webnovel

Iyan ang Katotohanan

Editor: LiberReverieGroup

"Kahangalan?" Hindi mapigilang bumulalas ng lahat ng nasa silid.

Hindi mapigilan ni Shu Mei na hindi tumawa. "Ikaw ang hangal, tinututulan mo pa ang katotohanan sa likod ng sumbong sa iyo."

"So, ikaw pala ang gumawa ng sumbong." Tinitigan ni Xinghe ng deretso si Shu Mei.

Nagulat si Shu Mei pero agad itong nagalit. "Kahibangangn akusasyon!"

"Sinabi mo eh." Tumango si Xinghe. "Pero kahit na kung sino pa ang taong ito, nakikita ko na ang kilos nila ay hindi lamang kahangalan pero nakakatawa din."

"Sa tingin ko ang depensa mo ang nakakatawa," isang technician ang sumabad. "Kung katawa-tawa ito, ipakita mo sa amin kung bakit iyan ang inisip mo?!"

"Sige, malugod kong ipapakita sa inyong lahat ang mga ito." Tumalikod si Xinghe at naglakad pabalik sa main control room. Nagtataka sila kung ano ang balak nitong gawin.

Sa kanilang sorpresa, ang malaking screen sa gitna ng lab ay biglang bumukas. Isa itong realistic simulation ng mga combat scene…

Nanlalaki ang mga mata ng mga tao na nakatitig sa screen! Ito… hindi ba at ito ang simulation na hindi natin matapos kahapn? Bakit natapos na ito ng bigla?

Isa pa, ang simulation ay walang mali. Tila ba ang mga battle scene ay talagang nangyari. Kaya nga lamang, hindi talaga nila natapos ang simulation kahapon!

Hindi tanga ang mga technician, naunawaan na nila kung ano ang nangyari.

Hindi makapaniwalang bumulong si Shu Mei, "Imposible…"

"Miss Xia, ikaw ang gumawa nito?!" Ang malakas na boses ni Yan Lu ay pumailanlang sa ibabaw ng mga natigilang tao.

Si Xinghe, na kalalabas lamang sa silid, ay bahagyang tumango. "Natapos ko ang mga nalalabing parte kahapon."

"Imposible!" Si Shu Mei ang unang nagreklamo, "Paano mo posible na matapos ang lahat ng isang gabi? Masyadong maraming parte ang wala. Marami sa amin ang hindi matapos ito, mas lalo na kung ikaw lang mag-isa!"

"May punto si Sister Shu."

Pinagsaluhan ng mga tao ang pagdududa nito. Ang gawin ito ay talagang imposible. Pinagdududahan nila si Xinghe na maaaring nandaya. Ang katotohanan ay literal na nasa kanilang harapan pero hindi pa din sila makapaniwala!

Tiningnan sila ni Xinghe at nag-utos, "Paano ito naging imposible? Itinuloy ko lamang ang natitirang gawain ninyo at iyon ang katotohanan. Ang ebidensiya ay nasa harapan na ninyo, ano pa ang kailangan ninyong pagdudahan?"

"Pero akala namin ay wala kang alam…" ilang tao pa din ang hindi makapaniwala sa kanya.

"Hindi ako naniniwala na ang kakayahan mo ay mas mahusay kaysa sa kakayahan naming lahat na pinagsama-sama!" Ito ang talagang pinagmumulan ng kanilang pagdududa. Hindi nila matanggap na isang tao ay mas mahusay kaysa sa buo nilang team at ang taong ito ay isa pang babae!

Ang henyong ganito ay hindi tao. Kung mayroong isang indibidwal na ganito, hindi ba ay dapat na kilala na sila dati pa? Hindi pa nila naririnig ang tungkol kay Xinghe dati.

Isa pa, wala ni isa sa kanilang mga mata ang nakakita na si Xinghe ang nagdisenyo ng simulation kaya naman hindi sila agad maniniwala kahit na ano pa ang mangyari.

Hindi na gusto pang ipaliwanag ni Xinghe ang kanyang sarili. "Nasa sa inyo na iyon kung gusto ninyong maniwala o hindi, wala na itong kaso sa akin, pero ito ang katotohanan!"

"Gusto naming makita ang mga surveillance video!" Biglang sambit ni Shu Mei, "Pagkatapos ay malalaman natin ang katotohanan."

"Bahala kayo," sagot ni Xinghe ng hindi kumukurap. Bumaling na siya sa Internal Affairs officers at sinabi, "Hindi ba't kailangan pa ninyo ako sa imbestigasyon, tayo na."

Hindi malaman ng mga opisyales kung ano ang gagawin. Wala silang ideya kung karapat-dapat pang imbestigahan si Xinghe o hindi na.

"Hindi pa ba sapat na makita ang kakayahan niya? Pag-aaksaya lamang ng oras ang imbestigasyon na ito," sabik na pagtatapos ni Yan Lu.

Ang mga mata nina Yan Lu, Munan, at Gu Li na nakatingin kay Xinghe ay punung-puno ng sigla at tuwa.