302 Kabanata 302

Kinabukasan maagang nagising si Kelly at maaga rin nyang pinapunta sa hotel room nila si Sensen.

"Ayos, maasahan ka talaga Mr. Sensen ngayon umarte ka na parang walang kang alam kapag na gising si Patrick gawin mo ang parati mong ginagawa. Nagkakaintindahan ba tayo?"

"Yes Madam. May gusto pa po ba kayong ipagawa?"

"Ano ang schedule ni Patrick ngayong araw?"

"Mauuna po ang photoshoot nyo kay Mr. Guievarra tapos may event pong dadaluhan si Sir na kasama kayo tapos doon na rin po magaganap ang interview."

"Ohhh…I see, ako ng bahala basta wag na wag mong ipapaalam kay Patrick ang mga gagawin natin okay?"

"Opo Madam."

"Sige na umorder ka na ng pagkain."

"Ho?"

"Oo pagkain umaga na di ba? Nagugutom na kasi ako gusto ko ng mag breakfast eh tulog pa si Patrick tinatamad naman kasi aako mag luto."

"Ahhh…kung gusto nyo po ipagluluto ko kayo ano po ba ang gusto nyo?"

"Hindi na hotel naman ito kaya sulitin natin yung foods sige na bumaba ka na tapos i-chat mo sakin kung ano ang menu nila ngayon tapos picturan mo ha? Sure akong kahit i-chat mo kasi sakin baka hindi ko rin maintindihan yung name kaya picture-an mo bawat pagkain okay?"

"O—Opo Madam."

"Sige na kumain ka na rin bago ka tumaas dito."

"Salamat po Madam."

"Um."

"Sige po aalis na po ako."

"Nga pala, wag na wag mo ring sasabihin ang napag usapan natin kay kuya Kevin ha?"

"Noted po."

"Nice sige na bumaba ka na."

"Okay po."

"Um."

"."

Ginawa naman ni Sensen yung ipinaguutos sa kanya ni Kelly at hindi nya inaasahang may makikita syang mag reporters na mukhang nag aabang sa KelRick.

"Tsk! Hindi maganda ito kailangan ko maabisuhan sila Sir at Madam."

Pabalik na sana si Sensen sa hotel room nila Kelly ng bigla nyang makabanggaan si Kevin "so—sorry po hindi ko po sinasadya."

"Mr. Sensen?"

"Sir Kevin."

"Oh? Bakit ga parang aligaga ka dyan?"

"Ah…nako, sorry po ah hindi ko po sinasadya."

"Ayos lang san ka ba pupunta? At mukhang nag mamadali ka."

"Shhh…wag po kayong masyadong maingay kasi may mga reporters po akong nakita. Ayun po sila oh.

Itinuro nga ni Sensen kay Kevin na may mga reporters na dumating "sandali lang anong ginagawa ng mga yan dito?"

"Hindi ko rin po alam Sir. Pero sigurado po akong gusto nilang makita sila Sir at Madam."

"Hmmm…Okay sige mauna ka ng tumaas dahil sure akong kilala ka na ng mga yan dahil secretary ka ni Patrick."

"Eh…paano po kayo?"

"Kakain muna ko gutom na kasi ako hindi naman nila ako kilala kaya ayos lang."

"Ahh..Si---Sige po."

"Basta sabihan mo sila Kelly na wag na wag munang bababa ako na muna ang magiging spy dine sa baba."

"Sige po Sir. Kaso hindi pa po ako nakakakuha ng pagkain ni Ma'am Kelly nagugutom na raw po kasi sya eh."

"Ako ng bahala mag papadala nalang ako dun."

"Sige po Sir."

"Um."

***

Mabalik naman tayo sa hotel room ng KelRick katawagan ni Kelly ang kuya Kian nya dahil nangangamusta ito kung maayos ba silang nakarating dahil hindi na nila na inform pa ang mga ito na may something na nangayare matapos nilang makarating ng kuya Kevin nya sa Cebu. "Oo kuya ayos nga lang ako andito pa kami ni Patrick sa hotel room namin. Oo nga sorry na nga nalimutan kasi namin na i-chat kayo lobat kasi ako."

Kian: Low batt? Eh ang aga pa ng arriving time nyo sa Cebu airport ni hindi man lang ba na full charge yang cell phone nyo ni Kevin? At yang si Patrick ni hindi rin tumawag o nag text na nasa maayos na kalagayan kayo dyan! Alam mo bang….

Kelly: Kuya, ayos nga lang kami dine ni kuya Kevin kaya sige na mamaya na ko mag kukwento sayo."

Kian: Sa---Sandali lang….

Ibinaba na ni Kelly yung telepono nya at tinext nalang ang kuya Kian nya "sinong kausap mo?" Ang sabi ni Patrick at hinalikan nya si Kelly sa noo habang nakaupo ito sa sofa.

