webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 392

Walang pasok si Kelly sa trabaho kaya naman di kaagahan ang kaniyang pag bangon pero nagulat syang andoon ang kuya Kevin nya sa dining area at hinahainan s'ya ng breakfast.

"Kuya Kevin? Off ka rin?"

"Di naman may pasok rin ako sabi ko lang male-late ako ngayon."

"Eh? Bakit?"

"Wala naman miss lang kita halika na maupo ka na at kumain na tayo ng almusal."

"Okie."

Habang nakain yung mag kapatid kinuha ni Kelly yung phone nya sa bulsa ng pajama nya.

"Wait!" Pa sigaw na sambit ni Kevin na kinagulat naman ni Kelly.

"Bakit? Wag ka namang mang gulat kuya ang aga pa oh!"

"So— Sorry... Ahm kasi ano..."

"Anong ano? Para ka namang ewan kuya."

"Ahm... kasi ano..."

"Kuya para ka kamong baliw. Ano nga?!"

"Ngayon ka pa lang ba titingin ng phone mo?"

"Aba kuya alangan! Galing ako sa tulog anong gusto mo habang tulog ako na gamit ako ng phone? Aba ayos!"

"Bunsuan naman... ang ibig sabihin ko kung ngayon ka palang ba mag open ng phone mo."

"Oo nga kuya kasi lowbat din. Bakit ba? Anong problema sa phone ko?"

"Ah... Ehh... kasi ano..."

"Kuya agang aga baka di ako makapag timpi sayo wag mo kong inaano."

"Tsk! Sige na eto na."

"Ano ba kasi yon?"

"May meeting ka daw kahapon na di na tuloy?"

"Um. Sinabi ba yan ni ate Leny?"

"Oo, alam mo ba kung bakit di na tuloy?"

"Ha?"

"Di ba si Patrick ang ka meeting mo dapat?"

"Um. Kuya naman bakit ba? Kilala kita kapag may gusto kang sabihin andami mo pang pa ligoy-ligoy sabihin mo na kasi! Bakit nga? Anong meron?"

"Ahm... wag kang made-depress ha?"

"Kuya pag di mo pa yan tinuloy mananapak na talaga ko."

"Eto na nga kumalma ka kasi muna."

"Paano naman ako kakalma eh napaka dami mong pasakalye."

"Nasa news na engaged na si Patrick."

"Ano?"

"Oo yun ang balita engaged na si Patrick sa anak ng Vice President ng company nila."

"Ohhh..."

"Anong ohhh? Wala ka ba man lang reaction? Yan na yon?"

Nag patuloy sa pagkain ng kaniyang agahan si Kelly "aba anong gusto mong gawin ko kuya? Magalit o mag wala dine? Tapos ano? Mag pa panic ka tatawagan mo sila kuya na busy sa kanilang trabaho kasi nababaliw na ko?"

"Ah... Eh... Hindi naman sa ganun bunso ang akin lang kasi baka..."

"Baka? Baka ano kuya? Umiyak ako? Kuya, una sa lahat walang kami wala kaming relasyon ni Patrick. Pangalawa, ano naman kung na engaged sya? Single sya at available okay lang yon. At pangatlo bakit naman ako iiyak o malulungkot? Dapat nga maging masaya ako sa kaniya kasi mag kaibigan kami. At ang mag kaibigan dapat masaya para sa nararanasang kasiyahan ng kaibigan nya."

"Oo naman bunso, ang sakin lang baka kasi nga damdamin mo."

"Kuya, kilala mo ko hindi ako basta mabilis maapektuhan ng wala namang sense na bagay."

"Ehhh... kung ganun naman pala kaya mong mag isa dito ngayon?"

"Aba'y oo naman kuya di na ko bata tsaka bilisan mo na baka malate ka pa diyan."

"Oo eto na nga nga pala mag order ka nalang ng food mo sa lunch or mag init ka nalang ng ulam sa microwave meron sa ref bahala ka na. Basta wag na wag mong tatangkain na mag luto ng kahit ano."

"Okie."

"Sige na alis na ko ha? Ingat ka dito ikaw ng bahala sa kinain ko."

"Um."

Bago umalis si Kevin hinalikan nya sa noo si Kelly.

