webnovel

Kabanata 212

Monday morning,

"Good morning ebliwan." Ang masayang sambit ni Kelly.

"Anong meron at tila ata masayang masaya ka? At bakit ang aga mong nagising aber?" Ang sambit ni Kim habang kasabay na nababa si Kian at ang antok na antok na si Jacob.

Bigla namang sumulpot si Kevin na may dalang pancakes "Good Morning guys kain na kayo kami nagluto ng lahat na yan ni Kelly."

"Si tita Kelly po?" Ang pagulat na sambit ni Jacob at sabay sabay naman silang nagsiupo

"Oo naman baby parang may doubt ka pa ah."

"Hehe... hindi naman po sa ganun hindi po kasi ako sanay na nagluluto kayo boiling water lang naman po kasi ang master niyong iluto."

Natawa naman ang mga kuya ni Kelly "Jacob!!!" Ang sabi ni Kelly na kunwari ah naiinis sa pamangkin.

"Oh, bata yan baka naman patulan mo pa kumain na nga lang tayo Jacob baby lead the prayer." Ang sabi ni Kian.

"Okay po. Sorry tita Kelly hehe."

"Sus... Sige na mag pray na para makain na tayo."

"Okay po."

At makalipas nga isang minuto "Amen... Kainan na." Ang sambit ni Kelly at Jacob.

"So? Nagustuhan niyo ba mga Brad? How about you baby?" Ang sambit ni Kevin.

"Ayos lang wala namang bago gaya parin naman ng dati ang luto ng pancake mas lumambot." Ang sagot ni Kian.

"Opo the best padin po talaga kayo magluto tito Kevin." Ang sambit naman ni Jacob.

"Pero may napansin lang ako kasi kapag nagpapancake ka puro bilog at walang iba't ibang hugis na ganre anyare ngayon?" Ang sambit ni Kim.

Nagkatinginan naman sila Kevin at Kelly "Dahil si Bunso ang gumawa ng pancake tinuruan ko sya hindi ko naman inaasahang magugustuhan niyo talaga ang luto ng ating Kellang."

"Woah..." Ang gulat na gulat na reaksyon naman nung tatlo nila Kian.

"Ikaw po talaga nag luto nire tita Kelly?"

"Yep, tinuruan ako ni kuya Kevin at marunong na talaga ako magluto."

"Pancake lang marunong na agad mag luto?" Ang sabi ni Kian.

"Pero Daddy masarap po talaga ang pancake ni tita Kelly mas malambot pa nga po sa luto ni tito Kevin eh pwede ka na po mag asawa tita."

"No way!" Ang sabay sabay namang sambit ng mga kuya ni Kelly.

"Okay Chill lang po joke lang po yun. Ha... Ha..."

"Yan kasi kung ano ano pinagsasabi mo baby alam mo namang paranoid ang mga yan."

"Kelly!!!" Ang sambit nung tatlo.

Samantala sa isang coffee shop malapit sa DLRU,

Nakatambay sila Patrick at yung dalawa rin nila Dave at Harvey doon habang nainom ng mainit kape at nakain ng masarap na mga cakes "Ang sarap talaga ng cheese cake kapag may mainit na kape." Ang sambit naman ni Dave.

"Sus, lahat naman sayo masarap." Ang sagot naman sa kaniya ni Harvey.

"At least nagsasabi ng totoo tse."

"Tse? Ano ateng ka na pre?"

"Kung sapakin kaya kita?"

"Tigilan niyo na nga yan! Nasan na daw si Vince?" Ang sambit ni Patrick na parang wala sa mood.

"Parating na raw dude bakit kasi ang aga mo kaming pinatawag?"

"Oo nga pre may problema ka ba?"

"Hindi ko kasi alam kung papaano ko sasabihin kay Kelly na gusto syang kunin ni Ate May na maging maid of honor nya."

"Oh? Ikakasal na ang ate mo? Congratulations."

"Oo pre."

"Teka Dude yun parin ba ang pinoproblema mo? Hindi ba sabi ko sayo tawagan mo si Master di mo pa rin ba tinanong?"

"Ipapatawag ko ba kayo dine kung natanong ko na? Sampigahin mo nga ng isa yan Harvey."

Umaarte nga na sasampigahin ni Harvey si Dave pero biglang dumating si Vince "Ano ang ginagawa niyo mga kupal?" Aniya.

"Pis, buti naman dumating ka na." Ang bungad ni Patrick.

"Hoy! Tantanan mo nga ko ang kaka pis mo diyan di kita pinsan no!"

