webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 288

Nagkakasayahan na sa Santos Residence ng dumating si Patrick kasama sila Dave at Vince.

"Anong ingay yon? May party dude?" Ang tanong ni Dave paglabas nya ng kotse.

"Anong malay ko eh sabay-sabay nga tayo dumating dito."

"Tska bakit walang guard dito sa village niyo?" Ang tanong naman ni Vince.

"Hindi ko nga alam ang kukulit nyo pumasok na nga lang tayo para malaman natin ang sagot at nung papasok na sila sa pintuan walang nag bubukas nito.

"Hmm?" Ang reaksyon ni Patrick at tumingin sya sa relo niya at nakita nyang 8:15pm palang naman kaya hindi pa mga tulog ang mag kasambahay nila "bakit walang nag bubukas ng pinto?"

"Baka nga kasi may party dude." Ang sagot ni Dave.

"Mmm…parang sa may likod yung nag kakantahan may daan ba papunta don?" Ang sabi naman ni Vince.

"Meron, sige dun nalang tayo dumaan."

At sinundan nga nung dalawa si Patrick at nagulat silang may party ngang nagaganap "wha—what the?"

"May party nga dude bakit hindi mo naman kami sinabihan?"

"I think hindi rin talaga alam ni Patrick na may party nga sa tingin ko yung makulit kong pinsan yung may pakana." Tinuro nya si Kelly na kumakanta sa videoke "ayun sya oh."

"Woah! Magaling palang kumanta si Master?"

"Yep, pero bibihira lang ang may alam nun kaya swerte ka na marinig mo ang golden voice ng pinsan ko."

"Pero anong party ito?"

"I think it's for our kasambahay and I'm pretty sure kaya walag guard sa entrance ng village ininvite ng mahal kong asawa dito sa bahay namin para maki party. Haysss….ang maisipan nya talaga."

At lumapit na nga si Patrick kila Kelly at nagulat ang mag kasambahay nila at ang iba pang kasambahay ng kapitbahay nila pati na nga rin ang mag security gurads.

"Go---Good Evening po Sir." Ang sabi ng mga kasambahay nila pero hindi nya ito pinag papansin dahil dumiretso na sya kay Kelly.

"Anong ibigsabihin nito?" Ang tanong ni Patrick kay Kelly nung kinulbit niya ito.

"Oh? Kanina ka pa ba?" Ang sagot naman ni Kelly matapos nyang tumigil sa pag kanta.

"Bakit may ganito?"

"Ha? Ahh…eh… kasi…"

Dumating naman si Kevin na galing sa loob at kumuha ng tubig para kay Kelly "wag ka sanang magalit bored lang kasi si Kelly at gusto nyang mag enjoy ang mga kasambahay niyo …ahm..pati na rin ang ibang kasambahay sa village na ito."

Patrick made a facepalms "ahem…everyone listen, sino dito ang security guard ng village? Pwede bang pakitaas ang kamay?"

Bumulong naman si Kelly kay Patrick at sinabing "anong gagawin mo sa kanila? Ako ang parusahan mo kung galit ka." Hindi naman sya sinagot ng asawa niya.

At nagsi taas naman ang mga ito ng kamay "okay, hindi naman sa gusto ko kayong paalisin pero exclusive village na ito at delikado ang panahon ngayon paano kung habang nag paparty party kayo dito may nakapasok ng masasamang loob? Hindi nyo malalaman kasi nandito kayo kaya please lang bumalik na kayong lahat kung san ang trabaho nyo bago pa kayo masisante."

"No! Hindi sila aalis dahil nag paalam na ako sa admin kaya pwede silang maki party dito." Ang nagagalit na sambit ni Kelly.

"Nag paalam? Kelly naman! Papayag ba ang admin na walang bantay sa may entrance at exit nitong village? Gabi na at marami ang pwedeng mangyare."

"Maraming cctv dito kaya kung meron man makikita ng bantay sa cctv."

Bumulong si Kevin kay Kelly "wag ka ng sumagot wala ka sa katwiran."

"No kuya! Gusto kong mag enjoy ang lahat ng naninilbihan dito sa village."

Lumapit naman yung isang security guard kila Kelly "wag na po kayo mag talo Ma'am, Sir aalis na po kami tama naman po si Sir Patrick maraming masasamang loob ngayon na nag gagala kaya sige po babalik na po kami sa trabaho naming."

"Pero, hindi pa kayo nag eenjoy."

"Ayos lang po Ma'am kahit papano naramdaman naman po naming na importante rin kami kahit guard lang po kami dito. Kaya salamat po sa inyo Ma'am Kelly nag enjoy po kami."

"Pero kasi…"

"Ayos lang po Ma'am sige po alis na po kami magandang gabi po sa inyo at maraming salamat po uli."

At umalis na nga yung mga security guard at nag walked out naman itong si Kelly at sinundan naman sya ni Patrick "Ha…Ha…Ha…party?party?" Ang awkward na sambit ni Dave.

Sinuko naman ni Vince si Dave "manahimik ka nga!"

"Pis, kayo na nga munang bahala dine susndan ko lang din si Kelly." Ang sabi ni Kevin.

