webnovel

Mr. Writer

luzdelaluna_ · Others
Not enough ratings
24 Chs

Chapter 5

"Napuyat ba masyado si Sirene at tulog pa rin?" Nagising ako sa ingay nila Reysha.

"Hindi naman, pagkapasok namin dito sa kwarto ay nakatulog agad siya." Sagot naman ni kuya Ivan.

Pagmulat ko ng mga mata ko ay naka-upo sila sa kama ni kuya Ivan habang nagkekwentuhan.

"Good morning Sirene." Nakakalokong bati ni Max.

"Good morning."

"Anong meron?" Tanong ko bigla.

"Huh? Wala naman. 9AM na kasi pero tulog ka pa kanina. Hindi ka na tuloy nakasabay sa amin mag-almusal. Buti na nga lang at nagluto ulit si kuya Ivan para sayo." Sagot ni Carla at tinignan si kuya Ivan.

"Ah, oo. Ipinagluto kita ng paborito mong fried rice with fried adobo." Biglang singit ni kuya Ivan at inabot sa akin ang tray na may pagkain.

"9AM na ba?" Tanong ko bigla at tumingin sa bintana.

"Ay oo teh, masyado ka lang tulog mantika at hindi ka magising kanina. Kulang na nga lang sapakin na kita para magising ka eh." Sabat naman ni Max.

"Grabe naman sa sapak Max. Baka pagsinapak mo yan si Sirene hindi yan magising dahil matutuluyang tulog yan." Sabat din Reysha.

Tumawa lang si kuya Ivan at ate Alex habang nakatingin sa amin. Tumingil si Max at pinagmasdan bigla si kuya Ivan.

Lumapit si Max kay kuya Ivan at nilapitan ang mukha nito. "Kuya Ivan, magsabi ka ng totoo." Biglang saad ni Max habang nakatingin pa rin siya kay kuya Ivan.

"Anong skincare mo at sobrang kinis ng face mo?" Jusko, akala ko naman itutorture na ni Max si kuya Ivan.

"Wala naman, nagpupuyat lang naman ako araw-araw." Natatawang sagot nito.

"Ikaw? Nagpupuyat sa lagay na yan? Turuan mo kami kuya Ivan magpuyat ng hindi nagkakapimples." Inalog-alog pa ni Max si kuya Ivan habang nakahawak ito sa magkabilang braso.

"Sa tingin ko, kailangan na natin magpuyat." Sabat naman ni ate Alex.

"Nagpupuyat din naman kami pero bakit hindi kami ganyan?" Nagdadrama na si Reysha na para bang umiiyak sa kawalan.

"Wag daw kasi kayo magpuyat sa maling tao." Natatawang saad ni ate Alex kaya napatitig kami.

"So, sa tamang tao nagpupuyat si kuya Ivan? Tanong ni Max.

"Gaga ka talaga Max. Alam mo namang writer yan si kuya Ivan. Natural, sa stories yan nagpupuyat at hindi sa tao." Sabat naman ni Carla.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni kuya Ivan at pumasok ang mama ni kuya Ivan. "Mga anak, gusto ninyo ba sumama?" Tanong nito sa amin.

"Saan po ma?" Tanong ni kuya Ivan.

"Secret." Sagot nito.

"Alam ko na kung saan pupunta si tita." Biglang singit ni Max.

"Sa beach!" Habol pa ni Max.

"Paano mo nalaman hija?" Tanong ni tita.

"Kasi nga tita, nakita ko strips ng swimsuit mo." Sagot ni Max at itinuro ang strips sa may balikat ni tita.

"Napakagaling mo naman Max." Nakangiting sagot nito.

"Tita, wala kaming dalang swimsuit." Biglang saad ni ate Alex.

"May mga swimsuit sa pupuntahan nating beach, nak. Ang alam ko ay may store doon na may mga swimwear." Sagot pa nito.

"Si tita talaga laging prepaired." Natatawang saad ni ate Alex at tumayo na.

"Aba, dapat lang anak." Nakangiting sagot ni tita.

"Ma, nasan si dad?" Tanong ni kuya Ivan.

"Syempre, nandito. Dahil masesermonan ko iyon kapag hindi sa atin sumama." Sagot ni tita at tumawa kami dahil sa sinabi nito.

"Naku tita, takot talaga sayo si tito." Natatawa kong saad.

Matapos naming mag-usap-usap ay nag-ayos na kami ng mga gagamitin namin. Hindi kami familiar sa lugar dahil hindi naman ito malapit sa amin.

