webnovel

Wasakin ang Lahat!

Editor: LiberReverieGroup

Handang-handa na siyang wasakin ang organisasyong ito! Wala sa kanila ang dapat na makatakas, ang lugar na ito ay dapat na masira!

Mukhang may naintindihan si Xinghe, ang kanyang mga mata na nakatitig sa screen ay punung-puno ng kalamigan.

"Ano ang ginagawa nila kay Kelly?" Tanong ni Ali sa isang bulong, pero wala siyang nakuhang sagot. Ang puso ng lahat ay mabigat habang pinanonood ang paghihirap ni Kelly.

"Makipag-ugnayan kay Lu Qi para kunin ang antidote formula," biglang utos ni Mubai kay Xinghe. Hindi na nagtanong pa ng dahilan si Xinghe, ang kanyang mga mata ay nanginig, at sumagot siya ng, "Okay."

Ginagawa nga nila ang kaparehong bagay kay Kelly tulad ng ginawa ni Saohuang sa kanya. Dito pala niya nakuha ang lason.

Agad na nakipag-ugnayan si Xinghe kay Lu Qi. Nagulat ito nang matanggap ang kanyang tawag. Marami siyang katanungan para sa kanya, pero hindi nagtagal, nagkasya na lamang siya sa isang mabuting paalala, "Miss Xia, mag-ingat ka. Hindi mainam na umuwi ka ngayon dahil may warrant para arestuhin ka."

"Alam ko, salamat."

Mabilis na ibinaba ni Xinghe ang tawag at nakipag-ugnayan naman kay Mubai, "Got it."

"Salamat." Ang boses ni Mubai ay mababa at nanahimik na silang muli. Ito ay dahil sumisigaw pa din si Kelly, at ang nakaputing kapa ay inirerekord pa din ito. Mukhang hindi ito titigil sa mga oras na iyon. Mukhang gagamitin nila ang recording na ito para bantaan si Philip.

Matapos ang ilang sandali, ang nakaputing kapa ay ibinigay ang recorder sa kanyang mga tauhan at umalis sa selda. Sa ibang kadahilanan, pakiramdam ni Xinghe na kailangan niyang sundan ang lalaking ito. Hindi nagtagal ay sumunod siya sa isang lab.

Ang IV Syndicate ay may isang malaking kuta, kaya naman hindi na nakakapagtaka na mayroon itong mga lab. Dahil kakailanganin nilang magsagawa ng mga ballistics test sa mga armas, kaya naman napakarami ng mga weapon lab.

Sa ikinagulat ni Xinghe, ang lalaki ay pumasok sa isang medical lab!

Sila ni Ali ay nagulat sa mga bagay na lumitaw sa screen. Mayroong mga garapon ng laman-loob ng mga tao na nakababad sa hindi matukoy na mga likido na nakakalat sa malawak na lab. Mayroong mga puso, bituka, pancreas, at kahit utak…

Ang lahat ay nakakatakot, na tila ba naglakad sila sa isang nakakatakot na set ng pelikula pero ang lahat ng naririto ay tunay.

Sa gitna ng silid, sa ibabaw ng isang higanteng mesa ng eksperimento ay isang babaeng may itim na buhok. Ang kanyang mga mata ay nakapikit, ang mukha ay maputla at ang paghinga niya ay mahina. Ang kanyang ulo at ang bawat parte ng kanyang katawan ay nababalutan ng isang metallic sheet at ang mga sheet na ito ay nakakunekta sa isang higanteng kagamitan.

Ang kagamitan na ito ay maliwanag na ipinapakita ang mga vital ng babae at marami pang impormasyon.

Halos masuka si Ali nang makita ito. "Nagsasagawa sila ng mga eksperimento sa buhay na tao?!"

"Ano pa ba ang ginagawa ng organisasyong ito maliban sa pinagkakakitaang ilegal na armas?" Kunut-noong sambit ni Sam ng may pandidiri.

Hindi na nagkomento pa si Xinghe, mabilis siyang umatras palabas ng lab at bumalik para tingnan ang sitwasyon nila Mubai. Kahit na ano pa ang kinasasangkutan ng organisasyong ito, hindi magtatagal at malalaman din naman nila. Matapos noon, wawasakin nila itong lahat!

Hindi nakahinga ng maluwag ang grupo ni Xinghe nang makabalik sila sa tabi ni Mubai. Iniinda pa din ni Kelly ang sakit. Tulad ng kung gaano ito kasakit kay Xinghe, dinaranas niya ang paghihirap na ito sa pinakamasamang gabi ng buhay niya.

Ang lahat nang nakarinig kay Kelly ay maiintindihan ang kanyang nararamdamang sakit lalo na si Xinghe na naranasan na ito ng personal dati. Kung posible lamang, gugustuhin na ni Mubai na itigil ni Xinghe ang kanyang surveillance; natatakot siya na baka maipaalala nito ang mga natatagong trauma dito.