At the Resort,
Isang oras ng nakakalipas at di mapakali si Kelly habang nasa sala sila ng mga hipag niya.
"Baby sis, chill ka lang di naman sasaktan ng mga kuya mo si Patrick." Ani Faith.
"Pero kasi ate... Kilala ko sila kuya kapag mainit ang ulo."
"Pero Bunso, hindi mo rin naman kasi maalis sa mga kuya mo na mag aalala. Tinago ng 8months na buntis ka? Kung ikaw ang nasa kalagayan nila di ka ba magagalit?" Opinyon ni Rica.
"Alam ko naman yun ate pero kasi di ko rin naman agad sinabi kay Patrick ang tungkol sa pag bubuntis ko."
"What?!"Anila Faith at Rica.
"Um. Natatakot kasi ako na baka di kami tanggapin ni Patrick."
"Huh! Baby sis, kami ang di papayag na di ka niya pananagutan!" Pagalit na sambit ni Rica.
"Correct!" Pag sang ayon ni Faith.
"Naguguluhan rin kasi si Kelly nung nalaman nyang buntis sya kaya sakin niya lang muna sinabi." Ani Lenny.
Lumapit si Rica at naupo sa tabi ni Kelly "from now on, kung anong problema mo kahit ano pa yan mag sabi ka lang saming mga ate mo tutulong kami kahit magalit pa ang mga kuya mo. Right girls?" Aniya.
"Yes na yes for me!" Ani Faith at lumapit din kay Kelly pati na rin itong si Lenny at niyakap nila ito.
"Salamat mga ate buti nalang talaga at kayo ang mga naging asawa ng mga kuya ko."
"At grateful din naman kami na ikaw ang naging hipag namin." Sagot ni Rica at sumangayon naman sila Lenny at Faith.
Meanwhile sa tabing dagat kung saan kinakausap nila Kian si Patrick,
"Pangako po hinding hindi ko po sasaktan ang kapatid niyo!!!" Sambit ni Patrick habang nakaluhod sa buhangin at nakaharap dun sa tatlo.
"Siguraduhin mo lang at wala kaming sasantuhin kapag umiyak si Kelly!" Sambit ni Keith na may dala pang stick na para bang nakaka intimidate.
"Sir yes Sir!"
"Paano mo papanagutan ang ginawa mo? Ano ganun nalang ba yon? Ibabahay mo lang si Kelly? Sa pamilya namin hindi pwedeng di kinakasal!" Pagalit naman na sambit ni Kim.
"Pa-- Papakasalan ko po sya gaya po ng nakita nyo kanina nag propose na po ako sa kaniya."
"Aba't na mimilosopo ka?" Sagot ni Kim na para bang gustong sapakin si Patrick pero inawat sya ni Keith.
"Ahm... So-- Sorry po Sir!"
"Nako! Kung hindi lang dahil kay Kelly baka kung ano ng nagawa ko sayong lintek ka!"
"Tol kalma! Baka satin naman magalit si Kelly pag nakita niyang mag bangas ang asawa niya." Ani Keith.
"Tumayo ka!" Sabi ni Kian.
"O-- Opo Sir."
At pag tayo ni Patrick sinikmuraan sya ni Kian "ku-- kuya!!!" Sambit nung dalawa at inawat si Kian.
"Oras na saktan mo at nakita kong naiyak si Kelly hindi lang yan ang aabutin mo. Nagkakaintindihan ba tayo?!!!"
"Cough! Yes Sir!"
"Guys! Tama na yan!!! Si Kelly!" Ani Faith na humahangos."
"What happened to her?" Anila Kian at nag tatakbo naman na si Patrick papunta kung nasan si Kelly.
"Bilisan nyo na ring tatlo!" Ani Faith na nakitakbo na rin at sumunod na rin naman yung tatlo.
"."
Sa Hospital,
Dumating si Kevin sakto rin kasi na nung gabi na yon ang datin nila ni Lea from abroad.
"What's the deal here? Kamusta si Bunso?" Ang humahangos na sambit ni Kevin.
"Nasa operating room parin." Ani Keith.
"What?! Ano bang nangyare?"
"Dinugo kasi syang bigla at nahimatay sabi ng doctor..."