"Sige pis."

At sumunod na nga rin itong si Kevin kay Kelly pero sa laki ng bahay ng mga Santos hindi nya alam kung san sya magsisimula.

"Putek! Bakit ba kasi parang mall ang bahay na ito?"

Ang hindi nya alam wala naman sa loob ng bahay sila Kelly dahil nasa labas ang mga ito papuntang hardin.

"Kelly! Tumigil ka nga gabi nab aka matipalok ka na naman."

"Wala akong pakialam dun ka na Mr. Chairman! Humph."

"Kelly!!!"

Nang makapasok sa hardin na gulat si Kelly na kada hakbang nya ay may ilaw na nag bubukas "oh? Nagulat ka?"

"Tsss… lumayo ka nga!"

"Kelly naman!"

Nag madali na mag lakad si Kelly hanggang sa muntikan na naman syang matipalok buti nalang nasalo syang agad ni Patrick "ayos ka lang ba?"

"Um…"

"Ang kulit muna naman kasi ayaw mong makinig sakin."

"Bitawan mo nalang ako kung manenermon ka lang!"

Pero hindi binitawan ni Patrick si Kelly kung hindi binuhat nya ito "bitawan mo nga ko!"

"Wag kang malikot iuupo lang kita!"

"Tsss!"

At pagkaupo ni Patrick kay Kelly tinulak sya nito "lumayo ka nga!"

Patrick sighed "ano na naman ba ang ginawa kong kasalanan sayo at nag kakaganyan ka na naman!"

Napansin ni Kelly na may bandage ang kanang kamay ni Patrick kaya hinawakan niya itong agad na animo'y alalang alala "anong nangyare diyan?"

"Wala yan malayo yan sa bituka sugutin mo ang tinatanong ko sayo iniiba mo na naman ang usapan."

"Bakit kasi hindi ka nag iingat?"

"Hmm?"

Ang Patrick na nanggigil sa galit bigla huminahon dahil hinalikan ni Kelly ang kamay niya "nung bata ako kapag nadadapa ako nililinis agad yun ni daddy tapos pag lagay nya ng bandage hahalikan nya yon tapos parang magic na mawawala yung sakit."

"A…Ahm…"

"Sorry…"

"Pa—Para san?"

"Sa mga ginagawa kong kakulitan gusto ko lang naman kasing makuha ang atensyon mo."

"Ha? Pero hindi ba nag usap na tayo kanina dun sa E.R nag sorry na rin ako sayo dahil nauubos ang time ko sa company at hindi na kita napag tutuunan ng pansin."

"Alam ko naman pero na bored lang talaga ko kanina kaya naisip kong mag pool party. Kala ko kasi matutuwa kapag nakikihalubilo na ako sa maraming tao."

Patrick sighed "makinig ka, kahit wala ka namang gawin matutuwa ako sayo kasi asawa kita at mahal na mahal kita."

"Pero pakiramdam ko kasi ang useless ko na hindi na rin ako nakakapag asikaso sa milktea shop natin kasi ayaw mo naman akong palabasin."

"Sorry, sige simula bukas isasama na kita sa company dadaan rin tayo sa milktea shop."

"Talaga?"

"Um…siguro nga hindi kita dapat pag bawalang lumabas dahil alam ko namang reponsable ka at alam kong iingatan mo ang baby natin."

Niyakap sya ni Kelly "I miss you."

"Hmm? Pero lagi naman tayong mag kasama."

"Ehhh…na miss ko lang yung dating ikaw sana wag ka ng magalit."

"Hindi naman ako galit sayo ang gusto ko lang matuto ka."

"Oo na kaya nga sorry na eh. Pero sa tingin mo may nakapasok kayang mag nanakaw dito sa village?"

"Pfft…hahaha…"

"Oh? Bakit ka naman natawa?"

"I think na miss ko rin ang dating Kelly."

"Na ano?"

"Yang ganyan yung sobrang inusente."

"Ha?"

"Naalala mo ba nung college tayo? Ganyan ka eh yung ang daming tanong at ang daming gustong malaman kaya para kang batang walang kamuwang muwang sakin nun."

"Baliw ka!"

"Pero na dun naman ako na in love sa ganun mong ugali kasi ang cute mo."

"Haysss…ewan ko sayo."

"Pa kiss nga."

"Heh!"

Ninakawan naman ni Patrick ng halik ang asawa niya sa pisnge "ikaw!!!"

"Oh, hindi pwedeng tumakbo!"

Sinabunutan naman sya ni Kelly "aw…aw…aw…wifey naman ang sakit."

"Tsss…bagay lang yan sayo."

Pinanggigilan sya ni Kelly pinisil ng pinisil nito ang pisnge ni Patrick "wifey!!!"

Samantala sa may pool area nagsiuwian naman na yung mga kasambahay ng kapitbahay ng mga Santos.

"Bro, tayo hindi pa ba tayo uuwi?" Ang tanong ni Vince kay Dave.

"Mamaya na."

"Ha? Pero mukhang hindi rin naman natin makakausap ngayong gabi si Kelly kaya umuwi na tayo baka hinahanap na rin tayo ng mga asawa natin."

