329 Kabanata 329

Kasalukuyan sa opisina ni Patrick,

"Bro, ay este Chairman nahuli na si kuya Richmond." Ang nag huhumangos na sambit ni Dave.

Napatayo namang bigla si Patrick "nasan sya?"

"Nasa prinsinto andun na ngayon si Master at Vince."

"Si Kelly?"

"Oo sya mismo ang nakahuli kay kuya Richmond."

"What?! Saang prinsito sila nandoon?"

"."

At nang makarating sa prisinto si Patrick sinapak nya agad si Richmond at inawat naman sya ni Dave at ng ibang pulis na naroroon din. Humarang din si Kelly at naki awat.

"Honey, umalis ka diyan!" Ang nanggigil na sambit ni Patrick.

"Enough!" Ang sigaw naman ni Kelly.

"Sir, kumalma po muna kayo nandito kayo sa prinsinto." Ang sabi naman ni Ethan na in charge sa kaso ng mga Santos.

Hinila naman ni Kelly si Patrick para maupo "kumalma ka nga muna hindi natin matatapos ang kaso kapag laging init ng ulo ang pinaiiral mo."

"Tama yan makinig ka sa asawa mo." Ang sambit naman ni Richmond na para bang may ibang gustong ipahiwatig kaya naman nag panting ang tenga ni Patrick at gusto na namang sugurin ang kapatid.

"Walanghiya ka!!!"

Hindi naman na naka porma si Patrick dahil sinenyasan ni Kelly si Ethan na lagyan ng posas rin ang kaniyang asawa.

"What the? Anong ibig sabihin nito? Hindi ako ang mag nanakaw dito!" Ang nagagalit na sambit ni Patrick at pina upo sya ni Kelly.

"Mabuti ng may ganyan ka para kumalma ka! Mga Sir pakihawakan na muna ang isang yan." Ang sagot naman ni Kelly kay Patrick na may dalawang pulis na nakabantay habang naka upo sa silya.

"Honey!"

"Sinisigawan mo ko?"

"A—- Ang akin lang kasi..."

"Mga Sir paki lagyan ng tape ang bibig n'yan."

"What? Honey!!!"

At wala na ngang na gawa pa ireng si Patrick dahil nilagyan sya ng duck tape ng mga pulis.

"Mmmm...mmmm...." Ang reaction naman ni Patrick na nag pupumiglas bumulong naman dito si Dave "Chairman, hayaan nyo nalang kasi si Madam sige kayo baka mamaya sa kulungan na ang bagsak nyo."

Tinignan naman ni Patrick ng masama si Dave "mga Sir, hawakan nyo pong mabuti yan." Ang awkward na sambit naman ni Dave at lumapit kay Vince na may isinusulat habang nag papatuloy sa pag uusap sila Kelly at yung mga pulis kasama si Richmond.

"Bro, anong ginagawa mo?"

"Statement, wag ka na ngang mag tanong di mo rin naman gets."

"Ano?!"

"Sinong nag sabi kay Chairman na nandito kami ni Madam?"

"Syempre ako sino pa ba?"

Pinalo naman ng ballpen ni Vince si Dave.

"Kahit kailan gunggong ka eh. Hindi ba ang sabi ko sayo wag mo muna sabihin kay Chairman hangga't di pa namin na se-settle ni Madam ang issue dine."

"Ehhh... malamang kailangan malaman ni Chairman ang tungkol dine."

"Haysss... Ewan ko sayo."

Ibinigay naman na ni Vince dun sa isang pulis yung papeles na kaniyang natapos at lumapit na kay Kelly at bumulong "Madam ayos na po." Aniya at ka sunod nya rin naman itong si Dave na nakiki usyoso.

"Good, sige na kuya Ethan ikulong nyo na ang isang yan."

"Don't worry kami ng bahala dito."

Pinatayo na ni Ethan si Richmond ng biglang nag salita ito "sandali lang!"

Habang hawak ng mga pulis si Richmond nag tangka itong lumapit kay Kelly pero hinarangan sya nila Vince at Dave "hayaan nyo sya."

"Pero Madam..." Ang sambit nung dalawa.

"Ayos lang let him be." Ang hindi ninenerbyos na sambit ni Kelly chill lang sya pero sumenyas sya kay Ethan na para bang sinasabing hawakan nyong mabuti si Richmond.

Inangasan naman ni Richmond sila Vince at Dave "mga Si— Sir ang sama ng tingin hawakan nyong mabuti yan." Ang ninenerbyos namang sambit ni Dave na nag tago sa likuran ni Kelly.

