webnovel

Kabanata 390

Makalipas ang dalawang oras...

"Ayoko na!!! Bahala ka na dyan uuwi na ko!!!" Sambit ni Kelly na namumutla na dahil ilang rides yung sinakyan nila sa isang theme park.

Hinihila naman ni Vince si Kelly.

"Pis, saglit nalang naman ito ngayon pa ba tayo susuko? Mamaya lang daratinf na ang parents ni Elwell."

"Ewan! Palibhasa uminom ka ng gamot sa hilo tapos ako hindi mo man lang binigayn ilang rides din yung sinakyan natin puro ang tataas pa! Tsaka yang batang kasama mo hindi yan bata! Halimaw yan!!!"

"Shhh... wag kang maingay baka mamaya isumbong nyang tayo."

"Tumigil ka nga! Hindi mo ba na hahalata? Pinag titripan na nya tayo! 10 years old lang ba yan? Eh matatangkaran na ko. Ayoko na uuwi na ko!"

"Pis naman!!!"

"Bahala ka basta ako ayoko na! Hindi nga ako mamatay sa virus sa lintek na rides naman at sa konsumisyon sa batang halimaw na yan."

Napagpasyahan kasi kanina na mag pupunta sila sa theme park dahil yun na rin ang hiling ni Elwell. Si Elwell ang batang anak ng client ni Vince na sila Mr. and Mrs. De Guzman. Spoiled brat si Elwell dahil nag iisang anak at may attitude na hindi pangkaraniwan sa normal na bata. Dahil napaka pasaway ni Elwell na kinaiinisan ni Kelly.

"What? Gusto mong sumakay na naman sa roller coaster? Huh! Ewan ko na ayoko na talaga Vince!!! Bahala ka dyan uuwi na ko!!!"

"Te— Teka lang Kelly ako nalang ang sasakay."

"Hinde! Nakakapagod na kung gusto nya sumakay sya nalang."

"Okay then, I will tell mom and dad nalang na hindi ako satisfied sa inyo!" Elwell said with attitude.

"Ah... Eh... Teka lang Elwell konting oras nalang naman at susunduin ka na wag naman sana ganito. Halos 2hours na rin naman tayo dito."

"Then do what I've said kung ayaw nyo then don't but I will tell..."

"Okay! Sige na sasakay na kami."

"Hinde! Ayoko na Vince pagod na ko sorry pero hindi mo deserve ang mga De Guzman dahil hindi ka nila babysitter."

"Oh really? Then why are you here accompanying me?"

"Dahil client ng pinsan ko ang parents mo pero hind ibig sabihin nun babysitter mo na sya spoiled brat!"

"Hey!!! Who are you calling spoiled brat?!"

"Sino pa sa tingin mo? Alangan namang ako?"

"I will tell my parents talaga!!!"

"Huh! Edi sabihin mo wala na kong pakialam. Vince, tara na hindi ka worth it maging babysitter ng kilala na ito mag hanap nalang tayo ng panibago."

Hinihila na ni Kelly ang pinsan nya pero ayaw patinag ni Vince.

"No! Kung gusto mong umuwi, umuwi ka na!"

"Vi— Vince..."

"Hindi mo kasi maintindihan kung gaano kahirap mag benta ng condo palibhasa negosyante ka na kaya minamaliit mo na ako."

"Pis, alam mong hindi ako ganyan kung gusto mo bukas na bukas mag sign na tayo ng contract para sa franchise."

"Hinde! Ganyan ka naman gusto mo puro madali kaya ka napapagalitan ng mga kuya mo ayaw mo kasing nahihirapan ka."

At nag kasagutan na nga yung mag pinsan at hindi naman na nakapag salita si Elwell sa takot nyang makasali sa Aliyah nung dalawa.

Sumenyas naman si Vince kay Kelly at naintindihan sya nito. Kaya lalong naging OA ang pag aalitan nila na napunta na sa pag sampal ni Kelly kay Vince.

At nung gaganti sana si Vince kay Kelly nagulat silang biglang humarang si Elwell.

"Enough! Tigilan nyo na ang pag aaway hindi dapat sinasaktan ang mga babae."

