webnovel

Tulad ng isang Bansang Nasa ilalim ng Lupa

Editor: LiberReverieGroup

Mayroon siyang tiwala sa sarili at determinasyon. Lubos ang paniniwala niya na siya lamang ang makakapagbigay ng lubos na kaligayahan at wala nang iba pang magmamahal dito ng higit pa sa kanya. Mukhang naramdaman nito ang mga iniisip niya at ginantihan siya ng ngiti.

Matapos noon ay inihilis na nito ang kanyang mga mata at sinabi, "Tama na ang kwentuhan. Kailangan na nating bumalik sa trabaho, iha-hack ko na ang kanilang system ngayon."

"Sige," ngumiti si Mubai at bumalik na din sa trabaho.

Matapos i-hack ni Xinghe ang system ng IV Syndicate ay pinag-aralan niya ang surveillance ng mga ito. Sa wakas ay nakita na nila kung gaano kalaki ang organisasyong ito. Unang-una, ang kuta nila ay ginawa sa ilalim ng lupa. Isa pa, ang kuta ay napakalaki na tila isa itong kaharian sa kailaliman ng lupa.

Mayroon itong pinakamahuhusay na kagamitan at may mahigpit na depensa. Mayroong kahirapan ang bawat pintuan dahil ang mga pinto ay nabubuksan lamang sa pamamamagitan ng facial recognition.

Kahit na para kay Xinghe, ang paghahanap sa pamamagitan ng server ay isang maingat na gawain. Isang pabayang pagkakamali at mabubuking na siya agad.

Mukhang may nakitang kakaiba si Mubai. Hindi kumukurap na tinitigan nito ang screen.

"Paanong naging ganito kalaki ang base na ito?" Tanong nito. Sinuri ni Xinghe ang mga ito sa pamamamagitan ng napakaraming surveillance video pero mukhang ang pinakatuktok lamang ng iceberg ang kanyang nakita. Marahil ay kakailanganin nila ng ilang araw para makita ng husto ang buong kuta na ito.

"Ito ang pinakakuta ng IV Syndicate?" Bigla ay pumasok si Philip. Nagulat din ito sa nakita nito.

"Tama iyon," sagot ni Xinghe. "Ito ang pinakapuso ng IV Syndicate."

Habang tinitingnan ang mga high-tech na kagamitan, ang mga abalang mananaliksik, maraming bilang ng mga armas at guwardiya, dumilim ang mukha ni Philip. Inanunsiyo niya, "Ang base na ito ay kailangang masira, kapag nagpatuloy pa ito ay siguradong magdudulot ito ng pinsala sa bansang ito!"

"Nanakawin ko ang lahat ng kanilang impormasyon ngayon, ngunit ang oras na kakailanganin ay marahil sosobra pa sa dapat na limitasyon natin," mahinang dagdag ni Xinghe.

Sa umpisa, ang akala niya na matapos niyang mahanap ang kuta, ay makukuha na niya ang lahat ng kailangan niya mula sa mga ito. Gayunpaman, ang laki ng grupo ay isang bagay na hindi niya nahulaan. Kaya naman, lohikal na ang pinagtataguan ng kanilang mga impormasyon ay magiging malaki din.

Kung siya lamang mag-isa, kakailanganin niya ng ilang panahon bago niya matapos na kopyahin ang mga kinakailangang impormasyon. Gayunpaman, wala ng iba pang kandidato. Dahil kung may iba pang gagawa nito, ay agad silang mabubuko.

"Gaano karaming oras ang kailangan mo?" Tanong ni Philip.

Umiling si Xinghe. "Hindi ko alam, maaaring isa o dalawang araw, pero kahit na, sa tingin ko ay wala akong sapat na panahon na kopyahin ang lahat."

"Hindi natin kailangan ang lahat. Pero unahin mo nang tulungan akong hanapin ang asawa ko."

"Naturally." Ang kanilang unang misyon ay ang iligtas ang asawa ni Philip. Kapag ligtas na ito ay saka pa lamang magsisimula ang kanilang iba pang operasyon. Nagsimula nang suyurin ni Xinghe ang surveillance para hanapin si Kelly.

Aalis na sana si Philip sa kanyang bahay matapos niyang italaga ang mga tauhan niya para pakitunguhan ang baseng ito pero ngayon ay kailangan niyang manatili.

Ninenerbiyos na nakatingin siya sa screen, umaasa na sana ay agad na makita ang kanyang asawa.

Gayunpaman, ang defense system ng base ay napakamakapangyarihan. Kinakailangan pa ni Xinghe na i-hack ang sistema sa bawat panibagong lugar na pinupuntahan niya. Ito ang umuubos ng kanilang oras…

Sa pagkakataong iyon, tumunog ang telepono ni Philip. Si Aliyah ang tumatawag.

Sinagot ni Philip ang telepono ng may pagod na hitsura. Bago pa siya makapagsalita ng kahit ano, ang boses ni Aliyah ay nagsalita na mula sa kabilang linya.

"Philip, nakapagdesisyon ka na ba? Ang listahan ng eleksiyon ay iaanunsiyo na bukas. Kung hindi ka pa nagparehistro ngayon, wala nang pagkakataon pa sa hinaharap. Siyempre, kailangan mong gumawa ng tamang pagpipilian bago ka makagawa ng desisyon na iyon kung hindi ay hindi ko masisiguro kung ano ang mangyayari kay Kelly."

"Ano pa ba ang dahilan ng pagtawag mo?" Malamig na tanong ni Philip.