"Teka, hindi ko maintindihan dinugo?"
"Buntis si Kelly! At si Patrick ang ama!" Ang pagalit na sambit ni Kim.
"Ano?!"
Tinignan ng masama ni Kevin si Patrick na nasa labas ng pintuan ng operating room.
"Ikaw!!! How dare you do this to my sister!!!" Galit na galit na sambit ni Kevin at sinapak niya si Patrick inawat namang agad sya ni Lea at Keith.
"So-- Sorry po Sir..."
"Sorry?! Binuntis mo yung kapatid namin tapos ngayon nanganganib ang buhay niya, sorry?!!!" Sinapak niya ulit si Patrick.
"Kevin that's enough!" Pagalit na sambit ni Kian.
Lumuhod si Patrick sa harapan ni Kevin at humihingi ng tawad habang naiyak.
"Kuya, alisin mo yan sa harapan ko baka di na ko makapag pigil sasapakin ko ulit yan."
"Sige na Patrick umalis ka muna kami ng bahala dito." Sabi ni Keith.
"Pero po..."
"Umalis ka na!!!"
Papaalis na sana si Patrick ng biglang may nag bukas ng pintuan.
"Doc, kamusta po? Kamusta po ang kapatid namin?" Sambit ng nga kuya ni Kelly.
"Sino ang asawa ng pasyente?"
Tumingin ng masama yung mga kuya ni Kelly kay Patrick.
"Gusto kang makita ng asawa mo."
"O-- Opo Doc."
"Doc kamusta po ang kapatid namin ligtas po ba sila ng baby niya?" Tanong ni Rica.
"Um. Ayos na sya ligtas na silang mag ina."
"Salamat Doc." Anila.
"Okay sige Mr..."
"Patrick Santos po."
"Come with me."
"Yes po Doc."
At sumama na nga sa loob si Patrick at nag intay naman sa labas ng operating room ang mga kuya ni Kelly at hipag nito.
Habang kinuwento rin ng mga ito kay Kevin ang mga nangyare habang wala sila ni Lea.
"I knew it! Kaya pala ning nasa Canada kami halos di na kami mag kita-kita ni Kelly lagi nyang rason maaga ang pasok nya tapos sa gabi naman tulog na kami ni Lea saka sya darating at tuwing weekends hindi rin sya nauwi ng bahay umuwi man sasabihin niya lang saming mag asawa na mag tutulog lang sya mag hapon." Sabi ni Kevin.
"Pero napansin ko rin nun babe na parang nag susuka sya every morning akala ko nag party-party lang sya nung gabi. Pero tinanong ko naman sya sabi nya okay lang daw sya that time. Yun pala morning sickness na yon?" Ani Lea.
"Teka nga hindi ko maintindihan, paano? Kailan? Nasa Canada si Kelly paano? Wait, don't tell me nung kasal namin... Hindi ba pumunta si Patrick non?"
"Oo, yun na nga! Tsk! Paano natin ito ngayon sasabihin kila Mama?" Ani Keith.
"Hinde! Hindi natin sasabihin kay Mama." Sambit ni Kim.
"Ha? Pero kailangan malaman ni Mama. Di ba Kian?" Ani Rica.
"Hindi ko alam, bahala na kayo." Sagot ni Kian at umalis.
"Honey! Saan ka pupunta?"
"Kami na ate, mga tol tara." Ani Keith.
At sinundan nga nila Keith, Kim at Kevin ang kuya Kian nila.
"Sigh... Alam nyo girls sa tingin ko we need to help Kelly." Sabi ni Faith.
"Yeah. Hindi pwede ang ganito baka ending nito magka galit-galit ang mag kakapatid." Sagot ni Rica.
"Oo ate, at di natin hahayaan na mag kagalit galit sila."
"Agree! Simulan natin sa pag sabi kay Mama ng tungkol kay Kelly." Ani Lenny.
"Ha? Teka lang Teh! Di tayo pwedeng mag madali sa bagay na yan. Baka tayo naman malintikan sa mga asawa natin."
"Pero kasi paano? Ano ang gagawin natin?"
"What about, we talk first to Kelly? Then let her speak the truth to mom?" Ani Lea.
