik lang si Wayne habang naghahapunan "Wayne, bakit di ka nagsasalita?" Ang sabi ni Lolo Entong.

Wayne: Ho?

Lola Nena: Ayos na ba ang pakiramdam mo?

Wayne: O---Opo nosebleed lang naman po.

Aliyah: Bakit ba kasi nag nosebleed ka na naman?

James: Saan ka ba naman nakakitang nag ja-jogging gang 10am??

Daniel: Sandale, si Kelly ang kasama mo kanina di ba? Bakit mo siya kasama?

Ang sama ng tingin ni Chollo kay Wayne "Ah---Ano nakita ko lang sya tapos...." Aniya.

Chollo: Tapos na po ko pupunta na po ako sa kwarto ko.

Lola Nena: Pero hindi ka pa tapos kumain.

Chollo: Wala na po akong gana.

At umalis na nga ng tuluyan si Chollo "May problema ba kayo ni Chollo? Ha Wayne?" Ang sabi ni Lolo Entong.

Wayne: Wa---wala po...Ako rin po tapos na aakyat na din po ako sa kwarto ko.

Lola Nena: Ano bang nangyayare sa dalawang yon?

Daniel: Mukhang love rivalry Granny.

Lolo Entong: Ano yon?

Aliyah: Grandpa wag niyo na pong iniisip yung dalawang yon malalaki na po sila.

Habang papunta si Wayne sa kwarto niya nakita niya si Chollo na inaabangan siya sa may hallway "Wayne!"

Wayne: Cho---Chollo?

Chollo: Tapatin mo nga ko!

Wayne: Ha?

Chollo: May gusto ka rin ba kay Kelly?

Wayne: Ano?

Naalala ni Wayne ang kaninang pangyayare "Wayne, kapit lang parating na daw sila Aliyah." Ang sabi ni Kelly.

Wayne: O---oo.

Kelly: Bakit ba kasi nag nosebleed ka di ka naman nag spokeneng english diyan nakakaloka ka.

Wayne: Pwede bang mag tanong?

Kelly: Jusmiyo! Nakikita mo ba yang sitwasyon mo ano ba naman ang itatanong mo? Wag math ha? Baka masapak kita.

Wayne: Yung...yung...kanina.

Kelly: Anong yung kanina?

Wayne: A--anong ibigsabhin mo sa I like you and you like me too?

Kelly: Ahh...kala ko naman kung ano na wala lang yun ibigsabhin we like each other slow ka ba?

Wayne: ANO NGANG IBIGSABHIN NUN????

Kelly: Wag kang sumigaw di ako binge tignan mo yang ilong mo baka bumulwak ang dugo diyan.

Wayne: Sagutin mo nalang kase!

Kelly: Sigh...okay, di ko alam kung slow ka dahil nag dudugo ang ilong mo pero we like each other as a "Friend" yun lang yon.

Natulala at nagulat si Wayne "Fr---FRIEND???" Aniya.

Kelly: Oo gusto mo ko as a friend kasi natutuwa ka pag nakikita mo ako kamo tapos nag iiba ang mga dati mong kinagisnan kaya magkakasundo tayo diyan tapos gusto rin kita dahil may matalino akong friend ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kaibigan na iba ang kasiyahan isa kang "BOOKWORM" friend.

Wayne: Ahhhhhh...

At nahimatay na si Wayne ng tuluyan "WAYNE!!!" Ang sigaw ni Chollo.

Wayne: Ano yon?

Chollo: Sigh...di bale na nga pumunta ka na nga sa kwarto mo. Goodnight!

Wayne: O---okay...Sandali lang Chollo!

Chollo: Bakit?

Wayne: Ahm...paano kung...sige wag na lang sige goodnight.

At iniwan na niya si Chollo "Weirdo ka talaga Wayne....MAG BASA KA NA NGA LANG NG MAG BASA!" Tugon ni Chollo.

Kinabukasan,

"TANGHALI NA GUMISING NA KAYO!!!!!" Ang sigaw ni Keilla sabay-sabay namang nagising ang magkakapatid ni Kelly pero di pa nagsisibangon.

"Mamsie, ang aga pa po." Ang bungad na sambit ni Jacob habang nahikab hikab pa.

Keilla: Oh? Nagising ka na rin pala?

Sa isip-isip ni Jacob "Sino po ba namang di magigising sa sigaw niyong abot gang kabilang brgy."

Keilla: Halika baby ipinaghanda kita ng pancake.

Jacob: Opo, pero mamsie 6am palang po pala ang aga niyo naman pong naka pag prepare.

Keilla: Oo ganun talaga ayokong malate ang daddy mo at ang mga kapatid niya lalo na yang si tita Kelly mo? Nakow! Kainaman sa tanghaling gising iyan.

Jacob: Oooh...I see ganun po pala.

Keilla: Baby, nag aaaral ka na ba? Ilang taon ka na ba?

Jacob: I'm 5years old na po and I was 3 years old when I start going to school pero ngayon po hindi po ako nakaka pasok kasi bagong lipat po kami ng bahay na malapit po dine.

Keilla: Ohhh...Now I know hayaan mo i-eenrol ka ni Mamsie sa online class okay?

"Hindi na po kailangan." Ang bungad namang sambit ni Kian at sunod-sunod na rin sila Kelly na dumating.

Kevin: Yes Mom dahil teacher naman sila kuya sila na ang magtuturo sa kaniya.

Kim: You heard it right mom pero inenrol siya ni kuya Kian sa isang kindergarten.

Jacob: Eh? Talaga po?

Keith: Oo baby boy alam mo bang malapit rin sa bago mong school ang school kung saan kami ni tito Kim nag wowork?

Jacob: Woah...cool.

Lumapit at inakbayan ni Kian si Keilla "Kaya mom don't worry about that chubby cute little boy." Aniya.

Keilla: Asus...

Samantala napansin nila si Kelly na nakaupo at nakatulog muli "KELLY!" Anila.

Kelly: Ay Kalabaw!

"Ahahaha..." Pinagtawanan nila ito.

Keilla: Batang ito talaga siya kumain na tayo.

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts