webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 141

Habang busy ang iba sa pakikipagusap kay Manong Gorge kinuha ni Miggy ang pagkakataong iyon para makausap niya si Kelly ng masinsinan "Kelly! Can we talk?"

"Hmm?" Ang reaksyon ni Kelly habang nakain ng icecream.

Palihim na hinila ni Miggy si Kelly sa isang gilid para makapag usap sila ng ayos ng walang nakakapansin "Ano na naman ang problema mo?"

"Ah...eh...gusto pa kasi talaga kitang makausap nung isang araw na nag punta ako sa inyo kaso laging walang magandang pagkakataon kaya sana pagbigyan mo ako kahit ilang minuto lang."

"Bahala ka."

"Galit ka parin ba sakin?"

"Tsss...gusto mo bang sagutin ko yan ng matino o usap bangag?"

"Sigh...hindi ka parin talaga nagbabago gayan ka parin ka pilosopa."

"Eh kung ganon wag mo na kong kausapin maiwan na kita dito." Paalis na sana siya pero pinigilan siya ni Miggy at hinawakan ang kamay niya at sinabing "Sandali lang!"

"Direstsuhin mo nalang kasi ang dami mo pang pasakalye."

"Ang init naman kasi agad ng ulo mo eh."

"Sigh...Fine! Ano ba kasing gusto mong sabihin? Kung hihingi ka lang ng tawad about doon sa pag alis mo sa Batangas noon ayos na yon naiintindihan ko naman na kailangan mong sumunod sa mga magulang mo pero ang hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan mong umalis nalang ng basta na hindi man lang nag sasabi saming mga kaibigan mo. Bakit hindi ba kaibigan ang turing mo samin?"

"Ano?? Kaibigan ko kayong matalik nila Vince lalo ka na you mean so much to me. It's just that I need to do that because...."

"Because what? Kung bibigyan mo lang ako ng walang ka kwenta kwentang alibi wag mo ng ituloy baka lalo lang tayong magkagalit."

"Because I LOVE YOU!" Ang sigaw ni Miggy at kinagulat naman iyon ni Kelly na narinig rin naman nila Patrick.

"Anong ginagawa nila?" Ang sabi ni Mimay.

Pupuntahan sana ni Patrick yung dalawa pero pinigilan siya ni Vince "Pre, hayaan mo muna sila mag usap."

"Pero....baka kung ano ang sabihin ng Miggy na yon kay Kelly."

"Bakit selos ka?" Ang sabi ni Mimay.

"A---Ang akin lang naman eh..."

"Wag kang mag alala matagal ring hindi nag kakausap ang dalawang yan at sa tingin ko kailangan talaga nilang mag usap para mag kapaliwanagan." Ang sabi naman ni Vince.

"Oo para naman malaman ni Kelly ang side ni Miggy kung bakit siya noon umalis nalang ng walang paalam sa samin na nag dulot ng kalungkutan kay Kelly dahil naging matalik silang mag kaibigan." Ang sabi naman ni Harvey.

"Pero...guys!"

Habang busy naman si Dave sa pagkain ng ice cream at nakikipag usap pa kay Manong Gorge "Kumalma ka lang dude! Para namang hindi mo kilala si Master may isang salita yan kaya wag ka ng paranoid diyan hindi ka ipagpapalit niyan."

"Heh!"

"Anong isang salita ang sinasabi mo Dave?" Ang sabi ni Mimay.

Nagkatinginan sila Dave at Patrick at hindi malaman kung ano ang sasabihin buti nalang nag salita si Manong Gorge "Mey problema ba keyow? Alam niyo mga bata pa namen keyow at marami pa keyowng pagdadaanan sa buhey kaya keep calm and eat icecream. Hehe." Ang slang na sabi ni Manong Gorge.

"See, buti pa si Manong ang lawak ng point of view sa buhay." Ang sabi ni Dave.

"HEH!" Anila.

Samantala,

Habang mag kausap naman sila Kelly at Miggy "Ano? Mahal mo ko pero hindi ka sigurado?"

