webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 311

"Ohhh... ganun pala ang nangyare... pero bakit kinailangan ni Kelly na umarte ng na aksidente?" Ang sabi ni Faith habang nakain ng hapunan kasabay ang mga Dela Cruz.

"Alam mo naman si Kelly kapag may gusto syang patunayan gagawin at gagawin nya talaga. Panigurado isa na naman yon sa mga kabaliwan nya." Ang sagot naman ni Keith habang sinusubuan si Baby Tum-Tum ng pagkain.

"Kaya lodi ko po si tita Kelly eh maabilidad." Ang sabi naman ni Jacob habang ngumunguya ng fried chicken.

"Baby, hindi ba sabi ko wag kang sasabat sa usapan ng nakatatanda? Kung idol mo ang tita Kelly mo gawin mo syang role model ni minsan hi sya sya sumabay sa usapan ng nakatatanda sa kanya."

"Sorry po Daddy."

"Nextime watch your words!"

"O— Opo."

"Wag mo namang takutin ang anak mo Bro di naman ganung ka masunurin si Kelly nasabat rin naman sya kung minsan." Ang pag dipensa ni Keith kay Jacob.

"Pero yung minsan na yon mabibilang at kaya nya yun na gawa dahil may tama rin naman sya." Ang sambit naman ni Kim.

"Tama na yan, basta wag mo ng uulitin ang ginawa no ha, Jacob?"

"Yes po Daddy."

"Mabuti kung ganon wag mo ring kakalimutan na mag po at opo. Understand?"

"Opo Daddy."

"Anyways, kuya..." Keith is referring to his kuya Kim.

"Hmm?"

"Bakit pala biglaan ang uwi mo kala ko sabay kayo ni Ma next month?"

"Ah... something happened dun sa Bank ni Ma kaya need nga pa na ayusin pero dont worry guys okay naman si Mama yun nga lang matutuloy next month ang pag uwi nya."

"Sabi ko naman kasi kay Ma wag na sya nag open ng Bank account dun pero ginawa pa rin nya." Ang sambit ni Kian.

"Nag pa sigurado lang daw sya malaki kasi ang fee kapag papadala pa dine sayang din daw kasi kaya ayun inipon nalang nya kaso may kailangan pang papeles na kailangan i-approve para maiuwi nya lahat ng pera."

"Paano kung di maayos di maiuuwi ni Mama?" Ang concern na sambit ni Keith.

"Di naman maiuuwi naman daw kailangan lang talaga dumaan sa tamang proseso."

"Ohhh..."

Kinulbit naman ni Faith si Jacob at bumulong "bakit ayaw mong kumain?"

"Busog na po ako."

"Wehhh..."

"Opo nga po wag ka na pong maingay baka magalit po sakin si Daddy."

"Eh bakit kasi ayaw mong ubusin yan?"

"Para po kasing galit si Daddy eh."

"Hindi naman pinangangaralan ka lang nya."

"Pero kasi po..."

Tumingin si Jacob sa Daddy nya ng pa simple "do you need something?"

"No— Nothing po Dad."

"."

9pm na at pinatutulog na ni Rica si Jacob dahil may pasok pa ito kinabukasan sa school...

"Gusto mo bang basahan pa kita ng book?"

"Di na po mommy Big Boy na ko."

"Sus! Baby ka parin sa paningin ko."

"Ehhhh... sige na po mag pahinga na rin kayo alam ko po na pagod kayo from work."

"Pero na miss ko kasi ang baby ko."

"Mom!"

"Haha... bakit ba parang wala ka sa mood? Pinagalitan ka ba ng Daddy mo?"

"Hindi po. Sige na po matutulog na ko."

"O— Okay..."

Tumalikod na si Jacob sa mommy nya at hinalikan naman sya ng mommy nya sa noo at sinabing "goodnight baby."

"Night Mom."

At pagkalabas ni Rica sa kwarto ni Jacob na gulat sya dahil nasa labas pala si Kian "oh? May kailangan ka?"

"Wala naman tulog na si Jacob?"

