115 Talo Ka!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mabilis na ang naging pagkilos ng mga daliri niya sa keyboard…

Makikita ng mga naroroon na inilalabas na niya ang lahat. Nagsimula na siyang magseryoso.

Nagulat ang mga tao!

Ibig sabihin pala ay hindi pa niya inilalabas ang lahat.

Pero kahit na, ang kanyang resulta ay lubhang nakakamangha. Iniisip pa lamang nila kung anong klaseng palabas ang makikita nila ngayon…

Pumipintig na ang mga talukap ng mata ni Chui Ming, ang kanyang anyo ay naninigas at maputla.

Xia Xinghe, ang buwisit ay hindi man lang natakot!

Alam ni Chui Ming na dapat ay matigil sa pakikipagkumpetensiya ito pero wala na siyang maisip na ideya!

Nag-isip siyang muli at nang may nabuo na naman siyang plano. Agad niyang inutusan ang kanyang alalay, "Pumunta ka…"

"Tapos na!" Biglang lumundag sa kanyang kinauupuan si CEO Wang at nagdiwang. Nagulantang si Chui Ming dito.

Ang mga salitang 'tapos na' ang nagpalamig sa puso niya.

Wala siyang ideya kung sino ang tinutukoy ni CEO Wang. Agad siyang tumingin sa lugar ng paligsahan at sa pagkakataong iyon, nakikita niya ang katapusan ng buhay niya. Tapos na ang lahat… para sa kanya.

Natigilan siya sa takot at kalungkutan.

Nagawa na ito ni Xinghe.

Nahack na niya ang King Kong Internet Security ng Chui Corps!

Ang ikatlong depensa, ay inabot lamang siya ng… pitong minuto!

Kung pinagsama-sama ang oras, inabot siya ng 13 minuto; 13 minuto para durugin ang hindi masusupil na King Kong Internet Security!

Hindi, hindi ito nangyayari, hindi ito totoo!

Hindi matanggap ni Chui Ming na nagawang matalo ni Xinghe ang software na produkto ng kanyang dedikadong grupo at hindi natatalo ng maraming taon sa merkado sa loob lamang ng 13 minuto!

Ang magaling na hacker na kanyang inupahan ay hindi pa din nakakalampas sa X PC Manager.

At sa sandaling naisip ito ni Chui Ming, natapos ni ET ang kanyang trabaho.

Pero ano pa ang punto? Nakoronahan na kung sino ang nagwagi!

Isa pa, inabot lamang ng 13 minuto si Xinghe para ma-hack ang King Kong Internet Security at si ET ay inabot ng halos kalahating oras para ma-hack ang X PC Manager!

Halata naman na kung sino ang talagang nagwagi.

Si Xinghe iyon. Natalo niya ng walang kaabug-abog ang lahat ng hackers na naroroon. Ang kanyang husay ay lampas pa sa kanilang imahinasyon…

"Wow, Ate, ang galing mo! Ikaw ang idol ko!" Agad na hinila ni Xia Zhi ang kanyang kapatid para yakapin. Sobra ang kanyang saya.

Halos sumali na din si Xiao Mo pero napigilan niya ang sarili. Kaya naman, tumindig na lamang siya sa nararapat na distansiya at nagbunyi sa tagumpay ni Xinghe.

"Mahusay, napakahusay talaga…" Halos lahat ng mga CEO ay tumindig at binigyan ng nakakabinging palakpakan si Xinghe. Kahit ang iba pang hackers ay pinalakpakan siya.

Siniko ni Junting ang braso ni Mubai, at sinabi, "That's crazy! Xi Mubai, may kakaiba ka bang kapangyarihan? Paano mo nasabi na magagawa niya ito sa loob ng 13 minuto? Tao pa ba kayong dalawa?"

Sinadya siyang tiningnan ni Mubai at binalaan, "Sinasabihan na kitang itigil mo na iyang ginagawa mo habang maganda pa ang mood ko."

Noon lamang napagtanto ni Junting na lumampas na siya sa linya.

Hindi mahilig magpakita ng emosyon si Mubai lalo na kung hindi niya sila kapamilya.

Nahihiyang binawi niya ang kanyang kamay at nagtanong, "Maiba nga ako, bakit maganda ang mood mo ngayon? Dahil ba sa napukaw ng babaeng iyon ang interes mo? Sabihin mo na sakin. Kilala niya si Xia Zhi kaya matutulungan kita na maipakilala ko siya sa iyo."

Misteryosong gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Mubai. "Kakainin mo ang mga sinabi mo kapag nalaman mo ang tunay niyang katauhan."

"Ano ang ibig mong sabihin diyan?" Naguguluhan si Junting. Pagkatapos noon, nakita niyang tiningnan ni Xinghe si Chui Ming ng may pagkutya at ang mga sumunod na salita ay nanulas sa kanyang namumulang mga labi.

"Talo ka!"

avataravatar
Next chapter