Nagka senyasan naman yung mag pinsan na kunwari di nakikinig kay Elwell.

"I said enough! Kapag di pa kayo tumigil I will tell my parents na wag na mag sign for the condo."

Naging clingy naman yung dalawa bigla na parang walang away na nahanap.

"Alam mo okay talaga kami eh. Do you want to eat? We will treat you right Kelly?"

"Um. Kahit san sagot namin basta wag lang masyadong mahal ha?"

"Kelly!"

"Ah... Eh... Sure thing... Ha... Ha..."

"Fine! We will eat nalang and ako ang masusunod." Sambit ni Elwell at na una ngang mag lakad dun sa dalawa.

Siniko naman ni Kelly si Vince "hoy! Yayamanin ang isang yon baka mamaya kulang ang pera ko bayaran mo ko!"

"Heh! Kwits na tayo ang sakit kaya ng sampal mo sakin."

"Ha? Hoy!!! Actingan! lang yon!"

"Actingan ang sakit ng pisnge ko bahala ka dyan!"

At iniwan na nga ni Vince si Kelly.

"Hoy Vince!!!"

"Ewan ko sayo!"

Samantala,

Sa office of the President...

"Dude, tara miryenda." Bungad ni Dave kay Patrick na busy sa pag prima.

"I'm good ikaw nalang ang kumain. Marami pa akong kailangang pirmahan dito."

"Dude naman sabi mo libre mo ko ngayon eh kaya nga nag madali ako oumubta dine. Mamaya na yan!"

"Sige nga ikaw na dito."

"Dude naman eh birthday ko naman ngayon eh sige ka di ko invite mamaya si Master."

Napatigil naman sa kaniyang ginagawa si Patrick.

"Did you invite her?"

"Um. Di ba nga dinner party."

"At sasama si Kelly?"

"Ay malamang! Sino pa bang Master ang tinatawag kong ganun?"

"Okay, let's go."

"Eh? Kakain na tayo?"

"Ayaw mo?"

Tumayo naman ng dali-dali si Dave "para ka namang di mabiro."

"Tsss! Dyan ka magaling."

"."

Habang papalabas ng company ng mga Santos.

"Dude, anong pakiramdam na tawagin kang President?"

"Ha?"

"Tignan mo lahat ng nakakasalubong natin binabati ka ang lakas maka pangulo ng bansa ah."

Patrick bonked him.

"Tigilan mo nga mo!"

"Pero ang angas mo nga eh gusto ko din maging President."

"Edi ikaw na sa position ko. Ewan ko lang kung hindi ka mabaliw."

"Charot lang! Kamusta pala ang birthday party ng lolo mo kagabi?"

"Di ka dyan pupunta tapos mag tatanong ka dyan kupal!"

"Sorry na umuwi kasi si Precious alam mo naman yun mag totoyo kapag di ako nakita."

At ng nakalabas na sila ng company nakaabang na ang kotse ni Patrick sa labasan at ang driver ay si Mr. Johnsen.

"Sa steakhouse tayo ni gramps."

"Yes Young Master."

"Eh? Dun mo ko lilibre?"

"Ayaw mo?"

"Syempre gusto ko. Mr. Johnsen floor it."

"Po?"

"Joke lang. Sige na tara na nagugutom na ko baka mag bago pa ang isip ng Boss natin."

"Sige po."

"."

At sa hindi nga inaasahan iisang steakhouse lang ang pinuntahan nila Kelly at Patrick.

"Jusme! Napaka mahal palang talaga ng steak sa resto na ire mamumulubi ata ako ng isang buwan." Sambit ni Kelly habang mag lalakad papunta sa kinauupuan nila Vince at Elwell.

At pag upo naman ni Kelly syang pasok naman ng resto nila Patrick.

"Ang bango talaga dito. Tara maupo na tayo dude." Sambit ni Dave na nag mamadali at sa di kalayuan andoon sa opposite side nila ang area naman nila Kelly.

"Pis, ayos ka lang? Bakit parang ayaw mong kumain? Ayaw mo ba ng order mo? Dahil kung ano ooder tayo ng bago."