"Ingat ka dito tawagan mo kaminpag may kailangan ka wag kang basta mag bubukas ng gate at pinto."

"Yeah."

"Byie."

"Okay. Ingat kuya."

Pagka alis ni Kevin napatigil sa pagkain si Kelly at nag open ng phone nya at nakita nya nga yung news about kay Patrick.

"Huh! Abot langit ang ngiti ng kupal ah parang siyang siya ah. Sarap tanggalan ng ngipin ang lintek!" Anya at isinara ang phone nya at nag patuloy sa pagkain pero parang gigil na gigil.

"Bwiset! Sana sinabi nya na may engagement kineme sya di yung basta nalang sya mag cancel ng meeting kupal sayang ang binayad ko sa grab car kahapon taena talaga ang kupal na yon."

Bigla namang may tumulong luha na hindi nya namamalayan.

Sniff... Sniff... "what the? Bakit ako naiyak?!"

Habang na subo ng kaniyang kinakain patuloy lang ang pag bagsak ng luha nya.

"Bwiset! Bakit ba ako naiyak? Ano ba Kelly!!! Ano naman kung engaged na ang ulupong na yon? Di lang naman s'ya ang lalaki sa mundo! Pero bakit kasi nasasaktan ako?! Di ko naman s'ya mahal pero bakit ganito??!!!! AHHHHHHH!!!!"

At nag iiyak na nga si Kelly ng biglang may nag doorbell.

Sniff... Sniff "ba yan! Kung kailan naman emote na emote ako tsaka may mag do-doorbell." Pandalas na s'ya ng punas ng luha nya at tinignan kung sino yung nag doorbell.

"Pa— Patrick?"

"Kelly!"

Pagka bukas na pagka bukas ni Kelly ng gate nila si Patrick nga ang bumungad at niyakap syang bigla.

"Wag kang maniwala sa news. Hindi ako engaged kay Sweet na frame up lang ako."

"Ano?" Tinulak nya ng bahagya si Patrick para lubayan sya.

"Sorry... pero promise ko sayo wala lang yung engagement na yon si Mr. Galvez lang ang may kagustuhan non di rin payag sila daddy about dun."

"So? Ano naman ngayon? Wala naman akong pakialam. Buhay mo yan at May sarili rin akong buhay kaya I'm happy for you."

"Really? Pero bat ka umiyak?"

Sniff "si— sinong umiyak ang sinasabi mo?!"

Lumapit si Patrick kay Kelly at iniayos nya ang naka kunot nitong noo.

"Kilala kita at di mo maitatanggi na umiyak ka dahil ang pula ng mga mata mo naniningkit na nga oh!"

"Pinagsasabi mo! Umalis ka na nga!"

"Kahit di mo sabihin alam kong malungkot ka. Like what I have said kilala kita!"

"Malamang! Kaklase mo konng college eh. Diyan ka na nga!"

Grrrggrrrgggg...

"Pfft... tiyan mo ba yon?"

Napahiya namang bigla si Patrick kay Kelly dahil kagabi pa sya hindi nakain.

"Ahm... Ano kasi..."

"Tsss! Gusto mo bang kumain?"

"Pwede?"

"Haysss... di kita inaya na kumain dahil naaawa ako sayo naiintindihan mo?Nakain rin kasi ako ng breakfast ko baka naman sabihin ni Lord di ako nag aya na kumain baka naman malasin ako kaya wag kang mag overthink dyan mababaliw ka."

Patrick smiled "dami mong sinasabi ikaw itong nag o-overthink eh." He patted Kelly's head at na una pang pumasok sa bahay.

"Hoy!!! Bahay namin yan!!!!"

"Okay lang soon magiging bahay ko na rin ito." Pabulong na sagot ni Patrick.

"Ano yon?"

"Wala!!!"

Bago pumunta si Patrick kila Kelly sinigurado nya munang wala doon ang mga kuya nito dahil alam nyang di siya papayagan ng mga ito na makita ang kapatid.

Samantala,

Kausap ni May ang parents nila via video call habang nasa office sa DLRH.

May: Yes Dad, pinuntahan ngayon ni Patrick si Kelly para mag explain.

Mr. Santos: Sana maipaliwanag nya ng ayos.