"Hindi naman sa hindi ako sigurado ayoko lang na masaktan kita kasi nga kailangan naming lumipat noon sa Cebu."

"Huh! Napaka kapal din naman ng mukha mo eh noh?"

"Ha?"

Sinikmuraan ni Kelly si Miggy sa uma niya "Ahem...ahem...Kelly..."

"Yan ang sagot ko sayong feeling ka!" At iniwan siya ni Kelly "Kelly!!! Sandali lang!!!!" Ang nahihirapan namang sabi ni Miggy dahil na saktan talaga siya sa suntok sa kaniya ni Kelly.

Makalipas naman ang ilang oras,

"Happy birthday po ulit sa inyo tiya nawa'y naging masaya kayo...Woooohh..." Ang sabi ni Keith na animo'y lasing na habang hawak siya ni Kevin.

"Sighh...mukhang napadami ang inom ng lukong iyan Kevin." Ang sabi ni Ada.

"Oho nga eh ako na pong bahala sa kaniya."

"Ihahatid ko nalang kayo wala pala kayong sasakyan ngayon." Ang sabi ni Ethan.

"Ah...oo wala pa kasi sila kuya Kian eh nag abay sa kasal ng kaibigan nila."

"Ahhh...oo nga nabanggit sakin ni Keith kanina nung wala ka pa."

"Ohhh...siya sige umalis na kayo at baka gabihin kayo sa daan mag ingat kayo." Ang sabi ni Ada.

"Sige po tiya." Anila.

"Sandali lang si ate Faith at Kelly pala asan po tiya?" Ang sabi ni Kevin.

"Ahhh...oo nga pala sabi ko kasi kay Alice mag balot ng konting handa para may mauwi kayo sa inyo."

"Nako, nag abala pa po kayo busog narin naman po kaming lahat."

"Kuya!!!" Ang sabi ni Kelly na ang daming dala.

"Anak nang!"

"Ano ng nangyare diyan sa isang yan Kevin?" Ang sabi ni Faith.

"Nako, mukhang na padami sabi naman kasing tama na ayaw paawat eh lambanog pa more."

"Tsk...sinabihan ko na nga yan bahala siya matulog sa sala."

Iniabot naman ni Alice ang pagkain na nakabalot na dala niya kay Ethan "Ahem...eto nga pala ang sayo iuwi mo kila tita at tito." Napatingin naman ang lahat sa kanilang dalawa na animo'y may something ang tingin "Bakit naman nag abala ka pa nakakahiya."

"Ayiiiee....ang sweet..."Ang panunuksong sabi ni Kelly.

"Ano? Baby girl!!!" Ang nahihiyang sabi ni Alice.

"Ahahaha...ninang mukhang hindi na tatandang dalaga si ate Alice."

"Sa tingin mo?"

"Opo...flower girl po ako ha?"

"Oo naman ikaw pa ba?"

"Ma!!! Kelly!!!" Ang naasar na sabi ni Alice at nagtawanan naman silang lahat.

"Siya...siya...tama na nga yan baka saan pa nga mapunta ang usapang ito mabuti pa'y umuwi na nga kayo at mukhang uulan." Ang sabi ni Ada.

"Sige po." Anila.

"Bye Ninang happy birthday po ulit sa inyo." Ang sabi ni Kelly at hinalikan niya si Ada sa pisnge.

"Bye ingat kayo sa daan Ethan ingatan mo sila may kasama pa naman kayong buntis Faith ingat okay?"

"Opo salamat po."

"Bye tiya.."

"Sige ingat kayo...oh, Alice mag babye ka na kay Ethan."

"Shhhh...mama naman!"

"Ahahaha....wag ka ng mahiya mukha naman disenteng tao si Ethan kaya gusto ko siya para sayo."

"Ayieee...Ninang narinig ko yun."

"Heh! Sumakay ka na nga ng sasakyang bata ka!!" Ang sigaw ni Alice.

"Ahahahaha...basta flower girl po ako ah!"

"EWAN! Luka ka! Pero ingat kayo ha? Ethan, dahan dahan lang sa pag dadrive!!"

