webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 204

Sa Hardin ng DLRU,

Nakaupo sa damuhan sila Kelly at Vince "Pis..."

"Hmmm?"

"Tama lang ba yung ginawa ko kanina? Di ba masyado akong harash kay Patrick?"

"Ayos lang yon ikaw yan eh."

"Ha?"

"Ehhh... Kasi alam naman ng lahat na di ka girly girly eh kaya intindihin niya ang ganyan mong asal kung mahal ka niyang talaga. Tsaka hindi porket may bf ka na eh babaguhin mo na ang ugali mo para sa kaniya just be yourself kung ano ka niyang nakilala ganun ka parin dapat."

"Alam mo ganyan din ang sabi sakin ni Mimay parehas na parehas talaga kayo di mo na ba sya talaga gusto pwede naman kitang ilakad sa kaniya."

"Baliw ka! Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya at wala ng iba tsaka sila na ni Dave di ba?"

"Ewan ko parang di pa ata."

"Change topic na nga ano palang balak mo? Hindi mo talaga babanggitin kila kuya Kian na kayo na ni Patrick?"

"Um... hindi pa muna tsaka na siguro alam mo namang may usapan kami nila kuya eh tsaka..."

"Tsaka?"

"Di ko alam... ganito pala ang feeling pag may bf na hindi ko alam ang gagawin nagising ako ng maaga para lang mag ayos pero nung nakita ko si Patrick nauma lang ako."

"Hahahaha... Bakit? Lukaret ka talaga!"

"Ehhh... kasi alam niyo namang nung una kaming nagkakilala ni Patrick nag asaran na kami tas ngayon mag jowa na kami? Parang hindi ako sanay."

"Ha? Wala namang magbabago para parin kayong magkaibigan yun nga lang magy label kayo at sana ol. Ahahaha..."

"Heh! Siguro nga tama sila kuya na isip bata pa ako at hindi pa ako ready sa ganitong stage."

"Wait, don't tell me makiki pag break ka na agad sa kaniya?"

"No! It's just that sana lang ayos sa kaniya ang ganito naming set up I mean yung ganito kong ugali towards sa kaniya di naman kasi talaga ako clingy na tao eh."

"I know at hindi mo kailangang baguhin ang sarili ko para sakin." Ang sabi ni Patrick at nagulat yung dalawa at napa tayo si Kelly.

"Pa— Patrick?"

Lumapit si Patrick sa kaniya at hinawakan ang dalawa niyang kamay "Tanggap kita kahit ano pa ang ugali mo. Kaya hindi mo na kailangang baguhin yan para lang sakin."

Titig na titig si Patrick sa kaniya kaya umiwas siya ng tingin dito "Si— Sino naman may sabing babaguhin ko ang ugali ko para sayo? Huh! Asa ka!"

Napangiti naman si Patrick at habang nag momomment yung dalawa kinikilig naman sila Dave at Harvey at naka hawak din ng kamay sa isa't isa "Ano namang ginagawa niyong dalawa?" Ang sabi ni Vince.

Dali- dali namang naghiwalay yung dalawa "Kung artista yung dalawa kayo na ang number 1 fan nila noh?" Dagdag pa ni Vince at umalis na sya.

"He— Hey! Saan ka pupunta?" Ang sabi ni Harvey.

"Sa classroom may klase na mga tungaw!"

"Ka—Klase??? Si Prof. Gina!!!" Ang sigaw nila Dave at Harvey.

"Anong problema Dave?" Ang sabi ni Patrick.

"Bilisan niyo na diyan si Prof. Gina ang prof. natin ngayon."

"Hala! Hindi pa ako nakaka pag review ng ayos sa statistics." Ang sabi ni Kelly.

"Ayos lang sure naman ako mapeperfect mo yun."

"Ano? Pero totoo nga di pa ko masyado nakapag review dun."

