webnovel

Lubos na Katapatan

Editor: LiberReverieGroup

Walang bahid ng dungis ang pinapayagang makita sa mga bata, lalo na ang pagsuway. Sa sandaling isa sa kanila ang lumabag sa patakaran, parusang tila torture ang naghihintay sa kanila!

Sinasanay nila ang mga ulilang ito na tila mga aso, itinatatak na lubos na pagsunod sa kanilang mga lumalaking isip. Ang mga magugulong bata ay paparusahan, at pagkatapos ng sapat na kaparusahan, ang mga bata ay mawawalan na ng silbi at pagkatapos nito ay ididispatsa na. Ang klase ng pagdispatsa ay hindi kailanman ibinubunyag sa mga bata, alam lamang nila na ilan sa mga kaibigan nila ay biglaan na lamang mawawala sa isang magdamag.

Ang lahat ng mga bata ay musmos pa at wala sa kanila ang may kakayahang mamuhay nang sarili lamang nila. Para maiwasan ang kapalaran na maabandona, magbabago sila na tila tapat na mga aso at susunod sa bawat iutos ng mga matatanda sa kanila.

Kahit na sa loob-loob nila ay hindi sila nasisiyahan, wala sa kanilang nangangahas na isatinig ito, natatakot na baka makaabot sa pandinig ng mga matatanda. Kaya naman, kapag lumaki na sila, dahil sa taon ng pagsasanay sa kanila na sumunod, ay lalaki silang mga taong walang sariling isip, mga perpektong kagamitan sa kanila.

Siyempre, ang mga bata na nagkasakit ng malubha ay susukuan nila. Ito ay dahilan kung bakit takut na takot ang batang lalaki at itinago ang kanyang karamdaman. Natatakot siya na malaman ito dahil natatakot siya ng husto na iwanan.

Wala sa mga matatandang nagtatrabaho doon na nakikita ang mga bata bilang bata, imbes ay tinatrato nila ang mga ito na tila hayop. Ang magugulong bata ay pahihirapan at kahit ang mga hindi naaabot ang kanilang ekspektasyon ay mapaparusahan din nila. Ang maliliit na pagkakamali ay parurusahan din.

Wala sa mga bata ang nakakaalam tungkol sa mundo sa likod ng mga pader ng ampunan. Sa kanilang maliliit na isipan, inisip nila na ito ang pagkabata, at ang bawat bata sa mundo ay pareho ng buhay na mayroon sila. Ang totoo, hindi nga nila alam na may mundo sa labas; ang ampunan na ang kanilang mundo.

Ang katotohanan na nagawa nilang tuluyang ma-brainwash ang mga batang ito ay ang pinaka ipinagmamalaki ni Deqing sa kanyang isip. Ito ay dahil ang lugar na iyon ay nangangailangan ng mga taong may lubos na pagsunod…

Nabanggit ni Deqing na natutunan niya ang paraan ng pamamalakad na ito mula sa kanyang ama. Nang ang He Lan family ay nagbukas ng isang ampunang pinangalanan nilang Angel Orphanage, ang ama ni Deqing ang nag-alaga sa mga batang ito.

Nang marinig ito ni He Bin, bahagyang nanginig ang kanyang mga mata at kaswal na nagtanong, "Ang ibig sabihin nito ang unang grupo ng mga ulila na pinalaki ng ama ni Uncle Huang siguro ay ang pinakamahuhusay."

Nagmamalaking nagsalita si Deqing, "Natural, ayon sa mga usap-usapan, ang unang grupo ng mga binhing pinalaki ng aking ama ay napakaswerte dahil napakaraming henyo doon. Gayunpaman, wala sa amin ang nakakaalam kung ano ang nangyari pagkatapos noon, ang totoo, hanggang ngayon ay hindi pa malinaw sa amin ang nangyari sa kanila."

"Kailan ipapadala ang pinakahuling grupo ng mga binhing ito sa lugar na iyon?" Binago ni He Bin ang usapan.

"Matapos ang ilang araw, naisaayos na namin ang lahat."

Tumango si He Bin at sinabi, "Sumama kaya ako?"

Nagulat si Deqing at nagpaliwanag ng nakangiti si He Bin, "Ako na din ang mamumuno sa lugar na iyon."

"Oh, sure, bakit hindi? Kapag dumating ang oras, sasabihan kita Young Master, at maaaring sumama sa amin si Young Master."

"Salamat, Uncle Huang."

Sa sandaling sinabi ito ni He Bin, biglang tumunog ang telepono ni Deqing.

Sinagot niya ang tawag. Dumilim ang kanyang mukha matapos niyang ipagpatuloy ang pakikipag-usap ng ilang sandali. Sinabi niya sa telepono, "Ipagpatuloy ninyo ang pag-oobserba, kapag hindi siya gumaling, alam na ninyo ang gagawin."

Matapos niyang ibaba ang tawag, nagpaliwanag siya kay He Bin, "Young Master, ang bata kanina ay nakumpirma na mayroong encephalomeningitis at sa tingin ko ay hindi na siya gagaling."

"Ganoon ba? Nakakalungkot na balita," magaan na komento ni He Bin.

"Oo, nakakalungkot ngang talaga!" Sang-ayon sa kanya ni Deqing, pero nalulungkot lamang siya para sa mga gamit na nasayang sa pagpapalaki ng binhing ito.