webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 282

Pagkabalik na pagkabalik ni Patrick sa bahay nila sinabi agad ni Kelly na gusto niyang magkaroon ng reunion silang magkaklase nung college at sinabi nya ring gusto niyang maging prize e ay ang franchise ng kanilang milktea shop.

Inaayos na ni Patrick ang kanilang kama na sobrang gulo dahil kung anu anong mga bagay ang naka patong sa kanilang kama "Ano? Wifey naman hindi naman ata tama na ganoon ang gawin mong prize sobrang laki ng gusto mo."

Busy naman si Kelly na kumain ng isaw kahit na nag sasalita sya "franchise lang naman eh syempre dun na sa mananalo yung mga kailangan like permit and so on."

"Hindi naman sa hindi ako napayag sa gusto mo pero paano kung yung manalo wala namang puhunan o paano na?"

"Edi… pahihiramin natin."

"Wifey naman!"

Nagulat naman si Kelly sa sigaw na yon ni Patrick kaya ang sama ng tingin nya rito "sinisigawan mo ko?"

"Hi—Hindi naman ang sakin lang pag isipan mo munang mabuti mag consult ka muna kila kuya baka mamaya hindi sila payag sa gusto mong mangyare."

"Tsk! Ah basta gusto kong matuloy ang reunion kaya simulan mo ng umusip ng pwedeng papremyo."

"Sige na bukas na ko mag iisip mag tatanong rin ako kila Dave at Vince at ikaw tama nayan matutulog ka pa baka hindi ka matunawan kapag ang dami mong kinain."

"Para ngang iba ang lasa ng isaw na ito eh para syang hindi talaga isaw."

"H---Ha?"

Nag maang maangan si Patrick na hindi niya alam na vegan isaw yung binili niya.

"Oo para kasing hindi talaga sya totoong isaw."

"Eh? Pa—Paano naman mangyayare yun eh dun lang naman ako bumili sa kinainan natin dati ng ganyan naalala mo yung kila Chollo na resto?"

"Oo naalala ko pero bakit ganito para talaga syang hindi isaw tatawagan ko nga si Aliyah."

"Ha? Wa—Wag na sabi ni Vince masama daw ang pakiramdam ni Aliyah eh."

"Hmm? At bakit mo naman tinanong?"

"Ha? Ah…eh...ano kasi…oo yun nga kausap ko si Vince kanina papuntang resto tinanong ko kung bukas pa yung resto ng mag pipinsan nila Aliyah tapos yun nabanggit nya na masama daw ang pakiramdam."

"Ohhh…mabuti pa ngang tawagan ko para matanong ko kung ayos na sya."

Kinuha na ni Kelly yung phone niya pero kinuha naman agad ito sa kanya ni Patrick "ano bang trip mo? Ibalik mo sakin yan."

"Ah…Ahm…wifey naman nakakahiya kung tatawag ka pa ngayong oras baka tulog na sila."

Napatingin naman si Kelly sa wall clock at nakita niyang malapit ng mag 11pm at late na nga baka tulog na nga sila Aliyah "humph! Ayoko na ngang kumain tutulog na ko."

Nakahinga naman ng maluwag si Patrick "hayyyyy…buti naman tumigil na sya."

"May sinasabi ka?"

"Ha? A—Ang sabi ko mamaya ka na matulog kakain mo lang eh gusto mo mag exercise muna tayo?"

Binato siya ni Kelly ng unan sa mukha "pervert!"

"Ano? Wala naman akong ginagawa ah! Eiiiii…ibang exercise ata ang gusto ng mahal kong asawa."

Binato ulit sya ni Kelly ng unan at tinamaan na naman ang mukha niya "tigilan mo ko kung ayaw mong matulog sa labas!"

"Tsss....sorry na po kamahalan. Gusto mo bang ikuha kita ng tyaa?"

"Ayoko, pero pwede bang lumabas muna tayo?"

"Lumabas? Pero wifey late na tsaka sabi mo matutulog ka na?"

"Bwiset ka talaga kahit kailan! Sabi mo mamaya ako matulog dahil kakain ko lang tapos sasabihin mo matutulog na ko? Sampakin kaya kita ng isa gusto mo?"

Iniharang naman ni Patrick yung unang ibinato sa kanya ni Kelly at sinabing "eh…ano ba kasing gusto mong puntahan?"

"Hindi naman kasi literal na lalabas tayo as in mamasyal gusto ko lang lumanghap ng sariwang hangin tara samahan mo ko sa hardin. Di ba may mga ilaw dun?"

"Ahhh…okay sige pabubuksan ko muna kay kuya Empoy."

"Sino si kuya Empoy?"

"Sya yung hardinero naming dito matagal na sya dito samin at kapag sya ag nag tanim kahit buto palang alam mo ng magiging maganda kasi magaan ang kamay niya."

"Eh?"

","

Nag tungo nga sila Patrick at Kelly sa hardin nila at talagang sobrag ganda doon dahil may iba't-ibang uri ng mga bulaklak ang nakatanim doon.

"Wow…nakikita ko lang ito sa balcony dun sa kwarto natin hindi ko akalain sobrang laki pala dito at sobrang ganda."

