webnovel

BEYOND HUMAN

Editor: LiberReverieGroup

"Ang grupo ay isa talagang one-woman show. Ikaw at ang kapatid ko ay narito lamang para tulungan ako sa mga miscellaneous tasks."

"Miss Xia-" nawala na pagpipigil ni Xiao Mo, at masungit siyang nagtanong, "May alam ka ba talaga sa programming? Sa dud ako ay hindi dahil hindi ganoon kasimple na ang PC management software ay magagawa sa loob ng limang araw, ng sarili mo pa. Alam mo ba kung gaano karaming oras ang kailangan para lamang makagawa ng isang simpleng anti-virus software? Kahit na may isang masigasig na grupo, tatagal ito ng maraming buwan. Ang programming ay hindi tulad ng paglalakad lamang sa parke kaya pwede bang tumigil ka na sa pagiging ignorante?"

Biglang bumunghalit ng tawa si Xia Zhi. Tinitigan siya ni Xiao Mo, madilim ang kanyang ekspresyon.

Hindi niya alam kung ano ang itinatawa ni Xia Zhi, pero ang pakiramdam niya ay pinagtatawanan siya nito.

Mayroon ba talagang sira sa ulo ang magkapatid na ito?

Ito ang kaisipang sumulpot sa utak ni Xiao Mo…

"Tama na iyan," saway ni Xinghe kay Xia Zhi, na nagpatahimik dito.

Hinarap naman niya si Xiao Mo, "Kesyo may paniniwala ka man sa planong ito o wala, ang trabaho mo lamang sa susunod na limang araw ay pagtuunan ng pansin ang mga asignaturang ibibigay ko sa iyo. Maaari mong ituloy ang sermon mo pagkatapos ng ikalimang araw."

"Pero…"

"Brother Xiao," sabad ni Xia Zhi, itinuro niya ang kanyang ulo at sinabi, "Huwag ka nang magsayang ng oras na makipagdebate sa ate ko, siya ay katangi-tanging likas na matalino sa departamentong ito."

Totoo nga, dahil ramdam din niya na may mali din sa utak nito!

Siguro nga ay may sayad ng asa utak si Xinghe, kaya nagagawa nitong makaisip ng mga plano katulad na lamang ng sinabi nito sa kanya.

At baka sinasakyan na lamang ito ni Xia Zhi.

Sa huli, nakapagdesisyon na si Xiao Mo na sakyan na lamang ang kagustuhan ng mga ito ng ilang araw tutal ay tinulungan naman siya ni Xinghe. Magigising din ito sa katotohanan kapag pumalpak na ang plano.

Ang isa sa mga katangian ni Xiao Mo ay ang kanyang abilidad ay ang pakawalan ang mga bagay na hindi mahalaga sa kanya. Mayroon siyang maliwanag na pananaw kung paano mabuhay.

Ito ang katangian na hinahangaan sa kanya ni Xinghe.

Kahit na pinagbibigyan lamang ni Xiao Mo si Xinghe, hindi niya pinabayaan na lamang basta ang kanyang mga asignatura.

Nangako siya kay Xinghe na tutulungan niya ito sa abot ng kanyang makakaya gamit ang lahat ng kanyang abilidad, kahit na naniniwala pa din siyang biro lamang ang lahat.

Itinikom niya ang kanyang bibig at nagtrabaho. Hahayaan na lamang niya na ang realidad ang magsalita para sa kanya, para patunayan kay Xinghe na ang plano niya ay kabaliwan at nakatakdang mabigo!

Pero… ipinakita sa kanya kung gaano kalaki ang kanyang pagkakamali!

Matapos ang isang araw ng pagtatrabaho kasama si Xinghe sa workroom, ganap na napabilib si Xiao Mo sa programming capability nito.

Kaya niyang magtrabaho gamit ang sampung super computers ng sabay-sabay, ang bawat isa ay may coding at may iba-ibang program.

Ang pinaka-nakakakilabot doon ay walang pagkakamali ito. Dumadapo siya sa mga computer tulad ng isang kaaya-ayang paru-paro, pero isa na may nakakatakot na husay at karunungan sa computer. Ang kanyang kahusayan at kasanayan ay mas mahusay pa kaysa sa isang specialized coding bot.

Sa sobrang galing niya ay nakakaya niyang masabi kung kailan matatapos ang testing ng isang program.

"Zhi, ready na si No. 3, tingnan mo na ito," sigaw niya habang nagtatrabaho sa Computer No. 7.

"Okay!" Magmamadali namang pumunta si Xia Zhi sa Computer No. 3 at makikitang tama ito.

Napatitig si Xiao Mo sa sindak kay Xinghe, tulad ng pagtitig niya sa isang halimaw.

Dinaanan siya ni Xia Zhi at sinabi, "Brother Xiao, hindi ba't sinabi ko na sa iyo? Ang utak ng ate ko ay kakaiba sa normal na tao."

Napakibot ng bahagya ang bibig ni Xiao Mo. Isa itong paraan ng pagsasabi.

Naiiba sa normal na tao? Hindi, ito ay lampas sa normal na tao!

"Sigurado ka ba na ang kapatid mo ay hindi isang nagpapanggap na alien?" Nagsususpetsang tanong ni Xiao Mo.

Ibinaba ni Xia Zhi ang kanyang boses at misteryosong sumagot, "Sa totoo lang, kahit ako ay nagtataka kung siya ba ay ang ate ko…"