webnovel

Buhay Ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Tama nga siya, dahil nasira ni Xinghe ang life's work nito, kaya hindi ka mapapatawad noon. Mr. Xi, salamat na lamang at naisip mo ito; siguradong hahabulin nga niya si Xinghe," sabi ni Ali ng nag-iisip.

Nanlamig ang tingin ni Sam at sinabi, "Ang matandang hukluban na iyon, dapat ay ginilitan ko na ng leeg iyon na tulad ng sa manok!"

Hindi maiwasan ni Xinghe na sumang-ayon kay Sam. Gayunpaman, paano nila malalaman na may ilang bansa na mas pipiliing makipagsabwatan kay He Lan Yuan? Ginawa na nila ang gusto ng United Nations at ipinadala sa kanila si He Lan Yuan ng nakaposas, pero bumaliktad ang mga ito para gamitin si He Lan Yuan laban sa kanila; walang nakakitang mangyayari ito. Si He Lan Yuan ang kalaban ng sangkatauhan, kaya sino ang makakaisip na ang mga taong ito ay pipiliin na makipagtulungan dito para matupad ang makasarili nilang mga layunin?

Sinabi ni Xinghe sa isang patag na tono, "Alam kong gusto niya akong patayin, pero hindi ibig sabihin nito ay kailangan kong tumakbo sa pagkapresidente…"

"Gagamitin niya ang kapangyarihan ng ibang bansa para patayin ka," direktang putol sa kanya ni Mubai. Nagulat si Xinghe nang dumating na sa kanya ang katotohanan.

Nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Mubai, "Bakit makikipagtulungan si He Lan Yuan sa mga bansang ito? Walang tutulong sa kanya o ibibigay sa kanya ang kalayaan. Kung ganoon ay bakit siya makikipagtulungan sa mga ito? Ano ang nais niya? Ginagarantiya ko sa iyo na ipinagpalit niya ang kanyang pagtulong para sa buhay mo."

Si Sam at ang iba pa ay sang-ayon sa kanya. Sang-ayon silang lahat na hihilingin ni He Lan Yuan ang buhay ni Xinghe kapalit ng pakikipagtulungan nito.

Nakita na ni Mubai ang pagkakaintindi ng mga ito at nagpatuloy siya, "Kahit na gaano pa tayo kalakas, hindi natin mapapantayan ang lakas ng isang buong bansa. Marami silang paraan para ipapatay tayo, kaya ang tanging bagay na magagawa natin ay hindi sila bigyan ng pagkakataong magawa iyon."

"Sa pagtulong sa akin na maging presidente?" Tanong ni Xinghe.

Tumango si Mubai. "Oo. Kapag nasa iyo na ang pinakamataas na luklukan ng kapangyarihan, madali mo nang maiaalis ang panganib mula sa ibang bansa. Wala nang makakasakit sa iyo ng ganoon kadali!"

Natigilan si Xinghe, hindi sa suhestiyon ng pagka-presidente kundi sa isipin ni Mubai. Palagi nitong nagagawang punan ang mga bagay na nakakalimutan niya.

"May isa pang bagay, naisip mo na ba ang tungkol dito?" Pilit ni Mubai.

"Ano pa?" Pakiramdam bigla ni Xinghe ay sasabog na ang utak niya.

"Ipi-frame ka nila at gagawin kang kalaban ng publiko," madilim na sabi ni Mubai, at nang sinabi niya ito, ang buong silid ay napasinghap.

"I-frame ako?" Naguluhan si Xinghe.

Napakunut-noo si Ali. "Paano nila ipe-frame si Xinghe?"

Malamig na ngumisi si Mubai. "Natural, ang sasabihin nila na intensiyon niya na wasakin ang mundo."

"Kalokohan!" Galit na si Sam. "Si Xinghe ang nagligtas sa mundo, kaya naman bakit niya ito wawasakin?"

"Hanggang ang grupo ni Shi Jian ay nandiyan para ituon ang lahat sa kanya, ang mga kaaway natin ay magkakaroon ng pagkakataon na pabagsakin tayong lahat."

"Si Shi Jian at ang iba pa ay hindi ito…"

Bago pa natapos ni Sam, lumamig ang mukha ni Xinghe. "Naiintindihan ko na ngayon."

Habang nakatingin sa kanila, sinabi niya na, "Magagawa ni He Lan Yuan na ihipnotismo silang lahat para gawin ang nais nito; siguro ay nahipnotismo niya ang mga ito para gawin ang virus sa simula pa lamang. Katulad nito, ihihipnotismo niyang muli sila para matuon sa akin ang sisi, sasabihin na ako ang nag-utos sa kanila na gawin ang virus. Kapag nagawa nila ito, ang mga kalaban natin ay gagawin ang lahat para manatili ang kasalanang ito sa akin. Kung susubukan ng Hwa Xia na itago ako, gagamitin nila ang pagkakataong ito para wasakin ang Hwa Xia at magsimula ng digmaan! Sa madaling salita… Ang buhay ko, nakapusta na silang kunin ito."

Next chapter