Richmond smirked "duwag!"

"Anong gusto mong sabihin?" Ang seryoso namang sambit ni Kelly.

"Mag ingat ka sa mga malalapit sayo."

"Anong ibig mong sabihin?"

Tumawa lang ng tumawa si Richmond "now you're triggered."

"Sige na mga Sir ipasok nyo na yan." Ang naiinis ng sambit ni Vince.

"Sandali lang..." Ang pahabol na sambit ni Kelly pero pinigilan sya ni Vince kaya hindi na nya nakausap ng ayos si Richmond.

"Wag kang makinig sa kaniya wag mong istresin ang sarili mo sa kaniya normal lang na mag ingat ka kasi buntis ka."

"Pero kasi kasi pis..."

"Let him be tapos na ang problema ng kumpanya kaya umuwi na tayo."

Hindi naman na nag salita itong si Kelly at sumama nalang kay Vince papalabas "mmmm...mmmm..." Ang reaction naman ni Patrick dahil nalimutan na sya nila Kelly.

"Ay, sige Sir pakawalan nyo na po ang isang yan." Ang sambit naman ni Dave.

At nung pinakawalan si Patrick binatukan nya muna si Dave tapos pinuntahan nila yung selda kung san ipinasok si Richmond.

"Bro, nakakatakot dito umalis na tayo." Ang pabulong na sambit ni Dave na palinga linga.

"Nasa kulungan tayo anong gusto mong makita dito? Nature? Playground? Dun ka nga naiirita ko sa pag mukukha mo."

Pero hindi lumayo si Dave kay Patrick lalo pa itong dumikit "Bro..."

"Lubayan mo nga ko!"

At ng makarating sila dun sa selda iniwan muna sila ni Ethan "kuya Ethan isama mo na nga ang isang ito palabas." Ang sabi naman no Patrick.

"Bro, ayoko."

"Sumama ka na saglit lang ako."

"Pero Chairman."

Ang sama ng tingin ni Patrick kay Dave "e—eto na nga tara na Sir Ethan... a—ayoko naman talaga dine. Ha... Ha... Ha..."

Nang makaalis sila Ethan at Dave doon na kinausap ni Patrick si Richmond kahit na alam nitong kakaiba ang atmosphere doon dahil iba't ibang klase ng tao ang naroroon at hindi lang basta ibang tao dahil ang mga ito ay may ginawang kasalanan sa batas kaya kahit natatakot si Patrick hindi nya na ito alintana pa dahil gusto nyang makausap ng masinsinan ang kanyang kuya Richmond.

"Bakit gumawa ka na naman ng gulo?!" Ang galit na galit na sambit ni Patrick at kinuwelyuhan nya pa ang kuya Richmond nya inuilusot nya sa selda yung kanyang kamay para maabot ito.

"Huh! Gulo? Simula palang ng umupo ka bilang Chairman, gulo na talaga yon!" Hinawakan ni Richmond ang kamay ni Patrick at tinabig ito "umalis ka na!"

"Oras lang na malaman ko na may kakampi ka sa pag sira sa kumpanya humanda ka sisiguraduhin kong mabubulok ka dito sa kulungan!"

Richmond smirked "hindi kayo magiging masaya!"

Patrick thumps the cell furiously "simula ngayon wala ka ng kapatid tandaan mo yan!" Then he walked out.

Napaupo nalang si Richmond at wala namang pakialam ang mga ka kosa nya sa kaniya pero may isang lalaking maraming tattoo ang lumapit sa kaniya at sinabing "hoy baguhan, tumayo ka diyan." Sinipa pa sya nito pero hindi nya ito pinansin.

"Aba't..."

Sumenyas yung lalaki dun sa mga kasamahan nya kaya sapilitan nilang itinayo si Richmond "Let me Go!!! Wag n'yo kong hawakan!!!!"

"Ahhh... English. Boss anong gusto mong gawin namin dito?" Ang sabi nung isang lalaki na kasamahan nung lalaking maraming tattoo.

Dalawang lalaki ang nahawak kay Richmond at ang mga kamay nito ay nasa likod habang hawak nung dalawa kaya hindi sya maka piglas.

Lumapit at hinawakan nung lalaking may tattoo ang mukha ni Richmond "sa seldang ito ako ang boss! Kaya kung gusto mong mabuhay ng matagal sumunod ka!" Sinampal at sinikmuraan nya si Richmond kinuha niya pa ang balisong nya sa bulsa.

