webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 269

Bago pa man makarating sa may altar si Kelly marami ng mga bisita ang namangha sa kaniyang taglay na kaganda gaya na nga ni Chollo na alam naman natin na sya ay isa rin sa humanga noon kay Kelly "Bro, baka mapasukan ng langaw yang bibig mo." Ang sabi ni James at pwersahan niyang itinikom ang bibig nito.

"Ano ba?!"

"Tumigil na nga kayong dalawa nasa simbahan tayo." Ang sabi naman ni Daniel na simula palang ay seryosong tao na.

"Pero infairness talaga dyan kay hoodie girl napaka ganda niya nga ngayon." Ang sambit ni James habang titig na titig kay Kelly kinuha niya pa ang phone nya para sana picturan ito ngunit pinigilan sya ni Wayne "What are you doing? Ibalik mo sakin yan!"

"No!"

"Wayne!!!"

"Hindi ko ito ibibigay hangga't walang ebidensya."

"Ano? Wayne naiinis na ko! Ibalik mo na yang phone ko!!!"

"I'm the lawyer of Kelly so I need a proof na wala kang gagawing masama sa picture ng client ko."

"Nababaliw ka na? Kailan ka pa naging abogado ha? Naiinis na talaga ko! Ibalik mo na yang phone ko!"

Mabilis namang hinablot ni Aliyah yung phone kay Wayne "Aliyah!" Anila.

"Bakit ka nandito? Hindi ba abay ka?" Ang sabi ni Daniel.

"I know at kanina ko parin na nakikita na nag aaway na naman kayo dito kaya di ako maka tiis kaya lumapit ako sa inyo."

"Wala naman ito bumalik kana don." Ang sabi naman ni Wayne.

"Hindi ako babalik doon hangga't di niyo sinasabi sakin kung ano ang ginagawa niyo!"

"Wala ito wag mo ng pansinin sige na bumalik ka na doon baka mag taka yung iba lalo na si Kelly."

"Hinde! I know Chollo did something. So tell me!"

Bineltukan ni Wayne si Chollo na hindi nakikinig sa sinasabi ni Aliyah "What?!"

"May tinatanong si Aliyah!"

"Oh, andito ka pala."

"Tignan mo ang isang ito halatang di attentive kapag ikaw may ginawang kung ano isusumbong talaga kita kay lola."

"Wala naman eh! Nanahimik ako dine ha."

Bigla namang nag tanong yung pari "May tumututol ba sa kasalang Patrick at Kelly? Mag salita na o mananahimik nalang mag pakailanman."

Ang sama naman ng tingin ng pinsan ni Chollo sa kaniya at para bang kapag may ginawa syang kung ano ay malulumpo sya ng di oras "Tinitingin tingin niyo?"

"Subukan mo lang lagot ka samin." Anila.

"Ewan ko sa inyo matagal na kong naka move on kay Kelly. Wag nga kayo."

Tinapik tapik naman siya ni Aliyah sa may balikat "yan ganyan! Bantayan niyo ang isang ito at ako ay babalik na sa pwesto ko."

"Oo kami ng bahala." Anila maliban kay Chollo na tinutukoy ni Aliyah.

"Dun ka na nga babae!"

"Heh! Umayos ka."

Chollo smirked at tuluyan na ngang bumalik si Aliyah sa pwesto niya "totoo bang naka move on ka na kay Kelly?" Ang sabi naman ni James kay Chollo.

"Oo naman."

Pero yung pag kakasabing ganon ni Chollo deep inside nakaka ramdam sya ng sakit and sa isip-isip niya "Wala naman akong choice pinili niya si Patrick at hindi ako."

Samantala nag patuloy ang kasalanan KelRick hanggang sa umabot na sa wedding vows at si Patrick ang unang nag salita "sabi nila ang pag aasawa raw ay hindi kanin na mainit na kapag napaso ka ay iluluwa mo lang. Medyo malalim pero naalala ko itong bigla nung sinusulat ko ito para sayo alam ng lahat na may amnesia ako at sa hindi inaasahan naalala ko ang lolo kong bigla na sinabi ang mga linyang iyon. Malalim pakinggan pero tama ang mensahe pero pangako hindi ka yung kanin na mainit na kapag napaso ako ay ibabalik ka sa mga kuya mo. Ahm.... don't get me wrong mga bro's I just stating the fact and nothing but the truth mamaya niyo na po sana ako beltukan." Nagtawanan naman ang mga bisita at ganoon rin ang mga kuya ni Kelly pero tahimik lang naman at pangiti ngiti lang itong mapapangasawa niya at ipinagpatuloy na nga ni Patrick ang kaniyang mga sinasabi "gaya ng sinasabi ko hindi kita gagawing mainit na sinaig dahil para sakin ikaw ang kaldero."

"Kaldero?"