"Oo tutulog na daw sya pero bakit parang wala sa mood ang anak natin? Inaway mo na naman ba sya?"

"Hindi ah!"

At napakagat sa daliri nya itong si Kian manirism nya kasi iyon kapag kinakabahan o di sya nag sasabi ng totoo at iyon ang namana sa kanya ni Jacob.

"Sus! Manang mana sayo ang anak mo. Tell me ano na naman ba ang pinag awayan n'yong mag Daddy?"

"Ehhh... kasi namab yang anak mo nag mana sayo na pala sabat kahit di naman kasali sa usapan."

Bineltukan naman ni Rica si Kian "aray! Ano bang ginagawa mo?"

"At ano ang tingin mo sakin pala sabay?"

"Ay hindi ba?"

"Eh kung sapakin kita?"

"Sorry na, ang akin lang kasi kailangan ng maputol agad ang sungay ni Jacob habang bata pa lamang sya mahirap kasi kung magiging spoiled sya."

"Ano ba kasing ginawa mo sa bata?"

"Honey, wala akong ginagawa ang gusto ko lang na malaman nya na di tama ang pag sali sa usapan ng nakatatanda. Gusto ko lang na maging disiplinado ang anak natin. Dahil alam mo namang ayokong ayoko sa mga spoiled brats."

"Oo alam ko naman yon pero sana wag mong sasabihan ang anak natin kapag may ibang tao napapahiya kasi sya. Dapat yung kayo lang dalawa."

"Fine!"

At nung pa walked out na si Kian "san ka pupunta?"

"Ipaghahain ka ng makakain mo."

"Di na."

"Ha? Sabi mo gutom ka na tsaka dapat kumain ka nga baka naman maging kalansay ka na n'yan."

Lumapit naman si Rica at bumulong kay Kian "di mangyayare yon dahil binubusog mo naman ako gabi-gabi."

"Honey! Mahiya ka nga baka mamaya marinig ka ng iba ano pa ang isipin nila lalo na si Jacob."

"Bakit ba? Ano bang masama sa sinabi ko? Ikaw itong green minded eh."

"A— Ano?"

"Bahala ka nga diyan maliligo na ko."

Kinindatan ni Rica si Kian at pag bukas nito ng pinto ng kwarto nila napakagat labi pa ito "what the?! Honey! Wait for me sabay na ko."

Pag pasok naman ni Rica sa kwarto nila sinusi nga yung cr at di niya pinag buksan si Kian "honey!"

"No, hindi tayo mag sasabay."

"Ha? Pero you provoke me!"

"Heh! Red days ko ngayon."

"Honey!!!"

***

Kinaumagahan sa Cebu maagang na gising sila Patrick at Kevin para mag jogging kasama rin nila si Mr. Sensen.

At habang nag jo-jogging binabanggit ni Mr. Sensen ang appointment ni Patrick 10am po sa may café malapit lang po sa hotel may meeting po kayo kay Mr. Oliveros, 11am kay Mr. Leng para sa una n'yong branch ni Madam ng milktea shop dito sa Cebu at 1pm to 2pm may photoshoot po kayo sa isang magazine dito sa Cebu kasama n'yo po si Sir Kevin."

"A— Ako? Bakit ako?"

"Gusto po kasi nilang ma feature kayo sa magazine nila nakita po kasi nila kayo kahapon ni Sir Patrick sa nay Park."

Nagkatinginan naman sila Patrick at Kevin at sabay ring himinto pero hindi naman huminto si Sensen dahil patuloy lang sua sa pag takbo at pag sasalita "Si— Sir? Bakit andyan pa kayo?"

Nag pa takbong patalikod naman itong si Sensen at bumalik dun sa dalawang nag uusap "alam mo ba yung photoshoot na yon?"

"Di ko rin alam yun kuya ngayon Lang kasi na discuss sakin ni Sensen."

At nang makabalik si Sensen patuloy naman syang nag jo-jog habang nag sasalita "sorry po kung di ko nabanggit sa inyo late ko na rin po kasi nabasa ang email nila kaya di ko na po na banggit sa inyo inisip ko po kasi na baka tulog na kayo."