"A— Anong gagawin mo.... tatawag ako ng pulis."

"Ohhh... takot ko." Ang sabi nung lalaking tinatawag nilang boss tapos nag tawanan naman yung mga tao sa selda.

"This is discrimination let me go!!!"

"Madaldal ang isang ito dapat pinatatahimik Boss."

Sinampal naman nung boss yung lalaking isa na may hawak kay Richmond "wag mo kong pinangungunahan kung ayaw mong samain sakin."

Hindi naman na nag salita yung lalaking sinampal at nakaramdam naman na ng takot si Richmond "wa—wag nyo kong sasaktan marami akong pera ibibigay ko sa inyo pag nakalabas ako dito. Pangako!"

Tinawanan lang naman si Richmond ng mga ka kosa nya dahil ilang taon na ang mga ito sa selda pero ni isa sa kanila wala pa ang naka lalabas dahil puro mabigat ang naging kaso nila lalong lalo na ang tinatawag nilang Boss na si Casimiro. Dahil nag dodroga na patay niya ang buong pamilya nya kaya pang habang buhay na pag kakakulong ang kaparusahan nya.

"Clang! Clang!"

Tinapik nung isang pulis ang selda kung nasan sila Richmond "tahimik!"Aniya.

Dali-dali ang mga itong bumalik sa kani-kaniya nilang pwesto "hoy ikaw Mr. Richboy anong nangyare sayo?" Ang tanong nung pulis kay Richmond.

Napatingin naman si Richmond sa mga kakosa nya at dun kay Casimiro kaya na pa iling nalang sya dun sa pulis at hindi nag salita kahit na natatakot na sya sa mga ito.

"Hindi ako pwedeng mabulok sa seldang ito.... humanda ka sakin Patrick hindi ako papayag na maging masaya ka!!!" Ang sa isip-isip ni Richmond.

***

Kinagabihan, sa bahay ng mga Santos kararating lang nila Kelly at Patrick...

"Honey, kanina mo pa ko hindi pinapansin." Ang sambit ni Patrick at napatingin naman sa kanila ang mga kasambahay nilang sumalubong sa kanila.

"Manang Tina ano pong hapunan?" Ang sambit naman ni Kelly.

Napatingin naman si Manang Tina kay Patrick dahil hindi ito pinansin ni Kelly "ah... eh... gaya ng sinabi ni Patrick nilagang baka at beef broccoli po may leche plan din po for dessert."

Lumapit naman agad si Patrick kay Kelly "honey yun ang gusto mo di ba? Kaya yun ang pinaluto ko."

Kelly smirked then she left Patrick alone "wifey!!!"

Sinundan naman agad ni Patrick si Kelly at sya pa mismo ang nag serve dito ng pagkain "honey, kumain ka ng marami para hindi kayo magutom ng baby natin."

"Pwede bang maupo ka nalang may kamay ako kaya kong kumuha ng kakainin ko."

"Pero honey... gusto ko lang naman..."

Hindi naman na natapos ni Patrick ang sinasabi nya dahil tinapik sya ng bahagya ni Manang Tina at bumulong "hayaan mo nalang muna sya kumain ka na rin."

"Um."

At habang nakain nakatingin lang itong si Patrick kay Kelly "I'm home." Ang masiglang sambit ni May pero bigla syang huminto at bumulong kay Manang Tina. "ano pong nangyayare? Bakit parang wala sila sa mood?"

"Mukhang mag kaaway sila dumating sila na hindi pinapansin ni Kelly si Patrick."

"Hmm? Ahhh... I think I know na Manang sige ako na pong bahala sa kanila."

"Sige, ikukuha ko na rin kayo ng kakainan n'yo."

"Ah, no need I ate na sa labas kasi eh."

"Oh... sigurado ka?"

"Opo Manang may pasalubong nga po ako eto oh pakilagay nalang po sa lalagyan."

"Okay sige."

Lumapit naman si May dun sa KelRick na hindi sya pinapansin "hey..."

"A— Ate... kanina ka pa?" Ang sabi naman ni Kelly.

"Ah... hindi naman kararating ko lang."

"Kumain ka na ba?" Ang tanong naman ni Patrick.

"Oo may pasalubong nga pala akong donut at icecream later kainin niyo okay?"

"Bawal kay Kelly ang matatamis ngayon."

"Hmm? Bawal?"

Ang sama naman ng tingin ni Kelly kay Patrick "sino namang may sabi na bawal sakin ang mga yon?"

