102 KALAYAAN

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Xia Xinghe, kung gusto mong mamatay, sige, sisiguraduhin kong magkatotoo ang iyong hiling! Ano pa ang hinihintay ninyo, patayo-tayo diyan na walang ginagawa, arestuhin na ninyo ang pesteng ito!" Binigyan ni Wushuang ng nakakamatay na tingin ang hepe ng pulis.

Akala niya ay nasa kanila pa din ang pabor sa sitwasyon.

Pinaikot ng hepe ang kanyang mga mata sa katangahan ng babae, hindi ba niya maunawaan na nag-iba na ang sitwasyon?

Kalmado siyang sumagot, "Mrs. Chui, narito ako para ipaalam sa inyo na nakapagpiyansa na si Ms. Xia. Iimbestigahan namin ng maigi ang kanyang umano'y libelous statement pero sa ngayon, malaya na si Ms. Xia Xinghe."

Nag-iba ang mukha ni Wushuang. "Ano ang sinabi mo?"

Inulit ng hepe ang sinabi niya at idinagdag pa sa kanyang pagpapaliwanag, "Si Mr. Xi Mubai ang nagbayad ng piyansa ni Ms. Xia kaya malaya na siyang makakaalis ngayon."

Nagkatinginan sa pagkagulat si Wushuang at Wu Rong.

Si Xi Mubai ang nagbayad ng piyansa ni Xia Xinghe?!

Ilang taon na silang diborsiyado at wala na silang ugnayan pa mula noon, bakit bigla na lamang niya itong tutulungan?

Mayroon sigurong pagkakamali dito.

"Imposible iyan! Kahit na, hindi siya aalis dito ngayon. Sinira niya ang reputasyon namin na nagdulot ng seryosong pinsala sa Chui Corps at nakita ng lahat kung paano niya ako inatake kaya ihahabla ko din siya ng injury with malicious intent! Kung hindi ninyo siya aarestuhin, kakasuhan ko ang pulisya ng kapabayaan!" Mapanganib na sabi ni Wushuang.

Kahit sino pa ang pumunta sa araw na iyon, sisiguraduhin niyang magbabayad ang pesteng babaeng ito!

"Perfect iyan dahil kakasuhan ka din namin pati ang nanay mo ng injury with malicious intent din!" Naglakad si Lawyer Kim sa unahan at opisyal na inanunsiyo, "Nakita namin na lahat kayo na nasa silid kung paano ninyo pinagtulungang saktan si Miss Xia bago kami pumasok. Matapos namin ipasuri ang lahat ng kanyang mga tinamong pinsala, kakasuhan namin kayo, wala ni isa sa inyo ang makakaligtas. Oo nga pala, mula sa oras na ito, si Miss Xia ay kliyente ko, kaya ako ang hanapin ninyo kung may sasabihin kayo laban sa kliyente ko. Pwede ninyo akong tawaging Mr. or Lawyer Kim, ikinagagalak ko kayong makilala."

Nang makita niya si Lawyer Kim, ang kasama ni Wushuang na si Lawyer Zhang ay gusto nang umalis.

Si Lawyer Kim ang pinakamagaling na abogado sa Hwa Xia, hindi pa ito natatalo sa mga kaso niya.

Isa pa, may magandang reputasyon si Lawyer Kim sa loob ng negosyong ito. Ang pagkalaban sa kanya ay siguradong pagsira sa sariling reputasyon.

Nagsisisi tuloy si Lawyer Zhang ng buong puso.

Tinanggap niya ang kasong ito dahil sigurado siyang madali itong ipanalo. Madaling pera ito. Masyadong mahirap si Xia Xinghe para umarkila ng magaling na abogado. Ngunit, ang swerte ay halatang wala sa kanyang panig.

Ngayong si Xia Xinghe ay inirerepresenta ni Lawyer Kim, walang nang paraan para maipanalo pa nila ang kanilang kaso.

Siyempre, hindi ito alam nila Wushuang at Wu Rong.

Pagalit na sinabi ni Wu Rong, "Sino ka ba para kasuhan kami? Isa ka lamang maliit na abogado kaya huwag kang pakialamero o baka makita ka na lamang sa isang hukay na patay na!"

Ito ang unang beses sa itinagal na panahon na pinagbantaan ng harapan si Lawyer Kim. Kaswal itong tumawa, binigyan ng matalim na tingin si Wu Rong at sumagot, "Magaling, kakasuhan pa kita ng pagbabanta sa personal na buhay ng isang abogado. Huwag kang mag-alala, makakatanggap ka ng sulat mula sa abogado sa hinaharap."

"Ikaw…" Handa ng sumabog ang galit ni Wu Rong pero pinigilan siya ni Wushuang, "Mom, huwag ka ng magsalita pa!"

Kalmado na siya para maunawaang nag-iba na ang may hawak ng kapangyarihan.

Isa pa, si Xi Mubai ay isang tao na kaya nilang sagupain.

Malamig na tinanong ni Wushuang ang hepe, "Chief, sa madaling salita, papalayain na ninyo si Xia Xinghe ngayon?"

avataravatar
Next chapter