webnovel

INIHAHABLA KA NG LIBELO

Editor: LiberReverieGroup

Kaya naman gagawin ng lahat ng Chui Corps para makuha ang tsansang ito na magkaroon ng partnership sa Xi Empire.

At ang pagkakapareha nito, si Xinghe at ang kanyang grupo ay nagtatrabaho ng masigasig, hindi para maging partner ang Xi Empire, kung hindi agawin ang panalo at ilayo ito sa Chui Corps!

Sa isang kurap mabilis na lumipas ang isang linggo at iyon na ang araw para sa Hacker Competition.

Maaga pa ng umagang iyon, nang si Xinghe at ang kanyang grupo ay naghahanda na para pumunta sa kumpetisyon, ay binisita sila ng ilang kapulisan.

"Ikaw po ba si Miss Xia Xinghe? May naghahabla sa inyo ng kasong libelo, kaya maaari po ba kayong sumunod sa amin sa istasyon ng pulisya para matulungan kami sa aming imbestigasyon?"

Tinitigan sila ni Xia Zhi, ang kanyang mga mata ay nanlalaki, at nagtanong, "Libelo? Baka nagkakamali kayo? Walang ginawang ganoon ang ate ko!"

"Nagsumite si Xia Xinghe ng isang police report na nagsasabing ang kanyang car accident at ang pagkamatay ng kanyang ama ay may kaugnayan kay Wu Rong at Xia Wushuang. Ipinahiwatig niya ang parehong bagay sa naganap na selebrasyon sa party ng Xi Family. Sa simula ay ipinagwalang-bahala ito ng mga babae pero ang walang basehang akusasyon na iyon ay nakaapekto sa stocks prices ng Chui Corps kaya wala silang ibang magawa kung hindi kasuhan siya. Kung hindi makapagbibigay ng ebidensiya si Miss Xia, si Miss Xia ay oobligahin ng court of law na magbayad danyos dahil sa kanyang mga walang basehang akusasyon," walang emosyong sinabi ng pulis, pero halata naman kung kanino sila kumakampi.

Gustong tumawa ni Xinghe matapos magsalita ng pulis.

Nakakasuklam talaga si Wushuang at ang kanyang grupo. Hindi nila kayang talunin siya ng patas kaya gumagawa sila ng nakakakutyang klase ng kaso.

Pero aaminin niya na kasalanan din niya at kapabayaan na hinayaan ang mga ito na idiin siya dahil dito.

Ang tindi ng isang kaso ng libelo ay masyadong malaki, na magkakahalaga ng tulad sa daytime courtroom drama ni Judge Judy hanggang sa milyong dolyar na bayad danyos.

Karamihan sa mga kaso ay naaayos sa labas ng korte… maliban na lamang kung naging dahilan ito ng pagkawala ng pera.

Ang pagbaba ng stock ng Chui Corps matapos ang party ay dahil ilan sa mga shareholders at suki ng mga ito ay nagduda na sa moralidad ng mga amo…

Alas, hindi niya inaasahan na ganoon kababa si Chui Ming at ihabla siya sa araw na ito!

Hindi naman nito alam na pupunta si Xinghe sa Hacker Competition pero ang katotohanan na hindi na siya naghintay hanggang sa matapos ito ay patunay lamang na gusto ng mga ito na mapatay siya.

Ang partnership ng Chui Corps at Xi Empire ay mapagtitibay na ng araw na iyon, o siguradong mangyayari ng araw na iyon.

Kaya sinadya nilang i-file ang kaso ng araw na iyon dahi luna, natatakot sila na magpakita si Xinghe para sumali sa kumpetisyon at pangalawa, swerte ang mga bagay kapag nangyayari ng pares.

Makukuha nila ang partnership at paghihiganti kay Xinghe, kaya hindi sila papayag na hindi ito mangyari.

Isa pa, kung ihahabla nila ito matapos mapirmahan ang partnership, aakalain ng mga tao na binubully nila ito at magiging masama ito sa kanilang reputasyon.

Sa totoo lamang, ang paghahabla nila ay balewala kay Xinghe, inaasahan na niya ito. At mayroon siyang ebidensiya para mapatunayan ang kanyang akusasyon.

Ngunit, masyado pang maaga para ipakita ito…

Ang ebidensiya na magdidiin kay Wu Rong pero hindi kay Chui Ming at Wushuang. Kapag ipinakita niya ang kanyang alas ay magbibigay din sa kanila ng pangontra laban kay Xinghe.

Kung ito ay tulad ng ordinaryong araw, uupuan lamang ito ni Xinghe para makagawa ng pangontrang plano pero ito ang araw na kailangan niyang dumalo sa Hacker Competition…

Ang software nila ay nakapasa sa internal testing kaya oras na ito para sumali sa kumpetisyon at makuha ang first place.

Pero kung wala siya, ang main programmer, paano sila mananalo?

Pareho ang tumatakbo sa isip ni Xia Zhi. Galit na nagsalita siya, "Isa itong kalokohan, hindi nagkakamali sa akusasyon ang ate ko! Ang totoo niyan…"

"Zhi!" Pigil ni Xinghe sa kanya at mahinahong sinabi, "Ikaw ang sumali sa kumpetisyon kasama si Xiao Mo. Susunod ako sa kanila sa istasyon ng pulis."

"Ate!" Pagmamakaawa ni Xia Zhi, "Hindi ka pwedeng sumunod sa kanila, hindi namin magagawa ito ng wala ka!"