webnovel

Wrong Move!

Editor: LiberReverieGroup

Ngayon, hindi ba't isa itong mabilis na sampal?

Kahti si Sam ay alam na natalo siya. Sa maiksing sandali, natalo siya ni Mubai ng walang kahirap-hirap!

Ang paligsahan sa pagitan ng dalawang lalaki ay nagtapos na. Tumatangong nasisiyahan si Mubai. "Ngayon na natapos na natin ito, subukan nating muli. Una sa lahat, salamat sa pagpapanatiling ligtas kay Xinghe."

"Si, siyempre." Si Ali at ang iba pa ay matapat na tumango. Hindi naman sila natatakot sa kamatayan pero ang mamatay dahil sa selos ng dalawang lalaki ay talagang katangahan naman. Sila din, sa isang banda, ay natutuwa na ipinakita ni Mubai ang hangganan ng kanyang pasensiya; sa ganoong paraan ay maiiwasan na nilang huwag na makanti ito. Hanggang hindi nila pinapatid ang hangganan ng pasensiya nito patungkol kay XInghe, ang lahat ay magiging maayos…

Gamit ang kanilang ipinangakong pakikipagtulungan, nagdesisyon si Mubai na hayaan na ang iba pa. Magiliw siyang ngumiti, "Tara na, ligtas na kayo ngayon."

Hinila niya si Xinghe at naglakad palayo. Si Ali at ang iba pa ay nagtulungan na makatayo. Si Sam ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang hitsura.

Hinampas ni Wolf ang balikat nito at inalo pa, "Kapatid, nandito pa kami para sa iyo."

Dumagdag din si Cairn, "Huwag mong dibdibin ang kabiguan mong ito; hindi naman ito ang unang pagkabigo mo at siguradong hindi din ito ang huli."

May nasasaktang hitsura si Sam habang pinapaalala sa kanya ang mga ito. Bakit ba ang malas ko sa mga romantikong relasyon?

Nagtatakang tinapunan siya ng tingin ni Ali. "Bakit sa tingin mo na isang kahanga-hangang tulad ni Xinghe ay walang kasintahan? Natural na lamang na pagtalunan siya ng mga lalaki."

Siyempre, inisip na din ito ni Sam, hindi niya lamang inakala na ang kakumpetensiya niya ay matatalo siya ng husto.

Lumapit din si Charlie para aluin siya, "Hindi na nakakahiya na matalo ka sa kanya. Tayo na, pagkatapos ng lahat, salamat sa kanya at ligtas tayo."

Ito pa ang pinakamasakit para kay Sam. Ang buhay niya ay niligtas ng kakumpetensiya niya. Paano niya maitataas ang ulo niya sa harap ni Xinghe bilang isang manliligaw?

Kaya naman, wal ana siyang pagpipilian kundi alisin ang bagay na ito mula sa kanyang isipan.

Sumunod ang grupo ni Charlie sa likod ni Mubai at Xinghe at wala sa mga sundalo ang pumigil sa kanila. Inutusan ni Philip ang militar na umalis na at aalis na sila sakay ng kanilang mga sasakyan.

Si Barron na nakatayo sa gilid na masyadong takot magsalita ay hindi na ito matatagalan pa. "General, sandali lang!"

Si Philip na pasakay na sana sa kotse ay lumingon para bumaling dito, "Ano pa ba ang kailangan mo?"

"General, sila ay mga kriminal na nakagawa ng malaking kasalanan na magbreak-in sa bilangguan ng militar. Hindi mo ba sila aarestuhin?" Galit na tanong ni Barron na akala mo ay matuwid siya.

Si Mubai na pasakay na din sana sa kotse ay bumaling para tingnan din si Barron.

Tumango si Philip at bumaling sa grupo ni Sam, "Pinasok ninyo ang piitan?"

"Tama iyon, pero kung bakit ginawa namin ito… Sigurado akong alam ni General Barron ang dahilan. Ilegal niyang ikinulong si Charlie at nagpupuslit pa ng droga. Hindi lamang iyon, sinubukan niyang ipapatay kami. Siya ang dapat na arestuhin," Maliwanag na sabi ni Xinghe.

Agad na nag-iba ang mukha ni Barron. "Sinungaling ka, ikaw ang kriminal dito!"

Takot na mabunyag ang mga ilegal niyang gawain, inilabas ni Barron ang kanyang baril at sinabi, "General, sila ang mga convict ko kaya naman nasa ilalim sila ng kapangyarihan ko; hindi ako papayag na mapawalang-sala mo sila! Kaya naman, karapatan ko na patayin sila sa lugar na ito!"

Habang sinasabi niya ito, itinutok niya ang baril kay Xinghe—

"Wrong move!" Tumalim ang tingin ni Mubai at nagpaputok kay Barron ng walang alinlangan!

Ang bala ay tumama sa dibdib ni Barron. Ang lahat ay nagulat. Nanlaki sa pagkagulat ang mga mata ni Barron. Tulad ng isang cartoon, tumingin siya sa sugat niya sa dibdib na naglalabas ng dugo at nagkumbulsiyon ang kanyang buong katawan.