"Si kuya Kian nalimutan kasi natin silang i-inform kahapon."

"Ay! Oo nga nalimutan ko na sandali lang kukunin ko muna yung phone ko sigurado ako ang daming texts at miscalls na."

"Ayos na wag ka ng mag alala."

"Pero…"

"Okay na nga maligo ka na para maka pag breakfast na tayo gutom na ko eh."

"Oh…teka mag papadala ako ng pagkain dito."

"Wag na sinabihan ko na si Mr. Sensen na mag dala ng pagkain dito."

"Hmm?"

"Ding…Dong…"

"Oh, baka sya na yan sandali lang bubuksan ko muna maligo ka na."

"O—Okay."

At pagbukas nga ni Kelly ng pinto bumungad sa kanya ang humahangos na si Sensen "anong nangyayare? Bakit tila may humahabol sayo?"

"Ka—Kasi po may mga reporters po sa baba."

"Ano?!"

"Anong nangyayare bakit ang tagal niyo dyan?" Ang bungad ni Patrick.

"May mga reporters na daw sa baba ngayon."

"What? Hindi ba sinabi ko ng wag na wag mag papasok ng reporters dito? Mr. Sensen what's the meaning of this?"

"Si—Sir hindi ko rin po alam na banggit ko na rin naman po sa manager ang tungkol run pero parang wala po silang ginawang aksyon."

"Of course! Publicity ng hotel nila kaya hindi nila haharangin ang mga reporters. Mabuti pa lumipat nalang tayo ng hotel." Ang sabi ni Kelly.

"Pero wifey, kung lilipagt pa tayo magiging hustle pa yun para sayo hayaan nalang natin ang mag reporters titigil rin ang mga yan kapag nag bigay na tayo ng interview sa kanila."

"Haysss…nakakainis!"

"Sensen, naiayos mo na ba ang schedules ko ngayong araw?"

"Yes Sir." At napatingin sya kay Kelly at ganoon rin ito sa kaniya.

"Pano yan gutom na ko?"

"Don't worry Ma'am mag papadala na po dito si Sir. Kevin."

"Gising na sya?"

"Opo at sya daw po ang mag titimbre satin kung ano ang na ang nangyayare sa baba."

"Tsss…palusot nya gutom na rin siguro yun."

"Hehe…parang ganun na rin po."

"Oh sya sige mabuti pa mag handa na tayo para kung sakaling umalis na ang mga reporters makakalis na tayo dito sa hotel ng walang aberya."

"Yes Sir ako na pong bahala mag bantay sa labas ng room nyo."

"Okay, at tumawag ka na rin ng security sabihan mo si Mr. Montilla para don dahil sigurado akong walang silbi ang mga ssecurity guards dito sa hotel."

"Yes Sir."

"Sabihan mo rin si Mr. Jung na hindi na ako magi invest dito sa hotel niya!"

"Sigurado po kayo Sir?"

"Oo! At sabihin mo hindi na rin ako aattend ng art exhibit ng asawa nya. Huh! Sino sila sa akala nila? Wag nila kong subukan!"

"Ye—Yes Sir."

Samantala sa isang gilid tahimik lang na nakamasid si Kelly sa asawa nya habang kausap nito si Sensen "grabe ngayon lang ako humanga sa kanya hindi ko alam na may ganito pala syang side yung tipong gagamitin nya ang connection ng pamilya nila para lang hindi matapakan ang pride nya. Sobrang palaban sya at sa tingin ko hinding hindi talaga sya mag papatalo sa babangga sa kanya. Hindi ko inaasahang makikita ko ang ganitong side nya kala ko puro lang sya pa sweet pag dating sakin pero mukhang lumalabas na hindi pala talaga sya sweet na tao. Sa iilang buwan nyang pagiging C.E.O ng kumpanya nila parang ang laki na talaga ng pinagbago nya. Isa na nga talagang business minded ang asawa ko kaya hindi rin ako mag papatalo sa kaniya."

"Wifey?"

"Hmm?"

"Are you okay? Kanina ka pa nakatulala dyan."

"Ha?"

"Halika, ipagluluto na muna kita ng pancake para hindi yang nawawala ka na sasarili mo sa sobrang gutom mo."

Bineltukan naman sya ni Kelly "siraulo! Nasa katinuan pa ko."

"Ang akin lang naman kasi baka gutom ka na syempre gawa ni baby."

Napangiti naman si Kelly at sa isip-isip nya "minsan gusto ko nalang syang itago sa cabinet ang cute nya kasi kapag nag aalala sya hindi ko alam kung kailan pa ako naging sobrang in love sa kaniya."

"Wifey? Huy!"

"Ano ba?1"

"Nakatulala ka na naman kasi eh."

"Haysss…mag luto ka na nga!"

"Okie. Nga pala nasa labas lang si Sensen at mamaya dadating na yung mga guards natin kaya wag kang matatakot okay?"