"Oo wifey, mahilig kasi talaga sila Mom and Ate May sa mga bulaklak hindi ko ba nabanggit sayo na mag tatayo na sila ng flower shop nila."

"Oh? So, tinuloy nila nag franchise sila kila Jikai?"

"Hinde naisip ni ate na why not mag build nalang sila ni mom ng kanila mismong flower shop total may iba't ibang uri naman ng bulaklak dito."

"Ohhhh… I see grabe ang ganda talaga dito."

Tapos naman ng buksan ni Empoy ang lahat ng ilaw doon sa hardin sya ang anak ng isa pang driver ng mga Santos si Manong Jimmy na matagal na ring naninilbihan kila Patrick.

"Sige po Sir, Ma'am mauuna na po ako sa inyo." Ang bungad ni Empoy sa KelRick.

"Nako, sorry po nagising po ba naming kayo?" Ang nahihiyang sambit naman ni Kelly.

"Ah…hindi naman po ayos lang nagising rin po kasi ako bago pa man ako katukin ni Sir Patrick sa aking silid."

"Ohhh….salamat po ah."

"Wala pong anuman yun Ma'am. Sige po maiwan ko na kayo sige po Sir."

"Um…goodnight."

Pagkaalis naman ni Empoy nagtanong agad si Kelly kung bakit ganon kakapal ang kilay nito "Pfft….sabi ko na eh mapapansin mo."

"Eh bakit nga? Grabe ang kapal tapos ang itim rin."

"Ewan ko baka kamag anak ni Guy Sensei at Lee."

Bineltukan naman sya ni Kelly "Ahhh…ganon gusto mong tawagin ko rin si Naruto dito? Baliw na to!"

"Hahaha…sorry na pero sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit ganoon nalang kakapal at kaitim ang kilay ni kuya Empoy sabi nila gawa raw yun sa napaglihian ng nanay nito."

"Eh? Bakit saan bad aw nag lihi?"

"Curious ka?"

"Oo nga! Sabihin mo na kung ayaw mong magalit ako sayo."

"Basta wag kang magugulat."

"Oo na nga! Pasuspense ka pa kainis."

"Sa unggoy raw ipinaglihi itong si Empoy."

"Eh? Totoo?"

"Oo kita mo yung braso nya kanina?"

"Hinde naka long sleeve naman sya eh."

"Kasi nga ang lago rin ng buhok niya sa kahit saan part ng katawan niya."

"Really?"

"Oo yun ang sabi ni ate sakin kasi nakita na nila ni kuya si kuya Empoy kasi halos mag kakasing age lang sila nung napunta sya dito samin."

"Ohhhh…ganun pala yon."

"Kaya ikaw wag kang manood ng manood ng kung ano-ano baka mamaya kung ano makita mo dun ka mag lihi maging ganun pa yang baby natin."

"HEH! Kahit maging ano pa man ang magiging baby nati tatanggapin natin siya."

"Oo naman sino bang may sabing hinde?"

"Tsss! Palusot."

"Pangako nga syempre anak ko yan kaya hindi ko sya ikahihiya."

"Ba dapat lang! Kung ayaw mong kami ang mag takwil sayo ng mag anak mo."

"Luh! Grabe naman pero bakit mga anak mo?"

"Ha? Eh ano bang paki mo? Sa yun ang lumabas sa bibig ko eh."

"Woah…paano pala kung kambal yan o triplets? Waahhhh… ang cool nun wifey."

Binatukan sya ni Kelly "aray para san naman yon?"

"Nakakairita ka kasi gusto mo pa talaga kambal? Bakit hindi nalang ikaw ang manganak?"

"Ehhh…kasi naman na excite lang ako dahil may lahi rin talaga kaming kambal actually triplets pa nga eh."

"ANO?!"

"Oo kilala mo si Uncle Wren?"

"Yung kapatid ni daddy?"

"Oo may kakambal sya na nasa Australia na dun na naninirahan kaya hindi mo pa sya nakikita."

"Eh? Hindi nga?"

"Oo nga teka hahanpin ko yung picture nila sa fb."

Naupo yung mag asawa at hinanap nga ni Patrick yung picture ng uncle's niya na mag kasama sa iisang larawan.

"See, siya si uncle Wran ang ka identical twins ni uncle Wren."

"Wow! Mag kamukhang mag kamukha nga sila."

"Oo sa sobrang mag kamukha nga sila yung teacher nila non hindi na papansin na absent ang isa sa kanila."

"Hmm? Paano naman? Hindi sila mag kaklase? O iba ang oras ng klase nila?"

"Ahm…oo sa kwento kasi sakin nun ni dad sabi niya si uncle Wren daw kasi ay sakitin nung bata sila kaya isang beses si uncle Wran ang umattend ng klase ni uncle Wren hindi kasi pwede umabsent daw nun kasi exam week."

"So, si uncle Wran ang kumuha ng exam para kay uncle Wren?"

"Tumpak! Sya mismo at hindi sya na halata ng mag teacher nila."

"Wow! Ang cool nun."

