webnovel

Kabanata 121

Samantala, nag tungo si Kelly sa van kung na saan si Patrick at kinausap niya ito "Ahm...sige po Sir lalabas na muna ako para maka pag usap kayo ni Ms. Kelly."

"Sige po Manong salamat."

"Sige Sir." at lumabas na nga ito at iniwan yung dalawa para makapag usap ng masinsinan.

"Bakit ayaw mong pumasok?"

"Ah? Hin—hindi na dito nalang ako."

"Bakit natatakot kang baka may gawin akong kung ano sayo? Bakit? Dahil andiyan yung dalawa mong manliligaw? Ayaw mong makita nila tayong nag uusap? Huh!"

"Sigh...ang dami mong drama sa buhay nakakauma! Oo ere na papasok na nga! Bwiset!" Napangiti naman si Patrick at sinarado ni Kelly yung van pag ka pasok niya.

"Oh? Happy?" Bigla naman siyang niyakap ni Patrck "Hoy!!!"

"Sandali lang pag bigayan mo muna ako kahit ilang minuto lang."

"Ano ba?!!! Bitawan mo kong bwiset ka!"

"Malungkot ako! I-comfort mo naman ako."

"Sigh...bahala ka nga yang kamay mo wag mo ng itaas masasampiga talaga kitang bwiset ka!"

"Oo na! Wala rin naman akong makakapa!"

"PATRICK!!!!!" Sinabunutan nya ito sa sobrang galit.

"Booohoooo!!!!" Bigla namang umarteng umiiyak si Patrick.

"Huy! Naiiyak ka? Napalakas pa? Sorry..."

"Um...ang sakit..."Umarte naman siyang talagang nasasaktan siya kaya naawa naman si Kelly at niyakap niya ito "Oh, ayan na okay na? Kainis ito! Bakit ba kasi nag kakaganyan ka nalang bigla?"

Napangiti naman siya at hinigpitan ang yakap kay Kelly "Hoy! Gusto mo na ba akong pisain sasabunutan ulit kita!"

"Sorry na na excite lang kasi ako kasi ngayon lang may nag comfort sakin bukod kila mommy at kay ate May."

"Ano ba kasing kinalulungkot mo at pinag hihimutok ng butse mo? Daig mo pa yung babaeng may period sa mood swing mo asar kang lintek ka!"

"Naalala ko kasi ang kapatid kong si Paula hindi ba at kaarawan niya rin ngayon habang nag kakasiyahan tayo kanina inalala ko yung mga masasayang araw na kasama namin sya at kapag kaarawan niya sama-sama rin kaming nakain, nag tatawanan gaya kanina ang saya ni Vince dahil marami sa kaniyang bumati at nag mamahal."

"Tsss...ang drama mo naman bakit di ka nalang din maging masaya? Sa tingin ko naman kung nasaan si Paula masaya din sya."

"Paano kung hindi? Paano kung miserable pala siya kung na sasaan siya?"

"Sigh....okay, fine sasama na ako mamaya sa inyo sa pag punta sa lola ni Harvey para mag tigil ka na sa kakaisip sa kaniya."

Bigla namang naging masaya si Patrick "Talaga? Salamat ang laking tulong nun dahil sasama ka."

"Yeah...can you let me go? Ang banas na kamo!"

"Ay sorry." At nung bibitawan nya si Kelly sa pag kakayakap niya dito nadali ng ulo niya ang baba nito "Aw..."

"So---sorry..."

"I think nakagat ko ang labi ko."

"Nako, oo nga sorry nag dudugo!"

"Ha? Bwiset ka kasi ayaw mong mag dahan-dahan."

Habang pinupunasan ni Kelly ang kaniyang labi napatitig naman dito si Patrick "Hoy! Anong tinitingin tingin mo diyan?!"

"Ah..eh...kasi...a—ano..."

"Pervert!"

"Ha? No! Wala pa nga akong nahahalikang babae tapos sasabihan mo kong pervert."

"Ahahahaha...really?"

"Eh? Maka tawa wagas?"

"Matanong ko nga nung mataas ang lagnat mo wala ka talagang maalala nun?"

"Ah...eh...oo pero sabi nila Dave andun ka raw? At ikaw raw nag alaga sakin?"

"Ha? A---ano....kasi yon ganito yon eh...ahm..."

Hinalikan naman siya ni Patrick sa pisnge "HEY!!!" tinulak niya ito "Anong ginagawa mo?!!!!"

"That's my way to thank you for caring me at..." Hinalikan niya rin si Kelly sa noo "Yan naman ang bawi ko dahil hinalikan mo rin ako sa noo kanina."

"Y----YOU!!!!!!" Pandalas naman siyang lumabas ng van.

"Hey! Mamaya ha?."

"Ewan ko sayo! Bwiset ka!"

At nag tatakbo na si Kelly papalayo "Pffft...she really is cute kapag nahihiya siya at namumula ang mukha na para bang sasabog."