Ilang minuto din ang byahe papunta sa beach resort na pinuntahan namin. Si Max ay nasa sasakyan pa lang ay damang-dama kung lumangoy. Ang mga kamay nito ay tila tumalangoy sa kawalan. Hindi na kami magtataka kung ang kahahantungan ni Max ay mental.

Nakakapagtaka ang mga pangyayari. Kamakailan lamang ay nagkilala ko ang favorite writer ko at ngayon naman ay kaclose ko na ito at pati ang pamilya nito.

Sa tingin ko ay ayaw ng tadhana ng paligoy-ligoy kaya ibinigay na niya agad sa akin ang hiling ko.

"Sirene, baba na aba." Natatawang sabi bigla ni Max.

Narating na pala namin ang beach at ako na lang ang nasa sasakyan. Masyado na siguro akong nalilibang mag-isip ng kung ano-ano.

"Carla, tulungan mo nga ako dito sa mga gamit natin." Utos ko kay Carla.

"No, kami na ni dad ang bahala diyan." Biglang singit ni kuya Ivan.

Multo ba ito at bigla na lang sumusulpot?

"Tara na Sirene, sila kuya Ivan naman na pala ang bahala." Saad ni Carla at hinila ako.

"Sirene, pumili ka na daw ng swimsuit." Biglang sabi sa akin ni ate Alex habang nasa loob kami ng shop.

"Lahat talaga ate ay one piece at two piece lang?" Bigla kong tanong dahil wala akong nakikitang ibang swimwear maliban dun.

"Wala eh, pambata na ang iba." Sagot ni ate Alex.

Wala naman akong ibang choice kundi iyon. Two piece na lang ang pinili ko dahil hindi ko type ang one piece.

"Ay ang gara naman ng Sirene ninyo." Biglang saad ni Max nang makapalit na ako ng damit.

"Pumayat ka yata?" Biglang singit ni Reysha at inalis ang sunglasses nito para masiguro ang nakikita niya.

"Paano, nasobrahan sa pagbabasa ng stories ni Ivan." Natatawang singit ni ate Alex sa amin.

"Try ko na ngang magpuyat kabanaaa ng mga stories. Baka sakaling pumayat din ako." Aniya ni Max habang nakahawak sa tiyan.

"Reysha, nakita mo yung sunblock ni kuya Ivan kanina sa sasakyan? Hinahanap niya kasi kanina." Biglang tanong ni Carla.

"Nakita ko iyon kanina, nasa may upuan ko kanina." Biglang sabat ko.

"Ako na ang kukuha." Habol ko pa.

Tumayo agad ako sa upuan at naglakad papunta sa sasakyan nila kuya Ivan. Hinanap muna ang sasakyan dahil sa tingin ko ay nilipat nila ang sasakyan.

Ilang minutong paglilibot ay nahanap ko na rin ang sasakyan. Agad kong hinanap ang sunblock at nakita ko din iyon agad.

"Sirene." Biglang tawag sa akin ni kuya Ivan. Kahit kelan talaga multo ito.

"Bakit kuya Ivan?" Tanong ko.

"Wala naman. Sabi kasi nila Carla ay nandito ka para kunin yung sunblock." Sagot nito.

"Ah, oo kuya. Hinahanap kasi nila kanina."

Bumalik na rin kami dahil mainit na ang sinag ng araw. Sa tingin ko rin ay maya-maya pa kami makakalangoy dahil sa sobrang init.

"Reysha, may nakita akong gwapo dun oh." Saad ni Max habang nakaturo kung saan.

"Ang linaw talaga ng mata mo Max sa mga gwapo." Natatawang singit ni ate Alex habang nagkakain.

"Syempre ate. Sa sobrang linaw ng mata ko, nakikita kong magiging single ka forever." Biglang biro nito kay ate Alex.

"Ano ka? Baka hindi mo alam, may textmate yan si ate Alex." Biglang sabat ko sa kanila.

"Ayun oh, si ate Alex may manliligaw na." Sabat din ni Carla.

"Yan pa, si Alexa. Di naman yan nawalan ng manliligaw." Natatawang singit naman ni kuya Ivan.

"Sinong lalaki ba yan, nak?" Tanong bigla ni tita Adele

"Si Kib po, tita." Sagot naman nito.

Pagkatapos namin kumain ay naisipan na namin lumangoy dahil napapalangoy na si Max. Ipakain ko ito sa pating eh.

"Sirene." Tawag sa akin ni kuya Ivan.

To be continue...