Hinawakan ng mahigit ni Patrick ang kamay ni Kelly "Wag kang mag alala just look at me para may maisagot ka."

"Ha? Bakit papakopyahin mo ako? Pero bawal yun."

"Alam ko at hinding hindi ka rin naman nangongopya ever since."

"Eh, bakit kailangan ko ngang tumingin sayo?"

Inayos ni Patrick ang buhok niya at sinabing "Syempre ako ang inspiration mo kaya tumingin ka lang sakin para makasagot ka." At kumindat siya kay Kelly.

"Ba— Baliw ka!!!" Nag pumiglas naman si Kelly sa pagkakahawak ni Patrick at kumariapas ng tumakbo.

"Kelly!!!"

"Pre hayaan mo na masyado ka kasing cheesy." Ang sabi ni Harvey.

"Yeah! Nakakasuka Dude."

"Heh! Bilisan niyo na baka malate pa tayo."

At nauna na ngang maglakad si Patrick dun sa dalawa "Kaya ayoko ng magkakaron ng girlfriend eh ang hirap nilang intindihin." Ang sabi ni Harvey.

"Edi mag boyfriend ka. Pfft... Hahahaha." Ang sagot naman ni Dave ay kumaripas siya ng takbo.

"Hoy!!! Buset ka Dave lagot ka sakin kapag naabutan kitang lintek ka!"

"."

Kinahapunan,

Nag punta si Kelly sa clinic "Kuya? Uuwi ka na ba?"

"Um... tapusin ko lang ireng pinapaayos sakin ni dok na mga papeles intayin mo nalang ako umupo ka muna dyan sa sofa."

"Nagugutom na ko pwede bang lumabas muna ako diyan lang sa labas ng University."

"Saan? Mag street food ka na naman? No! Hindi pwede ako kagagalitan nila kuya."

"Hinde! Dun lang sa bagong bakery sa labas."

"Meron?"

"Um! Hindi mo ba nakita?"

"Tatanong ko ba kung nakita ko? Pero ikaw lang? Asan nga pala si Vince?"

Bigla namang dumating si Vince "Present." Aniya.

"Oh? Akala ko ba susunduin ka ni kuya Elmer?"

"Ah? Hindi na daw may dinadaan pa kasi kaya sasabay nalang ako senyo."

"Ohhh.. sya sige samahan mo nga yang si Kelly nagugutom na daw may bibilhin daw sa bagong bakery sa labas."

"Merong bagong bakery?"

Sumenyas si Kelly kay Vince "Oo raw may bago raw pero hindi ko naman nakita."

"Ahhh... O— Oo meron nga ata."

"Tara na! Balik nalang kami kuya."

"Sige bilisan niyo lang at matatapos na rin naman ako dine."

"Okie." At madaling madali na ngang hinila ni Kelly si Vince papalabas.

"Ano bang plano mo? Wala namang bagong bakery sa labas ah?"

"Ehhh... si Patrick kasi nagtext magkita daw kami sa may parking lot."

"Ano? Nagsinungaling ka naman sa kuya mo?"

"Hindi ko naman sinasadya si Patrick kasi ang kulit di daw aalis dun hangga't di ako nakikita."

Tumigil si Vince sa paglalakad "Ayokong sumama!"

"Ha? Pero..."

"Kelly! Hindi na ikaw yung pinsan kong pasaway sa isang text lang sayo susunod ka na? Yung nanay mo nga o mga kuya mo kapag nag uutos nag dadabog ka na pero pagdating kay Patrick nanginginig ka pa? Aba Kelly, baka nakakalimutan mo hindi pa kayo legal dalawa sa pamilya natin."

"Ang dami mo namang sinabi kung ayaw mo edi wag kang sumama."

"Sige! Kapag lumabas ka ng gate ng DLRU kalimutan mo na ring pinsan mo ko. Hindi na rin kita ipagtatanggol sa mga kuya mo! Bahala ka na sa buhay mo."