"Sir, mukhang masaya na kayo ah." Ang bungad naman ni Manong Berto.

"You think Manong?"

"Yes Sir, pero bakit tumakbo si Ms. Kelly?"

Bumaba naman na rin ng sasakyan si Patrick at sinabing "Call of nature lang po...hehehe...sige babalik na po muna ako sa loob."

"Si---sige Sir." At pag ka alis ni Patrick "Mukhang, magiging makabuluhan ang pagbabalik ni Sir Patrick sa kaniyang kolehiyo. Sigh...ang sarap maging teenager." Dagdag pa ni Manong Berto.

Habang natakbo naman si Kelly nakabanggaan niya si Joshua "Aw...my baby girl princess tumingin ka naman sa...wait...bakit nadugo ang labi mo?"

"Ha? A----ano kasi nakagat ko."

"Eh? Bakit naman?"

"Haist...dami niyong tanong diyan ka na nga muna." At tumakbo naman na siya uli "Hey!!! Baby girl!"

"Si Kelly ba yon?" Ang bungad ni Kevin na noon ay kumakain ng cake.

"Oo, ano bang problema ng batang yon?"

"Ha? Bakit?"

"Nag mamadali kasi eh tapos nakita ko nadugo ang labi niya."

"A---ANO?"

"Oo sabi niya nakagat niya raw."

"Ano??? Sandali nga hawakan mo muna itong kinakain kong cake at tandaan mo wag na wag mong sasabihin ang nakita mo kila kuya naiintindihan mo?"

"At bakit naman?"

"Subukan mong sabihin, sasabihin ko sa lahat ang tinatago mong sikreto."

"Huh! Are you black mailing me???"

"Oo sinisigurado kong malalaman ni tita Vina na ikaw ang naka sunog ng kusina niyo na nadamay ang pinaka mahal niyang painting sa bahay niyo!"

"Aba't!!!!"

Ibinigay niya naman yung cake niya kay Joshua "Oh, hawakan mo at wag mong tangkaing bawasan o layan ng kung ano yang kinakain ko dahil makakatikim ka talaga ng bagsik ng isang nurse na gigil na gigil mag opera ng puso at baga!"

"O---okay...calm down bro!"

"Tsss...tandaan mong lahat ng sinabi ko!" at iniwanan niya na si Joshua at sumunod kay Kelly "Napaka buarot mo talaga!"

"AKO NAPAKA LANG IKAW BURAOT NA TALAGA!" Ang sigaw ni Kevin habang nag lalakad.

"HEH!"

Sa kwarto ni Kelly,

Nag tungo ka agad siya sa c.r para mag himalamos at tinignan yung labi niyang nag dudugo "Haist...bwiset na Patrick talaga yon! Ang sakit tuloy ng labi ko humanda siya mamaya lintek lang ang walang ganti."

"Kelly!!!! Nasan ka?"

"Eh? Si kuya Kevin? Nako, baka mamis-interpret niya kung bakit na dugo ang labi ko."

"Kelly!!!"

"Ah...eh...kuya nasa c.r ako bakit?"

"Anong nangayre sa labi mo?"

"Ha? A----ano po kasi..."

"Buksan mo ang pinto!"

"Pe---pero kuya!"

"Bubuksan mo ba ito o gusto mong ma-misinterpret nila kuya Kian kung bakit na dugo ang labi mo."

Pabulong bulong siya "Bwiset na Joshua yun sigurado siya nag sabi kay kuya Kevin. Humanda sya!"

"Kelly! Bubuksan mo ba ito o tatawagin ko na sila kuya?"

"Sigh...oo eto na nga!" at binuksan na nga niya yung pintuan.

"Tsk....anong nangyare diyan? Wag mong sabihing!"

"Wa---wala kuya let me explain."

"Siguraduhin mo lang na may sense yan kung hindi nako! Nang gigil talaga ko Kellang!"

"O---opo kumalma ka muna kasi."

"Sigh...bilis ikwento mo!"

"O---okay pero ipangako mo kuya wag mong sasabihin kila kuya Kian ha?"

"Malalaman natin yan kung ka depedepensa ang magiging paliwanag mo!"

"Ha? Kuya naman!"

"Basta!"

"Tsk...oo na!Sigh..."

.

.

▪︎Author: Na enjoy niyo ba yung moment ng mag kapatid? O syempre yung moment nila Kelly at Patrick? Ayiee...kinilig ba kayo kabayan? Comment kung gusto niyo ng maraming ganung eksena at vote kung sobra as in! Ahahaha...wag niyong kakalimutan yung una kong sinabi sa may taas okay? Gusto ko sana ring malaman ang mga opinion niyo. Wag kayong mag alala napaka bait ko pong author mala anghel po ako kaya sobrang dadamdamin ko kapag hindi niyo ko pinansin. Boohoo...hahaha...love you geysh...sana'y natuwa kayo sa ating kabanata ngayon.

Next chapter