"Yah, sanay na ko."

"Hmm?"

"Simula bata palang ako sila kuya na ang guards ko kaya sanay na ko."

"Ahhh…oo nga naman pero ibang guards mo ngayon pang artista kaya mamaya para tayong sikat na sikat na artista."

"Tsss…bakit sikat na artista lang ba ang may bodyguards? Dapat matagal mo na ngang na consider na magkaroon ng sarili mong bodyguards kasi businessman ka at hindi lang basta businessman dahil isa ka na sa pinaka mayaman sa buong bansa."

"Well, hindi naman kailangan na low key naman akong tao at alam mo yan kaya hindi ko naman na talaga kailangan ng bodyguards ang inaalala ko lang ikaw."

"Bakit ka ganyan?"

"So—Sorry."

"Sira! Bakit ka nag sosorry?"

"Did I offend you?"

"Hindi nga! What I mean is ganyan ka nab a dati pa?"

"Hmm?"

"Siguro nga napakamanhid kong tao dahil ngayon ko lang na appreciate ang mga ginagawa mo para sakin."

"Wa—Wait, wifey why are you like that?"

"Naisip ko lang na sobrang patay na patay ka sakin."

"Ha?"

"Kaya oras na para ako naman ang bumawi sayo."

"Eh?"

"Siguraduhin mong nakahanda ka dahil hindi na talaga ako mag pipigil simula ngayon."

"Hi—hindi kita maintindihan."

Hinalikan ni Kelly si Patrick at sinabing "we're partners in crime na kaya kung may problema ka wag kang mahihiyang mag sabi sakin ha? Sorry kung ang tanga ko dahil ngayon ko lang na appreciate ang mga ginagawa mo para sakin hindi dahil sa ako ang magiging ina ng anak mo kung hindi bilang asawa at matalik mong kaibigan."

"Hindi talaga kita maintindihan sa mga sinasabi mo pero kung ano man ang natakbo dyan sa isipan mo. Salamat dahil andito ka parati sa tabi ko."

Hinalikan rin naman nya si Kelly ng biglang pumasok naman na itong si Sensen "so---sorry po I… I…"

"Shhh… sige na ano ba yon?"

"Ahm…kasi Sir nasa lobby na po si Sir Herald."

"Ano?! Bakit sya nandito?"

"Actually, nasa baba na rin po ang buong staff ni Mr. Guievarra."

"What? Why?!"

"Biglaan po kasi nag change po sila ng location at dito na raw po gaganapin yung photoshoot."

"Paano na? Ni hindi pa nga ako nakakaligo, gulo-gulo pa ang buhok ko."

Hinawakan ni Kelly ang kamay ni Patrick "hubby calm down, andito ko hindi ka nag iisa hayaan mo silang mag antay hindi natin fault kung bakit male-late tayo sila ang may kagagawan dahil nag change sila bigla ng location ng walang sabi-sabi. Kaya mag hintay sila!"

"Um. Tama! Mr. Sensen sabihin mo mag intay sila kung ayaw nila then we won't do the photoshoot."

"Ye---Yes Sir."

"Sigurado akong yang Herald na yan ang may pakana kung bakit dito nalang sa hotel gaganapin ang photoshoot kaya sige lang bring it on!"

"Mabuti yan kalamado ka na…ngayon ipakita natin sa kanila lalong lalo na sa Herald na yon kung sino talaga ang star dito."

Napa palakpak naman si Sensen sa sinabing iyon ni Kelly "napakagaling nyo talaga Madam kaya idol ko kayo eh."

"Shhh…maliit na bagay don't worry ngayon palang mag sisimula ang laban. Tignan natin kung mag stand out pa yang Heral na yan samin."

Bilib na bilib naman si Sensen kay Kelly kaya palakpak naman ito ng palakpak but Patrick smirked at him "si---sige po lalabas na po muna ako at babalitaan ko nalang po kayo."

"Okay. Siguraduhin mong magiintay talaga sila ha?"

"Yes Madam."

At lumabas na nga si Sensen "bakit parang naging fan mo na ang secretary ko?"

"Ewan ko? Siguro natutuwa lang sya sakin."

"Ano?!"

"Oh, wag mong sabihin na nag seselos ka? Buang ka na naman diyan may girlfriend sya kaya wag ka nga dyan."

"Eh? May girlfriend sya? Bakit hindi nya yun na banggit sa akin?"

"Hindi ko alam sayo siguro ako talaga ang boss nya."

"Kelly!!!"

"Hahaha…sya sige na mag bibihis na ko."

"Okay, mag luluto na muna ako ng pancake mo."

"No need dahil sa baba tayo kakain."

"Ha? Pero…"

"Trust me magiging ayos ang lahat tandaan mo…ako ang asawa mo at kilala mo ko wala sa vocabulary ko ang nag papatalo."

"O—Okay."

avataravatar
Next chapter