webnovel

Kabanata 2

Sa Clinic,

Kelly: Kuya...andito na ako.

Kevin: Nasa c.r lang ako sandale.

Naupo si Kelly at kinuha ang damit niyang pang P.E sa bag "Oh? Magpapalit ka?" Ang sabi ni Kevin paglabas ng c.r

Kelly: Yep!

Kevin: Wala ka bang OJT?

Kelly: Waley, tinatamad ako pumasok wala namang gagawin sa office bukas nalang.

Kevin: Ano? Baka mamaya ikaw nalang ang di tapos sa OJT niyo di ka maka graduate diyan. Sige ka!

Kelly: Kalma kuya parehas lang kami ni Vince tsaka nga pala may laro kami ayos lang?

Kevin: Kelly ha! Kapag ikaw bumagsak sa mga subjects mo lagot ka samin wala ka ng inatupag kundi mag online game.

Pumasok na si Kelly sa c.r at habang nagpapalit nagsasalita siya "Ayos lang yan kuy's everything is under my control."

Habang inaayos naman ni Kevin ang baon nilang pananghalian "Tumigil ka nga diyan isusumbong kita kila kuya gusto mo?" Aniya.

Lumabas na naka pang P.E si Kelly "Kuya, bakit may mantsa ata ang hood nito?"

Kevin: Mantsa? Patingin nga?

Lumapit si Kelly at tinignan ni Kevin ang suot niyang hoodie "Maliit lang naman ang arte mo."

Kelly: Tsk...anong ulam?

Kevin: Ano pa? Edi adobong manok.

Kelly: Na naman? Bayan kuya magkakapakpak na ako bukas.

Bineltukan siya ni Kevin "Magtigil ka nga diyan ang arte mong bata ka...halika na at kumain baka mag bell na."

Kelly: Oho! Bleeeh...

Sa Canteen,

Harvey: Nasan si Kelly?

Vince: Ahhh...nandun sa clinic.

Mimay: Ha? Bakit may sakit ba si besh?

Vince: Wala, may baon kasi sila eh doon siya pinakain ni nurse Kevin tsaka sigurado ako na magpapalit rin yun ng damit.

Mimay: Oo nga pala magkapatid sila ilan bang magkakapatid sila Kelly?

Harvey: Hmmm....lima sila di ba?

Vince: Oo at puro lalaki ang kapatid ni Kelly at sya ang bunso.

Mimay: Whoa...ang astig naman.

Vince: Well, yun naman ang kinauuma ni Kelly ang pagiging bunso at nagiisang babae.

Harvey: Eh bakit naman? Ang cool ngang tignan nun eh kami nga walo at masayang magkaroon ng baabaeng nakababatang kapatid.

Mimay: Wa---walo kayo???

Harvey: Oo masayang may big family.

Mimay: Ohhh...

Vince: Bakit ikaw ba may mga kapatid ka?

Mimay: Ah...wala only child lang ako.

"Wow...ritskid." Anila.

Mimay: Hoy hindi ah...were blessed yes...menopause child kasi ako may edad ng nag asawa mga magulang ko 40 years old na kasi ang nanay ko nung ipinagbuntis niya ako.

Vince: Oh? Si Kelly rin kaya tuwang tuwa sila tita at tito na nagkaanak sila ng babae kaso...

Harvey: Kaso...may pagka tibo si Kelly.

Vince: Sigh....Oo ganun na nga.

Mimay: Sa tingin ko di naman talaga sya tomboy.

Vince: Paano mo naman nasabi? Eh bata palang kami alam niyo bang lagi na yang naka hoodie at magaling na sa karate.

Harvey: Oh? Marunong sya mag karate?

Mimay: Di naman nakakagulat nasa personality naman niya.

Vince: Pero alam nyo bang "introvert" si Kelly?

Mimay: Well, halata naman sa klase nga natin kundi ikaw kami lang ni Harvey ang kinakausap niya.

Harvey: Aba oo nga ano? Ngayon ko lang napansin madalas nga feeling ko ayaw niya pa tayong kausap.

