webnovel

Ang Kayabangan ni Yun Ruobing

Editor: LiberReverieGroup

"Finish line?" Tuya ni Xinghe. "Paano niya mararating ang finish line gamit ang isang depektibong produkto?"

Naalala ni Xia Zhi ang katotohanan na ang disenyo ni Ruobing ay isang peke.

"Pero hindi ba sinabi nila na nagtagumpay sila…"

"Tama siya kaya paano ito naging depektibo? Sinubukan nila ito at ang produkto ay mukha namang maayos," nalilito din si Luo Jun.

"Dahil sinabi ko." Kumpirma ni Xinghe ng may pinalidad.

Lubos na nagtitiwala sa kanya si Xia Zhi. "Ate, naniniwala ako sa iyo. Ang tunay na disenyo ay nasa iyo at ang nasa kanya ay depektibo!"

"Pero anong parte ito depektibo? Nakita ko na ang disenyo ng sarili ko at ito ay perpekto…" hindi pa din ito mapawalan ni Luo Jun.

Pinayuhan siya ni Xia Zhi, "Huwag mo nang problemahin pa iyon, manalig ka lang sa kapatid ko. Kapag sinabi niyang depektibo iyon siguradong depektibo nga 'yon. Hindi pa siya nagkakamali dati."

"…" May iba pa bang pagpipilian si Luo Jun.

Sa oras na iyon ay natapos na ni Xinghe na pag-aralan ang prototype ni Ruobing. Hinarap niya si Luo Jun at nag-utos, "Dalhin mo sa akin ang isa sa mga labs na gumagana at ikuha mo ako ng ilang mapagkakatiwalaang technicians at mga inhinyero; tatapusin ko ito sa loob ng isang oras!"

Gulat na gulat si Luo Jun.

Sa ospital, ang grupo ng mga siruhano na pinangungunahan ni Lu Qi ay nakahanda na.

Ang bawat miyembro ng Xi Family ay nandoon, kahit si Tianxin.

Ngayon ang araw ng operasyon ni Old Madam Xi; para sa XI family, isa itong napakahalagang araw.

Ang buong gusali ng pag-ooperahan ay isinara ng mga security guards. Ang mga taong walang kaugnayan sa operasyon ay hindi pinapayagang pumasok.

Ang lahat ay nagtipon sa isang malaking conference room na sinusuri ang artipisyal na human limb ni Ruobing.

Ang braso ay konektado sa isang control panel at ang ilang doktor ay sinusubukan ito sa pamamamagitan ng pagbibigay ng ilang mga utos.

Lahat ay napahanga sa husay ng braso…

Kung hindi nila alam na isa itong artificial limb, aakalain nila na isa talaga itong tunay na putol na braso.

Mukha itong tunay, sa panlabas na anyo!

Sa katotohanan, ang lab ng Xi Family ay naperpekto na ang pisikal na kaanyuan ng artificial limb technology. Iyon nga lamang, nagkukulang sila sa panloob na makinarya na maaaring magbigay buhay dito.

Ang disenyo ni Ruobing ay ang hinahanap nilang tagumpay. Ang kumplikado at panloob na mga technicality idagdag pa ang perpektong panlabas na kaanyuan nito ang nagbigay dito ng katunayan na hindi maikakaila.

Kapag ang isang artificial limb na ito ay nailagay sa isang tao, hindi agad malalaman ng madla ang kaibahan nito.

Kahit ang ilang mga doktor ay hindi makapaniwala. Ito ay isang teknolohiya na hindi nila inaasahang makikita nila sa kanilang buhay.

"Kamangha-mangha, talaga namang kahanga-hanga!" Isang matandang doktor ang humahangang napabulalas, "Ang disenyong ito ay talaga namang perpekto, na siyang magiging gabay para umunlad ang medical technology!"

"Tama, ito ang teknolohiyang yayanig sa mundo," Isa pang doktor ang dumagdag.

Nakaramdam sila ng karangalan na mabigyan ng pagkakataon na makasali sa kauna-unahang operasyon na ito.

Ito ang pinakamataas na karangalang posible para sa mga nasa larangan ng medisina.

Kahit si Lu Qi na labis na kilala sa larangan ng medisina ay talaga namang humahanga sa disenyo.

Tiningnan niya ng may paghanga si Ruobing, at pinapurihan na, "Miss Yun, isa kang henyo. Ang disenyo at produktong ito ay isang himala."

Lahat ay binigyan siya ng humahanga at sumasambang mga tingin.

Dahil dito ay lalong tumaas ang tiwala ni Ruobing sa kanyang sarili. Halos hindi na niya mapigilan pa ang kanyang kayabangan habang sumasagot siya ng hanggang kaya niyang maipon na kababaang-loob, "Masyado mo naman akong pinupuri, Doctor Lu. Siguro ay kaunti lamang ang pagiging henyo ko dahil ginugol ko ang maraming taon para makumpleto ang disenyong ito. Matagal akong tinatakasan ng tagumpay bago ko ito nakamit."

"Totoo na maraming ginugol na taon si Ruobing sa disenyong ito. Ang totoo, hindi ko inaasahan na makakamit niya agad ang tagumpay, kaya isa itong magandang surpresa…" masayang tumawa si Lolo Xi.