webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 285

Tanghali na at nag tungo si Kelly sa bahay nila at wala ito sa mood dahil sa alitan nila ni Patrick…

"Andito na po ko…."

Nagulat sila Faith at Keith na bigla nalang dumating sa bahay si Kelly dahil ang alam nila weekend pa ang uwi ng kapatid at lalo silang na gulat dahil may dala itong malaking bag na animo'y nag layas.

"Oh? Bakit ang dami mo atang dala?" Ang sabi naman ni Keith.

"Sandali lang ibaba ko muna itong si Eli para maikuha ko ng mirienda si babysis."

"Ah, hindi na ate ako na pong bahala, ayos lang busog pa naman ako kumain po ako sa Jollibee."

Naupo si Kelly sa sofa na para bang pagod na pagod "ayos ka lang ba bunso?" Ang tanong ni Keith at napatingin ito kay Faith na animo'y nagtataka.

"Ayos lang ako gawin niyo na ang mga gagawin niyo isipin niyo nalang na wala ako dito."

"Pwede ba naman iyon? Sige na mag palit ka na muna ng damit mo naka kotse ka ba?"

"Oo kuya ginamit ko yung kotse namin ni Patrick. Tsss! Hindi naman na kasi kailngan ng asawa kong C.E.O. Humph!"

"Ahm…nag away ba kayo ni Patrick?" Ang tanong naman ni Faith at hindi naman sumagot si Kelly at iniba ang usapan.

"Nasan si Jacob at Tum-Tum? Nasa kwarto ba? Sige puntahan ko muna sila."

Nagkatinginan sila Faith at Keith at hindi nalang nag salita "Babies andito si tita Kelly." Ang sambit ni Kelly habang naakyat ng hagdan.

"Sa tingin ko nag away nga yung dalawa." Ang sabi ni Faith.

"Mukha nga pero bakit kaya? Eh si Patrick naman eh under kay Kelly eh bakit kaya nag away yung mga yon sa unang pagkakataon na sila'y mag asawa."

"Hayaan mo baka need rin ng space ni babysis minsan kasi ang clingy na talaga ni Patrick. Baka nag sawa na."

"O kaya gawa sa kumpanya narinig mo naman pinag diinan ni Kelly yung C.E.O raw. Kaya sa malakas ang kutob ko na wala ng time si Patrick kay Kelly kaya nag away sila."

"Hmmm…ang hirap kasi pag mayaman ang na pangasawa."

"Babe naman, anong gusto mong palabasin slaplsoil ang napangasawa mo?"

"Anong slapsoil pinagsasabi mo?"

"Hampas means slap tapos lupa means soil kaya slapsoil means hampaslupa."

"Eh kung hampasin kita? Ang dami mong alam."

"Naririnig ko lang naman yun sa mga estudyante ko mga kabataan kasi daming alam. Hehe."

"Tumigil ka nga! Ako eh tantanan mo mag handa ka na ng pampaligo ni Eli."

"O—Oo na."

"Bilisan mo!"

"Ere na nga."

Sa magkaparehong oras sa office ni Patrick,

"Knock…knock…"

"Mr. Chairman si Dave po ito may papapirmahan lang po ako sa inyo."

"Pumasok ka na ang dami mo pang sinasabi!"

At pumasok nga si Dave at pag pasok niya hindi niya na makita si Patrick dahil ang daming papeles sa desk nito "nasan ka Mr. Chairman?"

"Andito ko gung-gong."

Sinilip naman ni Dave si Patrick na nakaupo lang at nakaub-ob sa desk "oh? Andiyan ka pala Mr. Chairman."

"Tigilan mo nga yan."

Tumayo si Patrick at nag tungo sa may balcony pero hindi sya lumbas.

"Ayos ka lang ba?"

"Ano sa tingin mo?"

Napalingon naman si Dave sa mag papaerworks ni Patrick "sa dami ng mga yan hindi ka nga okay."