"Tama! Good idea yon tutal malapit ka rin sa twins pwede mo rin silang kausapin about sa situation natin dito." Sagot ni Rica.
"Yes ate I will do that para umuwi na rin sila dito sa Pinas with mom."
"Yes ganon nga. Nahihirapan na din ako sa mag kakapatid. Gusto nilang maging masaya si Kelly pero ano yung ginagawa nila? Naiinis na rin talaga ako!!!"
"Chill ka lang ate Rica." Sabi ni Faith.
"Eh kasi naman eh nasa tamang edad naman na si Kelly kung makaasta kasi sila parang 5years old lang kapatid nila."
"Sigh... Si Kim nga rin ate eh kahit noon palang na boyfriend ni Kelly si Patrick ayaw na ayaw niya. Ngayon pa kayang mag kakaanak na yung dalawa." Sabi ni Lenny.
"Si Keith naman iyon naman eh kahit papaano kalma lang problema lang pag galit sila kuya Kian nakikiayon na rin ang luko." Opinyon naman ni Keith.
"Ah... Eh... Do I need to make ano rin po si Kevin?" Ang nahihiyang sambit ni Lea.
"Ah, nako hinde! Ano ka ba, ayos lang yun saka kilala namin si Kevin sya ang mas malapit kay Kelly." Sagot ni Faith.
"Um. Nakwento nga din yun sakin ni Kevin. He even buy sanitary pads for Kelly."
"Oo! Totoo yun kahit nung bata-bata pa kami like teens ganon kapag nasa Batangas kasi silang mag kakapatid madalas na sasakanila rin ako kasi nga bff kami ni Kim. Ayun one time pa nga ako ang hinila ni Kevin para mag pasama bumili ng yun nga sanitary napkin." Sambit ni Lenny.
"Oh? Ang cute naman." Ani Faith.
"Alam nyo tutal iniwan na tayo ng boys pumunta na muna tayo sa isang café na malapit dun tayo mag chikahan si Patrick na muna ang bahala kay Bunso." Sabi ni Rica.
"Okay lang po ba yun? Baka hanapin tayo ng mga husband natin." Ani Lea.
Inakbayan ni Faith si Lea "don't cha worry sissy! Masasanay ka rin sa pamilyang ito. Right mga ate?"
"Yeah!" Rica and Lenny agreed.
"See, kaya lets go na!"
"O-- Okay... Pero let me chat muna si Kevin baka kasi..."
Kinuha ni Rica ang phone ni Lea at sinabing "sagot ka namin wag kang mag alala."
"Pero po..."
"Just go with the flow ka nalang girl ganyan din ako nung una." Ani Lenny.
"Si-- Sige po..."
"Wag ka ng mag alala di ka naman namin ibebenta." Ani Faith.
"Po?"
"Hahaha... Eme lang! Hahahaha..."
***
Kinabukasan ng tanghali,
Nag punta ang mga kuya ni Kelly sa hospital para dalawin ang kapatid pero nadatnan nilang tulog ito.
"He-- Hello po." Ang bungad ni Patrick na nag aayos ng bulaklak sa vase.
"You can go home kami ng bahala kay Kelly." Ani Kevin.
"Po? Pero..."
"Kami ng bahala di mo ba narinig? Andito na kami, kami na ang mag babantay sa kaniya." Sambit ni Kim.
"Ahm... Hindi na po kaya ko naman po."
"Sige na, umuwi ka para maka pag pahinga ka." Ani Keith.
"Pero po kasi..."
"Umuwi ka na! Kung ayaw mong di ka na namin papuntahin dito!" Savi ni Kian na para bang galit.
"Si-- Sige po babalik po ako after 1hr."
"Kahit bukas ka na bumalik kami ng bahala kay Kelly." Ani Kevin.
"Ahm..."
"Aalis ka o..."
"Kuya..."
"Kelly!" Sabay-sabay sambit nila Kian.
"How do you feel? May masakit ba?" Tanong agad ni Kevin.
At ang dami na ngang tanong at sinasabi ng mga kuya niya. At natahimik lang sa isang gilid si Patrick.
Nakita ni Kelly na loner si Patrick kya tinawag nya ito.
"Hmm? Ano yon?"
"Ayos ka lang?"