Habang nakikinig naman sila Patrick at Kevin napa jog na din sila kay Sensen "pero hindi ako magaling sa mga ganyang photoshoot." Ang sabi naman ni Kevin.

"Ayos lang yan kuya madali lang naman yon ayaw mo nun mukhang na discover ka nung naminingwit tayo ng isda kahapon."

"Pero sa Park po kayo galing kahapon di ba?" Ang nagtatakang sagot ni Sensen.

"Andun nga kami pero habang nag lalakad lakas kami me nakita Manong isang river tas naisip ni kuya na mag fishing but ending wala kaming huli."

"Ahhh... Pero yung photoshoot naman na po na yon eh parang kay Mr. Guievarra at sya rin ang mag dadamit sa inyo."

"Ano?!" Ang pa gulat na sambit nung dalawa.

"What I mean is nga gawang damit po ni Mr. Guievarra yung isusuot nyo."

Sumangayon naman yung dalawa at parehas pa nga sila ng reaction "ahhhhh...."

"Yes po at kasama nyo rin pala si Ms. Wendy."

Nagkatinginan yung dalawa at gulat na gulat sa nalaman "Ano? Baket?"

"Hindi ko rin po alam pero si Sir Carlos po kasi ang sponsor ng magazine para sa anniversary ng dalawa nilang naglalakihang branch ng groceries nila."

"What the? Bakit di nabanggit sakin ito ni Ninong nung kasama ko sila ni Ate Wendy?" Ang sabi ni Patrick.

"Hindi ko rin po alam Sir hindi ko naman po mabawi na yung desisyon kasi si Madam na po ang tumanggap ng invitation."

"Si Kelly?"

Samantala na samid naman si Kelly habang nakain ng pancake na luto ni May.

"Oh? You okay?" Ang sabi ni May ay dali-dali nya great binigyan ng maiinum si Kelly.

"Salamat Ate, I think someone taking behind my back."

"Who?"

"I dunno pero sure akong meron sabi kasi samin dun sa Batangas kapag bigla kang na samid sa kalagitanaan ng pagkain o pag inum mo ng walang dahilan may naka alala-ala sayo."

"Really?"

"Um. Minsan pa nga ate kahit di nakain o na inum. Yun talaga ang legit."

"Ahhh... ganun ba yon? Pero sino naman sa tingin mo ang makaka alala sayo eh maaga pa."

"Sure po akong sila Patrick dahil nalaman na sigurado nila yung photoshoot mamaya."

"Oh? Pero sa bagay baka nga kasama rin nila sa pag jo-jogging si Sensen eh."

"Sure talaga yun Ate."

"Eh, paano yun tuloy parin ba ang plano?"

"Opo stick with the plan di naman sila makaka hindi lalo na si Patrick dahil ninong nya si Sir Carlos."

"Well, oo hindi talaga lalo they used to me like father and son na rin kasi eh."

"Ayos! Umarte lang tayo ng walang alam kahit na sure akong sinabi na rin ni Sensen kay Patrick na ako ang pumayag pero okay lang yon madali ng gawin ng paraan."

"Sure ka?"

"Oo naman Ate ako pa ba? Don't worry tintiyak ko sayong magiging smooth lang ang plano. Basta gawin mo yung part mo."

"Yes my dear pero paano si Wendy? Naaawa ako sa kaniya paano kung magalit sya kapag nalaman ngang bf ko si Kevin?

"Siguro sa una oo mag tatampo yun pero don't worry ako ng bahala nagawan ko na ng paraan dahil may darating para makilala sya."

"Sino?"

"Abangan!"

Ano na naman kaya sa tingin nyo ang gagawin ni Kelly? Napakalawak talaga ng imahinasyon nya kung minsan. Maging Cupid kaya this time si Kelly? O baka naman umiral na naman ang kalokohan nya?

(ง^︠.^︡)ง

*Abangan nyo kung sino yung parating na sinasabi ni Kelly ᕙ(`▿´)ᕗ

lyniarcreators' thoughts