webnovel

Malakas na Xia Xinghe

Editor: LiberReverieGroup

Ang virus ay nakakatakot, kung hindi ito makokontrol, ang bilang ng mga mamamatay ay patuloy na tataas. Ang kondisyon ng mga nakaligtas noon ay patuloy na lumalala.

Kasama na dito si Mubai. Ang balita ay nanggaling kay Lu Qi na sinabing ginugol niya ang buong araw na nagkakamalay at nawawalan ng malay at tila nakakaramdam ng matinding sakit. Gayunpaman, kapag may malay ito, binalaan nito si Lu Qi na huwag magsabi ng kahit na ano kay Xinghe.

Sinabi na ni Xinghe kay Lu Qi na ipaalam sa kanya ang lahat ng tungkol kay Mubai bago pa nagawang magbanta ni Mubai. Mas takot si Lu Qi kay Xinghe, kaya wala naman siyang magagawa kundi 'ipagkanulo' si Mubai.

Ang ekspresyon ni Xinghe ay nanatiling banayad kahit na ang masamang balita tungkol kay Mubai ay patuloy na dumadating. Gayunpaman, nararamdaman ng mga kaibigan niya ang kalamigan niya, na tila ba magyeyelo sila kapag napalapit sila masyado.

Ang talagang nakapagpahanga sa mga kaibigan niya ay sa patuloy niyang pagtatrabaho sa pen drive; tila walang makakaalis sa kanya sa misyong ito. Gayunpaman, mas kapansin-pansin na mas bumibilis siya…

Hindi niya ipinikit ang kanyang mga mata ng dalawang araw; kahit ang pahinga niya ay hindi hihigit sa sampung minuto. Ang determinasyong ito ay hindi pa nakikita ng mga kaibigan niya dati. Matapos na makilala siya ng ganito katagal, inisip nila na narating na nito ang kanyang hangganan, pero patuloy pa niyang sinusorpresa ang mga ito. Tila ba ang pinagmumulan ng kanyang lakas ay walang humpay at walang hangganan.

Ang nakakahangang pakita niya na ito ay nagpahanga sa kanila at pahalagahan siya. Lalo din nitong pinaigting ang kanilang pagkamuhi tungo sa tunay na maysala na nagpakawala ng virus. Siguruhin nitong huwag nilang malaman kung sino ang may gawa, kung hindi ay hahatiin nila ito sa maraming piraso!

Hindi lamang sila, ang buong Hwa Xia ay hindi mapapatawad ang tunay na salarin dahil ang bilang ng mga namamatay ay patuloy na tumataas, at ang karamihan sa mga ito ay mula sa Hwa Xia.

Nangangahulugan nito na may mga namatay ding mga dayuhan. Habang namumuno ang Country W sa pagsasayasat, lalo nilang ginigipit ang Hwa Xia. Kahit ang pinakatangang mamamayan ng Hwa Xia ay nakikita na ginagamit nila ito bilang palusot para gipitin ang Hwa Xia, lalo na ngayong ang Presidente ay maysakit din. Hindi na bagong balita sa mga bansang ito na angkinin nila ang Hwa Xia. Siyempre, hindi nila pakakawalan ang perpektong pagkakataon na ito.

Sinimulan nila ang kanilang mga plano, una ay ang isagawa ang economic embargo at ang pagsasagawa ng sunud-sunod na military practices…

Wala nang mas lilinaw pa sa mga pahiwatig na ito!

Walang makakaisip na ang isang virus outbreak ay mauuwi sa posibilidad ng isang giyera. Tila nasa bingit na ng pagbagsak ang Hwa Xia….

Ang bagay na nagpapaalala kay Ali ng husto ay ang mga tinig na tumutuligsa kay Xinghe at sa Galaxy Academy. Sinabi nila na ito ay bunga ng Academic Olympics. Salamat na lamang, walang nangahas na magsuhestiyon na sila ang nasa likuran ng virus, dahil nga naman, iniligtas na noon ni Xinghe ang mundo; ang lahat ay naniniwala na isa siyang mabuting tao. Humihingi lamang sila ng paliwanag dahil ang virus na ito ay nagsimula sa paaralan.

"Sumosobra na ang mga taong ito! Paano nila nagagawang sisihin si Xinghe?" Galit na galit si Ali. "Kung mayroon talagang tao na nais na ipahamak ang bansang ito, kahit na wala tayo, makakahanap sila ng ibang pagkakataon."

"Oo, pero hindi natin dapat na asahang maging rasyonal ang publiko," matiim na sambit ni Cairn. "Gayunpaman, kung may plano silang saktan ang kahit na sino sa atin, huwag nila tayong sisisihin kapag nasugatan sila!"

"Kahit na ano pa, dapat nating mahanap muna ang tunay na salarin. Gusto ko talagang turuan ito ng leksiyon!" Angil ni Sam.

Galit na galit na talaga sila lalo na si Xinghe. Matapos na ma-crack nito ang code at pasadahan ng tingin ang mga impormasyon sa loob, dumilim ang ekspresyon ni Xinghe.