webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 145

Sa bahay parin ng mga Dela Cruz,

Nakaupo at nakatungo lang sila Kelly at Vince sa sofa at sinesermonan sila nila Kian "Jusmiyo naman Kelly hindi ba sinabi na namin na wag ka ng maglalaro online? Paano nalang pala kung napahamak kayo ni Vince nung time na may naganap nakawan doon sa computer shop kung saan kayo naglalarong dalawa?" Ang sabi ni Kian.

Nag bubulungan naman sila Kelly at Vince at nag sisiskuhan "Tsk...bakit yun naman ang sinabi mo? Walang kwenta! Hindi na nga tayo nag lalaro!"

"Eh...ano gusto mong sabihin ko? Na may something kayo ni Patrick?"

"Shhhh...wag ka ngang maingay!"

"KELLY!!!!" Ang pagalit na sigaw ng mga kuya niya.

"Ku—Kuy's?"

"Hindi ka ba nakikinig? Sabi ko kung hindi mo iyan ititigil ibabalik ka nalang namin mga kuya mo sa online classes ulit!" Ang sabi ni Kian.

"Ha? NO!!! Ayoko kuya!" Siniko naman niya ka agad si Vince "Ah...eh...Oo nga parang sobra naman po ata iyon malapit na po kaming grumaduate ni Kelly kaya wag naman po iyon ang ibigay niyong parusa. Pangako hindi na po kami maglalaro."

"Pwes, bawal na ang gadgets simula ngayon!"

"Ano? Kuya naman paano ko mag aaral? Kailangan ko ang gadgets para pang search ko pag may assignment kami."

"Heh! Syempre kapag kailangan mo lang talaga pero kung hinde walang GADGETS!!!"

"Pero kuya!!!"

"Tama si kuya Kian wag ka ng mag gadgets! Hindi ka na nakikinig samin Kellang hindi ba at sinabi na namin na itigil niyo na ni Vince ang online games na yan?" Ang sabi ni Kim.

"Sasabihin na rin namin ito kay Mama panigurado naman kaming kami ang papanigan nun dahil para naman ito sa kalusugan mo. Lagi ka nalang gadgets lalabo na yang mga mata mo!" Ang sabi naman ni Kevin.

"Kaya nga, pati si Jacob eh naiimpluwensyahan na." Ang sabi naman ni Keith.

"Pero, hindi ko naman tinuturuan si Jacob na mag online games sya talaga nag nakakadiskubre nun matalino yung bata."

"Tahimik! Nangangatwiran ka pa!" Ang sabi ni Kian.

"Sorry po kuya."

"I'M HOME!!!" Ang bungad naman ni Jacob kasama ang mommy niyang si Rica.

"Siopao!!!" Ang sabi ni Kelly.

"Tita Kelly!!!!" Lumapit naman siya ka agad kay Kelly at niyakap ito.

"Sighh...baby, andito ang daddy mo yung tita Kelly mo talaga ang una mong sinalubong?" Ang sabi ni Kian.

"Hehe...kanina pa kasi niya gusto umuwi miss na miss niya na daw kasi ang tita Kelly niya." Ang sabi ni Rica.

"Ahh...sorry hindi ko na kayo na sundo."

"Ayos lang may sasakyan naman kami hinatid kami ni Renzo."

"Oh? Umuwi ngayon diyan si Renzo?"

"Ahh...babalik din agad yun sa probinsya may klase kasi yun bukas."

"Ohhh...I see."

"Daddy!!!" Ang pagalit na sabi ni Jacob.

"Baby?"

"Ano na naman pong ni raratrat niyo kay tita Kelly?"

"Ha?"

"Wa---wala akong sinasabi sa kaniya kuya."

"I knew it! Pinapagalitan niyo na namang apat si tita Kelly ko!"

"Baby!!! Hindi ka dapat nakikisali sa usapan ng mga matatanda." Ang sabi ni Rica.

"Pero mommy inaapi na naman nila si tita Kelly ko."

"Ha---ha---ha...nako baby, lalo mo lang pinapalaki ang problema ni tita eh." Ang awkward na sabi ni Kelly.

"Pero tita! Hindi po ako papayag na sesermonan na naman nila kayo kasi sure po akong hindi na naman sila makikinig sa paliwanag niyo."

"Well..."

"Sighhhh...baby halika na nga muna payakap naman muna si daddy."

"Ayoko po!"

