webnovel

Tong Family

Editor: LiberReverieGroup

Ang security guard ay may konsensiya naman, pero napatahimik ito ng dahil sa takot. Hindi siya nangahas na isiwalat ang katotohanan, pero dahil sa binantaan siya ng ganito ni Mubai, ang determinasyon niya ay nawala.

"Patayin mo na lamang ako ngayon, ang bagay na ito ay walang kinalaman sa pamilya ko! Kasalanan ko itong lahat, binigo ko si Miss Xia! Inutusan ako ni Miss Tong na dalhin sa kanya si Miss Xia dahil may gusto siyang pag-usapan nila ng probado. Ang akala ko ay may pag-uusapan sila ng masinsinan, sino ang mag-aakala na nagpaplano pala siya ng pagdukot?! Ang taong nagpwersa sa akin na manahimik ay si Miss Tong din; sinabi niya sa akin na kapag tumanggi akong makipagtulungan, sisiguraduhin niya na sa akin mapupunta lahat ng sisi, dahil mas angat siya sa batas! Alam kong may ginawa akong mali, kaya parusahan na ninyo ako pero huwag ninyong idamay ang inosenteng pamilya ko dito!"

Ang biglang pag-amin ng security guard ay nagpagulat sa lahat. Napasinghap ang Madam Presidente, "Ano ang sinabi mo, si Little Tong ang nagpadukot kay Xinghe?"

Ang presidente ay nagulantang din. Ang security guard ay tumango habang nalugmok ito na umiiyak; alam niyang naging kalaban na niya ang parehong Tong at Shen families. Tapos na ang buhay niya. "Oo, siya po…"

Malamig na ngumiti si Mubai, matapos nito ay bumaling siya kay Madam Presidente. "Madam, kung ganoon ay aasa na lamang ako na maibabalik mo ng ligtas si Xinghe."

Hindi makapagsalita sa galit si Madam Presidente; hindi niya inisip na bababa ng ganitong antas si Tong Yan. "Uutusan ko siya na pakawalan niya agad si Xinghe. Kung siya talaga ang salarin, hindi ko siya pagtatakpan!"

"Ang tanging bagay na gusto ko ay makabalik ng ligtas si Xinghe. Madam, susunod ako sa iyo." Mabagal na naupo si Mubai sa wheelchair at inihagis nito sa isang tabi ang baril. Ang isa sa mga guwardiya ay agad na kinuha ang baril, habang ang iba pa ay itinutok pa ang kanilang mga sandata kay Mubai. Gayunpaman, walang umabante para arestuhin siya dahil walang utos mula sa presidente…

Ang totoo, sinenyasan sila ng presidente na huwag bumaril. Isa pa, hindi talaga sila nangangahas na may gawin matapos na marinig ang pagbabanta ni Mubai. Sino ang makakaalam kung ano ang mangyayari sa ekonomiya ng bansa matapos nitong mamatay? Kaya niyang gawin ang pinakamalaking depresyon sa Hwa Xia kung gugustuhin nito.

"Sumama ka sa madam; pumunta kayo at iligtas ang babae!" Mariing utos ng presidente, saka na nila pakikitunguhan si Mubai. Ang pambabastos ni Mubai sa bahay ng presidente ay kailangang maparusahan, pero dahil sa ilang kadahilanan, alam niyang walang seryosong bagay na maaaring ipataw kay Mubai dahil kasangkot nito ang maraming maiimpluwensiyang tao sa loob ng Hwa Xia.

Agad na nakarating sina Madam Presidente at ang mga tauhan niya sa bahay ng Tong family. Ang biglaan niyang pagdating ang nagpagulat sa lahat.

"Sis, bakit ka narito?" Ang ina ni Tong Yan, si Shen Ru, ay nagulat na nagtanong nang makita ito.

Ang patriarch ng Shen family ay mayroon lamang dalawang anak na babae sa kanyang buhay, sila ay ang Madam Presidente at si Shen Ru.

Si Madam Presidente ay mukhang sampung taon ang tanda kay Shen Ru, kaya naman mukhang nasa treinta lamang si Shen Ru. Gayunpaman, mayroong malaking diperensiya sa pagitan ng dalawang magkapatid. Si Madam Presidente ay ipinanganak ng may biyaya ng kagandahan at kayumian; ni hindi makakapantay sa kanya si Shen Ru. Hindi aakalain ng mga tao na magkapatid sila kung hitsura ang pagbabasehan.

Kahit si Mubai ay nagulat nang makita niya si Shen Ru. Hindi niya inaasahan na ang magkapatid ay malaki ang ipinagkaiba ng hitsura.

Gayunpaman, pinahahalagahan ni Madam Presidente ang nakababata niyang kapatid. Sa oras na ito, kahit na kaharap pa si Shen Ru, ang kanyang mukha ay walang emosyon. Malamig niyang itinanong, "Nasaan si Tong Yan?"

Napatalon ang mga mata ni Shen Ru nang mapansin ang malaking bilang ng mga guwardiya sa likuran nila. Nababasa na niya ang sitwasyon at maingat na nagtanong, "Sis, ano ang problema? May ginawa ba si Little Yan para magalit ka?"