webnovel

Kabanata 214

Kinaumagahan,

"Sigurado ba kayo na ayos lang na payagan natin si Kelly na mag abay sa kapatid ni Patrick? Hindi ba parang ang bilis?" Ang sabi ni Kian habang nag ka kape kasama sila Kevin at Kim.

"Paanong mabilis ang sinasabi mo kuya?" Ang sabi ni Kevin.

"Oo nga pumayag naman si Mama na mag abay si Kellang dun sa ate ni Patrick ayos lang siguro yon." Ang sabi naman ni Kim.

"Eh kasi mga tol tignan niyo di ba parang magiging labas nun eh payag na payag na tayo na maging malapit si Kelly sa pamilya ng mokong na yon."

"Kuya?" Ang bungad ni Kelly habang nasa may taas ng hagdan.

"Ba— Babysis..." Ang pagulat na sambit ng mga kuya niya.

"Kanina ka pa ba diyan?" Ang sabi ni Kian.

"Kung ayaw niyo kong payagan wag na kayong mag salita pa ng kung anu-ano kay Patrick." Then she walked out.

"Kelly!!!"

"Tsk... ako na." Ang sabi ni Kevin ay sinundan si Kelly.

"May sinabi ba akong kung ano kay Patrick? Bakit galit na galit yon?"

"Yung mokong siguro?"

"Sighhh... ewan ang moody ni Kelly!!!"

Samantala katok naman ng kayo si Kevin sa kwarto ni Kelly "Babysis! Open the door May pasok ka pa."

"Wala! Umalis ka na kuya ikaw ang malelate."

"Pero Kelly!!! Hindi naman namin sinasadya kung may nasabi kami na kina sakit ng damdamin mo sige na buksan mo na ang pinto lets talk baby."

"No! Don't call me baby di na ko baby!!!"

"Sigh... ang kulit talaga niya..."

Bigla namang sumulpot si Jacob "Tito Kevin?"

"Ay kulogo! Siopao naman wag kang manggugulat!"

"Ay sorry po pero kayo nga nang gising eh ang bigay niyo natutulog pa po ako eh."

Sa isip-isip ni Kevin "Huh! Manang mana talaga sya kay Kelly napaka prangkang bata."

"Tito? You okay?"

"Ah? O— Oo... ha... ha..."

"Ano po ang ginagawa niyo diyan sa labas ng kwarto ni tita Kelly?"

"Ah... eh... tinoyo kasi ang tita mo."

"Ohhh... kaya naman po pala ang ingat niyo agang aga."

Pinisil ni Kevin ang pisnge ni Jacob "Ha... Ha... Ha... ang cute mo talaga..."

"I know po since birth."

"Ha?"

"Anyways, kung kakausapin niyo po si tita Kelly dapat po may suhol."

Sa isip-isip ni Kevin "Bay oo nga nalimutan ko na mukhang suhol nga pala si Kelly pero di na yun natalab sa kaniya simula nung nag college sya."

"Kung iniisip niyo po na di na tatalab kay tita Kelly ang suhol nagkakamali kayo."

"Really?"

"Opo, tingnan niyo."

"O— Okay..."

"Knock... Knock..."

"Tita Kelly! Si Jacob po ito."

"Baby? Nasan si kuya Kevin?"

"Nasa baba na po may pinabibigay po siya sa inyo na chocolate at milk flavor po."

"Okay intayin mo ko diyan cr muna ako."

Nanlaki ang mata ni Kevin "See, sabi ko naman sa inyo ngayon kuhanin niyo s Aba ba yung chocolate ni Daddy sa ref para naibigay ko kay tita Kelly para abswelto na kayo."

"Ye— Yes kukuhanin ko."

Pandalas na si Kevin para bumaba pero Napa tigil siya "Sandali lang baby paano mo nalaman na may milk chocolate sa ref?"

"Kay mommy po talaga yon pinabibigay ni daddy sa kaniya eh ako naman po mag bibigay kaya ako na pong bahala kaya bilisan niyo na po bago pa mag bukas ng pinto si tita Kelly."

"Okay, okay... bababa na."

Samantala sa kusina,

"Nga pala kuya kailan uuwi si Ate Rica?" Ang sabi ni Kim kay Kian habang iniligpit ang kanilang pinagkanan.

"Bukas ng umaga raw sabi ni Jacob kaya susunduin ko sya sa may terminal nag biyahe kasi sya sira yung kotse niya."

"Bakit di mo nalang sunduin? Malapit lang ang Pampanga ah."

"Oo nga naman kuya excuse makikiraan lang." Ang pandalas na sambit ni Kevin.

"Ano ba? Hoy!!! Kay Rica yang chocolate na yan!"

Takbo naman na si Kevin "Bayaran ko din maya kuya para naman kay Kelly itong gagawin ko mamaya nalang kayo mag pasalamat."

"Ano raw? Bakit magpapasalamat?"

"Aba malay."

Sa magkaparehong oras,

Habang naglalangoy si Patrick sa pool nila sa bahay dumating si Dave kasama si Harvey "Bakit ba ang aga natin dine? Di pa ako nag umagahan eh." Ang sabi ni Harvey.

"Sabi ko naman sayo di ko rin alam wag ka mag alala bayad ito." Ang sabi ni Dave at naupo silang dalawa at inintay na umahon sa tubig si Patrick.

"Kanina pa ba kayo?"

"Kararating lang ang aga mo ata mag langoy ang lamig eh di ka ba giniginaw Dude?"