Nagkatinginan naman ang mga kuya ni Kelly sa isa't isa.
"O-- Oo okay lang ako wag mo kong alalahanin."
"Ahem! Sabi namin umuwi na muna sya at kami ng mag babantay sayo." Ani Keith.
"Oh, yes. Umuwi ka na muna wala ka pang ayos na tulog mag damag mo kong binantayan."
"Ah... Don't worry I'm good at responsibility ko naman yon bilang asawa."
Kim smirked at nakita yon ni Kelly kaya napa smile nalamg sya sa bunsong kapatid kagit awkward.
"Hinde, baka mamaya atakihin ka na naman ng sakit ng ulo mo mahirap na."
"Pero..."
"Wag kang mag alala aalagaan ako nila kuya. Isa pa pupunta din dito sila ate Rica mamaya."
"Um. Sige."
"Sige na, umuwi ka na at mag pahinga pa sundo ka kay Mr. Johnsen okay?"
"Oo sige."
Mag papaalam na sana si Patrick at ki-kiss nya sana si Kelly kaso nahiya sya sa mga kuya nito kaya sa forehead niya nalang ito hinalikan at umalis.
"Um. Bye ingat ka."
Pag alis naman ni Patrick naupo sa sofa ang mga kuya ni Kelly na para bang mag iinterogate.
"So, kailan mo balak sabihin yang situation mo sakin? Akala ko ba ako ang bestfriend mo? At walang lihiman! Aber?!" Ani Kevin.
"Sorry na kuya, natakot lang kasi ako na baka ipalaglag nyo yung baby ko."
"Ano?!" Sabay-sabay sambit ng mga kuya niya at napatayo pa nga ang nga ito.
"Ah... Eh... Kasi, naman mga kuy's napaka over protective nyo sakin tapos ganito lang? Na buntis ako ng di kasal? Na pepressure ako sa expectation nyo sakin."
"Hindi porket ganoon na laang ang point of view mo gugustuhin na naming ipalaglag yang bata! Ano bang tingin mo saming mga kuya mo? Kriminal? Mamatay tao?" Ani Kian.
"Hindi naman sa ganun kuya ang akin lang kasi..."
"Maling mali yang desisyon mo Kelly! Hindi ka namin pinalaking mapanghusga sa kapwa tapos kaming mga kuya mo pa ang hinuhusgahan mo?"
"Kuya..."
"Tama si kuya Kian, di ganyan ang pag papalaki namin sayo. I'm so disappointed Bunso." Sabi ni Kevin.
"Kuya... Sorry na..."
"I'm otta here." Ani Keith at lumabas.
"Kuya Keith!!!"
"Na walan na rin ako ng gana. Labas muna ko." Sambit ni Kim at lumabas na rin sumunod na rin naman itong si Kian.
At sakto namang dumating ang mga hipag ni Kelly.
"Oh? San kayo pupunta? Nakita namin sa labasan sila Kim at Keith at papalabas na rin si Kian." Sabi ni Rica.
Kevin sighed "kayo na munang bahala kay Kelly mga ate."
"Ha?" Reaction ni Rica.
"Babe!" Ani Lea.
"Talk to you later."
"O-- Okay..."
At pag labas nga ni Kevin tinanong agad si Kelly ng mga hipag nya. At kinuwento naman niya ang nangyare.
"Ha? Sinabi mo yon sa mga kuya mo?" Ani Rica.
"Di naman sa kinakampihan ko sila Babysis pero kung ako rin sila madidisappoint din ako." Sabi ni Faith.
"Di ko naman kasi ano ate..."
"Don't worry, magiging ayos rin ang lahat." Sambit ni Lenny.
"Um. Everything will be okay sis just talk to each other and understand each other." Sabi ni Lea.
"Oo ate."
"Sigh! Okay, we will help you pero bunso, promise us na wag ka na ulit mag lilihim samin ha?" Ani Rica.
"Opo ate, promise!"
"Good. Para din naman iyon sayo isa pa andito kami palagi, family tayo. Sino pa bang mag tutulungan kundi pamilya di ba?"
"Opo. Sorry talaga mga ate pati kayo namomomblema samin nila kuya."
"No worries, magiging okay rin ang lahat sa inyo."
"Um."