Vince: Actually, simula nung bata pa siya naka online education si Kelly nito lang na nag college kami siya pumasok ng school.

"Eh?" Reaksyon nung dalawa.

Labin limang taon ang nakararaan,

"Happy birthday mahal naming Prinsesa."

Kelly: Wow...salamat po daddy.

At niyakap at hinalikan ni Kelly sa pisnge ang daddy niya "Paano naman sila kuya? Walang hug and kisses?" Ang sabi ni Kian.

"Little Princess?" Si Kemwell, ang tatay nila Kelly na isang pulis.

Kelly: Ehhh...syempre po meron.

At isa-isa niyang hinalikan sa pisnge ang mga kuya niya "Salamat po mga kuy's" Aniya.

Kim: Kuy's?

Kelly: Opo di ba po kapag marami kailangan may "s?"

Nagkatinginan ang kuya niya at ang daddy nila at nagtawanan "Ahahaha...ang talino talino talaga ng mahal naming prinsesa halika nga kay Daddy."

Lumapit si Kelly at binuhat siya ni Kemwell "Anong gusto ng aming bunso?"

Kelly: Hmmm...isipin ko po muna.

Keith: Babygirl alam mo ba kung ilan taon ka na?

Binilang ni Kelly ang mga daliri niya at sinabing "I'm 5years old po kuya Keith."

Keith: Aba...magaling ang tutor ng ating babysis marunong ng mag bilang.

Bineltukan siya ni Kian "Malamang ako yun!"Aniya.

Kelly: Pffft...

Keith: Kuya naman.

Kevin: Ahahaha....tinatawanan ka ni Kelly bro.

Keith: Aba....lagot ka sakin babygirl tinatawanan mo si kuya ha?

Kemwell: Ano baby? Tatakbo na tayo?

Kelly: Opo!!!!

At nauwi sa habulan ang mag-aama "Hep...halika na kayo kakain na ng agahan."

Kelly: Mama...

Kinuha naman siya ni Keilla ang nanay nila at binuhat rin "Happy birthday baby." Hinalikan niya sa pisnge si Kelly.

Kelly: Salamat po love you.

At hinalikan niya rin sa pisnge si Keilla "Aba, bakit si Mama may I Love You bakit kami wala?" Ang sabi ni Kemwell.

Kelly: Ehhh...nalimutan ko po...hehehe...

Kian: Ahhh...ganun pala ha?

Kiniliti nila si Kelly "Ahahaha...kuya...tama na..."

Kian: Sabihin mo muna na love mo kami.

Kelly: Opo...hahahahaha...I love you all...hahaha...

Keilla: Talaga kayo...siya tama yan Daddy halika na.

Hawak ni Kemwell ang telepono nya "Ah? O---oo andiyan na."

Kinatanghalian,

Busy ang lahat para sa birthday party ni Kelly "Oh ayos na ba ang lahat?" Sabi ni Keilla.

Kian: Opo Ma sila tita Ada papunta na raw po.

Kevin: Sila Vince at Alice nasa kwarto ni Kelly na po.

Keilla: Okay...Kim si tito Jules mo natawagan mo na?

Kim: Opo ma on the way na rin daw po.

Dumating naman si Kemwell na humahangos "Honey, andiyan na sila kuya Captain." Aniya.

Keilla: Oo sige sandali lang...Boys, kayo na muna bahala diyan ha?

"Yes mom." Anila.

Kian: Guys, yung clown ba dumating na?

Kim: Oo Bro nagbibihs na sila.

Kian: Ayos, Keith yung cake bakit wala pa sa mesa?

Keith: Ah..oo sandali kukunin ko nasa kusina.

Kian: Sige bilisan mo.

Keith: Oo.

Kevin: Si Kelly, sunduin ko na ba sa kwarto niya?

Kian: Sige tignan mo kung naayusan na sya ni Alice.

Kevin: Sige kuya.

Sa Kwarto ni Kelly,

Alice: Okay, done na baby girl.

Naka fairy dress si Kelly at may pakpak pa "Salamat ate Alice."Aniya.