"Ha? Pero hindi mo ba ako miss?"

"Hindi po!"

"A---Ano?"

Nagtawanan naman sila Kim "Tsss...tinatawa tawa niyo diyan?" Ang pabulong na sabi ni Kian sa mga kapatid niya.

"Okay, that's enough mag hapunan na muna tayo...Eh? Siopao!!! Dumating ka na pala."

"Tita Faith!!!" Ang giliw na giliw na sabi ni Jacob at niyakap niya ang tita Faith niya.

"Miss you baby boy."

"Miss ko rin po kayo at si Tum tum."

"Tum-Tum?" Anila maliban kay Faith.

"Ahhh...yun kasi ang tawag ni Jacob sa tummy ko lagi niya kasing kinakausap si baby."

"Ohhhh..."

"So, Tum-Tum yung gusto mong ibigay na name sa magiging baby namin?" Ang sabi ni Keith.

"Pwede po tito?"

"Hinde!"

"Tsss..."

"Pero don't worry baby boy yun ang ibibigay nating nickname sa baby namin."

"Talaga po tita Faith?"

"Um..."

Niyakap naman siya ni Jacob at sinabing "Ayos!!! Escited na po ako sa paglabas ni Tum-Tum."

"Oo ako rin."

"May gender na ba ang baby niyo?" Ang sabi ni Rica.

"Meron na ate." Ang sabi ni Faith.

"Ano?" Anila maliban kay Kelly.

"Secret!!! Haha..." Ang sabi ni Faith.

Siniko ni Kevin si Keith at bumulong "Hindi mo alam?"

"Ayaw ni Faith sabihin yung gender eh kinausap niya si Dra. Ignacio na wag sabihin sakin surprise daw."

"Ohhh...I see...pero wait, Kelly!!!"

"Kuya?"

"Ikaw alam mo?"

"Ang?"

"Yung gender."

"Ahhh...syempre naman."

"ANO?" Ang pagulat na sabi nila Kevin at Keith.

"Yeah...bleeehh..." At lumapit na siya kay Jacob at nakipaglaro.

"Lintek! Naunahan pa ko ni Kellang?"

"Ehh...alam mo naman si Kelly kuya hindi ka talaga mauunahan niyan."

"Sighhh...hayain na nga gusto ko rin namang ma surprise."

"Ahem...ah...eh...pwede na po ba akong umalis?" Ang sabi ni Vince.

"Mamaya na dine ka na kumain ng hapunan." Ang sabi ni Kian.

"Tsaka hindi pa tapos ang interrogation namin sayo." Ang sabay sabay na sabi ng mga kuya ni Kelly.

"Ah...ha—ha...si—sige po."

Pero sa isip isip niya "Lintek mapapa hot seat pa ata ako nire."

Kinabukasan sa DLRU,

"Morning guys, how's weekend?" Ang energetic na sabi ni Harvey kila Vince, Mimay, Dave at Patrick na animo'y walang ka gana gana.

"Guys? Ayos lang ba kayo? Bakit umagang umaga eh hindi mga maipinta ang mga pagmumukha niyo?"

"Yeah...pati nga ako nadadamay sa mga yan." Ang sagot ni Patrick.

"Eh bakit nga ba?"

At dumating naman na rin si Kelly na good mood "Hiyiee! Buenos Dias Amigos."

"Mornin' to Kelly." Ang ngiting ngiti namang salubong na sambit ni Patrick.

"Tsss...tumabi ka nga diyan harang ka'y!"

"Napaka harsh mo talaga sakin kahit kailan."

"Heh! Nag iinarte ka na naman diyan...Sup! Class Pres."

"Guten Morgen"

"Whoa...you know German?"

"Nah really just basic ng good morning at iba pang greetings. Hahaha..."

"Ohh... ako rin eh...hahahaha..."

"Pero yung Buenos Dias Amigos ano yon di ba Spanish?"

"Yep, Ese es el idioma espanol mi amigo." Ang sabi ni Patrick.

"You know how to speak Spanish too?" Ang sabi ni Kelly.

"Si."

"Wow...iba talaga ang ritskid." Ang sabi ni Harvey.

"Luko! Nung kinder kasi ako inenroll ako ni mommy sa international school pero hindi ko na maalala yung ibang language pero Spanish kasi naging paborito ko kaya yun ang naalala ko."

"Ohh..." Ang reaksyon nila Harvey at Kelly.

