webnovel

Ms Nobody Meet Mr Gangster (Tagalog)

Isang gangster na magkaka gusto sa isang nobody o nerd?? Imposible Sa buhay ni catherine wala lang siyang mga pake kung madaming nambubully sa kanya. Wala siyang pake kung ano ano ang mga sinasabi sa kanya. Ngunit pag dating sa pamilya niya. Doon siya nagiging mahina. Tanging pamilya niya lang ang nakakapanghina sa kanya. Ngunit gugulo kaya ang buhay niya pag dumating ang isang gangster na si Kiel?? Si kiel na puro pa pogi lang ang alam. Si kiel na walang pake kung may nasasaktan siyang ibang tao.

Junelyn_Romero · Teen
Not enough ratings
3 Chs

Prolouge

Ang daming nagsasabi sa akin na okay lang daw kahit nobody ako. Pero hindi sila madami mga tatlo lang siguro. Pero madami na yun para sakin. May tatlo akong kaibigan na si Kate Mendez, Lucy Sanchez, Fiona Romero

Sila ang tatlong kaibigan ko sa university kung saan ako napasok. Fourth Year na kami ngayon kaya masyado kaming nagiging busy dahil sa mga project namin.

"Leine, bakit ba kasi ayaw mo mag ayos?" naiinis na tanong ni lucy sa'kin.

Hay! Eto na naman siya sa mga tanong niya sakin. Halos araw araw na pag pasok ko lagi niya akong tinatanong ng ganto. Naiinis nako!

"Eh kasi nga ayoko" sambit ko sa kanya.

Tumigil na siya sa pag tanong dahil dumating na sila kate at fiona na may dalang pagkain namin. Si kate at fiona lang ang nagtatanggol sa akin sa mga tanong ni lucy. Kaya minsan ayokong napapalayo ako sa kanilang dalawa.

"Ano na naman lucy tinatanong mo na naman siya" sambit ni kate.

"Eh kasi naman bakit ayaw niyo sa pilitin. Edi sana hindi siya nabubully" iritadong sambit ni lucy

"Edi kung ayaw mo siya mabully pag tanggol mo siya" sabay irap ni fiona

"Guys wag na kayo mag away please" pagmamakaawa ko.

"Okay bunso" sambit ni fiona

Bunso ang tawag nila sakin dahil ako ang pinaka bata mag isip. Umalis muna ako sa kanila dahil biglang tumawag sa akin si mama

"Hello my" malambing kong sabi.

"Tigilan moko sa ganyan mo catherine! May atraso ka sakin" sigaw niya sa kabilang linya

"Po? Ano yun?" tanong ko

"Diba sabi ko i give up mo yang pag kanta mo kasi gusto ng kapatid mo!" sigaw ni mommy

Eto na naman ang pag gigive up ko lintik! Gusto kong maging sikat na singer na may banda ako. Ginive up ko na din ang pag sayaw dahil gusto ni Caithlyn

"Ano Catherine hindi mo ba pagbibigyan ang kapatid mo!" sigaw na naman ni mama

"Sige po titigil na" malungkot kong sabi.

Pumunta na ulit ako kung saan kami nakain nila kate dahil naiiyak na ako

"Oh bakit ganyan mukha mo?" tanong ni fiona

"Pinapa give up na naman ako ni mama sa pag kanta" malungkot kong sabi.

"Iyang mama mo napaka ano talaga dyan ah!" galit na sambit ni lucy

"Yaan mona"

Ayoko sanang i give up pero wala eh. Para kay caithlyn sige lahat ibibigay ko

"Ayan na ang Death Gang" sigaw ng mga estudyante

Jusko eto na naman ang death gang na puro bully!! Hindi na sila nagsawang mambully. Palibhasa anak ng may ari ng school yung isang grupo dito eh.

"OMG! ang pogi ni kiel" tili ng babae

Nakita kong may pinaluhod siyang isang babae at tinapunan ito ng juice. Agad akong lumapit sa kanila upang pigilan siya.

"Hoy ang kapal naman ng mukha mo babae yan tapos ginaganyan mo!" sigaw ko sa kanya agad kong tinayo ang babaeng naiyak at pinunasan siya.

"Tol may kalaban kana" natatawang sambit ng isa niyang ka grupo

"Tapang mo miss ah" sambit ng lalake

"So? Ano sayo kung matapang ako?" mataray kong tanong

Nagulat ako dahil binuhusan niya din ako ng juice at shit! Hinawakan ako ng ibang babae. Binasagan niya ako ng limang itlog kaya natawa ang ibang estudyante

Agad akong pinuntahan nila lucy kaya tinigilan nila ako. Agad nila akong hinila papalayo sa mga gangster na yun

"Siraulo ka na talaga catherine. Si kiel ang kalaban mo!" sigaw ni fiona sa'kin

"Bakit sino ba yun?" tanong ko

"Siya lang naman ang leader ng Death Gang! Siya din ang anak ng may ari ng school. I swear leine magiging demonyo ang buhay mo" sigaw ni kate sa'kin

Shit! Parang ayoko na pumasok bukas.