"Nag away na nga kami ni Kelly eh ."

"Eh? Si Master? Bakit? Himala ata simula kasi nung kinasal kayo hindi na kayo nag aaway well, nag aaway pero mild lang dahil hindi mo naman kasi hinahayaan na mag tanim ng galit sayo si Kelly."

"Ganun ba kong tao?"

"Ha?"

"These past few days kasi simula nung namatay si daddy gang ngayon parang lagi nalang mainit ang ulo ko kay Kelly."

"Huy! Grabe ka naman kay Master."

"Oo grabe na nga siguro ako eh kasi naman sya ang daldal nya alam naman niyang busy ako kung anu-ano pa ang mag gusto nyang gawin gaya bukas gusto niya pa akong isama sa OB niya pwede namang hindi, ang arte kasi."

Bineltukan naman sya ni Dave "what the? Anong ginagawa mo?! Gusto mo na bang masisante?!"

"So—Sorry Sir I mean dude hindi ko lang napigilan baka kasi kailangan mo ng magising sa katotohanan."

"Ano?!"

"What I'm trying to say is hindi ka na yung kilala kong Patrick bakit naman ganun ang inasal mo kay Kelly? Alam mo namang buntis yung asawa mo normal lang sa kanya na maging emosyonal tsaka dude anak mo naman yung titignan niyo kaya nag papasama sya sa OB niya at dude naman si Kelly ang nanay ng magiging anak mo kaya umayos ka! Bago mahuli ang lahat."

Patrick sighed "ang dami ko lang kasing iniisip alam mo namang hindi ko kaya ang ganitong buhay as Chairman pero wala akong choice walang mag hahandle si mommy depressed pa sa pagkamatay ni daddy kaya sinamahan muna sya ni kuya Richmond sa America para makalimot si ate May naman busy rin sa flowershop business nila ni Mom at sa DLRH so sino pa sa tingin mo ang pwedeng mag handle ng kumpanya? Kung nandito nga lang sana si Paula baka natulungan niya pa ko."

"Alam ko namang nahihirapan ka na pero dude kailangan ka rin ng asawa mo lalo pa ngayon na buntis sya hindi lang naman sya ang may gusto nun kayong dalawa kaya kayong dalawa rin ang kailangan ng bata. Maintindihan mo sanang hindi lang ang kumpanyang ito ang may nangangailangan sayo dahil pamilyadong tao ka na."

"Yeah…salamat sa advice."

"Wala yon sige na pirmahan mo na yung dala kong papers."

"Ungas! Kasasabi mo lang na kailangan ko ring bigyan ng time si Kelly tapos ganyan agad ang banat mo?"

"Hahaha…masyado na kasing sad yung atmosphere dine hindi ako sanay na makita kang stressed."

"I think kailangan ko ng tulong nyo ni Vince."

"Para san?"

Tinawagan ni Patrick si Maricar at pinatawag si Vince "dude, kung iniisip mo na kaya naming gayahin ang pirma mo dude wag ka ng mag tangka dahil ang hirap ng pirma mo."

"Basta akong bahala intayin nalang natin si Vince."

"Haysss…bahala ka nga."

","

Lumipas ang mga oras hanggang sa dumilim na pero hindi pa rin nabalik sa Santos Residence si Kelly masayang masaya pa nga itong kumakain ng luto ni Faith na honeyglaced crabs.

"Bunso, hinay-hinay ka naman baka mabulunan ka." Ang sabi ni Kevin.

"Ayos lang kuya sanay ako sa ganire madalas kasi ganito ang ulam kila Patrick kapag andun si ate May paborito niya kasi ang mga ganitong seafoods."

"O— Okay pero wag ka masyadong kumain baka kasi maallergy ka bigla."

"Ayos lang nga ako kuya."

"Hayaan mo na hindi naman yan kumain ng mirienda kanina." Ang sabi ni Keith.

"Bakit nga pala andito ka?" Ang tanong ni Kian.

