webnovel

Mr. Yabang meets Ms. Sungit

❝If you can just stop loving her then you never really loved her at all. Love doesn't work that way. If you ever truly love someone, then it never goes away. It can become something else. There are all different sorts of love. It can even become hate- a thin line and all that- and, really, hate is just another kind of caring❞ ~Blakney Francis~ ______________________________________________ "Pre, sigurado kaba sa sinasabi mong iyan sa'min?" John asked me when he got here at my house. Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Dahil alam ko sa sarili ko na 'di ko kakayanin ang lahat ng ito. "Pre naman." saad naman ni Harvey na kanina pa naghihintay sa itutugon ko kay John. "We all know that you loves her so much. But why? Bakit piniling iwan nalang siya ng ganun ganun na lamang?" sa tuno pa lamang ng kanilang pananalita'y ramdam ko na galit nagalit sila sa naging desisyon ko. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang MAYABANG na katulad ko'y iibig sa isang babaeng ubod ng SUNGIT? "Wala na akong ibang pagpipilian pa, pre." nakayukong saad ko sa mga ito. Minsan na nga lang akong mag mahal. Bigla namang may makikigulo. Labag man sa kalooban ko ang iwan siya. Gagawin ko para sa ikabubuti niya. Kailangan ko siyang layuan para hindi siya mapahamak.

Silent_Princess20 · Teen
Not enough ratings
1 Chs

Chapter 1

Bea's Povs*

"HOY LALAKI!!! BILISAN MO NAMAN RIYAN! MAHUHULI NA TAYO ANO BA!" pasigaw na tawag ko kay Clark.

Ka-lalaking tao ang kupad kupad gumalaw. Dinaig pa ang babae sa kakuparan. Hayst.

"OO NA! NARIYAN NA!" balik na sigaw naman nito.

Aishhh. Kung may sariling kotse lang sana ako baka kanina pa ako nakarating sa paaralan. Naiinis na ako sa sobrang bagal kumilos ng isang ito eh.

By the way. I'm Beatrice Eunice Chen, 18 year old and i had this twin of mine. Clark Eric Chen.

"Tara na." turan niya't hinila ako papalabas ng mansyon. Aba, siya na nga 'tong hinintay ko ng ilang oras ta's siya pa 'tong may ganang manghila.

___

After 30 mins. nakarating na rin kami sa campus. Mabuti na lamang at hindi na gumawa pa ng bagay si Clark na alam niyang ikasisira lang ng umaga ko.

Pero nang makababa pa lamang ako sa kotse ni Clark. Sakto naman na nakita ko ang magkambal na sina Stacey at Stella na kaibigan ko.

"Kyah!" napatakip naman ako bigla ng tainga ko nang bigla namang tumili si Stella.

"Ano ba, ki-aga aga nagtitili ka na naman." inis na turan dito ni Stacey.

"Ang gwapo raw kasi ng bagong lipat na studyante." kinikilig na saad nito. Ewan ko ba sa babaeng 'to lagi nalang tumitili kapag may nakikitang gwapo o nasasagap na chismis kapag may bagong lipat na studyante sa paaralang ito.

"Kahit kailan talaga kapag usapang lalaki ang bilis ng radar mo." umiiling iling na turan ko rito.

"Hindi ka pa nasanay sa isang 'yan, Bea." walang emosyong ani naman ni Stacey. Nagkakasundo talaga kami nito pag dating sa mga ganoong bagay. "At ikaw namang babaita ka." baling nito sa kakambal.

"Oh ano na naman?" mataray na tanong sakaniya ni Stella.

Magkaiba talaga ugali ng mga ito. Pero pareho naman ng gustong pagkain.

"Ayus ayusin mo nga 'yang sarili mo." bulyaw niya rito. "Masyado ka nang nahihilig sa mga lalaki. Alam mo bang hindi magandang tingan." kahit rin naman ako'y naaalibadbaran sa mga babae na kung makatili wagas.

"Oh sha, tayo na't baka unang araw pa lang ng klase'y nahuli kaagad tayo sa klase." saad ko sa dalawa kaya agad naman silang nagsisunuran sa'kin. Baka kasi mamaya magbangayan na naman ang dalawang iyan. Ang hihirap pa namang awatin.

____

Narating na namin ang classroom namin. And tulad pa rin ng dati. Pinagtitinginan pa rin kami ng mga studyante. Yung iba'y naging kaklase na namin at yung iba nama'y bago lamang sa mga paningin namin. Ay mali, sa paningin ko nga lang pala.

"F*ck! Hanggang kailan ba sila titigil sa kakatitig sa'tin?" iritang ani ko. Nakakairita na kasi mga titig nila sa'min especially boys.

"Chelax lang Bea. Magsisimula ka na namang mag-sungit riyan eh." natatawang ani sa'kin ni Andrea. Naabutan niya kaming tatlo ng kambal na naglalakad papunta rito sa classroom kaya nakasabay niya pa rin kami kahit papa'no. Nagtataka nga ako na wala pa yung iba naming kaibigan. Minsan kasi iyon ang laging kasabay nito si Andrea kapag pumapasok.

"ASAN NA BA KASI 'YANG L*NT*K NA GURO NA IYAN?! PASADO ALAS 8 NA NANG UMAGA WALA PA RIN!!" inis na sigaw ko dahil kanina pa wala pa ring guro ang pumapasok. At naiirita na rin ako ng husto dahil sa titig ng mga kaklase ko sa'kin.

"NAPAKA INGAY NAMAN! ISTORBO KA SA NATUTULOG EH." lumingon naman ako sa bandang likuran dahil doon ko narinig ang sigaw ng isang lalaki. Kita kong nakatingin sa lalaking blond ang buhok ang mga katabi nito.

"Then, I. DON'T. CARE." may diing saad ko rito. Kita ko naman ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

Lihim akong napa-ngisi dahil sa inakto nito. Tsk. Siguro bago lang ito. Ngayon ko pa lang kasi nakita ang mga ito.

"A-anong sabi mo?" nagpupuyos sa galit na ani nito.

Eh? Ang bilis naman atang mapikon ng isang ito. Marami na akong naririnig na bulungan ng mga studyante ang iba ay nag-aalala sa lalaking kasagutan ko ngayon.

Well, hindi naman niya alam kung sino kinakalaban niya ngayon. May mga nakakasagutan na rin naman ako pero hindi sa puntong unang araw pa lamang ng pasukan.

Sanay na rin sa ugali ko ang iba dahil bali-balita na rin mismo sa buong campus na 'to ang ginagawa ko sa tuwing wala pa ring pumapasok na guro pag dating ng alas-otso ng umaga.

"Lagot." nabaling naman ang paningin ko sa lalaking asul ang kulay ng buhok.

Sa'ng planeta ba galing ang mga 'to? Ba't iba iba ang kulay ng mga kulay ng mga buhok nila? Natural kaya ang kulay ng mga buhok nila o wig lang o nagpakulay lang?

"Pikon na siya mga pre." rinig kong ani ng isa pa niyang kasama. And take note. Pula ang kulay ng buhok nito. Sakuragi, is that you?

Pero...

Ano daw ba ulit iyon?

Pikon na siya?

So, ibig sabihin...

Mabilis nga talagang mapikon ang isang 'to?

Palihim ulit akong napa-ngisi sa isiping madali palang mapikon ang isang 'to. Haha. At mukhang hindi rin kami nito magkakasundo palagi. Baka nga walang sigundo, minuto, oras o di kaya'y araw na hindi kami nito magkaka-sagutan.

Maisip ko pa lamang ang mga bagay na iyon. Mukhang sasakit lang ang ulo ko. Tsk.