"Syempre hinde maglalangoy ba ako kung nilalamig ako? Ako nga'y lagyuan mo Dave baka masampiga kita eh."

"Tsss... Ano agahan gutom na kami ni Harvey right pre?"

"Oo dahil di pa ko nakaluto nung sinundo mo ko buset!"

"Wag kayo mag alala nag paluto ako ng mga paborito niyo kaya mag pakabusog kayo hangga't kaya niyo."

Nagkatinginan naman yung dalawa at sabay nilang sinabi "Papatayin mo na ba kami?"

"Gusto niyo ngayon na?" Ang sabi ni Patrick habang kunwari ng kinakalabit niya yung gatilyo ng fake niyang gun.

"Chill ka lang dude joke lang yon."

"Oo nga naman pre ikaw naman di na mabiro marami pa akong kapatid na pag aaralin pre maawa ka."

"Heh! Toy gun lang to' mga gung gong!"

Bineltukan naman ni Harvey si Dave "Mukhang nahahawa na ang class pres sa ka engotan ng isang diyan ah." Dagdag pa ni Patrick.

"Sinong engot ang sinasabi mo diyan ha? Ako? Huh! Genius ata ito."

"Heh!" Ang reaction nila Patrick at Harvey.

Habang nagsasalita naman si Dave at mag co-complain kay Patrick May nagamit syang mabango "Apple pie ba yon? Ang bango..."

"Basta pagkain alam na alam mo no'?"

"Syempre, para ka namang bago sakin Dude."

"Tsss...bilisan niyo dyan at kakain na dun ko na din sasabihin kung bakit ko kayo pinapunga dito."

"Okay!" Ang excited na sagot nung dalawa.

Matapos nga ang ilang minuto ng pagkain at pagkukwentuhan "Ohh... buti kung ganon pero bakit ka pa namumublema kung payag naman na pala ang mga kuya ni Kelly na mag abay sya?" Ang sabi ni Harvey habang nainom.

Kabaliktaran naman ng kay Dave dahil kain parin ito ng kain at habang nakain nga ito nagsasalita siya "Oo nga dude may problema ka pa kay Master?"

"Sabi niya kasi..." napatigil sa pagsasalita si Patrick "Anak ng! Mag dahan-dahan ka nga sa pagkain natalsik sa akin mga kinakain mong lintek ka!"

"Sorry dude sige na di na ko magsasalita."

"Ewan, napakasiba kala mo di pinapakain sa bahay nila."

"Paano mo nalaman dude?"

"Heh! Gusto mong sumbong kita kay Precious?"

"Wag!"

"Tsss... anyway, kaya ko kayo pinapunta dine para tulungan akong pumili ng babagay na sapatos kay Kelly."

"Sapatos? Anong klase naman? Pam P.E ba?" Ang sabi ni Harvey.

"Gusto ni Master mga simple lang pero Rock."

"Oo pre tama si Dave ganun nga mga type ni Kelly."

"Alam ko naman pero para sana sa gown."

"Yun lang..." Ang sabay na sambit nung dalawa.

"Kaya nga eh customize nga ang gown niya yung tipong si ate May pa mag aadjust kahit kasal niya yon basta maisali lang si Kelly."

"Hindi kaya tomboy si ate May at crush na niya si Master?"

Matapos niyang sabihin yon ang di niya alam ay nasa likod na niya si May at pinitik nito ang tenga niya "Aray!"

At pag lingon niya "A— Ate May???"

"May sinasabi ka?"

Napatayo sa gulat si Dave at naupo sa upuan niya si May "Patrick lumabas ka! Alam kong nasa ilalim ka ng mesa at nakita ko yon wag mo kong gawing tanga gaya ni Dave!!!"

"Ate May naman ako po tanga? Ang harsh mo di kaya di ba mga Brad?"

"Heh!"

"Ate bakit nandito ka pa?"

"May nalimutan ako tapos nakita ko kayo dine kung tungkol sa sapatos ang ibibigay mo kay Kelly wag na ako ng bahal dun kaya mag isip ka pa ng iba." At umalis na si May.

"Sandali lang ate!!!"

"Eh ano kaya kung sumbrebo?" Ang sabi ni Harvey.

"Sumbrero sa simbahan? I think no."

"Well, suhestiyon ko lang naman."

"Paano kung mag dala ka nalang ng eggpie sakanila at magpaalam ka ng personal dude."

"Ayaw nga ni Kelly nagagalit sakin lalo ko lang daw guguluhin."

"Ano ba kasing trip mo at gusto mong bigyan ng sapatos si Master dahil lang sa abay sya?"

"Di naman sa ganun alam ko kasing di sya sanay sa gown kaya kahit man lang sana sa sapatos maging kumportable sya alam ko kaya sya pumayag kasi nahihiya si Kelly sa akin at kay ate May kaya gusto ko sana sya bigyan ng gift para naman mapasaya ko sya."

"Ahhh... How sweet." Ang sabay na sambit ning dalawa na para bang ng aasar pa.

"Ewan ko sa inyo! Pero syempre para kay Kelly my loves ko eh gagawin ko lahat para sa kaniya."

Sabay namang napa "Iwwww..." yung dalawa at pinagbabato sila ni Patrick ng tsinelas.

Thanks for reading geysh... yan na po muna abangan ang susunod na kabanata!

• Read my other book “Be my Princess Ms. Faye”

• Thankies! God bless you all. (^¥^)

lyniarcreators' thoughts
Next chapter