"Oo kaldero na hindi ko hahayaang mag uling at mag dumi kumbaga sa pag mamahal ko sayo hinding hindi ko hahayaang may dumungis o sumira ng pag mamahalan natin."

"Wag kang mag alala hindi marunong mag saing si Kelly." Ang sigaw ni Vince at nag tawanan ang lahat.

Pabulong bulong lang itong si Kelly kahit na pangiti ngiti sya pinipilit niyang hindi mag pahalata "lagot ka sakin mamaya makakatikim ka talaga ng sapak Vincensio!"

At nag pa tuloy naman si Patrick sa kaniyang pagsasalita at na tapos ito sa salitang "mahal na mahal kita Kelly Ann Marie Dela Cruz Santos a.k.a ang Ms. Hoodie ng buhay ko."

Umiyak pa nga itong si Patrick habang sinasabi niya ang mga linyang iyon at sinabi naman ng pari na si Kelly na ang mag bibigay ng kaniyang vows at dahil sya nga si Kelly at kilala sya bilang makulit at pasaway bigla nalang itong sumigaw "PATRICK ANDREI SANTOS!!!!"

Nag tawanan naman sila Vince at ang iba pang mga bisita "ang kulit talaga ni Kelly." Ang sabi ng mga kuya niya na pailing iling pa.

"Sorry po kung sumigaw ako father sorry."

Napatawa naman yung pari sa sinabing iyon ni Kelly at syempre napatawa ang mga bisita "nais ko lang po isigaw ang nararamdaman ko yun lang po salamat."

"Wifey naman yun lang ang sasabihin mo?" Ang reaksyon ni Patrick habang nag tatawanan naman ang mga bisita nila.

"Father, di ba okay lang naman po kahit ganun lang yung vows ko?"

"Ah... Eh... kasi iha..."

"Char lang po father, gusto ko lang pong maiba yung vibes nakakahiya naman po kasi sa mga single diyan masyadong cheesy yung sinabi ni Patrick baka maging bitter sila right kuya Kevin?"

At muli nag tawanan na naman ang mga naroroon sa loob ng simbahan at natukso pa ang kapatid nitong si Kevin na di na lang kumibo pero nangingiti at napatingin naman si May dito "anyways, eto na po ang aking makapagbagdamdaming mensahe para sa aking hubby... iwwww,... Hahahaha.... char! Pasensya na po di naman talaga ako cheesy na tao simple lang ako kapag mahal ko ang tao sinasabi ko kaya... Patrick Andrei Santos na patay na patay sakin..." Ibinaba niya ang dala niyang papel na sinulatan nya ng vows pero mag ka gayunpaman di niya iyon sinunod "makinig kang mabuti dahil ito ang una at huli char siguro malimit mo lang maririnig na sasabihin ko. Kilala mo ako hindi ako showy na tao kaya makinig kang mabuti ng maige kung ayaw mong mawala ang chance na ito. "I love you 3 trillion my hubby."

"Hindi ba I love you 3000 yon?" Ang pa bulong na sabi ni Harvey kay Vince.

"Oo pero si Kelly yan eh syempre gusto niya unique sya kaya pasikat sa trillion niya."

"Mahilig pala sya sa Avengers?"

"Nako hindi, mahilig lang talaga sya sa mga trending na mga words kaya ayan binago niya. Mahilig lang yan sa anime pero sa mga movies na ganun nako kahit bigyan mo yan ng 3 trillion di yan nanonood nun."

"Ibang klase talaga sya."

"Sinabi mo pa kaya goodluck talaga diyan kay Patrick."

"What do you mean bro? Para naman sinabi mong parang nag pakasal si Patrick sa karma."

"Well, mahirap ng mag salita sa dahil sa pag kakakilala ko kay Kelly isa syang taong mahirap intindihin. Kaya goodluck talaga kay Patrick para syang nag pakasal sa bato."

"Eh?"

***

Lumipas ang mga araw, buwan at dalawang taon, marami na ang mga naganap sa pamilya nila Kelly una na nga dito matapos ikasal ni Kelly sumunod na taon nag pakasal naman ang kuya Kian niya kay Rica. Samantala nag kakamabutihan naman na sila Kevin at May at ang kuya Kim nila ay nag pasyang sumama sa Nanay nila sa Canada para mag masteral para makalimutan na rin niya ang ex girlfriend na si Yannah na kasalukuyang mag iisang taon ng nasa Hawaii kasama ang Ate nito. Si Keith naman ay ipinag pa tuloy ang pagiging huwarang asawa at ama lalo ngayon na madadagdagan na ang anak nila ni Faith. Pangalawa, dumako naman tayo sa mga tropa ni Kelly dahil sa hindi inaasahang pangyayari naka buntis si Vince at ito nga ay nangyari noong gabi ng kasalang KelRick nag ka inuman at nag bunga nga ang isang gabing pag kakamali nitong si Vince kay Aliyah.