"Yung Buenos Diaz Amigos it means good morning my friends right Kelly?"

"Um...pero mga basic lang din naman ang alam ko pero yung sinabi mo parang ang ibigsabhin nun eh "That's Spanish language my friend right?"

"Magaling, paano ka na naman natuto mag Spanish?"

"Ahhh...wala lang yung lolo at lola ko kasi sa side ni Mama eh galing sa Cavite."

"Ohhh...yung mga chavakano." Ang sabi ni Harvey.

"Oo sa Ternate Cavite ganun ang mga salita pero hindi naman talaga sobrang fluent sa Spanish kumbaga eh parang slang. Kaya may kaunti akong kaalaman."

"Astig!" Ang sabi ni Patrick.

"Ano namang astig don ha Mr. Ritskid?"

"Cut the crap! Stop calling me that "Ritskid" thingy."

"Bakit naman? Eh sa "ritskid" ka eh right class pres.?"

"Yeah..."

"Heh!"

Napansin naman ni Kelly na parang wala sa mood sila Mimay "Anong problema ng tatlong yan at parang umaga palang eh badtrip na? Hindi ata ako sanay kay Dave na hindi hyper mukha tuloy siyang matalino."

"Ano?" Anila Patrick at Harvey.

"Hahahaha...bakit naman gulat na gulat kayo diyan? Tignan niyo pag seryoso si Dave hindi sya muntanga."

At napatingin nga sila Patrick at Harvey kay Dave at natawa "Pfft...ahahahaha...oo nga mukha siyang hindi gagawa ng ka gung gongan." Anila.

"See, kaya bakit ganyan yan? Magugunaw na ba ang mundo?"

"Ahhh...over ka naman na don mag kaaway kasi sila ni Mims." Ang sabi ni Patrick.

"Eh? Bakit?" Ang sabi ni Harvey.

"Ey, bakit naman bigla kang naging interesado?" Ang sabi ni Kelly.

Binelukan ni Harvey si Kelly "Sira! Pagkakarinig mo naman diyan. Issue ka agad!"

"Ahahaha...sus..."

"Pero ewan ko nga ba pinagawayan nila kahapon yung about sa sinabi daw ni Vince kay Mimay."

"Eh? Alam na ni Dave?" Ang sabi ni Kelly.

"Ang alin?"

"Na gusto ni Vince si Mimay."

"ANO?" Tinakpan naman ka agad ni Kelly ang bibig nung dalawa "Shhhh...wag kayong maingay! Tara sa labas bilis."

"Mmm...mmm..."

At dali dali namang nag punta sa labas yung tatlo at doon na ipinaliwanag ni Kelly ang mga nangyare noong gabing nalasing sila sa bahay nila Vince "Ohhh...oo hindi ko yun naabutan kasi sinundan kita nun pre." Ang sabi ni Harvey.

"Ako? Saan ako pumunta?"

"Lasing ka na kasi nun at pinansundan ka sakin ni Mimay kala kasi namin baka san ka mapunta yun pala iihi ka lang."

"Gross..." Ang reaksyon ni Kelly.

"Ay..sorry."

"But anyways, you mean gusto ni Mimay ay...ni Vince si Mimay?" Ang sabi ni Harvey.

"Wait, paano mo naman yun nalaman? Ang sabi naman ni Patrick.

"Alam niyo hindi ko rin alam pero ang alam ko ang gusto naman talaga ni Vince ay si Aliyah pero ang shunga kong pinsan na iyan nalilito bigla nung nalaman niyang sinabi niya yun kay Mimay. At about naman sa tanong mo Mr. Ritskid si Mimay mismo ang may sabi non sakin kaya wala akong doubt!"

"Ohhhh...ganun pala." Ang tugon nung dalawa.

"Yeah..."

"So, ano na ang balak mo?"

"Hmm...wala."

"Wala?"

"Oo bakit ako? Bahala silang mag solve ng problema nila."

"Pero Kelly, kaibigan natin sila." Ang sabi ni Harvey,

"Oo alam ko naman yon at pinsan ko naman si Vince pero guys, what for pa? Eh hindi naman tayo involve sa mga bangayan nila. Baka lalo lang lumala kung makikisali pa tayo let them be!"

"O---okay." Anila.

"Si Mimay lang naman talaga ang dapat luminaw ng lahat para hindi na sila mahirapang tatlo."

"Well, you have a point."

"Yeah...hayaan na muna natin sila they need some space."

"Um..."