Sa isip-isip ni Kelly "maka oder naman ang isang ire kala mo nasa karinderia kami kung makapag papalit ng order. Yayamanin yarn?"

"Don't worry I have my money I can paid everything kaya you must eat na bitch." Sambit naman ni Elwell na para bang nanunukso.

"Sinong bitch!"

"Kelly..."

"Tsss!"

Sa may kinauupuan naman nila Patrick.

"Dude gusto ko yung pinakamahal ha? Free ka naman dito di ba? Kaya yung sakin lang ang babayaran mo."

"Heh! Franchise na ito ng steakhouse ni Gramps kaya yung pinagsasabi mo na libre ako dun lang yon sa main."

"But still this is part of gramps steakhouse."

"Dami mong alam umorder ka na nga lang. Sasapakin kita eh kung di mo lang birthday."

"Ayos thanks dude."

"Tsss! Sige na ikaw na ang umorder I'm going to the restroom."

"Sige Dude."

At nung naglalakad na papunta sa restroom si Patrick nakita nya si Kelly.

"Eh? Si Kelly ba yon?" Kinusot nya pa yung mga mata nya.

Pinatigil ni Patrick yung isang waiter "Sir, sabihin nyo anong araw ngayon?"

"Eh? Monday po?"

"Okay thanks."

"Si— Sige po."

Inayos ni Patrick ang sarili nya at lumapit kung nasan sila Kelly.

"Hello." Aniya.

"Patrick?" Pagulat na sambit naman ni Kelly.

"Eh? Anong ginagawa mo dito?" Sambit naman ni Vince.

"Kuya Patrick?!"

"Elwell?"

Nagka tinginan yung mag pinsan at sabay sinabing "magka kilala kayo?"

"Um. Pinsan ni daddy ang mommy ni Elwell."

"What?" Sabay sagot ng mag pinsan.

"Um. Isa rin sila sa business partner namin."

Sa isip-isip naman nung mag pinsan "pag mayaman ka talaga kailangan mayaman din ang kakilala mo. Masyado ng mapanakit!"

Sa magkaparehong oras naman sa bahay nila Kelly...

"No you can't go with them you stay here at tapusin no ang assignment mo."

"Daddy naman eh dyan lang naman po kila ate Heidee eh bibili lang kami nila tito Kim."

"Bibili nga lang sasama ka pa? Gusto mo bang bawasan ko ang allowance mo?"

"Sabi ko nga po dito nalang ako. Sige na po tito Kim kayo nalang ni tito Ethan ang bumili basta kwek-kwek po ang sakin ah?"

"Hehe... ikaw talagang bata ka." Sabi naman ni Ethan.

"Manang mana sa tita Kelly nya eh takot nabawasan ang allowance. Ganyang ganyan si Kelly nung nag aaral sya." Opinyon naman ni Kim.

"Bumili na rin kayo ng hapunan wag na tayong mag luto may lutong ulam naman kila ate Heidee." Sabi naman ni Kian.

"Di na tol sabi ni Bunso bibili daw sya ng dinner natin kaya intayin nalang natin." Sagot naman ni Kim.

"Yun naman pala eh miryenda nalang muna gutom na si Siopao eh. Hehe." Sambit naman ni Ethan.

"Nako, siguraduhin mo muna Kim na bibili nga yon at sabihin mo umuwi na sila ni Vince."

"Sige kuya."

Balik sa steakhouse...

"Eh? Bakit ang tagal naman ata ni Dude mag cr makakalhati ko na ang steak ko eh."

Ang hindi alam ni Dave malapit lang sa kaniya sila Kelly at andoon si Patrick.

"Sir... excuse me." Tawag ni Dave sa isang waiter.

"Do you need something Sir?"

"Ahm... wala pa kasi yung kasama ko pwede bang pakicheck sa men's restroom?"

"Yes Sir."

At nung mag 30minutes ng wala si Patrick kinabahan na si Dave dahil di rin ito nasagot sa tawag nya.

"What the f?!!! Dude bakit ayaw mong sumagot???!!! Ang mahal dito lintek!!!"

Next chapter