Kaya naman makalipas lang ang 2months bago nila nalaman na buntis si Aliyah galit na galit sila Chollo kay Vince kaya hindi pumayag ang pamilya nila na hindi makasal ang dalawa dahil patuloy na lumalaki ang bata sa sinapupunan nito. Ngunit, ang hindi alam ng lahat matagal na palang break ang dalawa at noon lang nagkaroon ng komunikasyon nung ikinasal ang KelRick. At lingid sa kaalaaman ng lahat mag pinsan sila Ethan at Aliyah kaya lalo pang naging malapit ang dalawang pamilya. Sa mag kaparehong sitwasyon naman nagkaroon naman ng identical twins sila Dave at Mimay at parehas itong lalaki na parati ring kalaro ng anak na lalaki nila Vince at Aliyah. Nagkaroon na sila ng kani-kaniyang buhay matapos ang kasalang KelRick kahit itong si Harvey na NGSB o No Girlfriend Since Birth ay nagkaroon na rin ng kasintahan sa wakas at ito nga ay ang pinsan ni Kelly na si Shai o kung tawagin ng mga kuya niya ay si Shairirit. Isang taon na silang live in at hindi muna inuna ang kasal dahil patuloy paring nag sustento Harvey sa pamilya niya. Pero naunawaan naman ito ni Shai at handa syang mag intay dahil alam nyang balang araw papakasalan rin siya ni Harvey lalo pa ngayon na 6months na ang tyan niya. At ang hindi niya alam ay nag paplano ng mag propose sa kaniya si Harvey sa ika- 7 nitong buwan ng pag bubuntis.

Pangatlo, ito ay naka laan sa KelRick dahil ang lahat ay excited na sa naging pagbabago ng dalawa simula nung nag sama sila sa isang bubong at ngayon nga ay tatlong taon na silang kasal wala paring kakaibang nangyayari sa dalawa. What I mean is nagkaroon na ng anak sila Vince, Dave at ito ngang si Harvey ay humahabol na si Patrick naman at Kelly ay hindi pa rin nabibiyayaan ng anak.

"Ano? Hindi kayo nag tatabi ni Patrick?" Ang pagulat na sabi ni Mimay at Aliyah kay Kelly habang nakaupo sa sala ng mga Dela Cruz.

"Shhhh! Baka marinig kayo ng mga asawa niyo tuksuhin pa nila si Patrick."

"Ano? Kelly alam mo nababaliw ka na!" Ang sabi ni Mimay.

"Ano na naman bang ginawa ko?"

"What I mean is 3years na nga kayong kasal ni Patrick and ever since na nag honeymoon kayo magka bukod ang kwarto niyo?"

"Oo?"

"Paano pa naging honeymoon yon kung di naman pala kayo nagtatabi? Anong ginawa niyo nung unang gabi niyo?"

"Syempre na tulog nakakapagod ang araw na yon."

"Ano? Natulog ka lang? Nasan si Patrick?"

"Sya? Hmmm... nung nagising ako nagluluto na sya eh."

"Jusmiyo ka Kelly!" Ang sabi ni Aliyah.

"Nani? Bakit may kailangan bang gawin na ritwal kapag ikinasal?"

Nagkatinginan sila Aliyah at Mimay and they made facepalm "girls?"

"Gang ngayon ba di pa rin kayo nag tatabi ni Patrick?" Anila.

"Hmmm...one time tumabi sya sakin kasi lasing sya nun naka inuman niya kasi sila kuya kaya hinayaan ko na. Bakit ba kasi? Diretsuhin niyo na kasi ako."

Bumulong naman yung dalawa kay Kelly sa mag kabilang tenga nito "hindi pa ba kayo nag sex?"

Napatayo sa gulat si Kelly "No way!"

"Anong no way ka dyan? Normal lang yun sa mag asawa!" Ang sabi ni Mimay.

"Oo nga Bakit ayaw mo pa bang mag ka anak?" Ang sabi naman ni Aliyah.

Naupo namang muli si Kelly at sinabing "sa ngayon di ko pa alam I just enjoy being an owner of my milk tea shop at yun ang baby ko."

"Pero Kelly paano naman si Patrick?" Ang sabi ni Mimay.

"Okay naman kami."

"Hindi ganon ang ibig sabihin ni Mims." Ang sabi ni Aliyah.

"Eh ano ba? Alam niyo namang ayoko ng ganireng usapan diretsuhin niyo nga kasi ako."

"Inisip mo ba ang nararamdaman ni Patrick? Mantakin mo 3years na kayo di nag tatabi sa higaan? Eh samantalang mag asawa naman kayo." Mimay said.

"Baka mamaya mag hanap yun ng iba sige ka." Ang sabi naman ni Aliyah.

"Subukan niya lang! Lagot sya sakin."

"Kaya nga gampanan mo ang pagiging asawa mo sa kaniya!" Anila.