webnovel

Isang Mahimalang Bagay

Editor: LiberReverieGroup

"Sa paglipas ng mga taon, may mga tao ako na sinubukan ang iba't ibang mga ideya. Siyempre, ang teknika ay isang malaking isyu, wala ni isa ang naisagawa na makalikha ng isang kumplikadong elektrikal na circuit sa loob ng isang maliit na lalagyan. Ang mga materyales ay isa pang malaking isyu. Kung magagawa nating masolusyunan ang dalawang isyu na ito, masisigurado na ang tagumpay."

"Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya sa teknika at mag-uutos ako sa mga tao na maghanap ng mga materyales. Sa kasalukuyan, pakiusap ay siguraduhin mong mananatiling ligtas ang katawan ni Mubai," sabi ni Xinghe kay Lu Qi.

"Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang may mangyaring muli sa kanya," pangako ni Lu Qi.

"Salamat."

Bahagyang ngumiti si Lu Qi. "Kaibigan ko din siya, at bilang isang doktor, responsibilidad ko na sagipin siya."

Hindi maiwasan ni Xinghe na isipin, Marahil matapos magising ni Mubai, maaring limutin na nila ang nakaraan at maging magkaibigang muli.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Xinghe at umalis na patungo sa lab ng Xi family para mag-eksperimento. Ang totoo, ang lab na ito ay naipasa na sa kanya at pag-aari na niya. Mula noong nagawa niya gansa na nangingitlog ng ginto na ang artipisyal na braso, ang Xi family ay inilipat na ang lab na ito sa kanya. Sino ang mangangahas na pigilan siya kung ang may-ari ang gustong gumamit ng lab?

"Miss Xia, bakit ka nandito ngayon? May nangyayari ba?" Agad na dumating si Luo Jun para salubungin siya nang makatanggap ito ng balita ng pagdating niya. Matapos na umalis ni Ruobing, si Luo Jun ang naging pinuno at namamahala sa pang-araw-araw na mga gawain sa lab.

Direktang sinabi ni Xinghe, "Tulungan mo akong tipunin ang pinakamahuhusay na mananaliksik, magsisimula ako ng pagpupulong sa loob ng sampung minuto."

"Okay!" Kumilos para sumunod si Luo Jun nang hindi na nagtatanong ng kahit ano. Walang nangahas na magtanong kay Xinghe sa lab. Ang lahat ay sumuko sa kanyang katalinuhan. Sa loob ng hindi hihigit sa sampung minuto, napuno ang silid ng pagpupulungan.

Matapos na pumasok ni Xinghe, wala siyang sinabi na kahit ano pero direktang ipinakita ang disenyo ng mekanikal na puso sa malaking pader.

Habang tinitingnan ang hugis-puso na bagay, nagbigay ng nagtatakang hitsura ang mga nasa silid. Puso ba iyon? Pero mukha itong mekanikal.

"Miss Xia, ano ba iyan?" May isang taong nagtanong.

Tumayo sa harapan si Xinghe at malinaw na nagpaliwanag, "Isa itong mekanikal na puso, isang makina na kayang palitan ang gawain ng puso, isang support device na kayang tulungan ang puso na hindi kinakailangang sumailalim sa operasyon ng puso. Maaari itong ikabit sa puso ng tao at tutulungan nito ang puso sa tungkulin nito."

Nagulat ang mga nasa silid matapos na marinig ang paliwanag niya. May mala-himala bang bagay na ganito sa mundo? Bakit dati ay wala pa silang naririnig na tungkol dito?

Sa katotohana, ay napakaraming bagay pa na hindi pa naririnig dati…

Dati ay sinabi ni Lu Qi, "Napakaraming interesante at mahahalagang disenyo na naisip ng mga tanyag na doktor at siyentipiko."

Hindi lahat ng mga kabiguan ay dahil sa pagkabigo sa teorya, kundi dahil sa kakulangan nito sa materyales o sa kahirapan ng kinakailangang pamamaraan.

Ang Agham ay palaging umaabante. Ang pag-iisip sa hinaharap ay hindi isyu dahil ang karamihan ng mga problema ay nakasalalay sa mga materyales at pamamaraan.

Kung mayroon man, sa lahat ng mga nakakabaliw na ideya sa pag-iimbento, ang mekanikal na puso ay maikukunsidera pa na hindi interesante. Kaya naman, ang problema nito ay madali ding mapagtatagumpayan.

Gayunpaman, para sa kasalukuyang teknolohiya, ang pagresolba sa mga ito ay isa pa ding malaking isyu. Para sa mga mananaliksik na ito, ang problema ay hindi malulutas.

Ang lahat ay sabik na hinihintay ang kanyang sagot.