Nagulat naman si Vince na may inilabas na isnag buong pizza si Dave "sa---saan mo yan nakuha?"

"Diyan sa tabi-tabi gusto mo? Nagugutom na ko eh."

"Sabagay gutom na rin ako pahingi nga."

Lumabas naman si Manang Tina at tinawag yung dalawa para mag hapunan "mga Sir halika po kayo at kumain nag handa po ako ng hapunan niyo."

Nagkatinginan naman yung dalawa at sabay na sumagot "nako, hindi na po nakakahiya naman."

"Sayang naman po may pinaluto po kasi si Ma'am Kelly kanina na crabs ininit ko po kasi baka hindi pa kayo nag hahapunan pero kung ayaw niyo…."

"Crabs?" Anila.

"Um…spicy butter crabs."

Nag uunahan namang pumasok yung dalawa "sa—saan po kayo…"

"Halika na Manang Tina kumain na tayo." Ang sabi ni Dave.

"Ah…eh…" wala ng nasabi si Manang Tina at napatawa nalang sya dun sa dalawa.

Sa magkaparehong oras naman naligaw na ng tuluyan itong si Kevin at sakto namang pag bukas nya ng isang pinto kay May na kwarto yung na buksan nya.

"Wow... jewelry shop ba ito?"

Manghang mangha sya dahil ang dami ditong naka display na mag alahas na para bang nasa isa nga syang jewelry shop.

"Grabe talaga ang mga mayayamang ito may lugar talaga sila na para lang sa mga alahas nila? Ibang klase talaga!"

Nag libot-libot sya pero wala syang ibang nakita kung hindi ang iba't ibang kalse ng alahas "bayan! Ang boring naman dito makalabas na nga mukha namang wala dito si Kelly."

At pagbukas nya ng pinto nagulat syang nakita niya si May "Ke---Kevin?"

"Ma—May?"

"A—Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"

"ANO? KWARTO MO?"

"O—Oo?"

At ipinaliwanag nga ni Kevin kay May yung nangyare habang nakaupo sila sa sofa sa loob ng kwarto "Ohhh…now I know…so, hindi mo pa nakikita si Kelly at Patrick?"

"Um…ang laki naman kasi ng bahay nyo pero kwarto mo lang pala ito? Kala ko jewelry shop na."

"Hahahaha…Silly. Actually yang mag nakita mong jewelries diyan mga bigay lang yan sakin."

"What? Bigay lang? Grabe sino yung mga yun? Sa mag nakita ko puro 24karrat yang mag nandiyan tapos bigay lang? Grabe naman yang mga kaibigan mo may gold ba sila sa bahay nila?"

Tawa naman ng tawa si May kay Kevin "Hahaha… lalo ka sigurong magugulat kung mas marami pa ako dun sa secret cabinet ko."

"Ano? Meron pa? Grabe ka. Sino ka nga ulit?"

"Sira! Hahahaha…pero halos naman ng nandun bigay ni mom at yung karamihan binili ko kasi parang naging collections ko na."

"What the? Ganyan ba talaga kapag mayaman ang collections kailangan mamahalin rin?"

"Baliw! Investment na rin naman kasi yun para sakin."

"Well, pero grabe totoo talagang kwarto mo ito at hindi jewelry shop?"

"Hahahaha…oo nga kwarto ko ito pero gusto mo sige jewelry shop nalang ang itawag mo dito. Hehe…"

"Pero kung mamahalin ang mga nandito bakit walang lock ang kwarto mo? Ang dali ko lang nakapasok dito."

"Ahhh…yun ba? Iniiwan ko talaga itong bukas kasi kilala ko naman yung mga taong nandito at so far so good naman wala pang nawawala sa mga jewelries ko."

"Really?"

"Um…ang mga tao kasi ditto ay kapamilya na naming at nagtitiwala kami sa kanilang lahat."

"Ganun ka rin ba nung bagong dating si Kelly ditto?"

"Oo naman unang kita ko palang sa kapatid mo bet ko na sya."

"Dahil ba yan sa kamukha si Kelly ng bunso nyong kapatid na pumanaw na?"

"Ha? No! Mahal namin si Kelly as Kelly not dahil kamukha sya ni Paula at ganon rin ang tingin naming lahat sa kanya dito kaya nga nagustuhan si Kelly ng kapatid kong si Patrick at pinakasalan pa. Hindi nya ito gagawin kung ang tingin nya lang kay Kelly ay kapatid."

"Well, ibang iba naman talaga si Kelly sa lahat."

"Yah…kaya wag nyong isipin na gusto naming si Kelly kasi kamukha sya ni Paula."

"Um...salamat."

"Kumain ka na ba?"

"Ah…hi—hindi pa nga eh."

"Silly, lets go."

"Okay, pero kwarto mo talaga ito at hindi jewelry shop?"

"Ewan ko sayo. Hahaha… baliw eh."

Ano sa tingin nyo kwarto kaya talaga yun ni May o jewelry shop? Hahahahaha...xD

lyniarcreators' thoughts