webnovel

Xinghe, Ikaw ang Pinaka Mapagbigay

Editor: LiberReverieGroup

Ang katapusan ng IV Syndicate ay sementado na ngayon. Sa tulong ng pakikialam ni Xinghe, ang lahat ng elektronikong sistema sa IV Syndicate ay hindi gumagana.

Madaling napasok ng militar ang kuta, tulad ng isang buhawi, ay kanilang winasak ang mga nasorpresang terorista. Kasama si Mubai na namumuno sa mga ito, nagtrabaho ito ng husto para makasiguradong walang makakatakas. Ang mga tumangging sumuko ay pinatay agad sa lugar na iyon.

Kaharap ang isang malakas na kalaban, agad na nasakop ang kuta. Matagumpay na nakuha ito ng partido ni Xinghe ng walang kahirap-hirap!

Nagawa nila ito ng kalahating araw lamang. Nang mangyari ito, ang halos buong bansa ay nagbubunyi.

Nagsimulang sumayaw sa kagalakan ang grupo ni Sam.

"Nanalo tayo! Tapos na ang IV Syndicate! Nanalo tayo!" Hiyaw ni Sam ng ubod ng lakas, pakiramdam niya ay nananaginip pa siya.

Masayang dumagdag din si ALi, "Hindi ko inisip na may pag-asa pa para sa kapayapaan sa bansang ito sa tanang buhay ko."

Dahil ang pagpapabagsak sa IV Syndicate ang simula ng pag-asa para sa kapayapaan. May ilan pa ding ilegal na mga organisasyon doon pero ngayong ang pinakamalakas sa kanila ay gumuho na, ang pagsasaayos sa iba ay magiging madali na. Ang pagkawasak ng IV Syndicate ay nangangahulugang naipanalo na nila ang kalahati ng laban. Hanggang ang karamihan sa Country Y ay nagtutulung-tulong, hindi na mananatiling pangarap ang kapayapaan. Ito ang isang tagumpay na pinaghirapan nila na tila magsasagip sa mga mamamayan ng Country Y na pagud na pagod na sa lahat ng pakikipaglaban at digmaan…

Dahil si Philip ang mukha ng operasyong ito, natural lamang na ibigay nila ang tagumpay na ito sa kanya. Hindi nila alam ang tungkol sa iba pa na tumulong dito mula sa likuran ng eksena.

Habanang nakikita ang dami ng balita tungkol kay Philip na naglilitawan online, bumubulong na nagrereklamo si Sam, "Walang alam ang mga tagapagbalita na ito, ang pinakamalaking itinulong sa operasyong ito ay si Xinghe."

"Tama iyon. Kung hindi dahil kay Xinghe, papaano nila agad mapapabagsak ng ganoon kadali ang IV Syndicate," sang-ayon ni Ali.

"Hindi rin maliit ang tulong ni Mr. Xi," patas na dagdag din ni Cairn. Ang totoo, si Xinghe at Mubai ang may pinakamalaking kontribusyon para masiguradong tagumpay ang operasyon. Gayunpaman, ang kaalamang ito ay iilan lamang ang nakakaalam.

Si Xinghe, na sinusuri ang mga impormasyon ng organisasyon, ay narinig sila at mahinang sumambit, "Hindi namin kailangan ang pagkilala, ito ang aming kasunduan kay Philip."

Ang pagkilala ay mapupunta kay Philip at sa kanila naman ang mga ebidensiya ng mga katiwalian at krimen ni Saohuang.

Humagikgik si Ali at sinabi, "Xinghe, ikaw na ang pinakamapagbigay na taong nakilala ko."

Wala itong pakialam sa katanyagan o kayamanan; ang lahat ay balewala sa kanya. Gayunpaman, ito ay dahil na din sa pananaw niya sa buhay na ang iba ay handang magpasiklab sa kanya at maging mabuti sa kanya.

Ang kanyang pag-uugali ay maaaring nakaapekto na din sa mga taong nasa paligid niya. Natuto na ang mga itong magpahalaga sa mga bagay, at magpasalamat sa kung ano ang mayroon sila.

Binago nito ang mga dating kaisipan ni Sam. "Kailangan din ba nating pumunta at humingi ng pagkilala? Parang ang babaw naman nito ngayon."

"Siguro pwede tayong humingi ng trabaho?" Mungkahi ni Wolf.

Idinugtong pa ni Cairn na, "Siguro pwede tayong sumali sa militar?"

Agad na umiling si Sam. "Ayoko noon, masyadong mahigpit ang pagiging sundalo!"

"Pero, wala ba tayong hihilingin?" Nahihirapan na ding mag-isip si Ali. Walang-wala sila, kaya naman gusto talaga nilang humiling ng ilang bagay.

Gayunpaman, dahil ang may pinakamalaking tulong sa kanila na si Xinghe ay hindi aktibong humihingi ng pabuya; kalabisan naman yata na sila ay humingi.

Tumingin sa kanila si Xinghe ng may kapilyahan sa mga mata. "Maaaring makuha ninyo ang higit pa sa pinapangarap ninyo."

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Ali.

Bago pa makapagpaliwanag si Xinghe, biglang naglakad papasok si Mubai.