"Pero honey hindi ba yun ang sabi ng OB mo."

Kelly smirked "ah... sorry hindi ko alam na bawal pala sayo babysis."

"Ahm... hindi naman sa bawal ate kailangan ko lang umiwas pero pede naman ako kumain konti lang. Sinisikmura kasi ako madalas eh."

"Ohhh... I see, nga pala si kuya..."

"Ahem..." bigla namang sinamid si Kelly kaya dali-dali naman syang binigyan ni Patrick ng tubig.

"Ayos ka lang ba?"

"Um. Gusto ko ng mag pahinga."

"Pero hindi ka pa tapos kumain."

"I'm full."

Tumayo na si Kelly at nag paalam na rin kay May "honey..." ang pahabol na sambit ni Patrick.

"Let her be muna bro."

Napaupo nalang si Patrick na para bang nawala ang energy nito "ano na naman ba kasing ginawa mo?"

"Ate wala naman eh ewan ko ba kay Kelly... ang hirap intindihin."

"Sira! Malamang buntis sya kaya wag ka ngang ano dyan. Dapat nga iniintindi mo pa sya lalo."

"Eh Ate, wala naman akong ginawa kanina syempre, nakita ko ang taong nag cause ng problema sa kumpanya malamang magagalit ako."

"Ahhh... umiral na naman pala yang init ng ulo mo."

"Ate naman si kuya Richmond yun anong gusto nyong gawin ko i-congratulate sya sa pag nanakaw sa kumpanya?"

"Yan kasi ang point of view mo eh, paano si Kelly? Hindi mo na isip na malapit ang asawa mo sa mga kuya nya kaya anong gusto mong maging reaction nya? Malamang gusto nya parin kausapin si kuya Richmond ng mahinahon alam mo namang mahalaga kay Kelly ang pamilya."

Hindi naman naka kibo itong si Patrick "Kahit ako galit rin naman ako kay kuya pero hindi naman ibig sabihin nun init na ng ulo paiiralin ko bahala na ang batas sa kaniya kaya hindi ko iniistress ang sarili ko."

"Fine, pero hinding hindi ko mapapatawad si kuya sa lahat ng ginawa nya."

"Ikaw ang bahala pero kung ako sayo asikasuhin mo si Kelly maselan ang pag bubuntis nya kaya wag mo syang ginagalit."

"Hindi naman eh."

"Haysss... bahala ka wag mo ng intindihin si kuya at yung iba nating shareholders ako ng bahala sa kanila bukas. Mabuti pa umuwi na lang muna kayo ng asawa mo sa Batangas."

"Hmm?"

"Nabanggit kasi sakin ni Kevin na binabalak ni tita na umuwi sila sa Batangas sa weekend. Kaya sumama kayo."

"Eh? Pero ate ang dami ko pang kailangang ayusing papeles."

"Ako na nga ang bahala kaya sige na sabihan mo si Kelly."

"Salamat ate."

Niyakap naman ni Patrick ang ate nya "basta bantayan mo si Kevin para sakin ha?"

"Hayss... yan tayo eh."

"Heh! Sumunod ka na nga lang!"

***

Extra,

Sa hardin ng school nila Jacob...

"Jacob!!!"

"Naslie?"

Lumapit yung batang babae na si Naslie kay Jacob na naka upo sa damuhan at kumakain ng kaniyang pananghalian.

"A—Anong ginagawa mo dine?" Pandalas namang itinago ni Jacob ang kinakain nya.

"Bakit mo itinago? Tapos ka na kumain?"

Napatingin naman si Jacob sa dalang bento box ni Naslie "ah... ahm..."

Inilapag naman ni Naslie yung bento box nya sa may damuhan at umupo "sa— sandali lang."

"Hmm? Hindi ba ko pwede dito? Gusto ko rin sana kumain dito. Pero sige aalis nalang ako..."

Papatayo na sana si Naslie pero pinigilan sya ni Jacob "no, you stay here I... I just want to..." kinuha nya ang panyo nya at inilatag sa damuhan "sige maupo ka na."

"Eh? Pero baka madumihan ang panyo mo."

"A... Ahm... ayos lang I'm worried sa palda mo puti yan at baka madumihan kaya wag ka naman basta uupo nalang."

Napangiti naman si Naslie at dahan-dahang na upo "salamat."

Nahiya naman bigla si Jacob at namula ang pisnge "ahem... wa—walang anuman sige kumain ka na."

"Um."

avataravatar
Next chapter