112 Imposible!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang internasyonal na paligsahan ay naging personal na labanan sa pagitan nila Xinghe at ET.

Ang iba pang hacker ay naging background na lamang.

Lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanilang dalawa, nag-aabang sa resulta.

Si Xia Zhi at Xiao mo ay tumigil na sa paggamit ng mga computer. Nakatayo sila sa likuran ni Xinghe, hindi kumukurap na pinapanood ang kanyang computer screen.

Dalawang minuto na ang nakalipas at napasok na ni Xinghe ang first wall ng depensa ng King Kong Internet Security!

Nagsigawan ang mga nanonood—

Kinailangan lamang niya ng dalawang minuto para matalo ang unang linya!

Ang paligsahan na ito ay humimok sa mga hacker na mahuhusay, pero kahit na ang pinakamabilis sa kanila ay inabot ng sampung minuto para makalampas sa first line ng depensa.

Ngunit, gumamit lamang siya ng dalawang minuto… hindi ito kapani-paniwala!

Excited na naikuyom nila Xiao Mo at Xia Zhi ang kanilang mga kamao.

Kung hindi lamang sila natatakot na maistorbo si Xinghe, hayagan silang magbubunyi para sa kanya.

Sa kabilang parte naman ng silid, nagtatangis ang mga ngipin ni Chui Ming sa galit!

Hindi niya inaasahan na si Xia Xinghe ay sobrang husay sa paggamit ng computer.

Dalawang minuto lamang ang nakalipas pero pakiramdam ni Chui Ming ay pinagsakluban siya ng lupa. Pinagpapawisan na siya ng malamig.

Ang pangyayaring ito ay nagpagulat sa lahat ng nasa loob ng silid.

Halos sigawan ni CEO Wang si Xinghe na, Magaling, ituloy mo iyan!

Sa kabilang banda, sa sandaling matapos ang usapan ni Junting kay Mubai, nakalampas sa unang layer ng depensa ng King Kong Internet Security si Xinghe. Hindi makapaniwalang napatitig siya dito, habang sinasabi na, "Hindi ako makapaniwala, mahusay nga siya na tulad ng sinabi mo…"

Kahit na nahulaan ni Mubai na magagawa ito ni Xinghe, nagulat din siya.

Sumandal siya sa kanyang upuan at may pagnanasang tiningnan si Xinghe. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi.

Nang sandaling iyon, kahalintulad na tinititigan din ni ET si Xinghe.

Alam niyang espesyal ito ng pumasok ito at hindi siya nabigo.

Mas malakas na katunggali, mas nagsusumidhi ang kanyang fighting spirit. Ang bilis ng pagtipa niya sa keyboard ay lalong nadagdagan, at pareho din ito ng kay Xinghe.

Ang buong lugar ay napupuno ng tunog na nalilikha ng mga daliri nila sa pagtipa sa keyboard.

Maihahalintulad ito sa isang orchestra, ang papabilis na tempo ay humihila sa ninenerbiyos na puso ng lahat hanggang sa…

Ding!

Ang balita na nalampasan ni Xinghe ang ikalawang linya ng depensa ng King Kong Internet Security ay lumabas sa TV Screen.

Apat na minuto…

Sa pagkakataong ito ay gumamit lamang siya ng apat na minuto para malampasan ang ikalawang pader!

"Clang!" Ang tasa na nasa mesa ni Chui Ming ay nalaglag sa sahig.

"Oh my, CEO Chui, bakit hindi ka nag-iingat?" Patuyang komento ni CEO Wang, "Kinakabahan na kaya si CEO Chui dahil sa mabilis na resulta ng kumpetisyon? Ano nga ba itong sinasabi ko? Oo nga pala, ang isang tulad ni CEO Chui ay hindi agad-agad na maaapektuhan."

"Sa tingin mo ay mananalo siya?!" Galit na tinitigan ni Chui Ming si CEO Wang, ang lahat ng kanyang kagandahang-asal ay nawala na, at idinagdag niya, "Sasabihin ko na sa iyo, walang makakatalo sa kumpanya ko, sa Chui Corps! Hindi siya makakalampas sa ikatlong depensa, isinusumpa ko ito sa buhay ko! Isa pa, ang hacker ng aking kumpanya ay hindi pa ipinapakita ang kanyang tunay na kapabilidad."

Lihim na napangiti si CEO Wang habang nakikitang natataranta si Chui Ming.

Dahil nangangahulugan iyon na ninenerbiyos at natatakot si Chui Ming.

Nakangiti siyang sumagot, "Oo nga, tama si CEO Chui. Ang hacker na binayaran mo ay talaga namang nakakahanga at ang ikatlong depensa ay napakahirap pasukin. Well, tingnan mo kung paanong hindi pa nagagawang ma-hack ng hacker mo ang ikatlong depensa ng X PC Manager.

avataravatar
Next chapter