webnovel

ANG MALAKING PAGBABAGO NI XIA XINGHE

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tulong?

Parang hindi ganoon ang dating kay Xinghe.

Napansin din ni Xia Zhi ang panlilibak sa mga salita ni Tianxin. Dahil sa kanyang kabataan, hindi niya naiwasang magkipagpalitan ng salita dito.

"Hindi naming kailangan ang pekeng tulong ninyo! Nakakaya namin, ng Xia Family, ang aming mga sarili ng walang tulong ninyo!"

May isa pang dahilan ng galit ni Xia Zhi.

Pagkatapos ng diborsyo kay Mubai, nasadlak sa depresyon si Xinghe.

Nawala ang kanyang mga ngiti.

Paanong hindi mawawala, sinong matinong ina ang papayag na iwanan ang kanyang anak kung hindi dahil sa matinding pressure dito?

Pamilyar si Xia Zhi sa ugali ng kanyang ate, alam niyang matiisin ito. Wala kang maririnig na reklamo mula rito kahit na nahihirapan na sila sa loob ng ilang taon.

Lalo lamang nitong ipinakita kung gaano ang hinagpis at sakit na nadarama nito mula sa kamay ng Xi Family.

Kaya natural lang kay Xia Zhi na magkaroon ng galit sa mga taong may relasyon sa Xi Family.

Hindi niya masikmura ang bagong trophy ni Xi Mubai.

Halata namang nandoon ang babaeng ito para hamakin ang kanyang ate kaya bakit niya ito bibigyan ng respeto?

Hindi binigyan ng pansin ni Tianxin ang binata, dahil ang kanyang target ay si Xia Xinghe.

"Xinghe, iyon din ba ang nararamdaman mo? Sinsero kaming naririto para bigyan ka ng tulong dahil ikaw ang nanay ni Lin Lin…"

"Tama na," biglang anunsiyo ni Xinghe. Ang kanyang tono ay kalmado pero kahanga-hanga.

Hindi na nakaimik pa si Tianxin.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang mga salita ni Xinghe at ang malamig na titig nito ang nag-pressure sa kanya na manahimik.

Akala niya ay nagtagumpay siya na mapainan si Xinghe.

"Xinghe, hindi ito ang oras para sa mga emosyon mo, isipin mo ang iyong tiyo…"

"Shut up," matigas na sabi ni Xinghe, "Hindi ikaw ang kinakausap ko."

"You…" namula sa galit ang mukha ni Tianxin at agad na makikita ang pagkamuhi sa mga mata nito.

Xia Xinghe, ikaw na buwisit, ano ang karapatan mo na pagsalitaan ako ng ganito?!

Agad na kinalma ni Tianxin ang sarili at nagkunwaring nasaktan sa narinig, "Xinghe, iniisip ko lang ang kapakanan mo."

"Hindi ka gustong kausapin ng ate ko, bingi ka ba?!" lalong nainis si Xia Zhi kada tumatagal ang oras na nakikita niya ang babaeng ito.

Ano ba ang nakita ni Mubai sa bobitang babae na ito?

Nawala na ata ito sa katinuan dahil ang babaeng ito ay wala man lamang sa kalingkingan ng ate nya!

Nagpasalamat pa si Tianxin sa pagsusungit ng binata sa kanya kaya lalo nitong pinag-igihan ang pagkukunwari nito na nasaktan at itutuloy pa sana nito ng magsalita na si Mubai, "Hindi ako narito para magbigay sa iyo ng kawanggawa, peke man o hindi."

Nakipagtitigan siya kay Xinghe habang nagsasalita siya.

Narating ni Mubai ang kanyang kinalalagyang pwesto sa propesyunal na mundo dahil marunong siyang kumilatis ng mga taong may talento.

Natahimik siya dahil nagulat siya sa laki ng ipinagbago ni Xinghe.

Maaaring hindi ito masyadong kapansin-pansin sa iba pero hindi para sa kanya.

Tahimik at hindi pa din ito palaimik pero dati ay tila walang buhay ang mga mata ni Xinghe, na para itong nabubuhay sa suspended reality.

Pero ngayon, mayroon ng buhay at kinang ang mga mata nito.

Napansin niya na ganoon din ang kinang ng mga mata ng mga matagumpay na indibidwal, ang mga taong nasa tuktok ng mundo.

Nakikita ito sa mga taong ipinanganak na matagumpay, na nagpapakita ng matinding determinasyon at hindi nagpapatalo.

Tila ba na ang pinakasalan niyang Xia Xinghe noon ay nahihimbing sa pagkakatulog at ang nakatayo sa harapan niya ngayon ay nagising na.