"YES BABE!!!"

"Ayiieee...BABE pala ha." Ang sabi ni Kelly.

"HEH! Babe mo mukha mo Ethan!!!" At pumasok na nga sa loob ng bahay nila si Alice dahil nahihiya.

"Ahahaha...mga kabataan talaga ngayon hindi na gaya nung panahon namin. Sighhh...napag iiwanan na nga ata kami ng panahon." Ang pabulong na sabi ni Ada.

"MA!!! Halina kayo dine at baka umulan."

"Oo andiyan na BABE."

"MA!!!!"

"Ahahahaha...tung batang ito talaga napakamahiyain."

Samantala,

Nasa likod naman sila Vince, Patrick, at Dave at nag iinuman at may mga tama na rin habang kumakain lang ng pulutan sila Mimay at Harvey "Alam niyo mga pre hindi naman talaga ko nainom pero dahil na kukunsume ako doon sa Miggy na yan gusto kong mag wala dine."

"Sige lang mag wala ka lang dine." Ang sabi ni Dave na nakatulog na.

Kaya ginigising naman siya ni Vince "Hoy! Gumising ka diyan inom pa tayo!!!"

"Mga bano na talaga iuwi na nga natin yang dalawang yan." Ang sabi ni Mimay.

"Pero hindi ako marunong mag drive."

"Tsk...sige ako nalang hindi na tuloy ako nakapag paalam kay Kelly.

"Para namang di kayo magkikita."

Sabagay nga pala bakit hindi ka nainom?"

"Ahhh...bawal eh kaya pulutan nalang ang sakin."

"Ohhh...bakit naman bawal?"

"Allergy ako eh baka hindi ako makahinga."

"Oh? May ganun pala? Ako naman eh nakakinum pero konti lang syempre hindi gaya ng mga lukong ito."

"Oo nga mukhang mabilis silang tamaan kesa sayo."

"Ehhh...ganun talaga nandadaya ako eh.ahahaha..."

"Ah? Don't tell me tinatapon mo?"

"Pffft...BINGO!"

"Tsss...kaya pala."

"Sino? Sinong nang bibinggo? Sali naman ako." Ang biglang sabi ni Vince at lumapit kay Mimay.

"Hoy! Anong gagawin mong baliw ka?"

Tumabi sa kaniya si Vince at niyakap "Hoy!!!! Ang baho mo alis!!!" Tinulak niya si Vince pero ang higpit ng pagkakayakap sa kaniya nito.

"Buset!!! Harvey!!! Aba, tutunganga ka lang diyan? Tulungan mo ko sa buset na lasing na ito."

"Ba! Bahala ka diyan intayin mo muna baka may sasabihin."

"Ano? Baliw ka!!!"

"Mimay!!! Mimay!!!!" Ang paulit ulit na sabi ni Vince.

"Pusang gala!!! Sabing bitawan mo ko!!!" Nag pupumiglas siya pero lalo naman siyang niyayakap nito.

"Putek!!! Nauuma na talaga ko!!! Sisipain ko na ito Harvey!!!"

"Ba bahala ka tandaan mo nasa bahay ka nila."

"Taragis ka talaga!!!"

Bigla namang umiyak si Vince "Mimay..."

"Whoa...naiyak ba siya?" Ang sabi ni Harvey.

"Di nga? Naiyak??"

"Bigla namang tumayo si Patrick "Hoy, Harvey si Patrick baka kung san mag punta yon sundan mo!!!"

"Lintek!!! Mga lango na kasi sa alak ayaw pag mag si tigil." Kaya sinundan naman niyang ka agad si Patrick na noon ay nag punta sa isang gilid.

"Hoy! Vince ano gang iniiyak iyak iyak mo dyang baliw ka??"

"Boohooo...Mimay!!!"

"Ano gang pinapanaginipan nito at ako ang tinatawag?"

"Mimay...mahal kita...kaya sana wag ka ng mag paligaw kay Dave."

Kinagulat naman iyon ni Mimay "A---ano?"