Mrs. Santos: Call us kapag di na ayos ni Patrick ako na ang mag papaliwanag kau Kelly.

May: Don't worry mom maiintindihan naman yon ni Kelly. I know her di sya agad mag papaapekto pero paano po yung kay Mr. Galvez? Nakausap nyo na ba sya?

Mr. Santos: Don't worry kami na ng mom mo ang bahala sa kaniya pag uwi namin bukas diyan.

May: Grabe naman po kasi bakit bigla nalang syang nag decide about dun eh di nyo naman po alam.

Mrs. Santos: He misinterpret your dad and natuklasan namin na may hidden agenda sya for that matter.

Mr. Santos: At hindi ko hahayaan na magawa nya ang itim nyang binabalak sa company kahit ikaubos pa yan ng shares ko mapaalis lang si Galvez sa position nya.

May: Mag ingat po kayo kilala natin si Mr. Galvez gagawin nya ang posible ang imposible.

Mr. Santos: Yes at bilang Chairman ako parin ang masusundo.

May: Wag kayong mag alala dad gumagawa na rin kami ni Patrick ng hakbang para malusutan si Mr. Galvez.

Mrs. Santos: No! Don't do anything let your dad do it baka mapano pa kayong mag kapatid.

May: It's okay mom as long as hindi kami sinasaktan wala rin kaming gagawing kung ano. Santos ata kami kaya di kami mag papatalo. Sabihan nyo lang kami ng plano nyo Dad para may alam rin kami.

Mr. Santos: Salamat nak, pero habang wala pa kami ng Mom mo diyan sa Pinas ikaw na munang bahala sa lahat at sa kapatid mo.

May: Yes daddy don't worry po we will do anything para makatulong sa inyo.

"."

Wala ng energy si Patrick ng makauwo sya sa bahay nila at sumalagmak nalang sa sofa doon sa sala.

"Oh! You're here na pala, how's everything?" Bungad ni May na pababa ng hagdan.

"Nakakapagod ate ang sakit ng ulo ko."

"Bakit? May sakit ka?"

Hinipo naman agad ni May ang noo ng kapatid nya.

"Di ako nilalagnat ayos lang ako nakakapagod lang kaya nabuburaot na ko."

"Ha? Ano ba kasing nangyare? Nagalit ba si Kelly?"

"Hindi naman pero ramdam ko na galit at nag tatampo sya sakin."

"Eh ano bang sabi nya? Gusto mo bang kausapin ko sya?"

"Di na ate ako ng bahala sa kaniya ang intindihin nalang muna natin eh yung sa lintek na si Mr. Galvez ang dami nyang demand kanina kaya ang dami kong ni review na papers at ano yung gusto nya na bigyan din ng share ang anak nya? At bakit dahil sa pekeng engagement namin?"

"Wag kang mag alala hindi mangyayare yon uuwi na sila dad and mom sa Wednesday kaya tiis muna bro basta wag kang pipirma ng kahit ano na muna gaya ng napag usapan."

"Oo ate ako ng bahala sa part na yon pero anong gagawin natin about sa lintek na engagement na yon? Gusto pa ni Mr. Galvez na mag date kami ng bwiset nyang anak at di ako makatanggi dahil may reporter syang dala kanina."

"Huh! Ibang klase talaga yang si Mr. Galvez he threatening us especially you dahil alam nyang hindi ka hi-hindi kapag may reporter."

"I know alam nyang ayaw kong mabahiran ng wrong movements ang name ng mall. Pero wag kang mag alala ate ako ng bahala sa bwiset nyang anak."

"Basta hangga't wala pang sure na plan sila dad wag kang gagawa ng ikasisira ng name natin. Ingat lang..."

"Oo ate pero sana magawan na natin ng paraan ayoko ng lumaki ang galit sakin ni Kelly."

"Don't worry maayos din ang lahat kinailangan lang nila dad and mom na mag extend kasi may gagawin pa raw sila kaya di matutuloy uwi nila bukas."

"Sige ate wala naman akong choice."

"Basta for the meantime we need to go with the flow alam mo na business is business at hindi tayo ang matatalo dito ang mga Galvez."

"Oo ate, sinimulan nila tatapusin ng Santos."

"Yeah! That's my baby bro!"