webnovel

I'm a Poor Shot

Editor: LiberReverieGroup

Wala na silang oras para makakilos laban sa nangyari. Halos lahat sa kanila ay napatumba na bago pa nila nalaman kung sino ang kanilang mga kalaban…

Ang mabilis na pangyayaring ito ang nagpatakot sa ibang natitirang tauhan. Tumakas na sila ng walang pakialam pa kay Ryan, nagmamakaawa na buhayin sila. Gayunpaman, imposible iyon.

"Huwag ninyong hayaang buhay ang kahit isa sa mga daga!" Utos ni Sam. Si Wolf at ang iba pa ay nagpaputok, at ang mga tumatakas na lalaki ay natumba na ng mga walang buhay. Tiningnan ni Ryan ang mga ito ng may blangkong ekspresyon. Sino ang makakapagsabi sa akin kung ano ang nangyayari…

Gayunpaman, hindi niya namamalayan na itinaas niya ang kanyang baril at itinutok ito kay Sam. Ang kanyang maitim na balat ay napakaputla.

"Layuan, layuan mo ako!" Utos niya sa nanginginig na boses. May ilang luha pang lumalandas sa mukha nito. Napailing sa pagkasuya si Sam at ang iba pa habang tinitingnan siya. Hindi sila natatakot sa banta nito.

"Ryan, pinapayuhan kita na ibaba mo ang baril mo…"

"Huwag kang lalapit sa akin!" Tulad ng isang takot na ibon, pinindot ni Ryan ang gatilyo pagkarinig ng boses ni Sam. Mabilis na lumundag paalis si Sam at malakas na nagmura ang lahat.

"P*ta, nagpaputok talaga siya!"

"Sh*t, babarilin ko na siya sa ulo!:

Inilabas ni Wolf ang kanyang pistola para tapusin si Ryan, pero sa sandaling iyon, ang maliwanag na boses ni Xinghe ay umalingawngaw, "Stop."

Natigilan si Wolf at lumingon para makita si Xinghe na naglalakad kasama ang dalawampung mersenaryo sa kanyang likuran. Pinaliligiran siya ng mga mersenaryo, pinananatili siyang nasa gitna ng mga ito. Alerto nilang sinuri ang kapaligiran bago napako ang mga tingin ng mga ito kay Ryan.

Wala nang bala si Ryan pero patuloy nitong pinipindot ang gatilyo na parang isang baliw. Dahil ang lahat ng atensiyon ay na kay Xinghe, ginamit ni Ryan ang pagkakataong ito para gumapang at hablutin ang isang baril na hindi kalayuan sa kanya.

Sa sandaling umunat ang kanyang kamay, isang bala ang pumailanlang, nahagingan ang kanyang braso, at halos mabalda siya. Binawi agad ni Ryan ang braso habang sumisigaw at tumingin kay Xinghe na siyang nagpaputok sa kanya.

Ang pistola ni Xinghe ay nakatutok kay Ryan. Kalmado niyang sinabi, "I'm a poor shot, sige bakit hindi mo subukan ang swerte mo ulit?"

Naestatwa si Ryan. Kahit ang grupo ni Sam ay nanlamig sa mga sinabi niya. Ang mga poor shot ang pinakamapanganib na tao dahil walang makakapagsabi kung sino ang masasaktan nila!

Nasiyahan si Xinghe sa reaksiyon ni Ryan. Tumigil siya sa harap ng nanginginig nitong katawan at nagtanong, "Gusto mo bang mamatay?"

Mabilis na ipinilig ni Ryan ang kanyang ulo. Sino ang may gusto noon?

Tumango si Xinghe. "Mabuti, kung ganoon ay sagutin mo ang tanong ko, nasaan si Charlie?"

Napalunok si Ryan nang makita niya ang pagbabanta sa mga mata ni Xinghe. Hindi siya magdadalawang-isip na patayin siya kapag nagsinungaling o tumanggi siyang sumagot…

Hindi maisip ni Ryan na ang babaeng ito, na kamakailan lamang lumitaw, ay magiging napakamakapangyarihan. Nagawa pa niyang makakuha ng grupo ng mga mersenaryo. Totoo kaya na talagang may kaugnayan siya kay Charlie?

Kahit na ano ang mangyari, hindi niya ito pwedeng kalabanin. Napakaraming tao ang naghahangad ng kamatayan niya; tila isa isang tupa na naghihintay na makatay. Gayunpaman, hindi tanga si Ryan na isusuko ang lahat.

Sinalubong niya ang tingin ni Xinghe at sinabi, "Hindi sa ayokong sabihin, pero kahit na sabihin ko, mamamatay pa din ako."