webnovel

Mr. Writer

luzdelaluna_ · Others
Not enough ratings
24 Chs

Chapter 21

Biglang tumama ang bola sa ulo ni Krizza dahil saktong pagtira ni Reysha ay nagsalita si Krizza. Siguro ay nawala ang tingin ni Reysha sa bola kaya tumama ito kay Krizza.

Agad na napatakbo si Ivan papunta kay Krizza. "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Ivan ngunit ang paningin ko ay nakatutok lamang sa kamay ni Krizza kung saan hawak na niya ang kamay ni Ivan.

Kung hindi lang siguro pinsan ito ni Max ay sinugod ko na ito.

Nakita ko namang tumakbo na si Reysha papalapit kay Krizza at tinanong ito kung ayos lang at tumango naman si Krizza.

"Ayos lang yan. Malayo naman sa bituka yung tinamaan ng bola." Saad ko at umalis sa doon.

Bago pa man ako umalis doon ay sinamaan ko na ng tingin si Krizza at Ivan.

"Sirene." Tawag sa akin ni Ivan habang nakahiga ako sa duyan.

"Hhmm?"

"May problema ba tayo? Ang sama ng tingin mo sakin kanina." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"Wala." Matipid kong sagot sa kaniya.

"Meron eh, nararamdaman ko sa boses mo."

"Ano bang gusto mo?" Tanong niya sa akin kaya agad naman akong tumingin sa mga mata niya.

"Lumayo ka kay Krizza." Iyon lamang ang sinabi ko at pumikit muli.

"Nagseselos ka ba?" Natatawa niyang tanong sa akin.

"Hindi."

"Nagseselos ka eh." Pang-aasar niya.

"Hindi nga."

"Love mo ako diba?" Tanong niya sa akin.

Tinawanan ko lang siya dahil sa paglalambing niya. Siguro nga ay napakaswerte ko na sa kaniya.

"Seryoso ako. Bakit tinatawanan mo lang ako?" Mahinang tanong niya sakin na parang isang bata. Natawa na lang ako muli sa kaniya at umiling-uling na lamang.

Nang dumilim na ay inihanda na namin ang isang malaking base camping tent. Kami-kaming magkakaibigan lamang ang magkakasama sa loob ng tent dahil ang pamilya namin ay nasa hotel.

"Can I join with you guys?" Napalingon ako kay Krizza nang tanungin nito si Max.

"Pwede naman." Magiliw na sagot ni Max.

Nakita kong nilapitan ni Krizza si Ivan. "Hi Ivan, gusto mo ba?" Tanong nito sa kaniya at inabot ang isang inihaw na manok kay Ivan.

Kukunin na sana ni Ivan ang inihaw ngunit nang makita niya ako ay hindi niya na ito kinuha. "Busog pa pala ako." Pagdadahilan niya.

"Hmmm, sige." Iyon na lamang ang sinabi ni Krizza at umalis na.

Nang maayos na ni Ivan ang hihigaan naming dalawa ay humiga na ako dahil sumakit din ang katawan ko.

"Ang sungit mo talaga." Natatawang sabi sa akin ni Ivan kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Tawang-tawa?" Kung pwede lang akong pumatay ng tao ay uunahin ko na si Ivan.

"Sirene, samahan mo muna ako." Saad ni Carla at hinila agad ako palabas ng tent.

Wala na rin akong nagawa dahil ang lakas ng pagkakahila niya sa braso ko kaya sumunod na ako. Nang makalabas naman kami ay pimagmasdan ko lang si Carla na nauuna na sakin sa paglalakad. Huminto kami sa tabing dagat at naupo sa buhangin.

"Sirene, wala ka bang napapansin sa pinsan ni Max?" Tanong nito sakin.

"Kay Krizza ba?" Tanong ko at agad naman siyang tumango bilang sagot na tama ako.

"Bakit?" Bigla kong tanong.

"Parang magkakaroon ka ng kaagaw kay Ivan." Natatawang sabi nito.

"As if naman na maaagaw niya?"

Saglit lang ang pagkekwentuhan namin dahil umulan na rin nung mga oras na iyon. Pagbalik naman namin sa tent ay tulog na si Ivan. Sa tingin ko ay nakatulog ito paghihintay samin. Inayos ko na ang pagkakahiga ni Ivan dahil sasakit ang likod niya sa pagkakahiga.

"Anong oras na?" Biglang tanong niya sakin.

"Gabi pa lang, 10:27pm." Sagot ko.

Akala niya siguro ay ilang oras na siyang tulog. Matapos iyon ay natulog na rin kami dahil sobrang nakakapagod.

Kinaumagahan ay nakahanda na sila ng almusal. Sa tingin ko ay si Krizza ang nagluto ng almusal.

"Good morning guys." Masiglang bati niya samin.

"Good morning Ivan." Nakangiti niyang bati kay Ivan.

Napansin kong nakatingin sakin si Carla kaya naman tinignan ko rin siya. Iba ang tingin niya. Tingin na nagsasabing bantayan kong mabuti si Ivan kay Krizza.

Pinsan ni Krizza si Max, pero wala akong tiwala sa kaniya dahil sa mga ginagawa niya. Nagpaalam na rin ako na matutulog na dahil hindi maganda ang pakiramdam ko.

Kulay pula at asul ang ilaw na nakikita ko ngunit malabo ang aking paningin. Maraming tao sa paligid ko, ngunit hindi ko alam kung sino sila.

"Sirene..." Mga umiiyak na tao habang binabanggit ang pangalan ko.

Matapos iyon ay nawalan na ako ng malay....

"Sirene, gising!" Biglang sigaw ni Ivan habang inaalog ang katawan ko. Sa tingin ko ay nananaginip ako.

"Anong oras na?" Bigla kong tanong sa kaniya.

"5:23am" sagot nito sa akin at tumayo na rin.

Sumunod ako sa kaniya at kumain na rin kami ng almusal. Nakaluto na agad sila ng pagkain dahil aalis na rin kami pauwi mamayang 6:30. Matapos naman naming kumain ay inayos na rin namin ang mga gamit namin para umalis.

Habang papauwi ay isang aksidente ang nakita namin sa daan. Isang taxi at isang truck ang nagkabanggaan sa daan. Mabuti na lamang dahil nasa gilid ito ng daan kaya naman hindi na nagsanhi ng traffic.

Nang makauwi naman kami ay agad akong natulog dahil masakit ang ulo ko. Mabuti na lamang dahil malapit lamang sa amin ang botika kaya naman nakabili agad ng gamot si Zen.  Matapos kong uminom ng gamot ay natulog na rin ako.

"Paano kung hindi na siya magising?" Isang babae ang nagsasalita habang kausap ang isang lalaki, ngunit sa labo ng aking paningin ay hindi ko makilala kung sino ito.

"Magtiwala ka lang, magiging din siya." Sagot naman ng lalaki sa kaniya.

Matapos ang pag-uusap nilang dalawang ay lumabas na rin sila ng pinto. Pinagmasdan ko ang buong paligid at tangin kulay puti lamang ang aking nakikita. Hindi ko alam kung nasaan ako at kung bakit ako nandito, ngunit ang tanging alam ko lamang ay hindi ko maigalaw ang aking katawan.

To be continue...