Vince: Tsss...parang di naman bagay.

Piningot ni Alice ang tenga ni Vince "Ahhh....ate naman."

Alice: Anong di bagay ka diyan ha? Ako ang nag-ayos sa kaniya kaya sure maganda.

Vince: Humph...

Kelly: Wag niyo nalang pong pansinin yan.

Alice: Tamo, mas matured pa ang isip sayo ni Kelly ikaw naman! Sigh...ewan ko sayong bata ka.

Vince: Tsss...edi wow.

Kelly: Hehehe...ayos lang po baka mabagal lang po talaga ang progress ng isip ni kuya Vince.

Alice: Ah? Ha---ha---ha...ang talino mo talagang bata ka alam mo na agad yung salitang progress?

Vince: Ate a---ano daw yun?

"Sa madaling salita slow ka raw." Ang bungad ni Kevin.

Alice: Oh, Pinsan andiyan kana pala...

Kelly: Kuya...

Kevin: Wow...ang cute cute naman ng mahal naming little fairy.

Kelly: Thankyou kuya pero sabi ni kuya Vince di daw bagay.

Napatingin ng masama si Kevin kay Vince "Ah...Ha---ha---ha...nako nagbibiro lang yang si Vince...Di ba baby bro?" Kinurot niya si Vince.

Vince: AHHHH...O---oo kuya bagay na bagay kay Kelly ang ganda ganda niya.

Kelly: Ayos ka lang ba?

Alice: Ah? Oo ayos lang yan sige mauna na kaming bumaba sainyo baka hinahanap na kami nila mama.

Kevin: Sige sunod na kami salamat sa pag-ayos kay Kelly.

Alice: Walang anuman Bro sige...Vince...lika na.

Vince; O---oo.

At umalis na nga yung dalawa "Kamusta? Nagustuhan mo ba ang damit mo?"

Kelly: Opo kuya feeling ko isa na akong totoong fairy.

Kevin: Syempre naman ikaw ang pinaka cute at magandang fairy.

Niyakap siya ni Kelly "Salamat kuya sabi ni ate Alice ikaw raw ang bumili ng damit ko."

Kevin: Sigh...si Alice talaga...pero walang anuman para sa mahal naming Bunso.

Kelly: Love you kuya.

Hinalikan niya sa noo si Kelly at sinabing "Love you too babysis ano baba na tayo?"

Kelly: Opo!

Makalipas ang isang oras,

Sa unahan habang ang daming mga bisita kinuha ni Keith ang mic sa isang clown at sinabing "Pahiram muna Sir...Okay, time to blow the candle birthday girl." Aniya.

Kemwell: Baby, blow na raw ng candle halika.

Kelly: Opo.

Keilla: Excited na ba ang baby namin? Mag wish ka anak ha?

Kelly: Opo ma.

Kemwell: Siya halika na at bubuhatain ka na ni daddy.

Keith: Kantahan naman natin ng happy birthday ang baby girl na yan.

At kumanta nga silang lahat at noong natapos na "Baby girl wish ka na." Ang sabi ni Kemwell.

Kelly: Opo Dad.

Pumikit si Kelly pero biglang may "Bang!" Tunog ng baril at natamaan si Kemwell pandalas naman ng yuko ang lahat at nagpanic.

"HONEY!!!" Ang sigaw ni Keilla.

"DADDY!!!" Kasabay naman nito ang sigaw rin nila Kian.

Pandalas namang kinuha ni Keilla si Kelly sa mga bisig ni Kemwell "Men, bilis hanapin niyo di pa yun nakakalayo." Sabi ni Captain Henry Gumabao na kaibigan ni Kemwell sa kapulisan.

"Yes Sir." Tugon ng ilang pulis na imbitado sa kaarawan ni Kelly.

Nakatulala lang si Kelly habang naiyak sila Keilla "Honey, kapit lang...Kian!!! Ano nasan na ang ambulance?!

Kian: Pa---papunta na raw po Ma....Daddy...

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*?

lyniarcreators' thoughts
Next chapter