"Tapos isang beses naman na injured ang paa ni uncle Wran varsity kasi sya eh kailangan niyang umattend ng final training para makasama sya sa laro. Kaya si uncle Wren naman ang gumawa nun para kay uncle Wran."

"Eh? So, sporty pala yung twins mong uncle?"

"Actually hindi nga kasi nga weak ang body ni uncle Wren kaya nahalata siya na ng coach at ng mga varsity player na hindi iyon si uncle Wran."

"Ohhh…topos anong nangyare?"

"Ayun naitindihan naman kaso hindi naka pasok sa game si Uncle Wran."

"Oh? Kawawa naman."

"Pero at the end of the day may maganda paring nangyare."

"Hmm?"

"Tinawagan si uncle Wran ng University na inapplayan niya para maging scholar sa Australia kaya dun sya nag aral at nakapag hanap ng trabaho at nag ka pamilya."

"Ohhh…ang galling naman at ang susyal sa ibang bansa pa nag aral."

"Oo pero alam mo ban a may mas aastig pa don?"

"Ano naman?"

"Yung naging asawa ng twins kong uncle ay twins rin."

"Eh? Ang galing naman parang itinadhana."

"Oo nga eh kinuha kasi ni uncle Wran si uncle Wren nung nagkaroon sya ng trabaho dun sa Australia kasi hindi talaga sila sanay na mag kahiwalay at doon nga nila natagpuan ang kanilang mga asawa."

"Pero pinay rin naman yung asawa ni uncle Wren di ba?"

"Oo si auntie Leean."

"Pero hindi ba nandito sila sa Pinas?"

"Oo minsan nalang sila nabalik sa Australia kapag bakasyon minsan sinasama nila si dad pero dahil may business dito mag ilang araw lang ay nabalik na agad dito."

"Ibang klase talaga kayong mayayaman ginagawa niyo lang kapitbahay ang ibang bansa."

"Wag ka ngang ganyan. Nagkataon lang na blessed kami pero nanggaling rin naman ang pamilya naming sa wala kaya wag mong sabihin na ibang klase kami. Kami lang ito at walang nag babago samin."

"I know at alam ko naman na hindi ka lumaki sa marangyang buhay kaya naiintindihan ko kaya ka humble na tao. Kaya love kita eh."

Nagulat naman si Patrick na bigla syang hinalikan at niyakap ni Kelly sa pisnge "kaya nga sana kapag may sobra tayo ibahagi natin sa nangangailangan kaya pumayag ka na ang maging first prize natin ay franchise ng miltea."

Napabuntong hininga nalang at niyakap ni Patrick ang asawa niya "sige kung ano ang nais mo susundin ko mahal kong reyna."

Hinalikan ng hinalikan ni Kelly sa pisnge si Patrick sa sobrang saya niya "pero may isa akong kondisyon."

"Hmm? Ano yon?"

"Pwede bang matulog na tayo? Antok na ko mahal kong reyna may meeting pa ko bukas kay Mr. Curinay."

"Kay Mr. Curinay? Bakit?"

"Gusto niya kasing ibenta sakin yung 2hectares niyang lupa sa Cavite."

"Eh? Bibili ka ng lupa?"

"Oo sana sorry hindi ko na banggit sayo pero balak ko naman talagang sabihin nakakaligtaan ko lang kasi hindi pa naman ako sigurado."

"Go lang."

"Ha?"

"Oo go lang para naman yan sa future ng magiging baby natin di ba? Kaya support lang kita."

Hinalikan ni Patrick si Kelly sa noo at niyakap at sinabing "salamat mahal ko."

"Wala yon basta pera mo yung gagamitin ha?"

"Wifey naman."

"Hahahaha…oo sige gamitin mo na muna yung naipon natin."

"Kahit half lang nun tapos yung ipon ko na yung idadagdag ko."

"Okay, ikaw bahala basta siguraduhin mo lang na magagamit natin yung lupa na bibilhin mo alam mo naman mabilis tumaas ang presyo ng lupa kaya good investment talaga yan."

"Natututo ka na kay kuya Richmond ah. Ilang araw ka palang niya tinuturuan sa real estate parang bihasa na ang mahal kong reyna. Baka mamaya hindi nalang milkteashop ang i-handle mo."

"Sira! Hindi naman no! Kumpara sa kaalaman ko mas marami ka paring alam kasi lumaki ka sa pamilyang puro negosyo ang iniisip."

"At alam mo namang ayoko sa ganito di ba?"

"I know, ang akin lang paano kung ikaw na ang mag take over ng kumpanya niyo? Paano na kami ni baby?"

"Wag ka nga! Malakas pa si daddy at hinding hindi pa sya bababa bilang chairman."

"Okay, halika na matulog na tayo inaatok na rin ako eh."

"Um."

Pero ang hindi alam ni Patrick sinisikreto lang ni Kelly ang nalaman niya kaninang hapon about sa daddy nila na may malubha pa lang karamdaman na matagal ng iniliihim.

Ano kaya sa tingin niyo ang lihim na tinatago ni Kelly? Abangan bukas, ang susunod na kabanata ay medyo madrama kaya wag kayong mabibigla geysh. Mehehehe...XD

lyniarcreators' thoughts