"Future pinsan na pre malay mo sila talaga ni Master forever."

"Heh! Mahirap mag salita ng tapos pero ano bang meron?"

"Ikakasal na kasi si ate May at gusto niya na sabihan ko si Kelly na mag maid of honor sa kasal niya sa susunod na linggo kaso natatakot ako sa mga kuya niya baka sabihin ang feeling close ko naman."

"Teka Dude, pumayag na sila ate May sa kagustuhan ng mga magulang niyo?"

"Oo ganun rin naman wala na rin ako magawa na pag planuhan na pala kasi ng mga magulang namin ang mga kasal naming tatlo nila ate at kuya."

Pabulong bulong naman si Vince "Ibang klase talaga ang trip ng mga mayayamang ire."

"May sinasabi ka pis?"

"Heh! Pero bakit di mo itext si Kelly about dun sure naman ako na papayag yun kahit na napipilitan ayaw kasi nun na mag gown."

"Yun nga ang talaga ang iniisip ko."

***

12:40pm,

"Kuya balik na ako sa room." Ang sabi ni Kelly kay Kevin habang inaayos ang bag niya.

"Sige baka nag review ka na ba?"

"Yeah, sige alis na ko mag 1pm na eh."

"Hatid pa ba kita?"

"Di na wag ka na masyado mag isip ha? Magiging okay din ang lahat. Aja fighting!"

"Yeah... Sige na."

Nag flying kiss na si Kelly sa kuya niya at umalis na ng Clinic at habang naglalakad siya may humila sa kaniya sa isang gilid sisipain niya sana ito at sasapakin.

Pero nagulat siya nung nakita niya yung humila sa kaniya "Pa— Patrick?"

"Oo ako nga halika muna sumama ka muna sakin sa hardin."

"Pero mag 1pm na at may exam pa tayo."

"May oras pa mabilis lang ito sige na."

"Tsk... Sige na nga bakit ba kasi?"

"."

Pagkarating nila sa hardin na ikwento na rin ni Patrick ang gusto niyang sabihin kay Kelly "So? Ano ang masasabi mo?"

"Ewan."

"E—Ewan?"

"Oo! Alam mo namang ayoko ng mga ganyang events at bruh, ako mag gagown? Asa ka!"

"What did you call me?"

"Ha? Ang alin yung bruh?"

"Bruh? Ako? Bruh mo lang?"

"Then? Don't tell me annoyed ka?"

Napatayo si Patrick sa pagkakaupo niya sa damuhan "Matanong nga kita ano ba ang tingin mo sa akin?"

"Ano ba namang inaarte mo? Alam mo namang mahilig ako mag tatawag ng ganun sa mga kakilala ko lalo na kung malapit sakin ibig sabihin lang nun kumportable ako sayo."

Sa isip-isip ni Patrick "Mag timpi ka Patrick sya ang ginusto mo kaya mag dusa ka."

Napatayo naman si Kelly habang malalim ang iniisip ni Patrick "Ikaw naman di na mabiro syempre iba ang itatawag ko sayo kasi super special ka sakin."

Pabulong bulong si Patrick "Oh my Lord sana ganyan nalang sya parati girly lalo syang nagiging cute."

"Matagal na kong cute."

"Narinig mo? Hehe..."

"Oo anong akala mo sakin bingi? Hubby, I'm maiinis na sayo talaga."

"Wa— Wait, Ano nga uli yon? Tinawag ko kong hubby?"

Namula naman ang pisnge ni Kelly na animo'y nahihiya "Wala akong sinabi bahala ka diyan."

Bigla namang niyakap ni Patrick si Kelly "Ayos lang kahit madalas tinotoyo ka basta ang importante mahal kita my wifey."

"Wi— Wifey??"

"Um... simula ngayon hubby and wifey na ang tawagan natin ha? Pero alam kong aangal kaya mag tatawagan lang tayo ng ganun kapag tayo lang dalawa at walang ibang tao na nakakarinig at ayos kang yun sakin kasi mahal kita."

Napangiti naman si Kelly sa mga sinabing iyon ni Patrick at bigla nalang hinalikan niya ito sa kanang pisnge "Salamat sa palaging pag intindi sa ugali ko. Mahal din kita."

Sabay karipas ng takbo ni Kelly At sumigaw pa sya "Pagiisipan ko pa yung request ni Ate May. Byie muah..." nag flying kiss pa sya kay Patrick.

"Silly! Ang cute niya talaga."

Happy Valentine’s Day mga ka KelRick •^.^•

lyniarcreators' thoughts
Next chapter