"Bakit naman ganyan ang tanong mo kuya? Hindi mo ba ako namiss?"

"Kapag sinagot ko yan hinding hindi ka na makakalabas ng bahay na ito!"

Napahinto naman sa pagkain niya itong si Kelly "oh? Bakit tila na tigilan ka?" Ang sabi naman ni Keith.

Bigla namang umiyak si Kelly out of nowhere kaya nag panic naman ang mga kuya niya "kayo naman kasi alam niyo namang buntis yung tao eh." Ang sabi ni Faith at lumapit agad sya kay Kelly "wag ka ng umiyak sige kumain ka lang akong bahala sayo."

"Sabihin mo nga anong ginawa ni Patrick? At bakit wala pa sya?" Ang galit na galit na tanong ni Kian.

"Kuya…kumalma ka muna lalo mo lang tinatakot si Kelly eh." Ang sabi naman ni Kevin.

Umatungal naman na ito si Kelly "kuya….ayoko na!!!"

"I knew it! Keith, tawagan mo ngayon rin si Ethan."

"Ano? Ba—Bakit?"

"Anong bakit? Gusto kong makulong ang Patrick na yan! Sinaktan niya si Kelly!"

"Ha? Ku—Kulong agad?" Ang sagot naman agad ni Kelly at tumigil sya sa pag iyak at pinunasan niya rin ang luha niya "ku—kuya a—ano kasi mayroon lang kaming hindi pagkakaintindihan."

"Hindi pagkakaintindihan? Iiyak ka ba ng ganyan kung mababaw lang? Sige sabihin mo anong ginawa niya sayo? Binugbog ka ba nya? Kevin, ihanda mo nga yung sasakyan ngayon rin at pupunta tayo sa bahay ng mga Santos!"

"Teka lang kuya! Ako rin naman ang may kasalanan eh."

Nag buntong hininga naman ang mga kuya niya dahil they knew it na kasalanan rin talaga ng kapatid nila dahil kilalang kilala nila ito pasaway at matigas ang ulo "so, ano na naman ba ang ginawa mo?"

"Nag layas ako kasi nainis ako sa kaniya sabi nya ang arte ko raw porket hindi niya lang ako masasamahan bukas sa OB ko bakit anak naman naming itong dinadala ko kaya kailangan kong mag demand di ba?"

Her brother made a facepalm "sige na ako ng bahala dito kakausapin ko na muna sya." Ang sabi ni Faith.

"Pero ate Faith hindi ba kailangan ko talagang mag demand kasi nga…"

Hindi naman na naituloy ni Kelly ang sinasabi niya dahil pinakiusapan na sya ni Faith na lumabas muna sila sa terrace at doon mag usap "Kevin, tawagan mo ang mokong na yon at paputahin dito." Ang sabi ni Kian.

"O—Oo kuya actually na itext ko na sya kanina kaso hindi sya nag rereply."

"Ano?! Bwiset na yon ah wala man lang syang pakialam sa asawa niya?"

"Sige tatawagan ko nalang sya kuya."

"Mabuti pa kapag hindi kamo sya pumunta dine ngayong gabi ako kamo ang pupunta dun sa kumpanya nila at doon ako mag wawala!"

"O—Oo kuya sasabihin ko."

"Keith!"

"Ku—Kuya?"

"Maghanda ka na ng munggo."

"Munggo? Bakit hindi mo ba na gustuhan yung luto ni Faith?"

"Tanga! Hindi ko kakainin gagamitin ko yon para sa lintek na si Patrick."

"Ahhh… yung parusa, nalimutan ko kasi na ang about don matagal tagal na din kasi akong hindi na kakaluhod sa munggo. Hehe…"

"Gusto mong i-try?"

"Ha? Hi---Hindi kuya ere na ihahanda ko na yung munggo."

"BILISAN MO!"

"O—Oo ere na."

Samantala kausap naman ni Faith si Kelly…

"Pero kailangan mo ring intindihin ang sitwasyon ni Patrick dahil kamamatay lang ng daddy niya halos wala pang isang buwan hindi ba?"

"Oo ate."

"See, kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Patrick at namatay ang daddy mo anong gagawin mo?"

"Ah... Ahm…ate patay na po si daddy di ba?"

"Ay, oo nga pala sorry I just want you to put in the situation kaya nasabi ko yon."

"Alam ko naman po yun pero ang gusto ko lang naman ate yung bigyan niya ako ng time yung gaya dati. Ngayon kasi sinasagot niya na ko parang hindi na sya yung Patrick na kilala at pinakasalan ko simula nung namatay ang daddy niya."

"Ohh…that's the situation pala eh ikaw paano ka makitungo sa kaniya?"

"Hmm?"

"I think na baliktad ang sitwasyon nyo si Patrick na ngayon ang naging si Kelly at ikaw naman ang naging si Patrick."

"Eh?"

"Ganito dati sanay ka na sya lagi ang nag aasikaso sayo right?"

"Oo, na kailangan nya namang gawin kasi nga yun ang promise niya sakin na aalagaan niya ako."

"At kapag nag aaway kayo sya ang unang nakikipag ayos tama?"

"Well, oo ate kasi nakakainis sya eh alangan namang ako ang unang makipag kumbaba eh sya itong lalaki."

"Si Patrick rin ang clingy sa inyong dalawa tama ba?"

"Ehhh…kasi naman ate hindi naman ako yung clingy na tao kaya sya na yung gumagawa nun saming dalawa sanay naman na sya sa ganun."

Faith made a facepalm "Sabi na nga ba mala Keith ka rin eh."

"Si kuya? Ako? Bakit?"

"Bago kami ikasal ng kuya mo ganyan din sya yung happy go lucky right?"

"Ahhh…oo kinaiinisan nga rin yun nila kuya Kian eh."

"See, pasaway kasi sya gaya mo. Sorry kung nasabi ko yun pero yun ang totoo gusto ko ng sakin manggaling bilang ate mo naman ako."

"I understand ate."

"Bago kami ikasal ng kuya mo kinausap ko sya."

"Talaga? About sa ugali niya?"

"Oo I want to be true to him kasi mahal ko sya kaya naintindihan naman nya ang nais kong sabihin. Kaya tignan mo responsableng ama naman sya sa mga anak namin."

"Yeah… ang laki nga ng pinagbago nya nung kinasal kayo ni kuya dati nga kasi happy go lucky sya gaya ng alam ng lahat."

"Kaya pinarangka ko sya na baguhin niya ang ugali niyang ganun dahil magkakaroon na sya ng pamilya. What I'm trying to say to you is, sana ipagpatuloy mo na yang ganyan mong ugali I know it's hard na maging ka ugali ni Patrick kasi sobrang clingy nya sayo pero babysis ang akin lang kailangan mo syang intindihin kung bakit nagkakaganoon ang asawa mo sayo. Siguro na pagod lang sya na maging dating Patrick kasi nahihirapan sya sa position nya ngayon bilang Chairman na para rin naman sa inyong pamilya and I think nais niya lang din na maunawan mo sya."

Hindi naman na nakapag salita si Kelly at bigla namang may nag doorbell "ako na ang mag bubukas ate."

"Hindi ako na baka malamigan ka pa buntis ka pa naman."

"Ayos lang po ate may hood naman ako."

"Pero…"

"Ako na ate dahil tingin ko alam ko na kung sino yung nag doorbell."

At pagkabukas nga ng gate ni Kelly nakita niya si Patrick.

"Umuwi na tayo…wifey."

Eiii... Ano sa tingin niyo mag kakabati na ang KelRick? Abangan!

•Don’t forget to read my other stories “Be My Princess Ms. Faye and Chasing Her Smile.”

lyniarcreators' thoughts